Mielle Buenavista
*Marielle's/Mielle's PoV*
"It's been a while, Alexandrei" i said.
"Louisse?!" Gulat na sabi nya.
Ugh! Gusto nya talagang tinatawag ako using my second name.
"Marielle, cousin. It's Marielle. Oh Mielle na pala. Start calling me as 'MIELLE' clear?" I asked.
Kumunot yung noo nya.
"What are you doing here?" Tanong nya.
I stared at him blankly. Seriously? Di man lang ba nya ako papapasukin sa loob?
"Mind if i come in?" I asked.
He sighed tapos umalis sya sa gate to give way.
Pumasok na ako, agad naman nyang sinara yung gate.
"HAHAHAHAHA! LOKO! ASAN NA SI DREI?"
May bisita sya?
"My friends" sagot nya, na para bang nabasa nya yung nasa isip ko.
Tumango ako.
"Hindi mo pa ako sinasagot, why are you here? And what's with the contacts?" He asked.
"I'm on disguise. I'll tell you everything later" i said.
Umakyat na ako sa hagdan pero pinigilan ako ng magaling kong pinsan.
"What?!" Inis na tanong ko.
"Anong gagawin mo?" Tanong nya.
I sighed, sobrang nasstress na ako.
"Bawal ba akong magbihis?" I asked.
"Right. You can use my room, the one on the left" sabi nya.
Tumango ako tapos umakyat na.
Nakita ko namang bumalik na sya dun yata sa may garden nila, nandun siguro yung mga friends nya.
Pumasok na ako sa room nyang kulay gray.
"Nice room" i said habang nililibot ko yung tingin ko.
My gaze landed on a picture frame beside his bed. Lumapit ako para makita yun. It's her, the girl on the concert night, yung tinulungan ko. Based on the picture mukhang sila na.
Pumunta ako sa closet ni Alexandrei, ok lang naman siguro kung hihiram ako ng t-shirt nya? Kumuha na lang ako ng white shirt.
I removed my gown. Buti na lang naka denim shorts ako sa loob. Sinuot ko na yung shirt ng pinsan ko, humarap ako sa salamin tapos tinanggal yung wig ko.
Yep, naka-wig ako. Tinabi ko yung wig sa gilid ng cabinet ni Alexandrei, dyan na lang muna yan. I removed my brown contacts too.
I stared at my reflection.
"Hi Mielle Buenavista" i said to myself.
Nagpunta ako sa C.R. para tanggalin yung make up, seriously, nangangati na ako! Hay
I washed my face tapos lumabas na ulit.
From now on, I'm going to live a normal life, walang buttler, walang katulong, just me.
Umupo ako sa higaan tapos chineck ko yung laman ng bag ko.
Phone, birth certificate, enrollment papers, I.D, driver's license, etc. Lahat yan Mielle Buenavista ang pangalan, my name from now on.
Niladlad ko na yung gray na buhok ko, i dyed it dati talaga black yung buhok ko. My parents didn't know about my gray hair, wala din naman silang pake.
*kruuuu~ kruuuu*
Gutom na akooooooooo!
Tinabi ko yung gamit ko sa higaan ni Alexandrei. I need food! NOW!
*kruuuu~ kruuuu*
"Ugh! Stupid stomach" i hissed tapos lumabas na ako sa kwarto.
Dahan dahan pa akong bumaba, dumaretso agad ako sa kitchen ng pinsan ko.
Binuksan ko yung ref, puro raw meat yung laman!
Napasampal na lang ako sa noo ko.
Alexandrei can't cook and so do i! Kung dito ako titira, paano kami mabubuhay?! Walang marunong magluto sa amin!
Wala talagang ibang laman yung ref. Gulay, raw meat, juice, ect. Walang pagkain!
Sinara ko na yung ref.
*kruuuu~ kruuuu*
"Be still, stupid stomach" i said habang hawak ko yung tyan ko.
I'm so damn hungry!
Napatingin ako sa kitchen counter, may fruit basket! Siguro naman mabubuhay naman ako sa prutas di ba?
I grabbed an apple tapos hinugasan ko yung sa sink, umupo ako sa mismong table tapos kinain ko na yung apple.
Kung sa mansion, kahit anong pagkain yung gusto ko nakakain ko, pero ngayon apple na lang.
Nilabas ko yung phone ko.
"First selfie as Mielle Buenavista, smile" i said.
*click*
Tinignan ko yung picture, halatang peke yung smile ko.
"Stupid smile" i said.
*crash*
Nagulat ako, may nabasag na baso. Pag-angat ko ng tingin may lalake sa harap ko.
Nakatulala sya sa akin as if this is the first time that he sees a human while eating an apple.
"What happened, Gabby?" Tanong ni Alexandrei.
I remained calm, bahala sila dyan kakain lang ako ng apple.
Nakatulala pa rin yung Gabby? Sa akin tapos napatingin sa gawi ko si Alexandrei gulat na gulat na naman sya. Kasabay nun yung pagpasok ng mga kaibigan nya sa kitchen.
Parang may dumaang anghel sa kitchen sa sobrang tahimik namin.
"Teach me master" bulong nung isang lalaki na bumasag sa katahimikan.
Napasampal si Alexandrei sa noo nya.
"It's not what you think" nagtitimping sabi ng pinsan ko.
Poor Alexandrei. Iniisip siguro nila na babae ako nya ako.
"Sino sya?" Tanong nung isa pang lalaki.
Hindi sumagot si Alexandrei. Great. Mas lalo syang paghihinalaan na 3rd party ako. Stupid.
"Who is she?" Tanong nung isa pa, familiar voice.
Napatingin ako sa kanya. Sya yung muntik ng pumatay sa akin eh! Magkaibigan sila ni Alexandrei?!
Natahimik silang lahat.
"WHO THE FVCK IS SHE?!" galit na sigaw nya.
Nagpantig yung tenga ko sa sinabi nya kaya binato ko yung apple sa kanya tinamaan sya sa mukha.
Nagulat sila sa ginawa ko.
"Watch your words" malamig na sabi ko.
Bumaba ako sa kitchen counter tapos lumabas sa may garden ng bahay.
"Bro, grabe ka! Sino yun?"
"Niloloko mo ba si Arielle?!"
"Shut up!"
Sumunod sila sa garden.
May biglang humawak sa braso ko, sobrang higpit, napangiwi pa ako sa sakit. Hinarap nya ako sa kanya at sinalubong ako ng isang pares na mata na nagaapoy sa galit.
"Clyde" saway ni Alexandrei.
"Clyde babae yan" sabi nung isang lalaki.
"Let go of me" malamig na sabi ko.
Pero parang wala syang narinig at hindi pa rin nya ako binibitawan. I calm myself, baka masapak ko to.
"I said LET-GO-OF-ME" i said through gritted teeth.
Binitawan nya agad ako. Napahilamos sya sa mukha nya, tapos naupo sa upuan.
"Sino sya Drei?" Tanong nya ulit.
He sounded like he's a jealous boyfriend and Alexandrei is his boyfriend.
"I swear to God, I'll kill you pag niloko mo sya" dagdag nya.
That's so brave of him.
"I'm no threat, wala akong balak agawin yung boyfriend mo" i said.
Napatingin silang lahat sa akin.
"What did you just said?" Tanong nya.
"Bingi ka?" Tanong ko.
He clenched his fist. Napatayo sya tapos lumapit sya sa akin, so close. What i mean by close, as in close halos magtama na yung ilong namin. But i remained calm.
His brown eyes are blazing in anger.
"Who are you?" Galit na tanong nya.
Nakipagtitigan ako sa kanya.
"I'm your worst nightmare" bulong ko then i smirk.
Nabigla sya sa sagot ko, napaatras sya.
Hinila naman sya nung isang lalake.
"Kumalma ka nga Clyde" sabi nya tapos pinaupo ulit yung beast na yun, ang lakas ng loob lumapit sa akin.
"Maupo nga kayong lahat" sabat ni Alexandrei.
Parang aso namang sumunod yung mga kaibigan nya. Naupo din sya, halata naman sa kanya na hindi nya gusto yung nangyayari.
"Clean this mess" utos nya sa akin.
Ako inuutusan nya?
"I don't clean" malamig na sabi ko.
I really don't clean, may mga katulong sa mansion, sila yung naglilinis at hindi ako.
"Clean this mess" ulit nya.
Natahimik kami. I hate introducing, seriously.
"I'm Mielle Buenavista. Alexandrei's-- PIZZA!" i said.
Pumunta ako sa center table tapos kumuha ako ng isang slice ng pizza, oh my gahd food!
I took a bite.
"Hmmmmm, heaven!" I said.
Napatingin ako sa kanila, lahat sila naka nga-nga dahil ginawa ako. That's so unladylike.
I cleared my throat.
"I'm Mielle Buenavista. Alexandrei's cousin" i said.
Natahimik ulit sila. Seriously?
"Cousin? Wala bang mas maayos na excuse?" Tanong nung beast. Namumuro na sya sa akin ah!
Gutom ako, so please this isn't the right time to annoy me.
"Are you stupid? Or just plain stupid? Didn't you heard my surname?" I asked coldly.
"Enough" sabat ni Alexandrei.
"She's my cousin" dagdag nya.
Natahimik sila.
"Bakit sya nandito?" Tanong nun isang lalaki.
Napatingin sa akin si Alexandrei, he's also waiting for my answer.
"I'm staying here for good" sagot ko.
"WHAT?!" gulat na tanong ni Alexandrei.
Hindi ganito si Alexandrei noon eh, her girlfriend must be something.
"Yes, I'm staying" sabi ko.
"Dito sa bahay ni Drei?" Tanong nung beast.
Tinignan ko sya, talagang naiinis ako sa kanya!
"Why? You want me to stay in your house instead?" I asked.
Natawa naman yung mga kaibigan nya.
"I don't like her" sabi nung beast.
"The feeling is mutual, beast" sabi ko.
Nagulat sya sinabi ko, kahit ako eh. Baka maaalala nyang ako yung muntik na nyang mabangga.
Tinitigan nya ako, i don't know what to do.
"Cut the staring, i know I'm beautiful" i said coldly
Mabilis syang umiwas ng tingin.
"Magpinsan nga kayo" sabat nung lalaki.
"Pareho silang cold" sabi nung isa.
"Pero bakit hindi kayo magkamukha? Galing ba syang Greece?" Tanong nung Gabby?
"What are you saying?" Tanong ni Alexandrei.
"She must be a Greek goddess from Olympus, I'm Gabby" sabi nya then he offered his hand to me.
We shook hands.
"Mielle" i said.
Binitawan nya yung kamay ko tapos tinitigan nya yung kamay nya as if there's something magical happening in it.
"Hindi na ako maghuhugas ng kamay" sabi nya.
Natawa yung kaibigan ni Alexandrei, pati sya tumawa.
"Introduce yourselves, sinimulan na ni Gabby" sabi ni Alexandrei.
Natahimik sila, parang takot sila akin.
"I won't bite" malamig na sabi ko.
"I'm ken" sabi nung lalaki na payat.
"Thor" sabi nung lalaki, he's the one who broke the silence earlier.
"Alex" sabi nung lalaki na naka jersey.
Lahat sila tumingin dun sa beast, waiting for him to introduce his self.
"I still don't believe you're Drei's cousin, I'm Clyde" sabi nya.
Napataas yung kilay ko sa kanya. Tumayo ako tapos pumasok ako sa loob, umakyat ako sa room ni Alexandrei tapos kinuha ko yung papers ko as Mielle Buenavista.
That beast is annoying the hell out of me, I'm trying my best to be nice to them but he's testing me.
Bumaba ako tapos pinakita ko sa kanya yung fake papers ko.
"Is this enough to shut your mouth off?" I asked.
Tumalim yung tingin nya sa akin.
Kinuha ni Alexandrei yung papers ko tapos binigyan nya ako ng explain-to-me-everything-later look.
"So sa school ka din namin magaaral?" Tanong ni Gabby.
"Yup" sagot ko.
"That's cool" sabat nung Thor.
"Anong course mo?" Tanong ni Ken.
"I'm taking up finance as a transferee" sagot ko.
"Yun oh, finance kaming dalawa ni Clyde" sabi nung Alex? Habang inakbayan yung beast.
Should i be happy about it? *sarcasm on point*
"Finance din yung girlfriend ni Drei" sabi nung beast.
"I want to meet your girl, Alexandrei" sabi ko.
"You'll meet her in no time" sagot ni Alexandrei.
Tumayo ako tapos pumunta ako sa may bench malapit sa pool tapos nahiga ako, sinusundan nila ako ng tingin. I'm so tired.
"Don't mind me, just continue what you're doing" sabi ko.
Natahimik sila. Ugh, bakit ganon sila?!
"You heard her, ano na? Dun na ba tayo sa resort namin?" Tanong nung lalaki, i guess it's Gabby.
"Dun na tayo"
"Oo nga, para roadtrip na lang din tayo"
"Three days tayo dun"
So may outing pala sila, there's still a week before the school year starts.
"You want to come with us, Mielle?" Tanong ni Alexandrei.
"I thought you'll never ask" sabi ko.
"Yun oh! So tuloy na tayo" sabi ni Gabby.
Pumikit na lang ako, ok this is it. Magsisimula na yung buhay ko as Mielle Buenavista.
"Bakit ka nga pala na-late Clyde? Kanina pa kami nandito eh" tanong nung isa sa kanila, can't distinguish the name.
"May muntik na kasi akong mabangga kanina" he said. Goodness! It's me!
"Aso?" Tanong nung guy.
"Baka pusa?"
"A runaway bride" sagot nung beast.
"A bride?" Tanong ni Alexandrei, kahit nakapikit ako ramdam kong nakatingin sya sa akin.
"Yeah, a bride" sabi nung beast.
"Bro, maganda ba? Baka destiny mo na yun!" Tanong nung isang lalaki.
*coughs...coughs*
Stupid throat! Bigla akong naubo.
"Tss destiny?" Tanong nung beast.
May destiny ba? Kalokohan!
"Is she beautiful?" Tanong ni Alexandrei, medyo lumakas yung boses nya as if sinasadya nyang iparinig sa akin. Ugh kainis!
"She's--"
*ringsss...ringsss*
Save by the phone call!
"Hello ma? Ha? Bakit?...talaga? That's amazing ang lakas maka-teleserye haha...call you later" si Alex yata yun.
"Si tita?" Tanong nila.
"Yeah, canceled daw yung kasal kasi hindi dumating yung bride" sabi nya.
"Baka yun yung muntik mo ng mabunggo, Clyde?" Tanong ni Gabby.
"I guess" sabi nung beast.
The heck! It's really me!
"Nabubugbog yung tatlong guards eh, may back-up yata" natatawang sabi ni Alex.
I don't have any back-up.
Why am i eavesdropping?! Ugh gahd! Pumikit ako ng mariin, kainis!
Naguusap sila about trainings, basketball and girls. Seriously?
Hinayaan ko lang sila as long as hahayaan lang din nila ako to rest peacefully and gladly they did.
"Una na kami, Drei. Sa monday ah" sabi nung lalaki.
"It's nice to meet you Mielle" sabi ni Gabby.
Napamulat ako, nakatayo sya sa tabi ko.
"Same to you, Gabby" i said then i smiled.
Tumayo na ako, para makapagpaalam din sa kanila.
"Bye Mielle" they all said except the beast.
Lumabas na sila, sumunod naman ako kasabay ni Alexandrei.
Nag man hug naman silang lahat. Bromance.
"You're just his cousin"
Nagulat ako sa pagsulpot ng beast sa tabi ko, napatingin ako sa kanya, namula yung bandang cheekbones nya dahil sa pagbato ko ng apple, I'm not sorry tho.
"What else do you think? Beast" sabi ko, hindi ko na naman napigilan yung bibig ko sa pagtawag sa kanya ng beast.
Our eyes met.
"Have we met before?" Tanong nya.
Nakaramdam ako ng kaba sa tanong nya.
"Nope, i don't think so" sagot ko tapos pumunta sa kitchen. I need water to calm myself.
Uminom ako tapos kumuha ulit ako ng apple, hinugasan ko yun tapos kinagat ko.
Naupo ulit ako sa kitchen counter.
"You've got a lot of explaining to do, Mielle Buenavista?" Sabi ni Alexandrei.
"Look, i need your help" i said.
Hinila nya yung upuan tapos umupo sya dun.
"Do i have a choice?" Tanong nya,
Umiling ako
"What's the plan?" He asked.
"Normal life" i said.
Naguguluhan nya akong tinignan.
"What?" Tanong nya.
I sighed,
"My plan is to have a normal life hanggang sa dumating yung parents ko dito para sunduin ako" i said.
"Seriously? That's the plan? Ano ba kasing nangyari?" He asked.
"Alexandrei, that wedding earlier, pang-twelve na yun. Ayoko na, I'm done on letting them to control me" malamig na sabi ko.
"A rebellion" he said.
"Kinda" i said.
He sighed tapos tumayo na sya.
"Make sure to have a peaceful rebellion" sabi nya.
How's that even possible?
"Is that even possible?" I asked.
"You're Marielle Louisse Dela Rosa, you can make impossible things to become possible" nakangiting sabi nya.
Whaaaaaaaaat?
Seriously? Nagugulat ako sa pagbabago ng pinsan ko, but overall it's a good change.
Lumabas na sya ng kitchen, i knew that he'll help me.
I'm hoping that it'll be a peaceful rebellion, ayoko sanang may madamay na iba.
*Someone's PoV*
"Madame, there's no signs about the young lady. Nung tumakas sya, iniwan nya yung personal na gamit nya including her passport and I.D" my private investigator said.
I sat on my swivel chair and drank my wine. I did not raised her like that, i raised her to become a fine lady pero kung ano ano yung nabalitaan ko within this day.
"She's still in the philippines" i said.
"Yes Madame, magpapadala na po kami ng search team to find her. May kutob po ako na she's in disguise" he said.
*tok.tok.tok*
Biglang pumasok yung secretary ko.
"Madame, here's the medical results for eye check up of the young lady" she said.
Binaba nya yung papers sa desk ko tapos lumabas na rin sa office ko.
Binuksan ko yung envelope ng results tapos binasa ko.
"I don't think we'll be needing the search team" i said.
Kumunot yung noo nya.
"Madame?" He asked.
"My daughter, she herself will return to me and beg" i said.
Tinignan nya lang ako, of course he doesn't know what i mean.
"You may go" i said tapos lumabas na sya.
I drank my wine and i stared at her picture, kahit saang family picture namin hindi sya nakangiti, i rarely see my daughter smile.
Nilagay ko na yung papers sa drawer ko.
She'll return to me and I'm sure that she'll be begging.
"Enjoy your stay there in the philippines, my daughter. Enjoy while you still can" i said to her picture.
Enjoy until your dark days return.
*end of chapter*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top