Passenger Seat
*Mielle's POV*
It's Thursday and it's the beast's rest day, so it's my rest day also. I've been practicing real hard for the charity performance and I can't afford to rest. So kahit nandito ako sa bahay, nagpa-practice pa rin ako.
I played the music and started dancing again. Hindi ko na alam kung pang-ilang beses ko ng inulit ang sayaw na 'to for this day and gahd! It's just 9 in the morning!
"I thought you hate dancing?"
I stopped and faced Alexandrei. He's already in his school uniform and is about to go to school.
"I do hate dancing" I answered plainly.
Naupo sya sa couch and tinignan ako.
"Bakit ka pumayag?" he asked.
"It's for charity, Alexandrei. Kahit pa ayaw ko ang pagsasayaw as long as I can help by dancing, I will" I answered.
I hate dancing. Noong bata ako parehong kaliwa ang paa ko, wala sa timing ang galaw ko at hindi ko masabayan ang music but then the witch wanted me to dance so I did.
"You're good at dancing" he said.
"Lahat naman ay pwedeng pag-aralan. The witch wanted this, so I did. I studied dancing just to please her" I said without looking at him and started dancing again.
"The 'witch' is your mom, my aunt and my dad's sister" He said.
Naiinis sya pag tinatawag kong witch yung mom ko. tsh. Well in fact he doesn't even know the main reason why?
"I know" I said.
Natahimik kami and all I can hear is the music. I know that he's still here, pinapanood ako. I stopped dancing and sighed.
"Aren't you going to school?" I asked.
"Bakit ka nag-apply for being his secretary?" He asked.
I'm glad na nakatalikod ako, hindi nya nakita ang reaction kong gulat na gulat dahil sa tanong nya. I put up a plain expression and faced him.
"I didn't know that I applied for being his secretary. Ang alam ko sa council ako magwowork at hindi sa beast na yun" I lied.
Alex passed my application form just so we can start the 'business.'
"Bakit kailangan mong magwork?" He asked.
Naiinis na ako, ang dami nyang tanong.
"Bakit ang dami mong tanong?" I asked plainly.
He was taken a back because of what I asked.
"Marami kang pera, you don't have to work" He said.
I sighed.
"Yung parents ko yung maraming pera, not me" I said.
He nodded and got up from the couch.
"Ah that's why you have your personal secretary slash lawyer slash accountant, kasi wala kang pera?" He asked.
I glared at him.
"Feeling ko nga, kaya mo ng magpatayo ng sariling company dahil sa dami ng pera mo" He added.
I rolled my eyes at him at nagsimulang mag-stretching para hindi sumakit yung binti ko.
"I'm not interested in building my own company, Alexandrei" I said.
Natawa sya.
"Yeah, right why build a company when you can buy one?" He asked.
"Shut your mouth, Alexandrei. Wala akong pera" I said.
He laughed and raised his hands as if he surrenders.
"Any plans for today?" He asked.
"Pupunta ako sa mall" I said.
"Anong gagawin mo dun?" He asked again and it's annoying!
"Ano bang ginagawa sa mall?" I asked.
He just shrugged.
Damn it! Alexandrei acting up like my older brother kahit mas matanda ako sa kanya!
"Bibili ako ng damit, kakain baka manood din ako ng sine" I said.
"Wala kang kasama" He said.
My forehead creased. Kailangan bang may kasama ako?! ano ako bata?!
"I can handle myself" I answered plainly.
"Magpasama ka kay Clyde, wala naman kayong pasok ngayon" He suggested.
Araw araw ko ng nakakasama yung beast na yun, give me a break! Bukod sa iniisip ko yung charity performance, iniisip ko din yung 'business' namin. Damn it! Wala akong makitang babaeng pwede kong ireto sa beast na yun!
Hanggang ngayon, iniisip ko pa din kung gagawin ko nga yung gusto nilang mangyari.
Make that beast fall for me.
I admit, mas madali yun kesa sa maghanap pa ako ng babae, because first of all wala akong kakilalang babae sa school bukod kila Nadia, second obvious na obvious na gusto pa rin nung beast si Arielle and lastly, napaka-choosy nya sa babae!
"Hey"
"What?!" inis na tanong ko.
"Chill. Kanina ko pa sinasabi na pwede mong isama si Clyde." He said.
"It's his rest day. Kailangan nyang magpahinga dahil marami syang gagawin bukas" I said.
He smirked at me. Napaka malisyoso!
"You cared for him" he said unbelievingly.
"I'm his secretary and it's a part of my job to take care of his schedule, not him and based on his schedule for today, it's his REST day" I said.
"Ok haha, I'll go ahead" natatawang sabi nya.
"Bye" I said.
"Ingat ka, mag-taxi ka na lang papuntang mall. Don't you dare use that motorcycle" He said.
I rolled my eyes.
Of course! Bibili ako ng mga damit. Saan ko naman ilalagay yun kung magmomotor ako?! tsh.
He left and then naiwan na naman akong magisa. Naligo na din ako para makapunta sa mall at para maaga din akong makauwi.
I stared at my closet and sighed. Wala na talaga akong matinong damit. I grabbed a denim shorts tapos kinuha ko yung school shirt ko.
"I look plain" I said as I stare at my reflection in the mirror.
I sighed.
Sa mansion, mas malaki pa sa kwartong 'to yung walk-in closet ko, punong-puno yun ng mga designer clothes, bags and shoes. Hindi ko na kailangang magpunta ng mall dahil yung mga designer mismo ang nagpupunta sa mansion para dalhan ako ng bagong damit.
Kinuha ko na yung sling bag ko at lumabas ng kwarto, hindi na ako nag-sneakers, tinatamad ako.
Nakita ko na naman yung reflection ko sa glass wall ni Alexandrei. Mukha akong pupuntang palengke. Lumabas na lang ako at naglakad papuntang main gate then sumakay sa taxi.
"Manong, sa pinakamalapit na mall po" I said.
Hindi pa naman ako masyadong familiar sa mga malls dito, kaya yung pinakamalapit na lang yung pupuntahan ko. Wala pang 20 minutes nasa mall na ako—isang hi-end mall.
Inabot ko na yung bayad at bumaba na. Mula sa labas kitang kita ko ng puro branded yung mga binebenta dito. Kitang kita ko rin yung mga bihis ng mga nagpupunta dito, puro pang sosyal.
I don't know what to feel. Natatawa ako sa itsura ko at sa mga tingin nila sa akin. It's as if their eyes are saying that I do not belong here.
Judging me by my looks and the way I dressed. Tsh. Judgmental people, they didn't know that I can actually buy this entire mall if I wanted to.
Pumasok na ako sa loob, hindi ko na lang pinansin yung mga tingin nila sa akin. Konti lang yung tao and I do noticed that they were all eyes on me.
I scan the mall, searching for the department store although I can afford to buy a designer brand, I chose not to, mas gusto ko yung mga simpleng shirt lang.
I continued walking and as usual they kept on eyeing me, naiinis na ako. Kulang na lang na sabihin nilang "hindi ka pwede dito", "you cannot afford a designer brand", "dapat sa tiangge ka na lang nagpunta"
"Hanggang dito sa mall ba naman susundan mo ako?"
Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko. I completely know who owns that voice. I raised my eyebrows as my eyes met his'.
"Kung titignan mo, ikaw yung mukhang sumusunod sa akin dahil nasa likod kita, stupid" I said.
He glared at me.
"Hoy! Bakit ganyan ka makipagusap sa akin? ako ang president at ikaw ang secretary ko" he said, mukhang naiinis na.
I stared at this beast.
"As far as I know, wala tayo sa school and today is our rest day" I said.
Hindi na sya nakasagot kaya naman tinalikuran ko na sya, akala ko pa naman matatapos ang araw na 'to ng hindi ko sya nakikita but I was wrong.
"Oh my god, Clyde!"
Tsh! May kasama pala syang babae tapos nilapitan pa ako?! mukhang hindi na kailangan yung 'business' namin, he can meet with all the girls he wanted.
"Make him fall for me? I don't think I have to" I whispered.
"Cutiepie!" He shouted.
Ha! What an endearment!? Ang pangit! Yun pa yung naisip nyang tawagan nila nung babae nya. Cutiepie my ass, walang kwentang endearment. I continued walking at medyo binilisan ko pa.
I will talk to Alex about the 'business' walang problema sa akin kung ibabalik ko yung motor. Mukha namang ok na yung beast at may pa cutiepie ng nalalaman.
"Cutiepie wait for me" He said.
Wtf?! Ang pangit pakinggan! It's so lame!
"Cutiepie, I'm sorry" He said.
I froze as I felt his arms gently wrapping around my waist.
WHAT THE HELL?! HE'S BACK HUGGING ME! THE BEAST IS BACK HUGGING ME!
"Cutiepie, sorry na kasi" He said habang dahan dahan nya akong hinaharap sa kanya.
Gusto kong masuka at mandiri sa 'Cutiepie' na sinasabi nya but I kept a blank expression. Napansin ko yung babaeng nakasunod sa kanya kasama ng isang lalake, I think it's her boyfriend.
Tinitigan ako nung beast at pinanlakihan pa ako ng mata as if he's saying that I need to ride along.
"Cutiepie, bati na tayo. I'm sorry" He said sincerely. Damn he's a great actor!
I sighed.
"Fine" I said.
He smiled at me at niyakap ako. wtf?! He does know that we're in the mall and a mall is a public place where people are and people have eyes! THEY HAVE FREAKING EYES! AND THOSE EYES ARE WATCHING US!
"I'm sorry Cutiepie" He said, again at naiinis na ako.
I gently pushed him away at pinagpagan yung shirt kong mukhang nagusot dahil sa higpit ng yakap nya.
"You don't have to say it again and again. It's annoying" I said plainly.
He pouted.
HE POUTED! AND IT'S ANNOYING! ANG SARAP NYANG SIPAIN SA MUKHA!
"Galit ka pa eh" He said while pouting.
"I'm not" I said while I kept on hiding my disgust for him.
"Weh?" He asked.
I nodded.
"Are you sure Cutiepie? I'll buy you pizza later, basta bati na tayo?" He asked again.
He said the magic word at parang nagutom ako bigla.
"Yes, I'm not mad at you, My Pizzapie" I said.
His forehead creased. Gusto kong matawa sa reaction nyang mukhang diring-diri dahil tinawag ko syang 'My Pizzapie'.
Niyakap nya ulit ako at nakita kong nandun pa rin yung babae kasama nung boyfriend nya. If I'm not mistaken sya yung babaeng nakita namin noon sa gasoline station na fling ng beast na 'to.
"'My Pizzapie'?! Where the hell did it come from?" He whispered. Halatang naiinis.
Kinurot ko sya sa tagiliran nya. Mas nakakadiring pakinggan yung 'Cutiepie'
"Bati na tayo, My Pizzapie" I said and smiled at him.
He froze at napaiwas ng tingin. Hinarap namin pareho yung babae pati yung boyfriend nya.
"Lira" the beast said.
"You're still together" Lira said na para bang hindi makapaniwala.
"Of course" the beast said.
"At mukha ka pa ring katulong" Lira said habang tinitignan nya ako mula ulo hanggang paa.
I smiked at her. She's wearing a little black dress that perfectly hugs her body and a pair of black pumps. Btch.
"Oh meet Nash, my new toy" She said proudly.
"Is that so?" the beast asked.
Napakapit naman si Lira sa braso nung 'new toy' nya at ngumiti.
"Bagay kami di ba?" She asked.
"Bagay na bagay" I said.
She laughed.
"Hindi kayo bagay ni Clyde" She said.
"Lira" the beast said in a warning tone.
"What?! Look at her, mukha talaga syang katulong. Bihis na bihis ka tapos sya ganyan lang ang suot" natatawang sabi ni Lira.
Ha! Mas maganda pa sa kanya yung mga katulong ko sa mansion.
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nung beast sa bewang ko. Napatingin ako sa kanya. Mas mukha pa syang naiinis kesa sa akin.
He smiled at tinignan nya yung Nash.
"Ano ngayon kung mukha syang katulong? Kahit pa hindi sya maligo at kahit magsuot pa sya ng basahan—sya pa rin yung pinakamaganda sa paningin ko, sa paningin ng lahat at sa paningin ng boyfriend mo" The beast sincerely said then he smirked.
Nagulat ako sa sinabi nya, I wasn't expecting him to defend me and I wasn't expecting him to say those things quite out loud, alam kong maraming nakarinig sa sinabi nya.
So he did notice that Nash is stealing glances at me.
"A-Ano? H-Hindi sya k-kagandahan. Mas m-maganda s-si Lira" Kinakabahang sabi nung Nash.
Lira is already glaring at her new toy. The beast laughed.
"Sige nga, titignan mo sa mata yung girlfriend ko at sabihin mong pangit sya. Bro, if stealing glances is a crime, I'll make sure that you will rot in jail. Better keep your eyes on your girl and not on what's mine, understood? And for the record my girl is much more beautiful and hotter than yours." The beast said in a serious tone.
I'm speechless. It's still an act though pero parang totoo? He's really defending me from Lira.
"And you" sabi nya kay Lira at napatingin naman ito sa kanya.
"Hindi pa sya nagaayos pero maganda na sya. Wag mo ng hintaying magayos pa sya dahil may mas igaganda pa sya kesa sayo. Baka kapag nagayos sya at pinagtabi kayo ikaw ang mag mukhang katulong" he said.
I wanted to laugh because of what the beast said and the facial reaction of Lira was priceless.
"Ha! How dare you?" naiinis na tanong ni Lira.
The beast smirked.
"It's nice to see you again, Lira" the beast said.
Lira just glared at him.
"Cutiepie, bid your goodbyes. Ayokong masira nila yung date natin" the beast said.
I nodded.
"We have to go, don't worry the next time you'll see me, I'll make sure na hindi na ako mukhang katulong at masasabi mo na ring bagay na bagay kami ng Pizzapie ko" I said.
Inis na inis na sya.
"Ugh!" she said tapos tinalikuran na kami.
Naiwan kami nung beast at nakahawak pa rin sya sa bewang ko. Damn it!
"You can let me go now, Pizzapie" I said.
Bigla nya akong tinulak palayo sa kanya. Bastard!
"Nakakadiri" He said.
I rolled my eyes at him.
"Mas nakakadiri yung cutiepie mo" I said.
He glared at me.
"Dyan ka na nga" he said.
"Wait!" I said then sumunod sa kanya.
"What?" He asked.
"Sabi mo ililibre mo ako ng pizza?" I asked.
Natawa sya, sarcastically.
"At naniwala ka naman?" He asked.
I glared at him. Better don't mess with me especially when I'm hungry.
"Ililibre mo ba ako? or may sasabihin ako kay Alexandrei na hindi dapat sabihin?" I asked as I fished my phone out of my pocket.
His eyes wided at inagaw nya yung phone ko.
"Hey!" I shouted.
"Anong sasabihin mo?" He asked.
I stared at him.
"That you're still in love with his girl" I said.
I know it's bad—blackmailing is bad but making me hungry is not a good thing.
He sighed and then binalik nya yung phone ko.
"Tara" he said.
Nagpunta kami sa Shakeys at nagorder sya ng isang family size pizza, isang basket ng mojos and chicken at milkshake.
Talagang gutom na gutom na ako because I haven't eaten breakfast yet. I don't care if I'm acting all un-lady like, to hell with that! Gutom talaga ako!
Nakailang slices na ako pero yung beast isa pa lang yung nakakain. Pinapanood nya lang ako and I don't give a damn!
"So nagagandahan ka pala sa akin?" I asked.
*coughs...coughs*
"A-Ano?!" He asked.
He's stuttering.
"You said this and I quote "Ano ngayon kung mukha syang katulong? Kahit pa hindi sya maligo at kahit magsuot pa sya ng basahan—sya pa rin yung pinakamaganda sa paningin ko, sa paningin ng lahat at sa paningin ng boyfriend mo"" I said.
*coughs...coughs*
Inabutan ko sya ng milkshake. Pinigilan kong matawa and I maintain a serious face.
"You also said this and I quote "Sige nga, titignan mo sa mata yung girlfriend ko at sabihin mong pangit sya. Bro, if stealing glances is a crime, I'll make sure that you will rot in jail. Better keep your eyes on your girl and not on what's mine, understood? And for the record my girl is much more beautiful and hotter than yours."" I said.
"Sinabi ko yan?!" He asked.
I stared at him blankly. Ano? mukha bang gawa gawa ko yun?
"Dapat ba nirecord ko?" I asked plainly.
"Ikaw ba yun ha?" He asked.
"Ah so kanino mo sinabi yun kanina? You're with me. May kasama ka bang hindi nakikita ng normal na tao?" I asked.
Napapansin kong nagiging stupid sya pag kasama nya ako. seriously?
"B-Bakit? Girlfriend ba kita?" He asked.
Lord, please forgive my soul. Gustong gusto ko syang batukan.
"Cutiepie nga di ba? Girlfriend mo ako" I said in a serious tone.
Gulat na gulat na naman syang tumingin sa akin. Hay beast, your reactions are making me want to continue that 'business'.
I didn't know that I have this effect on you.
"Girlfriend mo ako kanina" I added.
*coughs...coughs*
Matanggal sana yung baga nya sa kakaubo nya. Natahimik kami, kain lang ako ng kain.
"Saan naman nanggaling yung Pizzapie mo? Ang baduy" He asked.
"Quits lang tayo, ang baduy din ng Cutiepie mo" I said then I rolled my eyes at him.
Tinapos ko na yung pagkain ko at tumayo na. Tinawag naman nya yung waiter para sa bill.
"Thanks for the treat, Pizzapie" I said then I left.
I glanced at wristwatch, ang bilis ng oras! Hindi ko pa nabibili yung mga dapat kong bilhin! Damn it!
I blame it all on that beast!
*Clyde's POV*
Hindi ko alam kung bakit nagmamadali akong tumayo at sumunod dun sa devil na yun.
"Wait" I said.
She stopped and stared at me.
"Look, Mr. President. May iba pa akong kailangang gawin, I have to go" She said.
"Ano bang gagawin mo?" I asked.
She stared at me blankly and it's making me feel uneasy.
"You better go home and get some rest, marami kang gagawin bukas" She said.
Kanina lang kung ano-ano yung sinasabi nya tapos biglang syang nagseryoso ngayon. Damn it! She's so unpredictable.
"Ayoko ng walang ginagawa, sasamahan na kita" I said.
Sinabi ko ba yun?!
What the hell!? Bakit ko naman sasamahan yung devil?! What's gotten into me!?
Sinamaan nya ako ng tingin.
"Inutos ba ni Alexandrei na samahan mo ako?" She asked.
Wala sa sarili akong napatango.
"tinawagan nya ako kanina, nagkataong nandito din ako sa mall kaya naisip kong pagbigyan si Drei" I lied.
What the hell am I doing?!
Ayoko naman kasi talagang magstay sa mansion, ang boring. Kaya nga nandito ako sa mall eh, makikipagkita sana ako sa kaklase ko nung highschool kaso inindian ako nung loko.
"Tsh" she said.
Tinalikuran nya ako at nagsimula na syang maglakad, sumunod naman ako sa kanya.
Pumasok kami sa department store at namili sya ng mga shirt nya, hindi man lang tinitignan yung design basta medium size yung shirt kukunin na nya. Kumuha din sya ng shorts and pants.
"Hindi ka bibili nito?" I asked habang pinakita ko yung white dress.
"I don't wear dresses" she answered.
Patuloy sya sa pagkuha ng mga shirt at hoody. May kinausap pa syang saleslady, na kanina pa sya hindi pinapansin.
"Excuse me, Excuse me? Damn it" mahinang sabi nya.
Nakita ko yung pagbuntong-hininga nya. Lumapit na ako at tinawag yung saleslady na busy sa pakikipagchismisan.
"Miss?" I said.
Humarap sya sa akin at napatingin sa devil na to. Nagpalipat-lipat pa sya ng tingin sa aming dalawa.
"Kanina ka pa tinatawag ng kasama ko pero hindi mo pinapansin, is there any problems?" I asked.
Napayuko sya.
"A-Akala ko po k-kasi hindi s-sya bibili" nahihiyang sagot nya.
Inassist na nya yung devil at binigay yung shirt na gusto nya. Nang makuha na nya ito, lumapit na sya sa akin.
"Damn that saleslady" mahinang sabi nya sa sarili nya.
Inis na inis habang tinutulak yung push cart nya na puro damit.
"Mukha ka kasing katulong, kaya akala nya hindi ka bibili" natatawang sabi ko.
"Bakit pa ako pupunta sa mall kung wala naman akong bibilhin?" naiinis na tanong nya.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na syang napairap dahil sa saleslady na yun.
"Bakit kasi ganyan yung suot mo? Hi-end mall 'to, malamang puro mga sosyal nagpupunta dito, hindi sila sanay na mag-assist sa mga mukhang katulong" pang-aasar ko pa sa kanya.
She glared at me. Sobrang sama ng tingin nya sa akin akala mo may laser sa mata nya at handa na nya akong patayin.
"Sorry, hindi ko alam na may dress code pala dito. Tsh judgmental people" She said.
"Mag-ayos ka kasi, bumili ka ng dress or kahit anong matinong tignan na damit" sabi ko.
She rolled her eyes at me.
"Hindi ba matino yung suot ko?!" naiinis na tanong nya.
"Hindi" sagot ko.
Nilampasan nya ako at nagpunta na sa cashier, sinundan ko naman sya. Padabog nyang pinatong yung basket sa counter. Napatingin naman sa akin yung cashier.
"Sir, cash or card?" tanong nya sa akin.
Akala ba nya ako magbabayad nito?!
Dahan dahan akong napalingon sa devil na 'to, kung nasa anime lang kami sa palagay ko nababalutan na sya ng itim na aura at ready ng i-kame hame wave yung babae.
She sighed.
"Card" sabi nya sa babae.
Gulat namang napalingon yung babae sa kanya.
"P-Pardon?" tanong nung babae sa devil.
"I said CARD" sagot nung devil at inabot yung card nya.
Gulat na gulat naman yung babae nung makita yung card nung devil.
"I-I'm s-sorry ma'am" sabi nya sa devil at nahihiyang kinuha yung basket tsaka iniscan ng iniscan yung mga damit.
Napatingin naman ako sa card ni devil at gulat na gulat din ako ng makita yun.
What the hell?!
Isang prestige card yung binigay nung devil, hindi ka basta bastang pwedeng makakuha nung ganoong card dahil tinitignan din ng bank yung income mo. And damn it! Student pa lang sya! Si mom nga hindi makakuha ng ganoong card tapos yung devil meron!?
"Ms. Mielle, here's your card" sabi nung babae habang inaabot yung card pati yung mga paper bag.
At nakapangalan talaga sa kanya, hindi sya extension ng card ng parents nya.
"Tara na" she said.
Sumunod naman ako sa kanya. Naglalakad kami pero hindi kami naguusap, ang tahimik kaya naman rinig na rinig ko yung bulungan ng mga saleslady.
"Grabe ang gwapo nya"
"Girlfriend nya kaya yung kasama nya?"
"Hindi no! Katulong nya yan, tignan mo bitbit nya lahat yung mga pinamili nung gwapo"
Agad ko namang kinuha yung mga paper bag nung devil.
"Akin na, akala nila katulong kita" I said.
Binigay naman nya sa akin yung paper bag at sabay kaming naglakad. Lumabas na kami sa department store pero huminto ako sa harap ng forever 21 kaya napatigil din sya.
"What?" tanong nya.
"Bumili ka ng damit dito, dress or skirts. Palitan mo yang suot mo" utos ko.
She stared at me na para bang isa akong alien.
"Why would I do that? Bakit ako magddress? And besides ano namang alam mo sa mga damit na pangbabae?" she asked.
Bakit nga ba?
"Para hindi ka masabihang mukha kang katulong. Mukhang maganda naman yung mga damit dito dahil madalas dito bumibili ng damit si Arielle" I said.
Natigilan sya.
"Wala talagang araw na hindi mo nababanggit yung pangalan nya. Tsh stupid" she said.
Nagulat ako sa sinabi nya.
"Sana sinabi mo na lang na gusto mo akong makitang naka-dress" she added then naunang pumasok sa loob.
Anong gusto? Asa! Wala akong pake kung magdress sya dyan or kahit mag-gown pa sya.
Naupo ako, at pilit na inaalala yung mga sinabi nung devil.
"Wala talagang araw na hindi mo nababanggit yung pangalan nya. Tsh stupid-- Sana sinabi mo na lang na gusto mo akong makitang naka-dress"
"Wala talagang araw na hindi mo nababanggit yung pangalan nya. Tsh stupid-- Sana sinabi mo na lang na gusto mo akong makitang naka-dress"
"Wala talagang araw na hindi mo nababanggit yung pangalan nya. Tsh stupid-- Sana sinabi mo na lang na gusto mo akong makitang naka-dress"
Ako lang ba? Or talagang may nakita akong lungkot na dumaan sa mata nya? Napailing na lang ako. kung ano-ano naiisip ko.
Napatayo ako nung makita ko syang lumabas sa fitting room, parang hindi sya yung devil na kasama ko kanina. Hindi ko alam na gaganda pa sya lalo sa simpleng pagsuot nya ng dress. Kahit magulo yung pagkakatali nya sa buhok nya ay maganda pa ring tignan.
"Sya na yan Clyde, yung babaeng babaeng gugulo ng mundo mo"
"Sya na yan Clyde, yung babaeng babaeng gugulo ng mundo mo"
"Sya na yan Clyde, yung babaeng babaeng gugulo ng mundo mo"
Napailing na naman ako ng bigla kong maalala yung sinabi ni Arielle sa akin noon. Noong araw na may muntik akong mabanggang bride at nung araw na nakita ko yung devil sa kusina ni Drei habang may kagat-kagat na apple.
Natawa na lang ako.
Napatingin na lang ako sa devil , humarap sya sa cashier at kinuha yung ilang paper bag, dun ko napansin na medyo may pagka-backless yung dress nya, kitang kita yung likod nya dahil nakatali yung buhok nya.
"Mukha pa rin ba akong katulong?" tanong nya habang papalapit sa akin.
"Oo, pero somehow nagmukha ka ng tao" I answered.
She rolled her eyes at me.
Baka pag sinabihan ko syang maganda, biglang yumabang kaya wag na lang.
Nauna syang naglakad kaya naman mabilis kong hinila yung tali sa buhok nya.
"What the—"
"Ang pangit ng likod mo, ilaylay mo lang yung buhok mo" I said tapos inunahan ko syang maglakad.
Mayamaya lang sabay na kaming naglalakad, napapansin ko yung mga matang napapalingon sa gawi namin.
"Uuwi ka na ba?" tanong nya sa akin.
"Kung uuwi ka na uuwi na din ako" I answered.
Naglakad kami ng naglakad hanggang sa pinaupo nya ako sa bench.
"Stay here" she said tapos iniwan nya ako.
Lakad takbo sya habang papalayo sa akin pero nakasunod pa rin sa kanya yung mga tingin ng mga lalake. Tsk! Halos mabali na yung leeg nila sa kakalingon nila sa devil na yun. Mukhang mas ok kung hindi ko na lang sya pinilit na magpalit ng damit.
Nilabas ko yung phone ko at nagscan na lang sa facebook.
"Ang ganda nung chick sa ice cream shop, tinanong ko yung name pero ang sagot nya 'I'm not interested"
"Yun ba yung gray yung buhok?"
"Oo, grabe para syang anghel dahil sa white dress nya. Single pa kaya sya?"
"Not interested nga eh"
"Bro, ayan na sya"
Nagangat ako ng tingin at nakita ko yung devil na naglalakad papalapit sa akin. Nilampasan nya lang yung mga lalake kahit napansin nyang mukhang kakausapin sya. hahaha
"Ice cream" sabi nya tapos naupo sa tabi ko.
"salamat" I said.
"Uuwi na ako pagkakain ko nito" she said.
"Dala mo yung sasakyan mo?" I asked.
Umiling sya.
"Magtataxi ako pauwi" she answered me.
Napalingon ako sa kanya.
"Ihahatid na kita" I said.
Nagtama yung mata namin, bahagya pa syang ngumiti at tumingin ulit dun sa ice cream nya.
Damn it! Hindi ko nakita!
"Sige, hindi na ako tatanggi dyan, sayang pera pamasahe. Nasa isang village lang naman tayo" she said.
Tinapos nya yung pagkain ng ice cream at binigay sa akin yung baso.
"Anong gagawin ko dito?" tanong ko.
"Itapon mo" utos nya.
Ang kapal nyang utusan ako.
"Thanks" sabi nya at basta na lang kinuha yung kamay ko at nilagay yung baso dun.
I sighed at inabot ko sa kanya yung susi ko.
"Ipakuha mo sa valet yung sasakyan ko, magccr muna ako saglit" I said.
Iniwan ko na sya dun at pumasok ulit sa loob ng mall, binilisan ko na yung lakad ko at baka biglang mainip yung devil at itakbo yung sasakyan ko.
Paglabas ko, wala na sya sa bench.
"Nasan na yun?" mahinang tanong ko sa sarili ko.
*Beep! Beep!*
Napalingon ako sa familiar na busina na yun at nakita kong nasa driver's seat yung devil. Lumapit ako sa bintana pero hindi nya binaba yung salamin so no choice ako kaya sumakay na ako sa passenger seat.
"Bakit nandyan ka?" I asked.
"I let you drive my bumblebee, before. Quits na tayo" she said tapos pinaandar na yung sasakyan ko.
Sobrang tahimik namin kaya binuksan nya yung radio.
"I look at her and have to smile"
Agad ko namang pinatay dahil sa kantang nagpplay.
Yung kaninang katahimikan nahaluan ng awkwardness. Hanggang ngayon ayoko pa ring marinig yung kanta na yan. Naiinis pa rin ako at nasasaktan.
"Paano ka makaka move on kung iniiwasan mo?" she asked out of the blue.
"A-Ano?" kinakabahang tanong ko.
"Yan, acting all stupid kahit narinig mo naman ng maayos yung sinabi ko" she said plainly.
Natahimik kami. Bigla syang napahampas sa manibela dahil nastuck kami sa traffic.
"Ayoko lang marinig ulit yung kanta" I said.
"Ang bitter mo, ang ganda ganda ng kanta dinadamay mo sa kadramahan mo" she said.
Inis akong napalingon sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa kanya, though hindi naman tanong yung huling sinabi nya.
"Hindi sya maganda" I said.
"Maganda sya pero pumangit lang dahil may naalala kang pangit na memory sa kanta na yan" she said.
She's right.
Hindi na ako naka-imik dahil sa sinabi nya.
"Tsh, lahat naman ng pangit pwede pa ring gumanda and even the memories can be changed" she said.
Naguguluhan ako sa sinasabi nya.
"Anong sinasa—"
"I look at him and have to smile
As we go driving for a while"
She's singing! She can sing!
"His hair blowing in the open window of my car
And as we go I see the lights
Watched them glimmer in his eyes
In the darkness of the evening"
Her voice, it sounds so sweet. Effortlessly singing na para bang nagsasalita lang sya. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Dapat naiinis ako dahil kinakanta nya yung pinakaayaw kong kanta.
But something in me—something inside me that makes my heart flutter.
"And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh, and I can't keep my eyes on the road
Knowing that he's inches from me"
Kumakanta sya at nakatingin lang ako sa kanya. Plain lang yung expression nya, tinatap din nya yung daliri nya sa manibela.
"We stop to get something to drink
My mind clouds and I can't think
Scared to death to say I love him"
Parang huminto ako sa paghinga dahil sa lyrics na yun. Kabisado ko yung lyrics pero nung kinanta na nya parang eto lang yung unang beses na narinig ko yung kanta at nagulat pa ako sa lyrics.
*dug...dug...dug...dug*
"Then a moon peeks from the clouds
Hear my heart that beats so loud
Try to tell him simply"
Napakaganda ng boses nya, hindi ko alam na kumakanta sya. Seryoso? ano pa ba yung kaya nyang gawin?
"Sya na yan Clyde, yung babaeng babaeng gugulo ng mundo mo"
Paulit ulit kong naririnig ang boses ni Arielle na sinasabi yan and at the same time rinig na rinig ko boses nung devil.
"And I've got all that I need
Right here in the passenger seat"
Humihina na yung boses nya pero rinig na rinig ko pa rin at ayoko syang tumigil sa pagkanta. I just want to hear her sing! I don't want her to stop kahit paulit ulit nyang kantahin yan as long as sya yung kumakanta it's fine by me.
What was I thinking?!
"Oh, and I can't keep my eyes on the road
Knowing that he's inches from me."
Silence—a deafening silence filled the corners or my car. Hindi pa rin naalis yung paningin ko sa kanya kahit tapos na syang kumanta.
"Why did you—"
"I want you to remember that" she said.
"A-Ano?" I asked.
"Gusto kong itaga mo yan sa bungo mo...kung pwede pati sa puso mo—"
Ano na naman bang sinasabi nya?
"Para kapag naririnig mo yung kantang yun, AKO ang naalala mo at hindi si Arielle"
*End of chapter*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top