Beautiful Lie
*Mielle's PoV*
Nilagay ko na sa bag ko yung journal ko. Chineck ko na din kung may naiwan akong gamit, nung ok na lahat lumabas na ako sa room ko. Saktong sakto namang kakatok pa lang yung pinsan ko.
"Akala ko tulog ka pa" he said.
"I'm ready, aalis na ba tayo?" I asked.
Kahit anong tago ko, nae-excite talaga ako tapos kinakabahan.
Ngumisi si Alexandrei.
"Excited" he said.
Sino bang hindi? This is my first adventure as Mielle tapos road trip pa!
"Sumabay ka na sa akin, yung fortuner yung gagamitin ko" he said.
Umiling ako tapos inangat ko yung susi ni bumblebee.
"I'm driving" sabi ko.
"Baka maligaw ka" he said.
Yep, wala talaga akong kwenta sa mga directions na yan eh.
"Susundan ko lang naman kayo, come on! Pagbigyan mo na ako" i said.
He sighed tapos nauna na syang bumaba. Sumunod na din ako sa kanya, pumunta ako sa kitchen para kumuha ng apple. It's my favorite.
"Ang tagal naman yata nila" inis na sabi nya.
"Who?" I asked.
"Sila Gabby" he answered.
Tumango na lang ako tapos lumabas na, kailangan kong i-check kung ok si bumblebee. Naramdaman ko namang nakasunod si Alexandrei sa akin.
"You have a car?" He asked.
Di ko alam kung mao-offend ako or what? Of course i have carS, with capital S!
"Dala ko si bumblebee" malamig na sabi ko.
"Who's bumblebee?" Tanong nya habang binubuksan yung gate.
"My car" i answered.
Paglabas namin nakita namin sila Gabby, Ken at Thor sa tapat ni Bumblebee.
"Bro sayo to?!" Tanong ni Ken.
"Ang gandang panghakot ng chicks" sabi ni Gabby tapos hinawakan si bumblebee.
"Ang galing ng pagkaka-costumize" sabi ni Thor tapos sumilip sa salamin.
"May tatak talaga ng transformers!" Dagdag nya.
Nilingon ko si Alexandrei naka-poker face na sya.
Lumapit sya sa akin.
"Don't tell me, it's the real bumblebee, the one from the transformers?" Tanong nya.
It is! Binili ko yun mismo after nung last movie ng transformers!
Tumango ako tapos napa-facepalm sya.
"Tapos hindi mo man lang pinasok sa loob ng parking?" Tanong nya.
"Nakalimutan ko" i said.
Tinitignan pa rin nila Gabby si bumblebee.
"Kanino to Drei? Bakit nasa labas lang?" Tanong ni Ken.
"The owner of that car is irresponsible" bored na sagot ni Alexandrei.
Eh kung sipain ko sya?
"Ang lakas maka-gwapo ng sasakyan na to" sabi ni Gabby
"Hi Mielle" bati ni Thor sa akin.
Tumango lang ako.
Nilabas na ni Alexandrei yung sasakyan nya.
"Di pa ba kayo sasakay? Baka naghihintay na sila" sabi nya.
Sinong naghihintay?
Sumakay na sila sa sasakyan.
"Ikaw Mielle?" Tanong ni Gabby.
Tinaas ko yung car keys ko tapos pinindot ko na para maopen si Bumblebee.
"Sayo yan?!" Sabay na tanong nilang tatlo.
Ngumiti lang ako tapos sumakay na.
"I miss you bee" i said habang nakahawak ako sa manibela.
I started the engine. Kinuha ko naman yung shades sa bag ko, medyo mainit na kasi.
Binuksan ko yung bintana.
"Lead the way, Alexandrei" i said tapos tinaas ko na ulit yung bintana.
He did as i said, nauna na sya tapos sumunod lang ako. Mas lalo akong kinakabahan, what the heck?!
"Calm down" bulong ko.
Nagfocus na lang ako sa pagda-drive, hanggang sa huminto yung sasakyan ni Alexandrei sa tabi ng isang pick-up na sasakyan.
Nandito na kami?
Tanaw kong bumaba sila sa sasakyan, nakita ko pang kayakap ni Alexandrei yung girlfriend nya.
Lalabas ba ako or what?
Dito na lang kaya ako kay bumblebee? Feeling ko mas safe ako dito.
Maya-maya lumapit si Gabby sa sasakyan, kinatok pa nya yung bintana ko. Binaba ko naman.
"Mielle, gusto mong ma-meet si Arielle di ba? Tara na" he said.
I smiled, a really fake smile. Hindi ko nga alam kung ngiti yun or ngiwi?
Bumaba na ako, tumakbo naman si Gabby pabalik kila Alexandrei.
Napatingin ako sa suot ko, high waist shorts tapos plain white shirt tapos white converse.
Bakit bigla akong na-conscious sa suot ko? Gahd! I'm a lady filled with confidence! Si Marielle pala yun, eh kaso si Mielle ako ngayon. Hay.
Inayos ko yung shades ko tapos bigla kong naalala di pala ako nagsuklay! Hay. Ang pangit ko!
"Guys, si Mielle" sabi ni Gabby.
I smiled.
"She's my cousin" sabat ni Alexandrei.
Tinanggal ko yung shades ko tapos ngumiti ulit ako.
"I'm Ellena" sabi nung babaeng payat.
"Hi I'm Kat" sabi naman nung babaeng maliit.
"Hala ang ganda mo! I'm Nadia" sabi nung babaeng naka flower crown.
"Hi I'm Mielle Buenavista" sabi ko.
Mga friends siguro sila ni Arielle. Nakatingin lang sila sa akin.
Medyo naging uneasy yung feeling ko dahil sa titig ni Arielle sa akin. Namukhaan nya ba ako?!
"My princess, this is my cousin. Mielle" sabi ni Alexandrei.
Nakatitig lang sakin si Arielle, sobrang naiilang ako.
"My princess" untag ni Alexandrei.
Kumurap si Arielle tapos nailing.
"Kapatid ba sya ni Marielle? Yung sinabi mong tumulong sa akin nung concert? Nakwento mo yun" sabi ni Arielle.
Gusto ko ng lumubog sa lupa, right now! Eto na nga ba yung sinasabi ko eh!
"Yeah" sagot ni Alexandrei.
Tinitigan lang ulit ako ni Arielle.
"Pareho kayong maganda" she said tapos ngumiti sya,
Ngumiti lang ulit ako.
Maya-maya may sasakyan na dumating. Biglang naging aligaga si Arielle.
"Si kuya" she said.
Bigla syang umalis tapos sinalubong nya yung kuya nya.
That's kinda weird.
Hinila ko si Alexandrei pabalik sa gilid ng sasakyan nya.
"You told her? Na ako yun?!" Bulong na tanong ko.
Umiling sya.
"Sinabi ko lang na pinsan ko yung babaeng tumulong sa kanya that night" sagot nya.
"Now what?! Do you think namukhaan nya ako?" Tanong ko.
He just shrug tapos iniwan ako! What the hell?!
Frustrated akong bumalik sa loob ng sasakyan ko. Gahd! Kakasimula ko lang tapos magugulo na agad!
Worst case nagsinungaling pa si Alexandrei! Baka mamaya maging issue pa yun sa kanila ni Arielle. Ugh!
Napahilamos ako sa mukha ko. How will i survive 3 days of vacation with them? With Arielle? Ng hindi nagkakagulo?
*tok,tok,tok*
May kumatok sa bintana ko, it's Alexandrei.
"Aalis na tayo" he said.
I look at him, I'm so helpless.
"Chill, ok?" He said.
Tumango ako.
Umalis na sya tapos bumalik ulit sa sasakyan nya.
Napatingin naman ako sa labas, nakita ko si Arielle may kinakausap na lalaki, kuya nya siguro.
Napatingin pa sila dito sa sasakyan ko, buti na lang tinted.
Nagulat ako nung biglang lumapit sila sa gawi ko. Pilit namang hinihila ni Arielle yung kuya nya palayo sa sasakyan ko. Pero bakit?
Sinuot ko yung shades ko tapos inistart ko yung engine.
Nakahinga naman ako ng maluwag nung umalis na sila, sumakay na si Arielle sa sasakyan ni Alexandrei. Pumasok na rin yung kuya nya sa loob ng bahay nila.
Pinaandar ko yung sasakyan ko. Binuksan ko yung bintana sa right side katapat ng sasakyan ni Alexandrei.
"Di pa ba tayo aalis?" Malamig sabi ko nung binaba nya yung bintana nya.
"Eto na" sagot nya.
Nauna na sya tapos sumunod naman ako kasabay nung itim na pick-up. Pilit kong kinakalma yung sarili ko.
Something's wrong.
I'm not stupid, bakit nilalayo ni Arielle sa akin yung kuya nya?
She knows something.
Hindi ko alam kung ano pero alam kong may alam sya. I need to be careful.
Nakasunod lang ako sa kanila, mabilis kaming nakarating sa expressway. Binaba ko lahat ng bintana ni bumblebee. I need air to calm down.
*bzzzttt...bzzzttt*
From: Alexandrei
Gasoline station
Sumunod lang ako at nagstop over nga kami sa gasoline station, full tank naman si bumblebee kaya di na ako magpapagas.
Lumabas na lang ako at nagpunta ng Starbucks. Umorder ako ng frappe. While waiting nakita ko naman yung beast na pumasok sa loob ng Starbucks.
"Oi kasama ka pala?" He said habang papalapit sa akin.
Binaba ko yung shades ko.
"Do i know you?" Tanong ko.
Kitang kita ko naman yung pagiging pikon nya, gusto kong matawa pero pinigilan ko.
"Ikaw ba yung kausap ko?" He asked.
Lumingon ako sa likod ko wala namang tao.
"Baliw ka?" Tanong ko ulit.
Bigla ako nilayasan, pikon kasi!
"Ms. Mielle? Sir Clyde?" tawag ng barista.
Bakit kami sabay ng beast na yun?!
Lumapit ako para kunin yung frappe ko tapos agad agad din akong lumabas.
Ininom ko yung frappe ko.
Teka bakit iba yung lasa?!
Tinignan ko yung frappe
'Clyde'
Ughhhhhh!
Babalik sana ako saktong pagtalikod nandun na pala yung beast sa likod ko at iniinom nya yung frappe ko!
"Frappe ko yan eh!" Sabi ko.
Tinanggal nya yung shades nya.
"Do i know you?" Sabi nya.
Napa nga nga ako sa sinabi nya, how dare him?!
Nilagpasan nya ako, sinundan ko naman sya ng tingin. Stupid beast!
Hinabol sya tapos hinila ko yung braso nya.
"It's mine" malamig na sabi ko.
Iniinom pa rin nya! Ugh!
Tinignan nya yung frappe.
"Hala! Hindi nga sa akin" sabi nya, ugh! Nakakabwisit sya!
Tapos tumingin sya sa frappe na hawak ko.
"I didn't know you're obsessed with me? Kinuha mo pa yung frappe ko" sabi nya,
I clench my fist.
Lord, have mercy to my soul.
*boogsh*
Sinikmuraan ko sya, halos maluwa nya yung frappe na ininom nya sa suntok ko.
Tinapon ko naman sa basurahan yung frappe na hawak ko tapos bumalik na kay bumblebee.
I beg for patience, unang araw pa lang to ng vacation namin nasuntok ko na yung beast na yun, hindi na ako magugulat kung uuwi kaming may black eye sya kapag pinagpatuloy nya yung pambibwisit sa akin.
*Arielle's PoV*
"HAHAHAHAHAHAHA!"
ang lakas ng tawanan nila dahil sa nakita nilang nasuntok si Clyde. Mga siraulo talaga eh, kasama ko pala sa sasakyan sila Gabby, Ken, Thor at Drei kaya ang gulo gulo nila.
"Ang lakas kasi ni Clyde eh" sabi ni Ken.
"Inunahan pa akong pormahan si Mielle" sabat ni Gabby.
"Bro wag na, baka masapak ka lang nya" sabi ni Thor.
Natawa naman ako. Even Drei laughed.
Natanaw naming pumasok na si Mielle sa camaro nya na dilaw. Mas lalong lumakas yung tawanan nung mga loko nung lumapit si Clyde sa amin.
Binuksan ni Drei yung bintana nya.
"What happened?" Natatawang tanong ni Drei.
"Your cousin-*coughs* gangster ba yun?" Tanong ni Clyde.
Natawa kaming lahat.
"Baka kasi niloko mo kaya ka sinuntok" sabi ni Ken.
"Or baka hinipuan mo" sabat ni Gabby.
"I'm sure you're dead by now kung hinipuan mo yun" sabat ni Drei.
"Bakit bro, ikaw mismo yung papatay?" Tanong ni Thor.
"Of course no" sagot ni Drei.
"Sya mismo yung papatay sayo" natawang dagdag nya.
Nanahimik na lang ako, I'm still bothered. Kanina ko pa iniisip yun eh.
"Mga gago!" Sabi ni Clyde tapos umalis na.
Nagtawanan na naman sila, kawawang Clyde sigurado aasarin din yan ni Alex sa byahe mamaya.
Napansin kong nag-dial si Drei sa phone nya.
Natatawa sya.
"Hello, bakit mo ginawa yun?" He asked.
Si Mielle siguro yung tinawagan nya.
"HE'S A JERK ALEXANDREI!" sigaw ni Mielle, kahit hindi naka loudspeaker rinig na rinig namin yung sigaw nya.
Buti na lang nalayo ni Drei yung phone nya sa tenga nya, kundi nabingi na sya.
"Aalis na tayo, just follow the jerk" natatawang sabi ni Drei tapos he ended the call.
Umalis na din kami. Nakasunod kami sa sasakyan ni Mielle.
Ayan na naman, tuwing naiisip ko si Mielle kung ano ano pumapasok sa isip ko.
Sino ba sya?
Why do i feel like she's lying?
Why do i feel like she's hiding something?
Naguguluhan ako!
I know Drei's lying and so does Mielle? Kung Mielle talaga yung pangalan nya?
Sobrang dami kong tanong.
Mas lalo pa akong naloka kaninang umaga nung dumating si kuya. Kaya naman pilit ko syang pinapalayo kay Mielle because she has the same face with that girl who left kuya on their wedding day.
I can't be wrong, alam kong sya yun.
How come na kapatid nya yung Marielle na tumulong sa akin sa concert and they both have the same name? Not to mention na magkahawig din sila, naiba lang ng buhok at color ng mata.
"Hey, my princess. Penny for your thoughts?" Tanong ni Drei.
Hinawakan ko yung kamay nya tapos ngumiti ako.
Naloloka na ako ah! Sumasakit na yung ulo ko sa pag-aanalyze ko ng mga bagay bagay.
"Its Nothing" sagot ko.
But it's something.
Sabi ni Drei pinsan nya yung Marielle from the concert night tapos kapatid nya si Mielle na feeling ko hindi 'Mielle' ang pangalan dahil Marielle din yung name nya. She's Marielle Louisse Dela Rosa.
Utang na loob! Itakbo nya na ako sa mental hospital!
Pumikit ako ng mariin.
Isa lang yung sagot dyan eh.
Yung Mielle ngayon at yung Marielle Dela Rosa iisa lang sila, I'm sure of it.
Sino naman yung Marielle from the concert night? Sya yung pinsan.
Pinsan ba talaga ni Drei si Mielle? Tapos nagkataon lang na magkahawig sila nung Marielle from the concert night na pinsan ni Drei?
It's so messed up!
I need more information bago ako mag jump into conclusion. I need kuya's papers about Marielle Dela Rosa.
Hindi pa malinaw pero alam kong nagsisinungaling sila, i need to find the truth. For now sasakyan ko muna sila sa kasinungalingan nila.
Tutal naman,
Every beautiful lie has a loophole.
*end of chapter*
An*
Magulo? Hahahaha don't worry sinadya ko talaga yan hahahaha :)
Vote & Comments guys :)
-Miss A
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top