ELEVEN ^.^
ELEVEN ^.^
EDEN P.O.V.
“ok guys!! Makinig!!”- todo sigaw si Nikka sa harap kasi ngayon ang meeting namin para sa outing
“saan ba talaga tayo pupunta?”-Gie
“Wala pang exact place pero pinagiisipan namin kung sa isang resort tayo mag-stay para may rooms na din. Any suggestion guys?!!!!”
“Ako!!” ahahaha tama dun nalang!! Kasi may kamag-anak kami na may resort so maganda kung doon nalang.
“saan eden?” sabay-sabay naman silang lumingon sa akin
“makatingin naman kayo ehehehe…”
“SAAN NGA!!” bulyaw nila sa akin
“oo na eto na sasabihin ko na!! mga ATAT!!! May alam akong isang resort sa mga tita ko yun!!! Destiny Resort ang pangalan ng place”
“wooowwww ganda ng name!!!!”-Aila. Obviously classmate ko yun
“ yup maganda dun!! At … sakto pag nagpunta tayo dun makakasali tayo sa festival!!!”
“anong festival naman yun?”-Nikka
“kasi may parang laro na ewan tapos makikilala mo daw dun ang forever mo!!!”…
“eh uso pa ba yun?” hindi kumbinsidong tanong ni Gie.
“oo ginaganap yun every 2 years!! Tapos yun na.. Ewan ko lang kung ano ang manyayari sa festival kasi never pa rin ako umatend.” Nag-shine bright like a diamond naman ang mata ng mga girls sa amin at hindi naman maipinta ang mukha ng mga boys kasi alam nyo na mga k.j. hindi naniniwala sa destiny
“malayo ba?”-Nikka
“hmm…. 3 hours na byahe?” nagsilakihan naman ang mga mata nila
“3HOURS??? Eh wag na!”-Issa
“Ano ba naman kayo worth it naman nuh!! Kasi pagdating natin dun.. parang heaven sa ganda dun at madaming pogi dun!! ahehehe”
“ok guys mamaya na tayo aalis ahahahaha”-Aila
“baliw”- Nikka
Sa hinaba-haba ng diskusyon namin natuloy kami sa resort na sinabe ko at sa sabado kami aalis kasi one week kami dun.. Intrums kasi ng college eh wala naman kaming participation dun nag-ayos nalang sila ng gala.
Hay buhay hirap ng ganito palagi akong nagtatago alam nyo ba yung ganuong feeling? Kasi si Rodjie makulit hindi ako tinitigilan. Si Robie naman daig pa ang reporter kasi kapag nakikita nya ako sasabihin naman nya agad kay Rodjie magkapatid nga talaga. Si Robie inaamin ko naman na crush ko sya kasi mabait yun at palabiro tsaka may pagka-gentleman kaya nga tawag ko dun eh Kuyang Hand Sanitizer kasi nga yung Cr incident, secret na daw namin yun, kaso pakilamero lang at talagang mapilit kapag-katext ko yun laging topic namin si Rodjie pinipilit nya ang kapatid nya sa akin , kesyo ganun kesyo ganyan daw, churvalu chenes!!! Kaines!!
“Hi!!” ay nyemas!! Nahanap nanaman ako nito!!! Nagtago na nga ako sa gilid ng basurahan eh nakita pa rin ako?
“oh? Bakit?” pagtataray ko
“bakit ka nandyan? Baka ma-dengue ka dyan malamok dyan sa tabi ng basurahan!” kilala nyo ito ang aking greatest fear!!
“Ah wala trip ko lang sige alis na ako!!!” hmmmppp nagtanong pa malamang kaya ako nandun tinataguan ko sya… ewan ko ba dito bakit ayaw tumugil, tinapat ko naman na ayaw ko sa kanya! .. hindi sa minamasama ko ang pag-care nya sa akin pero ayoko lang talaga na umasa at ma-friendzone sya sa akin kaya minamarapat ko ng tapatin sya hanggang maaga!
Nag-diretso nalang ako sa c.r. ng makapag-ayos. Tumapat ako sa salamin at ginawa ang ritwal.. ng biglang dumating ang apat na babae na super ingay ng bunganga.
“Eh ano ang balak mo?”-g1
“syempre aawayin ko kapal kasi nya eh”-g2
“paano pag nalaman ni Rodjie?”-g3. Bigla akong napalingon sa kanila ng marinig ko yung pangalan ni Rodjie. Pero sila nandun lang sa pinto at hindi ako pansin natatakpan kasi ako ng cubicle. Nagtataka ba kayo kung paano ko nalaman na apat sila? Kasi sa reflection ng salamin.
“paano naman nya malalaman kung hindi kayo mag-susumbong!”-g2
“kilala mo ba yung babae?”-g4
“sa mukha lang pero hindi sa pangalan.”-g2
“anong year?”-g1
“tulad din natin first year”-g2. Bakit parang ako yung topic nila? Bigla naman akong kinalibutan nun. Narinig kong may pumasok na mag-kakaklase na ibang year kaya napuno ang C.R at nasik-sik ako sa gilid. May apat naman na babaeng tumapat sa salamin, siguro sila yun.. pinagmasdan ko silang mabuti at kinabisado ang tabas ng mukha nila. Pagmay nangyari sa akin alam nyo na kung sino! Isang pandak., isang clown, isang pato, isang baboy, yun ang itsura nila, maliit yung isa, ang kapal ng make-up ng isa pero lahat sila naka-make up talagang pinaka makapal lang talaga yung isa, isang maliit na payat pa., at isang lumba-lumba na!...
Ahehehehe ang sama mag-discribe pero yun ang totoo guys!! Nagsasabi lang ako ng pawang katotohanan…
Di rin nagtagal eh lumabas na sila kaya naman ako lumabas na din.. kung ako nga ang topic nila at kung may plano man silang gawin sa akin kailangan alert ako ngayon!!! Ma-text nga yung dalawa.
To: ISSA & GIE
Be ready to fight girls!! Sa tingin ko kailangan ang power puff girls anytime!!
Pagkatapos nun, dumiretso nalang ako sa next class ko kasi hindi pa confirmed kung ako nga ang target ng mga mukhang terorista na yun!!
Ang masasabi ko lang wag nila akong susubikan!! Kasi hindi ako papatalo!! ( - 0 -)/
HAAAAAAAAAAAAYAAAAAAAA!!!!!!
KRIING KRIING
Napahinto nalang ako ng may nag-text.
From: GIE
Why?!! Sinong itetegers natin?
From: ISSA
Always ready naman me!! Just call me and I’ll be there.
To: GIE & ISSA
I just smell something fishy!! Ihanda nyo na ang alcohol girls!!.. That’s all for now.. Ciao!!!
Dumaan ang lunch wala namang nangyari. Kahit na ang takbo ng pangyayare eh normal lang naman, si Rodjie lang ang weird kasi hindi na ulit sya nagpakita pa pero ok na din yun. And now palubog na ang araw kasi mahigit five na din ng hapon at nandito ako sa parking lot kasi hinihintay ko si Hubert ang aking dakilang driver, pero late na sya ng 30 minutes.
To: Kabayong Stranger
Hey! May balak ka bang sunduin ako? Anong petsa na!!
Hindi naman sya nag-reply kasi ni walang nag-vibrate. Nakakabwisit kung hindi naman sya darating mag-text sya hindi yung mukha akong tanga dito!.. G-R-R-R
“nakakainis yung kabayong yun!!!!”pinagdudut-dut ko yung picture nya sa isa kong cellphone kasi naka-wallpaper ang picture naming dalawa.
“E-Eden?....” haisss sawakas dumating..
“buti naman at ….. Rodjie?” nyemas naman hindi nga nagpakita ng lunch pero istorbo naman ngayon.
“wala pa ba yung sundo mo? Gusto mo hatid na kita?”-Rodjie
“ah… hindi na darating na yun.. sige mauna ka na”
“Ano bang problema Eden?” nakita kong nag-iba yung mukha nya.
“problema? wala naman” umupo ako sa gilid at tinalikuran sya
“EDEN!!!!” hinatak nya yung braso ko kaya napatayo ako.
“HOY ANO BA!! GAGIE KA PALA EH BAKIT MO AKO HINILA?” pinagpapalo ko yung braso nya pero hindi pa rin nya ako binibitawan
“alam mo hindi kita maintindihan!! Heto na nga ako ang lumalapit sayo pero ikaw naman itong may ayaw!”
“alam mo naman pala na ayaw ko eh! Ikaw ang hindi ko maintindihan kasi tinapat na kita sabi ko sayo ayoko diba? Kulit mo din eh!!”
“ayaw mo sa akin? Pero bakit? May nagawa ba akong mali, nasabe o kaya inasta na hindi tama?” nakita kong kumuyom yung kabila nyang kamay halatang inis na sya.
“Mali? Wala kang nagawang mali! Pero sa kilos at inaasta mo ngayon lalo kong ayaw sayo!!”pinipilit kong kumalas sa pagkakahawak nya pero hindi umuubra nararamdaman ko na din na namamanhid na yung kamay ko na hawak nya sa sobrag higpit na kapit nya.
“wala naman akong nagawang mali ha! Bakit ba ayaw mo talaga sa akin?” nakita kong umiiyak sya
“Rodjie please ayoko lang talaga hindi ko rin alam kung bakit pero…. Ano naman kasi ang magagawa ko…. H-hindi talaga kita gusto…” naiiyak kong sabe
“ bakit ba hindi mo talaga ako magustuhan? Dahil ba gusto mo si kuya?” naiinis na sya ramdam ko ang panginginig nya
“Walang kinalaman dito ang kuya mo!... si Hubert! si Hubert nag-dedate na kami kaya naman please tama na!!” hindi pa rin nya ako binibitawan pero nakita kong lumingon sya sa likod.
“Gag* ka!! Bitiwan mo si Eden!!” lumapit si Hubert at hinatak ako, masakit yung pagkakahatak nya sa akin.
“ Ikaw ang gag* pare! Alam mo namang nililigawan ko yan pinormahan mo pa!!” nakita kong parang nagulat si Hubert sa narinig nya kay Rodjie pero parang na-gets din nman nya agad.,
“ and so? Pwede ba wag mo akong ma-pare-pare ha!! Etong si Eden hindi kami nag-dedate lang girlfriend ko na to bobo!! Halika na!!” inalalayan nya ako papasok ng kotse nya nakita kong nakatayo lang dun si Rodjie ang titig nya at ang inasta nya kanina parang hindi kayang gawin ng matinong tao.. NAKAKATAKOT ….
Tahimik lang kami sa loob at walang imikan... ok nakokonsensya na ako pati sya nadadamay na sa gulo ko kay Rodjie
“hoy!/Uy!” natawa nalang kami ng magkasabay kami sa pag-sasalita
“s-sorry nadamay ka pa… s-sorry talaga!!” naiiyak na ako ,nakakatakot si Rodjie sobrang gusto ko ng umalis kanina dun para sya demonyo..
“ wag ka ngang umiyak ok lang yun. Tsaka sana nga tayo na” ngumiti sya ng magsalita sya pero hindi ko naman yun naintindihan
“ano?”
“wala!!!”
“May sinabe ka eh!!”
“wala nga kulit mo din nuh?? Tss… basta lagot sa akin yun pag nilapitan ka ulit..”
“nakakatakot sya daig pa nya ang lolo kona may itak..” ginulo lang nya ang buhok ko ng Makita nyang umiyak ako.at nakatulog na ako pagkatapos nun.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top