EIGHTEEN ^.^
“Nakakabwisit!”-Gie.
“Kasalanan niyo ito eh!”-Ara.
“Kami pa ngayon? Kayo ‘tong sumugod tapos sisihin niyo kami?”-Issa
“Bakit hindi ba? Mga feeling kasi kayo!” sabi nung matabang kasama ni Ara.
“Tumahimik ka! Piggy!!!”-Gie
“He mukhang bangkay!”- Sagot ni Taba kay Gie.
“Bangkay? Bangkay? Eh ano naman mahalaga tao hindi tulad mo BABOY!!”-Gie. Sagot ni gie habang nagpipigil hampasin yung kasama ni Ara.
“Tama na lalo tayong makakagalitan niyan eh!” saway ko
“Kasalanan mo din ‘to!” sabi pa nung isang kasama ni Ara na mukhang clown.
“Ako nanaman?? Sino bang obsess?” tsaka ko inirapan si Ara.
“Obsess? Ako? Hindi Ah!!!”-Ara. Tss baliw!
“Hindi daw.” Sabay-sabay naming sabing tatlo.
Tss… ganito po yan kasi. Ang hirap lang sa panahon ngayon uso na ang C.C.T.V. yun tuloy nalaman kung sino yung nag-away sa labas ng gate so napatawag kami sa guidance office. Kung kailan naman College naganito pa kami. Yan tuloy maglilinis tuloy kami ng C.R. tss… ang gandang parusa eh…
Nakita namin nag-daan si Rod. Tss. Bwisit to feeling gwapo ayun si Ara papansin naman. HOY WAG KANG MAYABANG BINASTED KITA!!!! Kapal nito kung hindi dahil sa kanya edi sana hindi ko nararanasan maglinis ng C.r.
“Kasi ang kire!” bulong ko nalang kasi gusto ko ulit ng round2 kay Ara.
“May sinasabe ka?”-Ara
“Meron bakit?” tinaasan ko nalang siya ng kilay at padabog na niligpit ang map na hawak ko.
“Tara na!” niyaya ko na yung dalawa.
“Saan kayo pupunta!” sabi ng apat na sabay-sabay pa.
“Aalis na bakit?”-Gie.
“Maglilinis pa tayo!”-Ara
“Maglilinis pa KAYO!!”-Issa
“Walang aalis!!” nagmamaktol na sabi ni Ara.
“WHATEVER LOSERSS!!!!!!!!!” tsaka kami umalis.
Edi magsumbong sila wafakels basta naiirita na ako sa pagmumukha niya ayoko sa kanya bwiset siya.
“Nakaka-stress.”-Issa
“Tara gala.”-Gie. Natingin naman kami bigla ni Issa kay Gie ng sabay. Si Gie nagyaya ng gala? PERSTAYM!!
“Oh bakit? Hindi ba kayo nababanas kasi pinaglinis tayo?” napa-ngiti nalang kami at gora na!!
******
Nahiga na ako sa kama ko pagka-uwi nyemas kasi kapagod mag-gala. Spell window shopping.? Maghapon kami sa Mall wala manlang kami binili. Eh sa wala kaming pera.
BOOOGSSSSHHH
“HOY!!!” biglang pumasok si Hubert sa kwarto ko at kung maka-hoy parang close kami ah.
“Anong hoy?” tinaasan ko siya ng kilay.
“Halika nga!” walang pasabi na hinatak niya ako palabas ng dorm. Nyeta naka-paa lang ako.
“Ano bang trip mo ha?” hinigit ko ang braso ko pagdating namin sa harap ng kotse niya,
“Nakakainis ka naman kasi!” pagmamaktol niya.
“Ano? Anong trip mo at naiinis ka?” bangag talaga to kahit kelan.
“Kasi naman…. Kasi……” pero nagkamot lang siya na parang may kuto.
“ANo nga?”
“tss…… wag na nga!!” tapos sumakay na siya sa kotse niya at iniwan ako dun nag-iisa.
“ANO BANG TRIP MO HA? KABAYO KA TALAGA!!! GRRRR!!!”
*****
Kahit badtrip ako kailangan kong pumasok. Hindi ako nakatulog kasi naman ano ba talagang gustong gawin ni Hubert kagabe? Tss.. kabanas hindi manlang kasi sabihin nlang.
“Oy!” bati sa akin ni Issa.
“tss.”
“Anung tss?”-Gie.
“Halika na nga!” tsaka ko sila kinaladkad papasok ng campus pero………
“GHAD GIRL!!!” napa-atras naman ako sa nakita ko.
“Ano to?” yun nalang nasabi ko.
“Abay parang nabagyo?”-Gie. Para talagang nabagyo. Ano bang meron?
“Diba picture mo yan Eden?”-Issa.
May isang malaking tarpaulin at may malaki kong picture. Profile picture ko yan sa fb eh.
“Buti walang design na ulap at kalapati nuh? …… ARAY bakit namamatok?!!”-Gie.
“Isip mo talaga ayos din ano?”-Issa.
Hindi ko nalang pinansin ang gulo ng dalawa. Nakatitig lang ako dun sa tarpaulin kasi naman ang nakalagay.
BELIEVE ME COZ I REALLY LOVE YOU EDEN!!!
May naka-set up na parang mini na stage. Pero parang nabagyo talaga. Bakit ganito parang inayos lang hindi naman nagamit?
“Dinala ka ba ni Hubert dito kagabe?” –Gie. Hubert? Hindi kaya ito yung gusto niyang sabihin kagabe?
“Inaya…… pero hindi niya…… parang……” hindi ko naman matuloy yung sasabihin ko kasi naman. Anong sasabihin ko na natorpe kasi?
“Baka natorpe!!!!” tumpak ka diyan girl. Natorpe sa akin yung kabayong yun?
“Di din.” Tsaka ako naglakad palayo.
Dis-appointed? Siguro nga kasi pinatunayan lang niya na hindi kaya ng dibdib niya ang pagtatapat. Ang pagiging totoo sa sarili. Gusto lang niya akong makitang kiligin hindi pa niya tinuloy.
Para saan pa at hahayaan ko siyang mahalin niya ako baka kung kailan gusto ko na siya tsaka naman siya sumuko. Ako lang din ang masasaktan. Hindi ko kailangan ng isang lalake na mas duwag pa sa akin. Takot na nga akong magmahal, tapos magmamahal pa ako ng duwag? Huwag na dibale nalang.
“Nasayang ang effort ni Papa Hubert!”-Gie. Naupo ako sa may gilid ng daan nakaka-stress..
“Ano kaya dapat ang nangyari kagabe nuh?” halata namang nagpaparinig yung dalawang ito eh.
“Baka kasi inaway nung isa?”-Gie. Kala mo naman hindi siya masungit nuh?
“Baka naman nagpaka-nagger nuh?”-Issa.
“Tumigil na nga kayo!!” napasabunot nalang ako sa buhok ko.
“May surprise pala siya hindi nalang siya nagdahilan. Nag-aya siya tapos iiwan niya ako dun mag-isa, para tinanong ko lang siya hindi naman niya tinuloy!”
“AYUN GUSTO PALA NIYA !!!!”-Gie & Eden.
“Sige mang-asar pa kayo!” binato ko ang bag ko sa kanila.
“AYIEEEEE GUSTO PALA!!!!”-Gie & Eden.
“SHADAP!!! Nakakainis naman kasing kabayong stranger yun eh!!” napa-sabunot nalang ulit ako.
“Bakit ka ba naiinis? Akala ko ba wala kang gusto dun ha? Tsaka anong kabayong stranger ka dyan?”-Gie
“Una kuyang hand sanitizer tas ngayon kabayong stranger naman?”-Issa
“Bakit ba? Yun ang gusto kong itawag sa kanya. Tsaka para siyang kabayo alam niyo ba na sinipa niya ang pride ko palabas ng outer space nung una kaming nagkita. Pinahiya niya ako sa mga kasabay ko sa jeep!! Yun ang dahilan bakit kabayong stranger!!!! Tapos ngayon pinahiya niya pa ako sa buong school. Nakakainis siya! Nakakabanas ang ugali niya. Nakakairita!!!!!” nagwawala na ko dun sa gilid ng daan wala na akong pake sa mga nag-dadaan edi dumaan sila daanan naman yun eh.
“Mahal mo naman”-Gie
“The more you hate. The more you love”-Issa.
“Tsaka pinahiya ka niya? Ang sweet nga niya sa lagay nay an eh!”-Gie.
“Pinangalandakan niya yung picture ko sa buong campus!!”
“Ewan ko sayo be. Halika na nga!!” tas naglakad na yung dalawa. Wala naman akong magawa kung hindi ang sumunod sa kanila. Baka malate pa ako dahil lang sa pag-iinaso ko sa buhay. Bigla namang tumigil si Gie sa paglalakad sa hinarap ako.
“Takot kang magmahal pero hindi ka naman takot maging Masaya. Ano kaya yun?” tas tumalikod na sya.
Ha? Ano daw? Naka-drugs ba yun?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top