His secretary

*Mielle's POV*

I got up early—too early! It's just 4:30 in the morning and my class will start at 10 a.m. though I need to be at school by 8 a.m. but still! It's just 4:30 a.m. and I still haven't got a decent sleep!


Naiinis akong tumayo mula sa pagkakahiga ko at nagpunta sa closet ko. I change my clothes, magja-jogging na lang ako.


It's already quarter to five nang lumabas ako sa bahay and then I started jogging. Madilim pa pero hindi naman ako natatakot since may mga kasabay din naman ako, mostly mga matatanda na. After ng ilang rounds, I decided to return to Alexandrei's house. I walk towards his garden and pinapatuloy yung pagwoworkout.


"Make him fall for you"

"Make him fall for you"

"Make him fall for you"


"ARGH!" I said as I finished my sit-ups.


Is that even possible?! The beast will fall in love for me?!


'Kung impossible then why the hell did you agree in helping them?'


"Ugh! Nakakainis" I said as I wear Alexandrei's boxing gloves.


Lumapit ako sa punching bag sa gilid at dun ko inilabas lahat ng frustration ko. Sa sobrang inis ko hindi lang suntok ang nagagawa ko, sinisipa ko na rin yung punching bag.


"Poor thing"


Hingal na hingal akong lumingon sa gilid ko and then I saw Alexandrei standing while holding his coffee mug.


I rolled my eyes at him and resume on punching and kicking the bag.


"What's the problem?" He asked.


'The beast is still hopelessly in love with your girl'


*kicks*


'And your other friend wants me to do something impossible'


*kicks*


'They want me to make that beast fall for me'


*punch*


"Nothing, masama bang mag-workout?" I asked.


"Hindi naman, ang tagal mo ng hindi nagwoworkout. Tumataba ka na" he said then he laugh.


*punch*


"Do you want to exchange places with this 'poor thing'?" I asked as I glared at him.


"Chill hahaha, tama na yan at mag-rest ka na bago magprepare for school" he said then he left.


"Yung pagbabago ni Drei? Napapansin mo yun di ba? Noon hindi sya palangiti at madalas na tahimik kahit pa loko-loko yung mga kaibigan nya, sya nanatiling seryoso. Cold sya noon, snob at most of the time wala syang pakialam sa paligid nya. Pero tignan mo sya ngayon? Mas naging friendly sya at tumatawa. Maraming nagbago sa kanya dahil kay Arielle, gusto mo bang bumalik sya sa dating sya dahil sa feelings si Clyde na hindi naman nya ginusto?"

"Maraming nagbago sa kanya dahil kay Arielle, gusto mo bang bumalik sya sa dating sya...?"

"Maraming nagbago sa kanya dahil kay Arielle, gusto mo bang bumalik sya sa dating sya...?"


I sighed.


Naiinis kong hinubad yung boxing gloves bago nagpunta sa kitchen, kumuha ako ng apple at hinugasan yun bago kainin.


'Bakit ba ako pumayag?'


Is it because of Alexandrei? Is it because naaawa ako kay Beast? Or Is it because sa motor na makukuha ko?


Kung tutuusin kayang kaya kong bumili ng ganong motor eh but bakit ako napapayag?


Damn it!


I quickly walk towards my room and prepare myself to school.


It's already 7:30 nang matapos ako at naabutan ko pa si Alexandrei sa baba.


"Why are you still here?" I asked.


"Sabay na tayo, wag ka ng magcommute" He said.


I stared at him blankly.


'Yeah right! It would be awkward to be with Arielle in the same car!'


"No thanks. I can handle myself" I said then I walk towards the main door pero hinila nya yung bag ko kaya napatigil ako.


"Don't be so stubborn, wala akong kasabay" he said.


"Nasan si Arielle?" I asked.


"Dun sya sa kuya nya sasabay ngayon then sa akin sya sasabay pauwi" he said.


Nauna na akong lumabas at sumakay na sa sasakyan nya. Mabilis kaming nakarating sa school at binaba nya ako sa mismong harap ng main building.


"See you when I see you" he said.


I nodded then pumasok na ako sa building at dumaretso sa faculty.


"Ms. Buenavista"


I stopped walking, hinarap ko naman yung tumawag sa akin.


"Yes, Ma'am Mariano" I said


She smiled at me. Owkay?


By the way, she's the council advisor.


"I'm glad at naisipan mong tumulong sa council" she said.


Say what?!


"Here" she said habang inaabot nya sa akin yung isang folder at isang organizer.


What's happening?


I can't recall anything related to the council and most of all I can't recall helping them!


"Nandyan na yung panibagong schedule mo at eto yung organizer, nakalista dyan yung mga activities ng council. Ikaw ng bahala sa pagaayos nyan" she said.


I smiled at her, pilit na pilit. Feeling ko nakangiwi ako.


"Buti na lang at naihabol ni Alex yung application form mo kaninang umaga. Hirap na hirap nga akong pumili kasi napakaarte ni Clyde, buti na lang talaga at nagapply ka" she said.


Nagapply for what?


And what does it have to do with the beast?!


I smiled at her. I don't freaking know what to say!?


"Don't worry dahil maluwag na yung schedule mo at hindi mo na kailangang magassist masyado dito sa faculty, siguro sa library na lang at yung pagtutor at yung pagiging secretary" she said while smiling widely at me


Secretary!? Ako?!


I remember, inalok na nila ako na sumali sa council but I declined dahil ayoko ng masyadong maraming responsibility baka hindi ko na mabigyan ng focus yung studies ko.


"Sige na Ms. Buenavista, welcome na welcome ka sa council office. Hay buti na lang talaga at nahabol ni Alex yung form mo, hindi na ako mahihirapang magturo sayo dahil alam kong kaya mo na yan. I have to go" she said then she left me dumbfounded.


"nahabol ni Alex yung form mo"

"Nahabol ni Alex"

"Alex"


"Damn Alex" I whispered through gritted teeth.


Ano na naman ba to?!


I dialed his number at ilang rings lang sinagot din nya pero hindi sya nagsasalita.


"Where are you?" I asked.


"...."


"Alex, where—are -- you?" I asked again


"Ah hehehe nasa library ako" sabi nya.


I ended the call and head straight to the library.


Nakita ko syang nakaupo mag-isa sa dulong table, I quickly walked towards him at padabog na nilapag yung folder.


"What's this for" I asked.


"ang aga-aga mo namang mag-english, nasa pilipinas ka kaya magtagalog ka" he said.


I sighed then umupo ako.


"Para san to?" I asked.


Kinuha nya yung folder at tinignan isa-isa yung laman nun.


"tinutulungan kita" he said.


"For what?" I asked.


He glared at me but I rolled my eyes at him.


"Dun sa 'business'. Kasama to dun" He said.


Why is that?!


"Ang dami ko ng ginagawa" I said.


"Tignan mo nga mas lumuwag yung schedule mo, pareho na sa schedule ni Clyde" He said.


I stared at him.


"Explain to me everything" I commanded him.


He nodded.


"Yung dad kasi ni Clyde yung nagpasimuno nito eh at feeling ko umaayon yung tadhana sa 'business' natin kaya naman nagpasa ako ng form mo para maging personal secretary ni Clyde" He said.


Ano daw?!


"Personal what?" I asked.


"Shhh, ako muna magsasalita mamaya ka na. Moment ko to eh" He said. I just glared at him.


"Kasi ganito yun, si Clyde sobrang mangmang yan pagdating sa time management, sa dami ng responsibilities nyan hindi na nya nababalanse lahat. Napapabayaan na nya yung studies nya dahil sa council, napapabayaan nya yung council dahil sa basketball at napapabayaan nya yung sarili nya dahil sa lahat ng yan! Nagdecide yung dad nya na magpahire ng secretary ni Clyde para may tutulong sa kanya sa time management at studies na din nya" He said.


Magsasalita sana ako kaso pinandilatan nya ako ng mata.


"Bilang personal secretary nya, lagi mo syang kasama at nakaalalay ka sa mga ginagawa nya. Ultimo pagkain nya dapat naka schedule, isa talaga yan sa mga purpose mo, napapabayaan na ni Clyde yung health nya, wala na nga yang panahon para magworkout kaya ang lamya nya tuwing basketball practice. Nung nabalitaan ko yan nung weekend naisipan kong magpasa ng application form mo" nakangising sabi nya.


"Hindi naman trabaho ng secretary ang pakainin sya ah. He needs a caregiver, Alex or a personal assistant" I said.


Ako gagawing alalay?! No way!


Ni hindi ko nga rin maayos yung sarili kong schedule kaya may secretary din ako eh, tapos ako pa yung gagawing secretary!? Ha!


"Kasama yan sa 'business' how will you make him fall for you kung hindi naman kayo madalas magkasama?" he asked.


"sinong may sabing gagawin ko yan? He will never fall in love with me, Alex" I said.


Nginisian nya ako.


"Wag kang magsasalita ng tapos, Mielle. Magugulat na lang ako bukas makalawa kayo na pala hahaha" natatawang sabi nya.


"Dream on, Alex. Ayokong maging secretary nya and besides marami namang paraan para makalimot yung beast na yun eh" I said.


"O sige nga like what?" He asked.


"Iuumpog ko yung ulo nya sa pader para matauhan sya" I said.


Tinawanan lang nya ako.


Damn it!


"Believe me, Mielle. Making him fall for you is the easiest way for him to forget Arielle—syet! Nagenglish ako, bakla! Pengeng tisyuuu" natatawang sabi nya.


I rolled my eyes at him.


"Oh" he said.


My forehead creased.


"Ano to" I asked.


"Yan yung weekly schedule ni Clyde, mula sa pagiging council president, basketball player at student nya. Naka schedule lahat dyan pati pagkain nya. Gayahin mo na lang yan para sa mga susunod pang weeks" He said.


Do I really have to do this?


"Wala ka ng magagawa, tanggap ka na sa pagiging personal secretary nya" He said.


For sure marami na namang magagalit sa akin.


"Kung iniisip mo yung mga haters mo, trust me walang gagalaw sayo" he said


"And why is that?" I asked.


"Takot lang nila kay Clyde no. Napatahimik nga nung lokong yun yung mga haters mo nung nalaman na pinsan mo si Drei tas kasama ka ng basketball team nung training hahaha dapat kaya andami mo ng kaaway ngayon eh pero wala, hahaha thanks to Mr. president. By the way Mr. President ang tawag sa kanya ng lahat sa council, kaya yun din yung itawag mo sa kanya." He said.


Really?


Natahimik kami.


Ano na naman ba tong pinasok ko? Hindi ko nga maayos yung sarili kong gulo tapos nakisali na naman ako sa panibagong gulo! Damn it!


"Oh" He said as he placed a small box on the table.


I stared at him blankly.


Anong kalokohan to?


Kinuha ko yung box.


"Para naman ganahan ka sa 'business' at maginvest" natatawang sabi nya.


Inopen ko yung box at laman nun yung susi ng Ducati na hiningi kong kapalit dun sa 'business' namin.


"Baka sabihin mong talkshit ako eh, nasa parking na yung motor mo katabi ng sasakyan ni Clyde. May helmet na din yun. Sige na una na ako, pupuntahan ko muna si Nadia" He said tapos tumayo na.


I nodded.


"Good luck, Mielle. May tiwala ako sayo" He said then he wave his hands at me.


Naiwan naman akong tulala habang hawak yung mga papers na binigay sa akin. Nabago yung schedule ko, so anong klase ko ngayon?


"Damn it! Mamayang hapon pa?" I whispered.


Tinignan ko yung schedule ng beast, may training sila ng basketball mamaya hanggang 12 tapos council meeting tapos may klase mamayang hapon, kapareho ng klase ko!


"May napili ng secretary si Ma'am Mariano"


"Grabe ang swerte nya! Bukod sa may sweldo na sya lagi pa nyang makakasama si Clyde!"


"Oo nga! Huhuhu dat syud beh meeeeh!"


Seriously?!


Lumabas na ako ng library at tumambay muna sa discussion area. Inayos ko na din yung organizer pati schedule nung bwisit na beast na yun! Kukuha kuha sya ng maraming trabaho hindi naman pala nya kaya!


Tsh! Stupid!


Kinuha ko yung reading glasses ko sa bag ko at isinuot yun tsaka ko binasa isa isa yung schedule nya this week.


Napatayo naman ako dahil may meeting sya sa dance crew bago magstart yung basketball training nya ngayon!


Don't tell me, member sya ng dance crew?! Wtf!?


I quickly dialed his number.


And damn him! He's not answering his phone!!!


I dialed Alexandrei's number at mabilis naman nyang sinagot.


"Where's the beast?" I asked.


"hahaha what?" natatawang tanong nya.


Damn it!


Lakad takbo na ako palabas ng main building.


"Kasama mo ba si Clyde?" I asked.


"Kakarating lang nya dito" He said.


"Nasan kayo?" I asked.


"Nasa gym" He said then I ended the call.


Tumakbo ako papuntang gym not minding anyone kahit pa aware akong lumilipad yung skirt ko, tsk! Naka shorts naman ako!


Mabilis akong pumasok at tinulak yung double doors, natahimik sila nung makita ako.


"Mielle" Alexandrei said as he walks towards me.


Hinanap ko yung beast at nandun sya nakikipag usap sa mga cheerleaders! WHAT THE HELL?!


"Anong ginagawa mo dito" Alexandrei Asked.


Mabilis kong hinablot yung bola at pinabitbit sa kanya yung folder na dala ko.


You enjoy their attention huh? Sa sobrang pageenjoy hindi mo alam na may meeting ka pala!


I walk towards the beast as I dribble the ball, nung makalapit ako sa kanya binato ko sa ulo nya yung bola.


"What the hell?!" inis na sabi nya at napatayo sya bigla.


"OMG!"


"Clyde are you ok?"


"Hey bitch! What is your problem"


Gulat naman napatingin sa akin yung beast. Lumapit si Alexandrei sa akin kasama si Alex na tawang tawa.


"Mielle" Alexandrei said in a warning tone.


"Mr. President, you have a meeting with the EHDC in 10 minutes regarding the charity event that will be held here in our school" I said politely.


(*EHDC- East Hill Dance Crew)


Para namang nakakita ng multo yung beast, na feeling ko naalala lang nya yung tungkol sa meeting.


"sino ka ba ha?" tanong nung isang cheerleader.


"I didn't know that I need to introduce myself to you. Sino ka ba ha?" I asked.


"Bakit ikaw ang nagsasabi nyan?" tanong nung beast.


Talagang naiinis na ako ah!


I sighed.


"Mr. President" I said.


Damn him! feeling ko kausap ko si daddy! Yan din kasi yung tawag ko sa kanya lalo na kapag nasa empire ako. tsk!


"Mr. President, I'm Mielle Buenavista and I will be your personal secretary—"


"Ano?!"


Natawa na sila Alex pati yung ibang team mates nya. Based on his tune of speaking, parang nalugi pa syang ako yung secretary nya ah!


I smirked at him.


"I will be your personal secretary whether you like it or not" I said.


Natahimik ang lahat ng nasa gym.


"5 minutes left before the meeting, Mr. President" I said.


Naiinis naman syang tumayo at kinaladkad ako.


"Clyde! Take care of yourself" natatawang sabi ni Alex.


"You might wanna let go of her before she punches you right through your face!" sigaw ni Alexandrei.


Napabitaw naman si beast sa akin.


"She's not in the mood, Clyde. I'm warning you hahaha" natatawang dagdag ni Alexandrei.


Inis syang humarap sa akin.


"Bakit ka pumayag?" nagtitimping tanong nya.


Pumayag ba ako?!


"You should go to the meeting first" I said.


"Anong you? WE! dahil simula ngayon nakabuntot ka na sa akin!" he said sabay hila sa braso ko.


Talagang parang nalugi pa sya ah! Ang kapal ng mukha nya!


Binitawan nya yung braso ko nung makarating kami sa auditorium. Agad naman kaming sinalubong nung dance crew.


"Ako daw yung magchcheck kung ok na yung performance nyo para sa charity event" the beast said.


"sige lang, yung idea kasi ng crew gagawing story telling yung performance kaya naisip namin yung swan lake ang gagawin" sabi nung isang babae, I think she's the leader.


"Hindi ba kayo mahihirapan dun? Ballet yun ah" the beast asked.


"yung mga main characters lang naman yung kailangang marunong mag-ballet, dalawa lang naman yung main kaya keri na yun" sagot nung babae.


Napatingin sya sa akin.


"Oh girlfriend mo?" tanong nya pa.


"yuck hindi no!" sagot nung beast.


Eh kung sipain kaya kita pababa ng stage? Ewan ko na lang kung maka-yuck ka pa!


"grabe ka naman, maganda kaya si ateng. Hi ako nga pala si Ashley" she said.


"Mielle" I said.


"sige manood muna kayo ng practice namin. Tignan nyo kung pangit or may mali" She said tapos umalis na.


"ano bang alam ko sa ballet?" tanong nung beast sa sarili nya.


Tsh! Bakit sya pa yung naassign dito kung wala naman pala syang alam?! Stupid!


Naupo kami sa may harap, maglalagay sana ako ng space sa gitna namin pero hinila na nya ako paupo sa tabi nya! I just glared at him pero nakatingin na sya sa may stage.


Masyado syang nakafocus sa harap, akala mo naman may alam sa pagbaballet.


Tuloy-tuloy yung practice nila hanggang sa matigil sa gitnang part dahil natumba yung isang main cast, yung black swan.


Mabilis na tumayo yung beast at umakyat sa stage, sumunod naman ako.


"anong nangyari?" he asked.


The girl is sitting on the floor while holding her foot. Nagmamaga na.


"Hala sabi ko sayo magrest ka na lang eh" sabi nung isa


"ikaw pa naman yung black swan, kaloka"


"magang-maga yung binti mo, Chloe"


I sat down and help her remove her ballet shoes na masyadong mahigpit yung pagkakatali kaya mas lalong namaga.


"Since when did it start to be like this?" I asked.


"Last week pa, na-sprain ako napacheck naman na sa hospital pero hindi pa pala fully healed" she said.


"Paano yung performance? I'm sure hindi sya makakapag perform dahil sa lagay nya" the beast asked.


"no, kaya ko naman for charity naman to. magpapahinga lang ako tapos ok na" she said.


"Ano ka ba chloe! Magpahinga ka na lang, maghahanap na lang ako ng papalit sa role mo. Mas nakakahiya kung sa mismong performance ka magkalat" Ashley said.


Natahimik silang lahat.


"Sa Friday na yung event" the beast said.


Damn it! Why do I have to feel this?! Wala naman dapat akong pake! Pero guilty ako! Knowing na this performance is for charity!


"Makakahanap pa naman siguro kami" Ashley said.


"kawawa naman yung mga bagets pag hindi natuloy to" sabi nung isa.


Nakakainis naman eh! Isinusumpa ko ang araw na to!


"tutulong na din ako sa paghahanap" the beast said.


"Thanks Clyde, kailangang matuloy to" sabi ni Ashley.


"Sorry guys" Chloe said.


Ugh! Fck it! Para san pa't pinagaral ako nung witch ng ballet kung hindi ko magagamit di ba?! Tsh, minsan hindi ko talaga maintindihan yung mom ko dahil lagi syang kumukontra sa gusto ko, para syang witch na hinahadlangan ang happy ending ko!


Ayokong magsayaw, pero dahil yun ang gusto nya, yun ang masusunod. That's why I learned ballet.



*Clyde's POV*


Stress na stress na ako at nadagdagan pa ng stress!


Aside from Mielle na bigla na lang naging secretary ko, ngayon nawalan naman ng main cast yung dance crew. Paano na yung event?


"Nagtanong na ako sa mga cheerleaders, pero wala daw sa kanila ang marunong" sabi nung isang member.


Kawawa naman yung mga batang beneficiary ng event na yun sa Friday!


"Ahm, maybe I can help" the devil said.


Napatingin kaming lahat sa kanya.


"May kakilala ka ba?" I asked.


Hindi sya sumasagot.


"Hoy!" I said.


"Ako!" She said.


Gulat kaming napatingin sa kanya.


"Marunong akong magballet" she said.


Talaga lang ah?


"Hoy, mamaya nagmamarunong ka lang dyan" inis na sabi ko.


Hindi nya ako pinansin.


"Alam mo ba yung piece?" tanong ni Chloe.


The devil nodded.


"Ballet shoes? Anong size ng paa mo? Feeling ko same lang tayo" tanong ni Chloe.


"Meron ako sa bahay, size 8 ako" the devil said.


"Same nga tayo, familiar ka sa role ng black swan?" Chloe asked.


"naperform ko na rin yang role na yan nung 4th year highschool ako" the devil said.


"naaalala mo pa yung steps?" Ashley asked.


The devil nodded.


"wooh! Hulog ka ng langit!" Ashley said.


Devil yan! Kahit mukha syang Angel, devil pa rin yan!


Binigay ni Chloe yung ballet shoes sa devil, pinanood ko kung paano balutan ni devil yung paa nya ng manipis na tela.


"Pwede bang isang pasada naman dyan?" Ashley asked.


The devil nodded.


"magwawarm up muna ako saglit" she said tapos umakyat sa stage.


"Hindi ko akalaing marunong sya, wala sa tindig nya eh" Ashley said.


"Yeah, baka marunong lang, hindi magaling" sabi ko.


"Grabe kanina mo pa inookray si ateng" natatawang sabi nya.


"Hoy Mr. President panood kami" napalingon ako kay Alex kasama yung buong team.


"Nasan si Mielle?" tanong nya.


"Maupo ka nga Alex!" sita sa kanya ni Gabby.


"Wala si coach?" I asked Drei.


Ngumiti lang sya, so wala. Nabawasan yung stress ko.


Umalis si Ashley tumayo sya sa mismong harap ng stage at lumipat naman sa tabi ko yung mga loko.


"Si Mielle?" tanong ni Gabby.


"Baka umalis na? hanap ka ng hanap kita mong wala eh" sagot ni Ken sa kanya.


Maya-maya nagplay na yung music.


Nagsimula ng magsayaw yung white swan, magaling sya, napakagraceful ng pagsayaw nya ultimong pagtalon may poise!


Nagpalit yung music, yung kaninang masaya naging malungkot na medyo nakakatakot kasabay nun ang paglabas ni Mielle.


"Holy shh—"

"Si Mielle ba yan!?"

"shhh ang ingay"


Kahit nakauniform sya maayos pa rin syang nakakasayaw, aamin kong mas graceful pa sya kesa dun sa white swan. Sabay na sabay yung katawan nya sa music, kahit yung paglipad ng buhok nya sa tuwing umiikot sya nakikisabay din sa music.


"uhm mga laway nyo" natatawang sabi ni Alex.


Nagpalit na yung music naging nakakatakot at mabilis na yung beat pati yung pagsayaw nila at pagikot mabilis na din. Sabay na sabay kung magsayaw yung white swan at black swan.


"kasali ba si Mielle sa dance crew?" tanong ni Thor.


"Hindi" sagot ni Drei.


Kitang kita yung kwento sa kanilang pagsayaw, yung tension sa pagitan ng white at black swan. Kahit wala akong alam sa ballet at lalong lalo na sa swan lake na to, masasabi kong maganda ang piece na napili nila.


"ang galing ni Mielle" sabi ni Gabby.


Natapos yung piece sa loob ng 25 minutes, binago nila yung piece imbis kasi naka focus sa white swan yung kwento, naging yung black swan ang bida. Parang ito yung kwento kung paano sya naging masama at naging mabait din sa huli.


Tumigil na yung music at sabay na naglakad yung devil pati yung white swan papunta sa harap.


*clap.clap.clap.clap.clap*


"Iba ka Mielle!" sigaw nung mga rookie


"wooop! Tropa ko yan!" natatawang sigaw ni Alex.


"Grabe, ang galing mo! Isang pasada lang yan pero naperfect mo yung mga steps" sabi ni Chloe.


"Paulit ulit ko din kasing pinapractice yung piece na to noon" sagot nung devil.


"Ok guys maayos na lahat! Parang eto na nga yung general rehearsal natin eh haha" natatawang sabi ni Ashley.


Nagusap-usap sila saglit sa harap nakita kong tumatango-tango lang yung devil.


Panigurado dadami na naman yung magkakagusto sa kanya pag nakita syang sumayaw.tsk!


"lakas ng dating nya pagsumasayaw" sabi ni Ken.


Nakatingin lang ako sa devil habang naglalakad papunta sa amin.


Kinuha nya pa yung folder nya at tinignan yun.


"Ok ba?" tanong nya kay Drei


Ginulo ni Drei yung buhok nya habang tumatawa.


"Ballerina yata to" sabi ni Drei.


The devil just glared at her.


"pinuri ka na nga ganyan ka pa? maganda ok maganda" natatawang sagot ni Drei.


"anong masasabi mo Mr. President?" gulat akong napatingin dahil sa tanong nung devil na yun.


"M-Maayos" utal utal na sagot ko. sht.


Natahimik kaming lahat kaya rinig na rinig ko yung mahinang tawa ng mga rookie pati ni Alex.


"anong sabi ni Ashley?" tanong ko.


"May practice ako every morning, don't worry makakasama mo naman ako Mr. President dahil ikaw pala may pasimuno ng lahat ng to" sagot ng devil sa akin.


What?!


"Don't get me wrong, this is a charity event nakakatuwang ikaw pa ang nagayos nito" dagdag nya then she smiled at me pero mabilis na mabilis lang! tapos balik ulit sa pokerface.


Ibang klase yung pagngiti nya. Magan---HINDI NORMAL! ABNORMAL SYA NGUMITI! TSK!


"Una na kami" Drei said.


"May klase pa kami mga senpai" sabi ng mga rookie


"Punta ako kay Nadia" sabi ni Alex


At naiwan na lang kaming dalawa ng devil na to.


Tinignan ko sya habang tinitignan nya yung schedule nya, nagulat ako nung inangat nya yung tingin nya at nagtama ang mga mata namin.


"Wala kayong training?" Tanong nya.


Umiling ako.


"After lunch pa yung council meeting tapos mamayang hapon pa yung klase natin" She said.


Tsk!


"Anong gagawin ko?" inis na tanong ko.


Tinignan nya yung schedule.


"Wala, nakalagay dito 'breaktime'" sabi nya tas pinakita sa akin yung schedule.


Inis kong tinanggal yung schedule sa mukha ko.


"Tara kain tayo Mr. President" sabi nya.


"A-Ano? Wala ka b-bang klase?" tanong ko.


"Since I'm your secretary, we both have the same schedule, tsh" she said annoyingly.


Ano?!


Napatingin ako sa kanya—sa mga mata nya.


"I guess, you're stuck with me" sabi nya at ayan na naman yung abnormal nyang ngiti!!!


Damn it! 


*End of Chapter*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top