On the Verge of Death
*Alex's POV*
Anak ng pucha at last! HAHAHAHA may POV na rin ang yours truly—Alex Buencamino, your boy next door *clap.clap.clap* at your service, YES!
Ang sarap lang kumanta ng for the first time in forever, syet nakakaproud so anyways, pucha nagenglish ako! HAHAHAHA! So ayun nga, Friday the 13th ngayon hindi ko alam pero basta pag ganitong araw, pakiramdam ko sobrang malas ko. Tignan mo, ang aga-aga pero papunta na ako sa bahay ng kumag na si Clyde.
Para san? Utos ni Drei at para maki-chismis syempre! HAHAHAHA yung kumag na yun naglasing nung nakaraan, eh hindi naman magiging ganon yun ng walang dahilan.
Flashback~
Nakakainis ang ganda ganda talaga ng Nadia babes ko, proud boyfriend here! HAHAHAHA!
"Pwede bang wag mo akong titigan?! Nakakainis na eh!" reklamo nya. Sya lang yung kilala kong galit na nga pero maganda pa rin, ibang klase!
"Masisisi mo ba ako? eh mahilig ako sa mga art. Alam mo namang talagang tinititigan ko yung mga magagandang masterpiece at ikaw yung pinaka maganda sa lahat" sabi ko.
*PAK!*
"Aray!" sigaw ko.
Pucha sya na nga yung pinuri, sya pa 'tong nananakit! Battered boyfriend talaga ako eh! Ipakulong ko kaya 'to si Nadia, Physical abuse na yung ginagawa nya sa akin eh! Ikukulong ko sya sa puso ko! HAHAHAHA syet ang corny!
*rings.rings.rings*
Clyde Kumag Calling...
"Yo Kumag!" bati ko.
Napatingin naman sa akin si Nadia. Ang sama ng tingin, hinarap ko yung phone ko sa kanya.
"Si Clyde lang 'to, masyado kang selosa dyan. Alam mo namang anim lang yung babae sa contacts ko. Ikaw, si Arielle, Kat, Ellena, Mielle at syempre yung nanay ko" natatawang paliwanag ko.
"Mabuti na yung maliwanag" masungit na sabi nya.
"Hoy Clyde!" tignan mo yung isang 'to, tatawag pero di magsasalita!
"Clyde!" tawag ko ulit pero hindi sumasagot, tanging malakas na tugtog lang yung naririnig ko. Pucha! Nasan 'tong kumag na 'to?
["Clyde honey, come on dance with me"] narinig kong boses ng babae sa kabilang linya.
"Hoy Clyde!" tawag ko ulit. Pati si Nadia nakikinig na kaya in-on ko yung speaker.
"Nasa bar ba si Clyde?" tanong ni Nadia nung marinig nya yung malakas na party music.
["Clyde loosen up and let's enjoy the night"] sabi pa nung babae pero hindi kumikibo si Clyde.
Syet! Ako yung kinakabahan kay Clyde eh pero hindi ko naman maiwan 'tong si Nadia dito sa Apartment nila dahil wala syang kasama.
Malakas yung kutob kong lasing na lasing na 'to kaya hindi na nagsasalita. Anak ng pucha naman pag ganitong lasing yan, wala na syang pake sa paligid nyan, hahayaan na nya lahat ng babae lumapit sa kanya.
"Sige na puntahan mo na yang si Clyde" sabi ni Nadia.
"Paano ka?" tanong ko.
Kumunot yung noo nya.
"Anong paano ako? kaya ko na yung sarili ko, strong kaya ako!" sabi nya.
Napabuntong hininga ako at kinuha yung susi ng sasakyan ko sa lamesa.
"Nagaalala lang ako sa kumag na yun, mukhang lasing na. Baka mamaya bigla na lang syang ma-rape dun" seryosong sabi ko.
Tinignan naman ako ni Nadia na para bang hindi sya naniniwala. Pero totoo yun, ang wild pa naman ng mga babae sa bar, tsk!
"Si Clyde yung pupuntahan mo dun ah, dudukutin ko yang mata mo pag tumingin ka sa ibang babae" sabi nya.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya noo.
"Loyal ako" sabi ko tapos umalis na.
Sumakay ako sa sasakyan ko at pinaharurot papunta sa bar na madalas puntahan ng kumag na yun. Pag baba ko, nakita kong maraming tao dahil gabi na at malakas din ang kutob ko na isa si Clyde sa mga dahilan kung bakit jam packed yung bar ngayon.
Nilabas ko yung VIP card ko at pinakita sa guard kaya pinapasok agad ako. Nahihilo ako sa mga ilaw pucha, patay sindi nakakainis! Nagpunta agad ako sa VIP area pero pucha wala yung kumag dun! Isa-isa kong tinignan yung mga tables sa gilid at syet nakita ko na yung hinahanap ko.
"Ang bagsik ng lolo mo" iling-iling na sabi ko.
Paano ba naman? Nuknukan ng dami yung mga babae sa tabi nya! tapos syang walang pake, hinahayaan lang nya na hawakan sya sa mukha or sa balikat! Hindi ko 'to kayang mag-isa kaya tinawagan ko sila Drei at pinapunta dito na on the way na rin dahil tinawagan din ng kumag.
"Alex" Napalingon ako kay Drei na kakarating lang. Tinuro ko naman yung pwesto ni Clyde na puro babae.
"Pucha nakakainggit naman!" narinig kong sigaw ni Ken.
"Pag ako pinagkaguluhan dito, lagot kayo sa akin" sabi ni Gabby na nakashades kahit madilim dito sa loob.
Dumating na din si Thor na napanga-nga na lang ng makita yung kumag. Sino bang hindi mapapanga-nga sa dami ng mga lintang naka kapit kay Clyde.
"So anong plano?" tanong ko.
Napagkasunduan naming gamitin si Gabby para mailayo yung mga babaeng linta sa kumag, kahit naman labag sa loob nya dahil nagbabagong buhay ang loko para kay Mielle, wala syang nagawa dahil utos ni Drei. HAHAHAHAHA
Agad namang ginawa ni Gabby yung plano at halos lahat na ng babaeng linta sumama sa kanya sa dance floor, kita mo nga naman yung lokong yun, ang lakas sa babae.
"Walang kupas si Gabriel, namamayagpag!" natatawang sabi ni Thor.
Lumapit na kami kay Clyde na may kasama pang dalawang babae.
"Excuse me ladies, we need to take our friend home" sabi ni Drei.
"Ako na lang maghahatid pauwi sa kanya" sabi nung isang babae habang nakangisi.
Syet, kinikilabutan ako sa sinasabi nya.
"A beautiful lady like you? Ikaw dapat ang hinahatid pauwi" sabi ni Ken sabay ngiti kaya parang na-hypnotize yung babae at biglang sumama sa kanya. Ibang klase!
Tinignan ni Drei si Thor at tumango naman ito sabay lapit sa isang babae.
"Miss will you teach me how to dance? Uhm I'm actually suck at this but I want to learn from the expert" sabi ni Thor, at kagaya nung kay Ken sumama agad yung babae.
*Slow claps*
"Ibang klase yung mga lokong yun" nailing na sabi ko.
"Ganon talaga pag single" natatawang sabi ni Drei.
Aba! Kahit taken na ako, masaya naman ako kay Nadia!
Tumabi kami kay Clyde at sinubukan naming kausapin pero nakatulala lang sya sa kawalan. Sabi ni Drei magkasama sila ni Mielle na umalis sa bahay nila kaninang tanghali, pero bakit nandito 'to?
Nasabi din ni Drei na pinasamahan nya lang saglit si Arielle kay Clyde. Kung magkasama sila ni Mielle kanina tapos nakasama nya pa si Arielle, ano ba talagang nangyari? Iisipin ko na sanang si Mielle yung dahilan ng paglalasing nya pero nakasama pala nya si Arielle, kaya baka si Arielle.
Ang gulo pucha!
End of Flashback~
Nakarating na ako sa mansyon ni Clyde at wala pa rin yung mga loko. Ako na talaga yung early bird! Nakakainis! Tumambay muna ako sa labas ng sasakyan ko at pinagmasdan ang paligid. Mula sa pwesto ko tanaw ko yung malaking gate nila sa malayo, may fountain naman sa harap ko at isang malawak na hagdan papuntang main door.
Napaayos naman ako ng tayo ng matanawan ko na yung mga loko na paparating sakay ng sasakyan nila. Bumaba na si Drei sa mustang nya at si Ken naman sa trailblazer nya, ang payatot nito pero ang laki ng sasakyan tsk.
"Nasan yung iba?" tanong ko.
"Si Gabby pinatawag ng tito nyang dean, si Thor naman may meeting kasama ng thesis mates nya" sagot ni Ken.
Sabay sabay kaming tatlo na pumasok sa mansyon at sinalubong kami ng sangkaterbang kasambahay nila na busy sa paglilinis ng carpeted floor. Pucha first time ko lang makapasok sa bagong bahay ni Clyde, kung malaki tignan sa labas mas malaki sya sa loob. Dalawang floors lang ang mansyon at may dalawang malaking staircase sa left and right part na nagtatagpo at nagiging isang grand staircase sa gitna.
"Good morning, gentlemen"
Natigilan na lang kami nang makita namin ni Mr. Alonzo, ang daddy ni Clyde na naglalakad sa 2nd floor papuntang hagdan.
"Good morning, Mr. Alonzo" bati namin na ikinatawa nya.
"Tito would be fine" sabi nya habang pababa sya sa grand staircase.
Pumunta sya sa living room at pinasunod nya kami. Isang malaking hall ang sumalubong sa amin at may malalaking bintana sa gilid katabi ng magarang couch, pinaupo kami ni tito at inutusan nya yung isang kasambahay na maghanda ng makakain.
"You're here for Clyde, Am I right?" tanong nya.
Tumango kaming tatlo, nakakahiyang magsalita sa harap nya, ewan ko ba? Ngumiti lang sya at tumango, umayos sya ng upo at natawa.
"Kumalma nga kayong tatlo, masyado kayong seryoso" natatawang sabi nya.
Natawa na lang kaming tatlo.
"Tito, nasan po si Clyde?" tanong ni Drei.
"Nasa kwarto nya, nagkukulong. Nung nakaraan nadatnan ko syang lasing. Tell me may nangyari ba? I know my son, hindi sya iinom ng walang dahilan" tanong ni tito.
"Nandito po kami para malaman namin kung sino ang dahilan ng paglalasing nya" sabi ko.
Napatawa si tito.
"Sino?" natatawang tanong nya.
"Opo, tito. Malakas yung kutob naming tao ang dahilan ng paglalasing ni Clyde. Hindi nga lang namin alam kung sino" sabat ni Ken.
Nagserve ng kape yung isang kasambahay sa amin tapos umalis na din.
"I bet it's a woman. Now who's that lucky lady that made my son drink to forget?" tanong nya.
Kalimutan? Sinong gustong kalimutan ni Clyde? Oh. Baka si Arielle.
"Mukhang brokenhearted ang anak ko" natatawang sabi ni tito.
"I guess so" sabi ni Drei.
Anak ng pucha, sya yung dahilan kung bakit broken si Clyde dahil girlfriend lang naman nya yung babaeng love na love ni Clyde.
Uminom ng kape si Tito tapos tumayo na at inayos yung suot nyang suit.
"Kamustahin nyo na yung anak ko and If you knew the reason why he drink or kung sino man yung babaeng yun please tell me. I want to personally know that lady" sabi nya sabay alis.
Naiwan kaming tatlong nakanga-nga dito.
"Sino ba?" tanong ni Ken.
"Hindi ko alam, hindi naman nagkukwento yung kumag na yun eh" sagot ko.
Napalingon kami kay Drei na malalim ang iniisip, mukhang may alam ang isang 'to, hindi lang nagsasabi ang unfair. Pumunta na kami sa kwarto ng kumag, hindi na kami kumatok dahil hindi naman nakalock yung pinto. Sinalubong kami ng photochromic glass wall na color black kaya madilim dito sa loob.
Nilibot ko na lang yung tingin ko sa kwarto ng kumag, grabe pucha ang laki! Tapos magisa lang syang natutulog dito? May sala set sa may left side katapat ng isang LED tv na nakasabit sa wall, may bookshelves sa gilid malapit sa may glass wall nya, may study table malapit sa higaan nya at pucha may walk-in closet ang lolo nyo.
Nagulat na lang ako dahil biglang lumiwanag ang buhay HAHAHAHA jk ang paligid pala. May pinindot na remote si Drei kaya yung black na glass wall naging transparent na ulit at tanaw na tanaw na ulit yung city pati yung mga bundok.
"The fck?!" gising na yung kumag.
"Good morning" bati ni Drei kaya biglang napaupo si Clyde na gulo gulo yung buhok.
"Yo Clyde" bati ni Ken habang pinapakealaman yung bookshelves.
Sumaludo lang ako sa kanya nung makita nya ako.
"What the hell are you doing here?!" inis na tanong nya. Pucha ang aga-aga naka English mode na yung kumag!
"Pasok na Clyde" sabi ko. Pero bigla na lang syang humiga at nagtalukbong ng kumot.
"Mielle's been very busy because of the works that you left" sabi ni Drei, isa pa 'tong wagas maka English pucha, nasan ba yung tissue dito?
"Hinahanap ka na din ni coach" sabat ni Ken.
Hindi kami makapag training ng maayos dahil wala ang ace player namin. Unfortunately si Clyde yun.
"Wala akong pake" sagot ng kumag.
"Bakit ka ba naglasing?" tanong ko.
Napaupo ulit sya sa higaan nya at tinignan ako ng masama. Napangisi naman si Drei sa tabi ko, talagang may alam ang isang 'to eh! Ang damot ayaw magshare!
"Bawal na ba akong uminom ngayon?" tanong nya.
"Get up and fix yourself, we still have training and you have your classes today. Who knows? I bet you have tons of meetings for today, Mr. President" sabi ni Drei na puno ng sarcasm.
Tumayo na si Clyde at dumaretso ng CR para maligo. Naupo naman kami sa couch, kating kati na akong malaman ang nalalaman ni Drei ang daya talaga ayaw magsabi!
"What is wrong with him?" mahinang sabi ni Drei.
"Bakit?" tanong ni Ken.
Then sinabi sa amin ni Drei ang hinala nya. Pucha HAHAHAHA mukhang nagselos ang kumag ah. Napatigil kami sa paguusap nung lumabas si Clyde galing walk-in closet nya at nakapangbahay lang.
"Ano? wala kang balak pumasok?" tanong ko.
"Do I look like I'm going to school?" inis na tanong nya. Pucha don't me, don't you trigger me and don't English me, I will bleed!
Lumabas sya ng kwarto nya kaya sumunod kami.
"We have to go" sabi ni Drei.
Bumuntong hininga si kumag.
"The main door is open" sabi nya.
Pucha talaga bang hindi sya papasok?
"Si Mielle ba nasa school na?" tanong ko kay Drei.
"Yeah, maaga syang pumasok ngayon dahil madami daw syang gagawin" sagot nya.
Napangisi ako ng mapansin kong nakikinig ang kumag.
"Nako, maraming magpapatutor sa kanya ngayon dahil ilang weeks na lang finals na" sabat ni Ken.
"For sure, she'll accept guy students" sabi ni Drei.
HAHAHAHAHA making ka kumag at pumasok ka dahil malalagot kami kay coach pag absent ka ulit pucha.
"Una na kami" sabi ko tapos lumabas na kami at nagdrive papuntang school.
Tumambay muna kami sa gym dahil pare-pareho naman kaming wala pang klase. Dumating na yung ibang players pati si Thor at Gabby pero yung kuya ni Arielle, wala.
Yung isang yun dapat matutong makibonding kasama ng team, ang hilig magsolo flight pero umaattend naman sya ng training. Hindi nga lang sya masyadong nakikipagusap sa amin dahil ang mga cheerleaders ang madalas nyang kausap.
"Tignan nyo 'to, nakita ko sa bulletin board sa locker room" sabi ni Ken.
Hinablot ko naman yung papel na hawak nya at binasa ko. Pucha ano 'to!?
I spy with my little eye.
This code must be crack, if you can't then take a step back.
B C B O E P O F E H Z M
Your precious princess will die. Find her then bid your goodbye.
Umubo-ubo ako bago basahin ng malakas dahil hinihintay na nila akong sabihin ang nakasulat sa papel na 'to.
"I spy with my little eye. This code must be crack, if can't then take a step back" sabi ko.
Kumunot naman yung noo nilang lahat.
"B-C-B-O-E-P-O-F–E-H-Z-M" sabi ko.
"Ano ba yan?" tanong ni Gabby.
"Wait lang di pa ako tapos" sabi ko. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan, pinagpapawisan yung kamay ko.
"Your precious princess will die. Find her then bid your goodbye" sabi ko.
Natahimik kaming lahat habang pilit na inaabsorb ang binasa ko. Nagkagulo lang kami nung mapamura si Drei at dali daling kinuha yung phone sa bulsa nya. Malamang tatawagan nya si Arielle dahil sya lang naman yung prinsesa nya.
"Si Arielle ba?" tanong nung isang rookie.
Napakuha na din ako ng phone at tinawagan si Nadia. Si Thor tinawagan si Ellena.
"May number ba kayo ni Kat?" tanong ni Ken.
"Ako meron" sagot ni Gabby.
"Lahat naman ata ng babae dito sa school alam mo yung number eh" natatawang sabi ni Kyle.
Tinawagan namin yung apat. Pucha grabe yung kaba ko! Silang apat lang naman ang madalas na magkasama baka kung anong mangyari sa kanila.
"BWISIT KA ALEX!" nakahinga ako ng maluwag nung sinagot ni Nadia ang tawag ko.
"Are you ok? Where are you? Who's with you" sunod sunod na tanong ni Drei sa princess nya.
Kausap na din ni Thor si Ellena at si Gabby naman kay Kat. Pinatay na nila yung phone nila maging yung sa akin at binuksan ni Drei yung speaker para magkarinigan kaming lahat.
"Napalabas kami ng dahil sa inyo, nyemas!" reklamo ni Ellena.
"Nakakahiya potek sabay sabay na tumunog phone namin" si Kat.
"Ano bang problema?" tanong ni Nadia.
"Bakit ba sabay sabay kayong napatawag? May klase kami, major subject pa" tanong ni Arielle.
"Nothing, just be safe ok? Stay there where you are, I'll pick you up later" sabi ni Drei.
"May nangyari ba?" tanong ni Arielle.
"Wala naman" sabat ko.
"See you later, My Princess" sabi ni Drei tapos inend yung call.
Napaupo na lang ako sa sahig, hanggang ngayon kasi kinakabahan pa rin ako. kainis na papel yun!
"Baka prank lang yun" sabi ni Ken.
"Hindi magandang biro yun" seryosong sabi ko.
"Wala namang ibang prinsesa si Drei di ba? May mga princess ba kayo? Halos lahat naman tayo single dito maliban kay Alex at Drei" sabi ni Gabby.
Bigla naman dumating si Clyde na may dalang training bag. Pucha akala ko hindi papasok eh.
"Anong meron? Bakit ganyan yung mga mukha nyo?" tanong nya.
"Lend me your phone, Clyde" sabi ni Drei, binato naman nung kumag yung phone nya.
"May nagprank kasi sa amin, may code pang nalalaman. Ano bang alam namin sa code?" tanong ko.
"Ibang code naman yung alam namin" sabat ni Thor.
Hinablot naman ni Clyde yung papel sa akin.
"Ang tatanga nyo naman, madali lang 'to eh" sabi nya tapos tinitigan ng maigi yung papel.
Sobrang kumunot yung noo nya, ako naman parang maiihi sa sobrang kaba. Pucha ano ba 'to? epekto ng Friday the 13th?
"Abandoned gym" sabay na sabi ni Drei at Clyde.
Whaaaaaaat?
Nagkatingin silang dalawa na para bang naguusap ang mga mata. Pucha so gay! Yung puso ang lakas ng kabog dahil sa kaba. Ano bang meron sa abandoned gym? Eh nuknukan ng layo yun dito at isa pa bawal ng pumunta dun!
"Mielle" mahinang sabi ni Drei.
Para akong nabingi nung marinig ko yung pangalan na yun. Nagulat na lang kami nung nagmura si Clyde at kumaripas ng takbo palabas ng gym. Sumunod naman agad si Drei. Pucha bakit hindi ko naisip si Mielle!?!?!? Kahit hindi sabihin ni Drei, prinsesa din ang turing nya sa pinsan nya, baka nga reyna pa. Idagdag mo pa yung kumag na bigla na lang naging si Flash sa bilis ng takbo, nagpaghahalataan na tuloy.
Sumunod kaming lahat sa kanilang dalawa papuntang parking lot, nakita kong binato ni Drei yung susi nya kay Clyde. Pucha wag nyang sabihin wala syang dalang sasakyan! Malayo yung abandoned gym dito, sa sobrang laki ng school namin kailangan mong gumamit ng sasakyan para makalipat ng iba't ibang building at yung abandoned gym na yun nasa pinakadulo pa ng university.
Nang makarating kami sa parking naabutan na lang namin na sinisipa ni Drei yung gulong ng sasakyan nya, dinukot ko sa bulsa yung susi ko at ganon din ang ginawa ng iba.
"Fck!" inis na sabi ni Clyde.
Yeah fck! Paano ba naman lahat ng sasakyan namin, butas ang gulong! Pucha talagang pinagplanuhan ah! Mas lalo akong kinabahan ng maalala ko yung nakasulat sa papel.
Your precious princess will die. Find her then bid your goodbye.
"Rookies, stay here at puntahan nyo sila Arielle, wag nyo silang iiwan hangga't wala pa kami" utos ni Drei bago sumunod kay Clyde sa pagtakbo.
Naiwan na lang kami nila Thor, Ken at Gabby dito, nang matauhan kami kumaripas na din kami ng takbo kasunod nung dalawa.
Hindi pwedeng mamatay si Mielle. Hindi papayag si Drei, lalong lalo na yung beast.
*Mielle's POV*
*PAK!*
"WHAT THE HELL IS WRONG WITH YOU?!" I shouted in annoyance.
I hear them laughing their asses out, I took a glance at them but my visions are blurry and I feel dizzy due to that one hell of slap that woke me up in my slumber. I blinked for a couple of times then I shook my head and my visions became normal again.
Only to find out that it's the twin. Lira and Vera 'ARGH!!!' Agoncillo.
"Surprise! Surprise!" Lira said then she smirked at me.
I take a good look around, we're in some sort of abandoned building, my both hands and feet are tied on a steel chair in the middle of an empty pool—to be exact.
I tried remembering what happened earlier and all that I can recall is that someone pulled me towards an empty classroom, she placed at hankie on my nose then it all went black and here I am just woke up because of a slap.
"What do you want from me?" I asked as I struggle to free myself.
Both of them laughed evilly.
"We want you dead" Lira answered.
"You're the one who suggested it right? So Lira, I'll give you the honor of killing that bitch" Vera said.
Lira just smiled victoriously at her sister then she turn her gaze at me then she glared like I did something wrong.
"Anong nagawa ko sa inyo?" I asked plainly.
"HAHAHAHA nagpapatawa ka ba?" Lira asked.
I maintain my straight face and I stared at her.
"It's not my fault though, we all know that 'insecurity' is an incurable disease. I did nothing wrong to the two of you" I said firmly.
*PAK!*
Sht. It hurts like hell!
"Oh God, it feel so good slapping her!" Lira said.
I mentally rolled my eyes, wait for me bitch I'll give you a heavenly slap before I'll wring that tiny neck of yours.
"I told you, mas masayang sipain sya sa tyan" Vera suggested.
*Bogsh*
"Ugh!" I exclaimed after Lira punch my stomach then I laughed sarcastically. I can see her pissed off expression, she sighed then she smirks at me.
"Tsk tsk tsk, you've been a very very bad girl darling. Ang laki ng kasalanan mo sa akin. You're running around, stealing my properties" she said.
Me? Stealing properties? HA! Oh please, since when did I become a thief? I didn't steal anything.
"What exactly did I steal from you?" I asked.
I can't recall anything.
"You stole Clyde away from me and as well as Lance" she answered.
What a pathetic bitch! Does she know that her sister is eyeing on Lance? What the hell?!Vera even asked me to stay away from him, it's not my fault if that airhead keeps on getting close to me—sya yung kusang lumalapit sa akin!
"I didn't steal those two, they're not yours to begin with" I said then I smirked.
*PAK!*
"THEY'RE MINE!!!" she screamed at the top of her lungs.
Sya pa yung may ganang sumigaw, ah? I should be the one shouting at her dahil nakatatlong sampal na sya sa akin! One more slap, once I removed this freaking rope around me I'll punch her face hanggang sa hindi na sya makilala ng iba.
I glared at her as I hear her laugh like a psychopath, Nakahawak sya sa buhok nya while pointing her finger at me.
"You came in to the picture and then suddenly my life became miserable" she said.
I glanced at Vera, who's busy walking around the are as if she's looking for something. She's done with me, yesterday that's why she's letting her sister do the business with me.
"Attention bitch, look at me!" she commanded.
I glanced at her with a bored expression on my face.
"I'm so poor, Lira. I can't even pay attention" I said in bored tone and as expected.
*PAK!*
"I'm controlling my temper, bitch. Kanina ka pa sana patay kung hindi ako nakakapagpigil" she said in a serious tone.
Ok, I'm scared—a bit. This bitch is a psychopath, who knows what she can do to me? Hindi na ako nagsalita, she's not important, she doesn't deserve my life—she doesn't suit to be a killer.
"Back at the gasoline station before the school starts, balak ko na sanang makipagbalikan kay Clyde. Hell! I'd be willing to beg for him to come back to me but you were there, pinakilala nya na girlfriend nya. From that very moment, I know that you'll ruin my life and I was right" she said.
She's walking back and forth in front of me while her arms folded on her chest, then she stops and glared at me.
"The next meeting, we met at the mall. Narealize ko na I'll just give up Clyde dahil may bago naman akong toy, I can't recall his name though, but you know what? That toy didn't last for a day to me dahil I caught him in the act. Inamin nya sa akin that he's attracted to you" she said then she laughs.
What can I expect from Lira and her crazy games? Treating men as pawns in her freaking chess game. What a bitch.
Once I free myself here, let me show you how it's played.
"Tinapon ko sya na parang basura, good thing Lance came in to the picture. After several messeges, he replied to me and agreed to be my date. We decided to date in the mall on that one fateful afternoon, naghahanap na kami ng restaurant ng mapadaan kami sa ice skating rink then bigla na lang syang napangiti because he saw someone" she said.
Ayoko sanang makinig sa kwento nya, but can I do? I'm currently tied up here. Poor me, I have no choice but to listen to her stupid rants.
"And that someone happened to be you" she added then she laughs.
I rolled my eyes at her then I received a death glare in return. Akala ko sasampalin na naman nya ako eh.
"Bigla na lang akong nawala sa paningin nya, naiwan akong nakatayo magisa while watching the two of you talking. The next thing I knew, nasa ice skating rink na kayo. Magkahawak kamay and he looks like he's having fun with your company. Kahit malayo ako kita ko yun sa mata nya and also with his smiles, I can even clearly hear his laughs. And that made me despise you even more, like how did you manage to catch his attention with no effort at all?" she asked.
I don't know bitch, I don't freaking know. Why don't you ask the airhead instead?
"Mukha akong tangang nakatayo sa gilid habang pinapanood kayo but then I saw someone came running" she said then she smirks at me.
I don't care bitch, just shut your mouth off!
"It's Clyde" she said.
What?! Napalingon ako sa kanya, it's impossible. I didn't even see a shadow of him from the moment he left me and promised that he'll be back.
"Oh, I caught your attention" she said then she walks towards me.
I stared at her eyes pero nakakainis talaga yung mukha nya, especially her smirk.
"Lumapit ako sa kanya but he didn't even notice my existence dahil nakatingin lang sya sayo—sa inyo ni Lance. Imagine nasa tabi na nya ako pero wala pa rin, his gaze was locked on the two of you. With his clenched fist and anger blazing in his eyes, I know that he's jealous" she said.
Wait what? Hindi ko sya maintindihan! Does that mean the beast really came back for me? But why did he left?
"I bet binalikan ka lang nya, he left for a while pero pagbalik nya may kalandian ka ng iba at yung kadate ko pa. I tried talking to him pero alam mo kung ano lang yung sinabi nya?" she asked.
How will I know, stupid bitch? kayo ang magkasama!
"And I quote 'I told her to wait, dahil babalikan ko sya pero eto yung naabutan ko'. Nakaramdam ako ng awa kay Clyde lalo na nung makita ko yung box ng pizza na dala nya, I think it's a peace offering for making you wait for a while." She said.
Hindi naman ako makapagsalita. I can't find the right words to say, I can't seem to think straight dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. I think this bitch is lying, yeah she's lying.
"Then nabitawan nya yung pizza box dahil nakita ka nyang madudulas ka na pero Lance caught you at sabay kayong nahulog—you on top him and him under you, what a sweet position. Lahat yun nakita namin ni Clyde, para kaming tanga na nanonood sa inyong dalawa. I just don't get him, nagseselos na nga sya pero he stayed para panoorin kayo" she said.
Jealous?! What the hell? I think this bitch is blind, it's impossible.
"We stood there watching you hanggang sa umalis na lang sya nung sinabi kong hindi ka nya kailangan kasi nandyan na si Lance" she said.
So she's the reason why the beast left? She's the main reason why I waited up until midnight! The beast came back for me, pero umalis dahil sa sinabi nya.
"I'm sorry, hindi ka sana magkakasakit kung hindi ko ginawa yun"
"I'm sorry, hindi ka sana magkakasakit kung hindi ko ginawa yun"
"I'm sorry, hindi ka sana magkakasakit kung hindi ko ginawa yun"
This bitch and that airhead! He tricked me, that's why he's acting so weird to me—being so sweet and nice all of a sudden because he knows that the beast is watching. I can even recall him saying 'pikon' I bet that time was when the beast left.
"What now, Buenavista? Speak! Your boyfriend caught you flirting! Hindi ka na rin naiba sa mga malalanding babae na hindi makuntento sa isa" she said.
"You mean, hindi ako naiba sayo?" I asked politely.
*PAK!*
"Ano bang nagustuhan nila sayo? You're in a relationship with Clyde and then suddenly nasama na rin si Lance. What's so special about you?" she asked habang naglalakad sya paikot sa akin.
"Is it because of your fair and flawless skin?" she asked. Is that a compliment? Is she complimenting me?
*scratch!*
"Sht!" I cursed.
She scratched my arms using her pointed nails, I took a glance at my arms—namumula na at kitang kita yung scratch.
"Is it because you're sexy?" she asked then kumapit sa balikat ko at tinuhod ako sa tyan.
*bogsh!*
"Ugh!" Damn it!
*coughs.coughs*
"Yuck! Look at my dress bitch! May bloodstains na because of you!"
*PAK!*
Damn her! Hindi na ako matigil sa pag-ubo ng dugo. Her kick is stronger than her sister's, damn it! I was busy gasping for air because of the lump in my throat. Sht.
"Baka sa mukha, Lira. We can't deny the fact that she has the looks, mas maganda nga lang ako sa kanya" Vera said.
*PAK! PAK! PAK! PAK! PAK!*
She laughs evilly habang hawak nya yung kamay nya.
Fck! Sinampal nya ng kaliwa't kanan, I can't feel my face anymore damn it! My side lip is already bleeding. Then next thing I knew, may hawak ng dagger si Lira.
Oh fck no!
She's smirking at me probably because of my shock expression. Sino bang hindi magugulat? That freaking dagger looks sharp as hell!
"Don't worry hindi pa kita papatayin" she said then hinawakan nya yung buhok.
I shook my head to remove her filthy hands off me pero natawa lang sya. I can feel the tip of the dagger on my neck, napapikit ako sa hapdi ng masugatan ako sa bandang batok.
"Vera, I think it's because of her hair" Lira suggested.
"Nope, it's her emerald green eyes, Lira" Vera said. I can't find her my visions are still blurry but I can clearly hear her voice, I know malapit lang sya.
Both of them laughed.
"Kahit pa gusto kong dukutin ang mata nya hindi ko magawa because it's kadiri" Lira said.
In one swift move, naramdaman kong pinutol nya yung buhok ko.
"DAMN IT!" I shouted as I struggle.
"Oops, nadulas ang kamay ko. The hair is an invisible crown for ladies like us but you don't deserve to have one so I cut your hair" she said habang nakatayo sa harap ko then tumawa silang dalawa.
I'm already shaking in anger, I badly want to kill this bitch using that dagger of hers!
"Untie me bitch and I'll shave your hair off, might as well slash your head off using that dagger" I said through gritted teeth.
"I'm scared" she said then she laughed.
*Splash!*
"VERA! What the hell?!" Lira shouted.
Bigla na lang umagos yung tubig sa empty pool. My heart starts to beat faster, I can feel the fear creeping inside me.
"Come on, Lira ang dami mong daldal dyan. Baka may makakita sa atin dito" Vera said.
"What?! Anong ginawa mo?" Lira asked as she runs towards the stairs.
"Of course, nagtawag ako ng pwedeng kumuha ng bangkay nya—her sweet cousin, Alexandrei" Vera said.
"Damn it! Nageenjoy pa ako eh!" Lira said pero hinila sya ni Vera palabas.
Mas lalong lumakas yung tubig, any minute by now mapupuno na yung pool.
"Enjoy the afterlife, Buenavista" Lira said then she laughs.
"I'll make sure to open the gates for you, Agoncillo. See you in Hell" I said.
I heard them lock the doors tapos ako naiwan dito, nakatali pa rin sa steel chair. I tried twisting my hands to free myself but it's useless, nasusugatan ko lang yung sarili ko dahil sa tali. The water is continuously flowing at umabot na hanggang sa tuhod ko.
"HELP!" I shouted.
I know this is also useless, sino ba kasing magpupunta sa abandoned building? Who knows kung kailan makakarating si Alexandrei dito? I bet patay na ako pagdating nya.
"SOMEBODY! TULONG! HELP MEEEEE!" I shouted once again.
I was already shaking in fear, I can't die here! This is not the death I'm expecting!!!!
"AAAAAAAAAAHHHHHH!" I screamed at the top of my lung, the water level is already on my waist, slowly creeping up to my stomach.
Sht.
"HELP MEEEEEEE!!!!" I shouted at I struggle, I don't care kung masugat pa yung kamay at braso ko.
I feel like crying, I can feel the lump in my throat. Kinakabahan ako, I'm scared, I'm so freaking scared. Kung hindi ba ako tumakas magiging maayos ba ako? kung hindi ako tumakas I'm sure as hell na hindi ko mararanasan 'to.
Hindi ako masasaktan physically, hindi ako mabubully, hindi ako aabot sa puntong ganito—in the verge of death. It's as if death is already standing beside me, waiting for the water to fill this entire pool to drown me.
"AAAAAAAHHHHHH!" I shouted once again, lumagpas nasa sa dibdib ko yung tubig.
Sht, is this really the end?
Memories came into me like a flood. Me with dad after the operation, me with the witch as I asked her to watch my ballet recital, Mamita and paps giving me my first ever sports car, Hans being my ever loyal butler, Amanda as my trustworthy accountant, lawyer, secretary and friend, Rae and our jamming time, Cipher and our sparing practices, the whole squad surprising me on my birthday, the airhead on our first meeting at the auditorium, his smirk, me with him on the ice skating rink, him while wiping the eggs and baking powder off my face.
Damn it! Ganito ba talaga pag malapit ng mamatay? My heart starts to beat faster as my memories with the beast came to me like a storm.
From the very first meeting at the hotel up to the recent one wherein he's saying that he'll be back and I have to wait.
"wait for me dahil babalikan kita"
"wait for me dahil babalikan kita"
"wait for me dahil babalikan kita"
I remember him saving me several times, I just wish that he'll save me today but it's impossible. I bet he's mad, I don't know I just feel like he's mad at me.
"Help" I said almost a whisper, napatingla na lang ako dahil umabot na sa leeg ko yung water.
I closed my eyes as I took a deep breath then the water engulfs my entire body. Hindi na ako nagpilit na kumawala, what for? Hindi ko naman kaya. At least I did something new from the moment na naging Mielle Buenavista ako and I will never regret that. I will never regret learning how to love.
Well, the things that I'll regret are the words that I left unsaid.
Au revoir mon amour, ma bête.
*Alex's POV*
Pucha, pakiramdam ko nasa marathon kami. Konti na lang malapit na kami sa abandoned gym na yun. Kailangan naming maabutan si Mielle.
Kumaliwa kami at natanaw na namin yung abandoned gym, mas bumilis yung takbo nung dalawa sa unahan namin! Pucha anong nakain nila?! Kaming apat dito sa likod halos mamatay na sa kakatakbo!
Malayo pa kami sa kanila pero kitang kita ko kung paano sinipa ni Clyde yung pinto na sa palagay kong naka-lock pero nabuksan nya sa isang sipa lang. Napalingon kami sa sasakyang paparating, kay Arielle yun. Tumigil sila sa mismong harap ng gym at sabay sabay na bumaba kasama ng mga rookies, pucha paano sila nagkasya dun!?
Nang makarating kami sa loob ng gym, sinalubong kami ng lumang basketball court. Naabutan namin si Drei na naghahanap hanggang sa makarinig kami ng tubig.
Sabay sabay kaming tumakbo papuntang pool, walang nagsasalita sa amin, lahat kami seryoso. Napatigil kami sa makitid na daan papuntang pool kaya isa-isa kaming pumasok, pucha naman kasi ba't ba ang dami namin?!
Nang makapasok kaming lahat, naabutan namin si Clyde habang buhat buhat ang walang malay na si Mielle.
"OMG"
"SHT!"
"HALA!"
Maski ako napamura sa utak ko, napakbay na lang ako kay Nadia ng maramdaman ko syang yumakap sa bewang ko, nilingon ko sya at nakita kong awang-awa sya sa itsura ni Mielle, halos paiyak na sya.
Namumula yung mukha nya, may sugat sa gilid ng labi nya at may mga kalmot at pasa sa braso, yung buhok din nya ay pinutol. Dinala ni Clyde sa gilid si Mielle at sinumulang i-pump yung chest nya tapos binigyan ng CPR.
"Ang sama ko ba kung sasabihin ko sayong kinikilig ako?" bulong na tanong ni Nadia.
Napailing na lang ako sa kanya at pinanood na lang ulit si Clyde sa pag CPR kay Mielle. Nakailang ulit syang ginawa yun pero wala pa rin, namumulta na yung labi ni Mielle—hindi pa rin sya humihinga.
"OMG" narinig kong sabi ni Kat at nagyakapan sila ni Ellena.
"Drei" tawag ni Arielle, nakita kong umiiyak si Drei habang naka-kunot ang noo.
"Wake up, devil" sabi ni Clyde habang mahinang sinasampal ang pisngi ni Mielle.
Binigyan nya ulit ng CPR si Mielle. Paulit ulit nyang sinasabing 'wake up, devil' hanggang sa marinig kong magcrack ang boses nya. Anak ng pucha! Umiiyak ang lolo nyo, naiiyak na rin tuloy ako!!!
"Please, Mielle" sabi ni Clyde.
Lumapit na si Drei para patigilin si Clyde.
"OMG, is she dead?" Nakakabinging tanong ni Ellena.
Parang tumigil yung oras kasabay ng pagiling ni Drei kay Clyde, kitang kita ko kung paano tumulo ang luha nya, kasabay ng mahinang paghikbi nila Kat.
Bigla namang dumating si Lance at napatingin kay Mielle. Nakailang mura sya habang naglalakad palapit sa amin. Hindi din nya maalis yung tingin nya kay Mielle kahit kinakausap sya ni Arielle.
"Kuya" mahinang sabi ni Arielle.
"Who did this?" galit na tanong ni Lance.
Pucha bakit sya galit? Eh kararating nga lang nya?
"Clyde, tama na yan" awat ko sa kanya dahil hindi mapigil ang pagsabi nya ng 'wake up' kay Mielle.
"NO! SHE'LL WAKE UP!" sigaw nya at sa huling pagkakataon hinayaan sya ni Drei na subukan ulit na iligtas si Mielle.
Tatlong beses na pump sa chest tapos yumuko sya para magbigay ng hangin.
"Mielle" sabay na sabi ni Lance at Clyde.
*coughs.coughs*
Anak ng pucha! kailangan lang palang sabay nilang tawagin ang pangalan ni Mielle eh! Biglang hinila ni Clyde paupo si Mielle at niyakap ng mahigpit. Kitang kita ko kung gaano kabigat ang paghinga ni Mielle hanggang sa mawalan ulit sya ng malay.
Binuhat ni Clyde si Mielle, inabot naman ni Arielle ang susi ng sasakyan nya kay Drei, nakita ko namang may pinulot na bracelet si Lance sa gilid ng pool.
"That bitch" sabi nya habang nakatingin sa steel chair sa ilalim ng pool. Bigla na lang syang tumakbo palabas kasunod ng iba kaya sumunod na din ako.
"Dalhin nyo na sya sa hospital, susunod na lang kami mamaya, may klase pa kami" sabi ni Arielle.
"Sasama ako" sabi ko, nilingon ko si Nadia at tinanguan nya lang ako.
"I know who the culprit is" sabi ni Lance.
Napalingon kami sa kanya samantalang si Clyde, sinakay na si Mielle sa backseat at inihiga ang ulo sa hita nya.
"Don't make unnecessary move, Lance or the issue will get bigger" sabi ni Drei na medyo hindi ko gets dahil sabog pa ako sa mga nangyayari ngayon.
Sumakay na ako sa passenger seat at si Drei naman sa driver's seat, sinumulan na nyang magdrive papuntang hospital.
Tahimik lang kami, paminsan-minsan tumitingin si Drei sa rear view mirror para makita yung dalawa sa likod dahil chismoso ako lumingon na ako para makita din.
Nakita akong dahang dahang hinihimas ni Clyde ang buhok ni Mielle, kahit nakayuko sya alam kong naaawa sya kay Mielle. Kung hindi 'to seryosong moment baka nagpaparty na ako dahil mukhang tinamaan na ng lintek si kumag!
Dinala kaagad si Mielle sa emergency room habang kaming tatlo naiwan dito sa hallway.
"Clyde, go home and change your clothes baka magkasakit ka" sabi ni Drei pero hindi sya sinagot ni Clyde.
"Clyde—"
"I'll stay here, until she wakes up" sagot ni Clyde.
"Magbihis ka muna dahil basang basa ka" sabi ko.
Bumuntong hininga sya at nilingon kami, puno ng galit ang mata nya. Kaya bigla akong napalunok, anak ng pucha mahirap na baka mamaya masapak ako ng wala sa oras kaya tatahimik na lang ako.
"Nagpadala na ako ng damit" sabi nya at binalik ang tingin sa pinto ng emergency room.
Nagsimulang maglakad palayo si Drei at sumunod ako, kahit may ilang metro ang layo ko kay Clyde nararamdaman ko yung madilim nyang aura, katakot.
"Stay with Clyde, ipapaayos ko lang yung room na malilipatan ni Mielle" sabi nya.
"Sama na ako sayo, baka masapak ako nun eh" sabi ko at hinayaan nya lang akong sumama.
Ilang minuto din naming kinausap yung nurse para sa room na lilipatan ni Mielle, pagbalik namin sa emergency room nakabihis na si Clyde pero hindi sya mapakali sa kakalakad sa harap ng pinto.
Lumabas yung doctor na tumingin kay Mielle at sabi over-fatigue daw pero sinabing umaayos na ang lagay ni Mielle, naging stable na ulit yung paghinga nya dahil sa oxygen nilagay sa may ilong nya, icoconfine muna sya dito para mamonitor ang lagay nya, possibleng makalipas pa ng ilang araw bago magising si Mielle.
Nailipat na rin sya sa executive room kasama si Clyde, pumunta kami sa lobby ng hospital para salubungin sila Arielle. Sinabi na rin ni Drei na maayos na ang lagay ni Mielle. Papunta na kami sa room ni Mielle ng nagpaalam saglit si Drei para kausapin ulit yung doctor.
Yung apat na babae ang kasama ko pero nagsabi si Arielle na magccr muna kaya nauna na kami sa room ni Mielle, nasa labas lang kami ng maabutan naming pinagmamasdan ni Clyde ang mga kalmot at sugat ni Mielle.
"Siguro naman pwede na akong kiligin?" tanong ni Nadia. Tumawa silang tatlo ng mahina tapos biglang napasinghap nang makitang hinalikan ni Clyde si Mielle sa noo.
"Looking forward for the next business with you girls" sabi ko.
Nagtawanan sila.
"Success eh" sabi Ellena.
"I'm so happy for them" sabi ni Nadia.
"Mutual ba yung feelings? Baka mamaya si Clyde lang pala" tanong ni Kat.
Nung dumating na si Arielle sabay sabay na kaming pumasok sa room pero hindi man lang kami napansin nung kumag dahil hindi man lang maalis yung tingin nya kay Mielle, pucha naman! Mukhang malakas ang pagkakatama ah?
"Oh God, you scared the hell out me" mahinang sabi ni Clyde.
Tignan nyo! Nakaupo na kaming lima sa couch pero wala pa rin! Deadma kami pucha!
"I can't bear seeing you like that—lifeless and it fcking kills me"
*End of Chapter*
An*
kaya ko bang tapusin to? hahahahaha
kaya? kakayanin!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top