Found her
*Arielle's PoV*
Hays.
First day of school na bukas, dapat busy ako eh pero heto ako, nakaupo. Walang ginagawa.
Wala sila Nadia, Ellena at Kat. Umalis sila tapos hindi ako sinama! Tsk!
Bumili lang naman sila ng school supplies, ayoko rin naman sumama kasi madaming tao.
PERO ANG BORING TALAGA DITO!
Humiga ako sa couch at nag-isip ng mga pwedeng gawin.
Matulog na lang kaya ako?
“Eh hindi naman ako inaantok!”
Maglinis na lang kaya ako ng bahay?
“Eh nakakatamad!”
Napatakip na lang ako ng unan sa mukha.
Tawagan ko kaya si Drei?
*dug.dug.dug.dug.dug*
Iniisip ko lang sya ganito na yung epekto nya sa akin. Nababaliw na ako.
I dialed his number.
Ring lang ng ring.
“bakit hindi nya sinasagot?” bulong ko sa sarili ko.
Tinawagan ko ulit sya.
Ganon din, hindi pa rin sya sumasagot.
Busy ba sya? Pero dati naman sinasagot nya yung tawag ko kahit sobrang busy sya. Pero ngayon…
Hays.
I dialed his number again, for the third time.
“Hello, My Princess” bati nya.
Naramdaman ko naman yung pag-init ng pisngi ko. Hindi pa rin ako sanay!
“b-bakit di ka sumasagot?” nauutal na tanong ko.
“sorry hindi ko narinig” sagot nya, medyo maingay nga sa background nya.
Nasan ba sya?
“samahan mo ako, nood tayo ng sine?” tanong ko.
Kapal ko talaga, ako pa nag-aya eh no.
“ahhm My Princess, kasama ko si Mielle eh” sabi nya.
Biglang napahigpit yung hawak ko sa phone ko.
“nasan kayo?” tanong ko, kahit anong gawin ko hindi ko matago yung inis.
“nasa mall kami” sabi nya.
“Hey Alexandrei! Sino ba yang kausap mo?!” inis na tanong ni Mielle sa background.
“shhh” drei said.
Hindi ko alam kung ano ba yung dapat kong maramdaman.
“Fine! Bahala ka sa buhay mo!” sabi ni Mielle.
“Ugh dammit!” sabi ni Drei.
Hello! Nandito pa ako oh!
“Mielle! Get back here! Ang daming tao baka maligaw ka” sigaw ni Drei.
Bakit ba ako nakikinig?
Bakit ba hindi ko na lang ibaba yung tawag?
Bakit ako naiinis?
“Drei” I said.
“My Princess” he said.
He sighed.
Mukhang nasstress sya sa kasama nya.
“gusto mong manood?” he asked.
I nodded, kahit hindi naman nya ako nakikita. Pero nawalan din ako ng gana, mas ok siguro kung dito na lang ako sa bahay.
“I’ll find Mielle first then susunduin ka namin, manonood tayo” he said
Tayo. Kasama si Mielle.
“she wants to watch a movie a while ago pero madaming tao, manonood sana kami but she was too lazy and stubborn to wait” he said.
Pwede ko bang ibato yung phone ko?
“hey, My Princess? Still there?” he asked.
“oo, Drei, dito na lang pala ako sa bahay. Biglang sumakit yung puson ko” I said.
“what do you want? Fries? Chocolates? Pizza? Anything?” tanong nya.
I smiled, a fake one.
“wala, magpapahinga lang ako” sabi ko.
“are you sure?” tanong nya.
“kayo na lang ni Mielle manood ng movie, bye” sabi ko then I ended the call.
Napapikit ako ng mariin.
Nagseselos na naman ako ng wala sa lugar. Ugh!
*bzzzt…bzzzt*
From: Nadia
Nakita namin si Mielle at Drei dito sa mall. Nasan ka?
Hindi na ako nagreply, naiinis talaga ako.
*ring.ring.ring*
Kat Calling…
“Hello” bored na bati ko.
“ba’t di ka sumama?” tanong nya.
“tinatamad ako” sagot ko.
“muntik na kaya silang mapaaway kanina” sabi ni Ellena.
Naka on siguro yung speaker?
“nabastos ata si Mielle? Muntik na nyang sapakin yung lalaki” sabat ni Nadia.
Ugh! Mielle na naman!
“nasan kayo? Ba’t ang tahimik?” tanong ko. Hopefully mabago ko yung topic.
“nagtaxi kami. Mayaman kami ngayon” sagot ni Kat. Tapos nagtawanan sila.
“grabe talaga kanina, yun ata yung unang beses na nakita ko si Drei na galit” sabi ni Ellena.
“bakit? Ano bang nangyari talaga?” tanong ko.
I got curious? Kahit ako hindi ko pa nakikitang magalit si Drei. Lagi kasi syang kalmado, madalas plain na expression lang yung ipinapakita nya pagnaiinis sya, pero yung galit?
“nasa food court kasi kami, tapos nandun din sila. Mag-isa lang si Mielle sa table, siguro bumili ng pagkain si Drei tapos may lumapit na lalaki kay Mielle tapos nagulat na lang kami, sumigaw yung lalaki kasi hawak na ni Mielle yung braso nya, nakapilipit na tapos ready na masapak” sabi ni Nadia.
“kung hindi dumating si Drei, for sure may black eye na yung lalaki” sabi ni Ellena.
“lumapit lang yung lalaki tapos ginanon na nya?” tanong ko.
“nabastos nga kasi, hindi naman siguro gaganunin ni Mielle kung walang ginawa sa kanya di ba?” tanong ni Kat.
“baka naman kabastos-bastos yung suot nya?” bored na tanong ko.
“grabe ka naman! Simple lang yung suot ni Mielle” sabat ni Nadia.
“naka tshirt lang sya tapos shorts na hindi naman ganon kaiksi, tapos baseball cap tas rubber shoes. Anong kabastos-bastos dun?” tanong ni Ellena
“yung naka-shorts sya” sagot ko.
Bakit ba namin pinag-uusapan si Mielle? Tssss.
“oo yata? Di ba kinaladkad ni Drei si Mielle paalis ng food court?” tanong ni Kat
Kinaladkad?
“oo galit na galit si Drei tapos hinila nya si Mielle sa F21” sabi ni Ellena.
“dahil dakilang chismosa kami, sumunod kami” natatawang sabi ni Nadia.
“si Mielle lang yung nakita kong natatawa pa rin habang kinakaladkad. Laughtrip” natatawang sabi ni Kat.
“pagpasok namin sa F21, nakita namin si Drei kumuha na lang ng kung ano tapos pumunta ng fitting room, tapos lumabas agad sya tapos binayaran yung kinuha nya” sabi ni Ellena.
“lumabas si Mielle na mukhang manang. Ang haba ng palda nya, lagpas tuhod tapos maong pa” sabi ni Kat.
“ang kulit kaya nila. Una si Drei yung galit na galit tapos tawa ng tawa si Mielle. Nung nagbihis si Mielle sya naman yung galit na galit tapos si Drei yung tawa ng tawa” sabi ni Nadia.
Anong sasabihin ko?
“tapos?” bored na tanong ko.
“nagsisigawan sila sa F21, first time kong makita si Drei na sumigaw, tapos yung mapangasar na side nya. Tawa sya ng tawa parang maiiyak na nga sya sa kakatawa” sabi ni Kat.
Hindi ko pa nakikita yun. Partida ako yung girlfriend.
“para kaya silang mag-jowang may LQ” sabi ni Nadia.
Ok, that’s it.
“oh?” sabi ko.
Hindi na sila nakaimik sa sinabi ko. Alam nilang may mali sa sinabi nila.
“ah, manong tabi na lang po” narinig kong sabi ni Ellena.
“ano—Arielle tawagan ka na lang ulit namin mamaya” sabi ni Kat.
“sige” sabi ko tapos binaba ko agad yung tawag.
Humiga ako sa couch.
“para kaya silang mag-jowang may LQ”
“para kaya silang mag-jowang may LQ”
“para kaya silang mag-jowang may LQ”
Kung titignan nga naman silang dalawa, mukha nga silang mag-boyfriend. Siguro kung nandun ako tapos hindi ko sila kilala iisipin ko ring mag jowa sila na may LQ.
Hindi sila mag jowa, magpinsan sila.
MAGPINSAN SILA!
Magpinsan nga ba?
Mielle Buenavista is Marielle Louisse Dela Rosa. So paano sila naging magpinsan ni Drei?
“Eleven, eleven eligible bachelors around the world ang tinakbuhan nya sa kasal including me”
“bakit sya tumatakbo sa kasal?”
“bakit mo sya pinaiimbestigahan?”
Napatayo ako sa couch.
Baka kaya sya tumatakbo sa kasal kasi may mahal syang iba tapos hindi pabor yung parents nya sa relationship nila?
Or
Baka si Drei yung susunod na ikakasal sa kanya? Tapos tatakbuhan nya lang ulit?
Nagulo ko na lang yung buhok dahil sa mga iniisip ko. Kalokohan.
Napatakbo ako papunta sa kitchen, agad kong hinanap yung master key para mabuksan ko yung kwarto ni kuya.
Kung may makakasagot man sa tanong ko, si kuya yun. Pero syempre hindi ko sya tatanungin. Babasahin ko yung mga papers na nakuha nya tungkol kay Mielle este Marielle Dela Rosa.
Agad akong umakyat sa kwarto nya.
Nakita ko pang nakadikit sa dart board yung picture ni Mielle Marielle whatever.
Lumapit ako dun tapos kinuha ko, nakakapagtaka naman. Magaling si kuya sa darts pero hindi man lang nya natamaan yung picture.
Lumapit ako sa drawer nya.
“nakalock” bulong ko.
Naghanap ako ng pwedeng paglagyan ng susi.
Inangat ko yung unan nya pero wala naman dun.
Halos baliktarin ko na yung buong kwarto nya, wala pa rin akong makitang susi.
Napaupo ako sa kama nya at napatingin sa dart board.
Tumayo ako ako tapos tinanggal ko sa pagkakasabit yung board.
Viola!
Nasa likod lang yung susi!
Agad ko yung kinuha tapos binuksan ko yung drawer nya.
Kinakabahan ako habang hawak ko yung handle ng drawer.
I sighed.
Hinila ko yun, nagulat ako nung makita kong walang laman yung drawer.
“nasan?” bulong ko.
May secret button kaya yung drawer ni Kuya?
Kinapakapa ko pa yung sulok baka nga may button.
“what are you doing?”
Nasara ko agad yung drawer dahil sa gulat.
“hinahanap kita, aayain sana kitang manood ng sine” sabi ko. Nagpapasalamat naman ako at hindi ako nautal kahit grabe yung kaba ko.
Tinaasan nya lang ako ng kilay.
“there’s no point in lying, My love” nakangising sabi nya.
Lumapit sya sa kin.
Kinuha nya yung susi sa kamay ko.
“why are you here?” mahinahong tanong nya.
I sighed.
“gusto lang sana kitang tulungan sa paghahanap mo sa babae” sabi ko.
“why?” tanong nya.
“bored ako ok! Bored ako! Wala akong magawa” inis na sabi ko.
Natawa naman sya.
Naupo sya sa higaan nya.
“I stopped looking for her” sabi nya.
Tumigil na sya?
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or what?
“that day, nung pinalakad mo sa akin si D, yun din yung araw na tumigil akong maghanap” sabi nya.
Yun din yung araw na pupunta sana ako kila Drei para pagusapan yung outing namin kaso hindi ako pinayagan kasi aalis kami ni mama.
“I saw a runaway bride. Brown hair, brown eyes” sabi nya.
Runaway bride?
Flashback~~
“kamusta naman yung araw mo?” tanong ko pagkasagot ni Clyde ng tawag.
“ayos lang” bored na sagot nya.
Nakakainis talaga tong impaktong to!
“may nakita ka?” tanong ko.
“yeah, actually dalawa sila” sagot nya.
Napangisi ako.
“destiny mo na yun ah” natutuwang sabi ko.
“tsss, destiny? Ano yun joke?” tanong nya.
“so anong itsura nila? Maganda?” tanong ko.
“well, maganda sila pareho” sagot nya.
“talaga? Sinong mas maganda?” tanong ko.
Hindi agad sya nakasagot.
“oi” sabi ko.
“di ko alam” sagot nya.
Pwede bang hindi nya alam?!
“sino nga?” tanong ko.
“the one with the gray hair and a pair of emerald eyes” sagot nya.
Ano daw?
“ha?” tanong ko.
“alam mo ba na runaway yung muntik ko ng mabangga kanina” sabi nya.
“HOY!”
“AY PALAKA!”
Sinamaan ko ng tingin si kuya natawa lang sya sa akin.
“natulala ka na dyan” sabi nya.
“gaya ka din dali” sabi ko.
“alam mo ba na runaway yung muntik ko ng mabangga kanina”
“alam mo ba na runaway yung muntik ko ng mabangga kanina”
“alam mo ba na runaway yung muntik ko ng mabangga kanina”
“the one with the gray hair and a pair of emerald eyes”
“the one with the gray hair and a pair of emerald eyes”
“the one with the gray hair and a pair of emerald eyes”
Napaupo na lang ako sa sahig dahil sa mga naiisip ko. Yung dalawang babae na sinasabi ni Clyde, iisa lang. sa araw na yun muntik na nyang mabangga yung runaway bride, nung araw din na yun dumating si Mielle kila Drei.
Si Mielle yung runaway bride na brown daw yung buhok at mata!
Si Mielle yung may gray na buhok at green na mata!
NAKA-DISGUISE SYA!!!
pero bakit?!
Napatingin ako kay kuya.
“ano bang iniisip mo?” tanong nya.
Umiling lang ako.
“nasan na yung mga papers about dun sa babaeng hinahanap mo?” tanong ko.
“tinapon ko na” sagot nya.
Paano ko malalaman yung totoo? Kung magpinsan ba si Mielle at Drei? Paano ko masasagot yung mga tanong ko?
“why?” tanong ko.
“I told you I’ll stop looking for her” sagot nya.
Kumunot yung noo ko.
“why?” nanlulumong tanong ko.
Napangisi na lang sya sa akin.
“because I already found her”
*end of chapter*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top