Entry #11
Dear Someone,
Lumilipas ang bawat oras, bawat panahon
Hindi ko inakala na masasayang ang oras ko sa ganito
Puro balakid, ang daming pasangit
Sa bawat pagbukas ko ng libro na 'to
Nakikita ko kung gaano kasakit ang mayroon ang mundo
Hindi lang ako ang nakakaranas nito, maski ikaw na nagbabasa nito
Sa dami ng rason para ika'y masaktan ng todo
Sa daming bagay na humahadlang sayo
Tila'y parang kay bigat na dito sa puso
Ngunit, laging bumabangon upang ituloy ang laban na ito
Hindi mo man ako maintindihan,
Hindi ko 'man alam ang iyong nararamdaman
Ngunit, naniniwala akong kahit paulit-ulit tayong madapa
Lagi tayong magkakaroon ng rason upang mas maging malakas
Laging magkakaroon ng rason para humakbang sa lakad ng buhay
Mayroon tayong Panginoon,
Na patuloy na ipararamdaman sa 'yo na hindi ka nag-iisa
Buksan natin ang mata ng ating puso
Upang makita na nariyan Siya
Baka hindi lang natin nakikita.
Please, keep going. It's not easy, it will be more painful but trust me it will be worth it.
- Kish
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top