Back Off

*Clyde's PoV*

~rings...rings~

Alex Calling...

"Hello" sagot ko.

["Hoy! Star player! Baka gusto mong bumangon na dyan sa higaan mo? LATE KA NAAAAA!"]

halos mabato ko yung phone ko dahil sa sigaw ni Alex. Damn it!

Napatingin ako sa digital clock sa side table ko.

"Fck you! Alas kwatro pa lang!" Inis na sigaw ko.

Ano bang minamadali nito?! Five pa naman yung call time.

["Maghunos dili ka Clyde, pero sige mamaya you can fck me"] natatawang sabi nya.

"Tangna ka, Alex" sagot ko.

["Kumilos ka na! Nandito na kaya si Captain"] sabi nya.

What? Ang aga pa! Damn them! Excited ba sila?

"Bakit ang aga nyo?" Inis na tanong ko.

["Ganon talaga pag gwapo, nakakahiya naman sayo heartthrob slash star player. Wag kang pa-VIP"] sagot nya bago ibaba yung tawag.

I just glared at my phone, ang aga-aga kong naiinis ah!

Tumayo na ako sa higaan ko and headed straight to the bathroom. Naligo na ako ng mabilis dahil ring ng ring yung phone ko sa labas.

Paglabas ko nakita ko naka limang missed calls si Drei sa akin.

"Eto na nga eh" bored na bulong ko sa sarili ko habang nagbibihis.

Agad kong kinuha yung hoodie ko pati yung bag na dala ko tsaka lumabas ng bahay.

Maglalakad na lang ako, tutal sa clubhouse lang kami magkikita. Nagriring na naman yung phone ko pero hinayaan ko na lang, bahala sila dyan mga excited sa training! Papahirapan lang naman kami ni coach.

Dumating ako sa clubhouse, naabutan ko silang lahat sa labas ng coaster. Mukhang ako na lang talaga yung kulang. Tsssss.

"Buti naman naisipan mong sumama" natatawang sabi ni Ken.

"Hindi sana eh" sagot ko.

"Sumakay na kayo sa loob, may announcement ako" sabi ni Captain Drei.

We did, what he said. Naupo kami sa mga pwesto namin habang sya naman naiwan sa harap habang may hawak na papel.

Isa-isa nyang binanggit yung mga surnames namin at kumpleto naman kami.

Kumunot yung noo nya at napatingin kay Gabby at sa akin.

"Gabby, may photographer tayong kasama?" Tanong ni Drei.

"Talaga? Hindi ko alam" sagot nya.

"Sa school paper yata yan" sabat ko.

"Oh makinig kayo sa presidente!" Asar ni Alex.

Gago talaga! Hindi ko naman ginusto yung pagiging president ng student body eh. Tsk!

"Sino yung photographer? Sana chicks" sabi ni Kyle. Isa sya sa mga rookie namin.

"Oo nga sana chicks" dagdag ni Gabby.

"Bakit naman magpapadala ng babaeng photographer? Eh basket ball team yung kasama nya. Malamang lalaki yun" sabi ni Thor.

"Kj mo thor, umuwi ka na" sabat ni Ken.

Nadagdagan lang yung asaran dahil dun, mga gago ang aga-aga, ang iingay! Tsk.

"Kahit babae na lang" natatawang sabi ni Kyle.

"Utot mo Kyle, sa kalooblooban mo gusto mo ng chicks" natatawang sagot ni Gabby.

Nasaan ba si coach? Mga loko to, kung magsalita akala nila wala kaming kasamang coach.

"Listen, I'll be the one who will handle you" natahimik kami sa sinabi ni Drei.

Bakit na naman?

"Wala si coach, pero pinahiram nya sa atin yung rest house for three days" dagdag nya.

Mas lalong nag-ingay yung siraulo. Pwede bang umuwi na lang ako?

"Puro training lang ba tayo, Captain?" Tanong nung isa pang rookie.

"Bukas na lang tayo magstart, pag dating natin doon ngayon. You can do anything you want. Bawal lang uminom ng alak" sabi nya.

Excited na akong matulog na lang pagdating sa rest house.

Nagusap usap na lang sila sa gagawin nila mamaya. Nag-assign din kung sinong magluluto at kung ano pa?

"Wala pa ba yung photographer?" Inis na tanong ko.

Pinagmamadali nila ako tapos may hihintayin pa pala?

"Obvious ba Clyde?" Natatawang tanong ni Alex.

I just raised my middle finger to him. Bigla kong naalala na ginawa din to nung babaeng yun, pa salute nga lang gamit yung middle finger nya.

Napailing ako, why did she just enter my mind?

"Manong umalis na tayo" sabi ko sa driver.

"Hoy Clyde!"

"Hintayin natin!"

"Sungit naman"

Ayoko ng pinaghihintay ako. Sawang sawa na akong maghintay.

"Maghintay lang tayo" sabi ni Ken.

"Worth it ba yung hinihintay natin?" Bored na tanong ko.

"Sige na manong, ako ng bahala mag-explain sa council" dagdag ko.

Hindi na sila naka-imik at isinara na ni manong yung pinto at pinaandar na rin yung coaster.

*blag.blag.blag*

Oh nakaabot pa?

Huminto yung coaster at bumukas yung ilaw sa loob, sabay ng pagbukas ng pinto may pumasok na naka hoodie.

"My fault"

That voice.

Hinihingal sya.

Tinanggal nya yung hood kasabay ng pagtahimik namin as if may anghel na biglang dumating.

"Lord naman, pandesal lang yung hinihingi ko pero binigyan nyo ako ng hamburger" pagbasag ni Kyle sa katahimikan.

Tumayo naman ng maayos yung photographer sa harapan.

"I'm Mielle Buenavista, I'm the school paper's photographer" plain nyang sabi.

Wala pa ring umiimik sa amin. What is she doing here? Tsss.

Lumibot yung tingin nya sa coaster, maraming vacant seats, in fact wala akong katabi pero sorry sya ayoko syang katabi no!

"You can seat here" sabi ni Gabby.

Hindi sya pinansin nung devil at tumabi sya kay Drei sa harap.

"Grabe Captain! Ano yan!? Isusumbong kita sa girlfriend mo" sabi ni Kyle.

Nagusap sila ni Drei sandali. Nagulat ako nung tumayo sya at umupo sa tabi ko. What the eff?!

"Ayaw kitang katabi" inis na sabi ko.

"Easy there, the feeling is mutual" malamig na sabi nya.

"Kyle, move. Walang uupo sa pinaka-dulo." Utos ni Drei.

"Bakit?!" Tanong ni Kyle.

"Because i said so" sagot ni Drei.

Walang nagawa si Kyle pati yung ibang rookie kundi lumipat sa ibang upuan. Tumayo naman si Devil tsaka nagpunta sa dulo.

Tsss, special treatment ganon?

"Alis na tayo manong" sabi ni Drei.

"Mielle, bakit hindi mo sinabing photographer ka ng school paper?" I heard Gabby.

"Oi Gabby ano yan? Close kayo?" Singit ni Kyle.

"Close din kami ni Mielle no" sabi ni Alex.

Naiinis na ako sa ingay, tsk! Ngayon lang sila nakakita ng babae? Hindi na nga sila pinapansin nung devil sige pa rin sa pag kausap.

Teka? Bakit ba ang init ng dugo ko sa devil na yun? Matutulog na lang ako.

Tanong pa rin sila ng tanong, seriously? Hindi ba aawatin ni Drei yung mga loko?

"Could you please, don't talk to her?" Inis na tanong ko.

Natahimik silang lahat. Good.

Hours later~~

"Gising na bugnuting star player!"

Masasapak ko na to si Alex eh! Inangat ko yung kamay ko, ready ng sapakin sya.

Pagdilat ko ng mata ko nakita ko yung devil nasa tabi ko.

Napaatras pa ako, kaya nauntog ako sa bintana. Fck! Tawa ng tawa si Alex.

"Bakit ka nandito!?" Inis na tanong ko.

"Kinukuha yung mga gamit sa likod" si Alex yung sumagot kahit yung devil yung tinatanong ko.

Tumayo na  yung devil at lumabas ng coaster.

"Chill ka lang Clyde, wag si Mielle yung pagbuntungan mo ng inis" natatawang sabi ni Alex.

Napapikit na lang ako dahil sa inis, i calmed myself. Naiinis ako dahil putol-putol yung tulog ko.

Lumabas na din kami ni Alex, nakita namin na walang bitbit yung devil yung mga rookie ang nagdala ng gamit nya. Mga uto-uto.

Pumasok kami sa rest house, malaki sya at may swimming pool.

"Nasan ba tayo?" Tanong ko.

"Nasa Quezon tayo, sana talaga may surf board dito si coach, ang lalaki ng alon oh" sagot nya sabay turo sa dagat.

Dumating kami sa sala at nandun silang lahat, nasa tabi ni Drei si Mielle. Naupo na rin ako, kahit natulog lang ako sa byahe napagod pa rin ako.

"Alam nyo na kung sino yung kasama nyo sa rooms ah" paalala sa amin ni Drei.

Tumingin naman sya kay devil at palihim na ngumisi.

"Is it ok if you're going to sleep here?" Tanong nya.

Napatingin kaming lahat sa devil, kahit walang expression yung mukha nya, kita naman sa mata nya yung inis.

"Dito? Sa couch?" Tanong nung devil.

Tumango naman si Drei.

"Captain grabe ka naman! Babae yan!" Sabi ni Kyle.

"Saan mo sya patutulugin Kyle?" Tanong ko.

"It's fine, ayos na ako dito" she said.

"Bibigyan na lang kita ng unan Mielle" sabi ni Gabby.

The devil just nodded.

"Anong gagawin nyo?" She asked.

"Wala" sabay sabay naming sagot.

"You can do whatever you want" sabi ni Thor parang ginagaya si Drei.

"Bawal lang uminom ng alak" dagdag ni Ken at Alex.

She nodded, may kinuha naman sya sa bag nya. Inabot nya yung tatlong GoPro nya.

"Use this" sabi nya.

Para saan? Tsk.

"Since I'll be handling your Facebook page and you've got a lot of fangirls. Mas mapapadami yung followers nyo kung ilalagay sa page nyo yung mga pictures and videos nyo" sabi nya.

Tumayo ako at pumunta sa assigned room kung saan kasama ko si Alex at Kyle.

Magpapahinga na lang ako para ready ako sa training bukas.

Pagupo ko sa higaan nilabas ko yung sketchpad ko para tapusin yung dino-drawing ko.
Hindi ko nga alam kung bakit mata yung naisip kong i-drawing.

Tinitigan ko ng maigi yung drawing. Green eyes.


Nagulo ko na lang yung buhok ko dahil sa inis.

Aish! Ibinato ko sa higaan yung sketchpad. Maya-maya may pumasok sa kwarto, hinayaan ko na lang kung sino man yun.

"Oi parang kilala ko kung sino yung may ganitong mata"

Tangna si Alex pala yung pumasok!

Napabangon ako sa higaan para unahan sya sa pagkuha ng sketchpad pero nauna pa rin sya.

"Ibalik mo yan" inis na utos ko.

"Ayoko! Ipapakita ko to kay Mielle" sabi nya.

Napatayo ako. Hindi pwedeng makita nung devil yun, mas lalong hindi pwedeng makita ni Drei yung ibang naka-drawing dun. Tsk!

Naghabulan kami sa loob ng kwarto.

"Gago ka Alex! Sasapakin kita pag naabutan kita" inis na sabi ko.

Tinawanan lang ako ng gago tapos pumasok sa CR ng kwarto namin.

*blag!blag!blag!*

"Lumabas ka dyan!" Sigaw ko.

"Ayoko!"

Napaupo na lang ulit ako sa higaan, para akong nakikipagaway sa bata, tsk! Paano nagkagusto si Nadia sa kanya? Mukhang mas ok pa si Thor eh.

Napangisi ako sa naisip kong idea para mapalabas yung gago sa CR.

"Hello, Nadia...Si Clyde nga. Si Alex may kasamang ibang babae" pagkukunwari ko.

"Ul*l Clyde! Di moko maloloko, wala kang number ni Nads. Isa pa, ako lang yung lalaking laman ng contacts nya maliban sa dad nya" sabi ni Alex.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko at hinayaan ko na lang sya magkulong sa CR.

"Ma-suffocate ka sana" sabi ko.

And finally lumabas din sya.

Inilapag nya yung sketchpad sa tabi ko at naka-open na yung page kung saan si Arielle yung naka-drawing. Nakadikit pa doon yung picture na pinaggayahan ko.

Agad kong kinuha yung pad at isinara.

Humiga na lang ako sa higaan habang yakap yung pad. Hindi ko na alam kung ilang beses na akong nagmura sa isip ko.

"Balita ko tutor daw si Mielle. Magtuturo sya ng mga minor subjects sa iba't ibang college students tapos major subjects naman sa finance students" sabi nya.

Nakapa-random talaga ng gagong to. Tsk!

"Tutor ka rin di ba?" Tanong nya.

"Oo, ano naman ngayon?" Tanong ko.

Naramdaman ko yung paglubog ng isang side ng kama, sa palagay ko umupo sya.

"Si Mielle kasi masyadong on guard, tipong gagawa pa lang ng first move yung lalaki busted agad" sabi nya.

Napataas yung kilay ko sa sinabi nya kaya napaupo na din ako.

"Kung ano ano sinasabi mo Alex" sabi ko.

"Tapos ikaw naman hindi marunong kumalimot, hindi marunong tumanggap, hindi marunong tumigil" sabi nya.

Napatulala na lang ako sa sinabi nya at natawa din.

I'm in a deep sht.

"Kilala ko yung pagkatao mo Clyde, magkasama na rin tayo simula highschool" seryosong sabi ni Alex.

"Kalimutan mo na yung nararamdaman mo para sa kanya" dagdag nya sabay naglakad palabas ng kwarto.

Parang tumigil yung pagtibok ng puso ko sa sinabi nya. Ganon ba kadali yun?

Tumigil sya pagdating sa pinto.

"Turuan mo sya magmahal. Tuturuan ka naman nyang magmahal ulit--ng iba" sabi nya at tuluyan na syang lumabas sa kwarto.

"Tuturuan ka naman nyang magmahal ulit--ng iba"

"Tuturuan ka naman nyang magmahal ulit--ng iba"

"Tuturuan ka naman nyang magmahal ulit--ng iba"

Bakit parang mas ok pa kung hindi na lang ako magmamahal? Kung hindi si Arielle, siguro hindi na nga lang.

*tok!tok!tok!*

"Magluluto daw ng merienda" sabi ni Ken.

"Sige susunod na ako" sagot ko.

Inayos ko yung gamit ko at lumabas na.

Naabutan ko sila Thor at Alex naglalaro ng PSP sa sala. Napatingin ako kay Thor, paano kaya nya natanggap na hindi sya ang gusto ni Nadia? Paano kaya nya nakalimutan?

"Hoy kayong dalawa, magluluto daw" bored na sabi ko.

Nginisian lang ako ni Alex. Gagong yun, ang daming alam.

Pumunta ako sa kitchen at naabutan kong naguusap yung mga rookie kasama ni Gabby at Ken.

"Oi Clyde andyan ka na pala" sabi ni Kyle.

Ngumisi na lang ako.

"Anong gagawin ko?" Tanong ko, hindi pa naman sila nagsisimula.

"Gagawa tayo ng tacos, hiwain mo na lang yung mga gulay" sabi ni Ken.

Tumango ako at kinuha yung mga gulay.

"Nasaan si Mielle?" Tanong ni Kyle.

"Nakita ko sya naglilibot kanina" sagot nung isang rookie, hindi ko matandaan yung pangalan.

Naglilibot na naman yung devil?

Tssssss. Baka maligaw yun.

"Baka maligaw yun" nagaalalang sabi ni Gabby.

Napatingin ako sa kanya, mukhang aalis sya para hanapin yung devil.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Hahanapin ko si Mielle, baka mawala yun" sabi nya.

"Eh sinong magluluto? Ikaw lang naman marunong magluto dito" tanong ko.

Unbelievable, pero magaling talaga sya magluto. Yun yung panghatak nya sa mga babae nya eh.

Biglang dumating sina Alex at Thor.

Sobrang laki ng ngisi ni Alex sa akin, ano na namang iniisip nito?

"Mas gusto mo bang ikaw na lang maghanap, Clyde?" Tanong ni Alex.

Hindi ko sya kinibo at naghiwa na lang ako ng gulay.

"Nandyan lang yan si Mielle, baka kasama nya si Captain" sabi ni Ken.

"Kausap ni Captain yung mahal na prinsesa nya" sagot ni Gabby.

Napahigpit naman yung hawak ko sa kutsilyo at naramdaman ko yung tingin ni Alex sa akin, damn!

"Magsswimming ako mamaya" sabi nung isang rookie.

"Nakita ko na surf board ni coach" masayang sabi ni Alex.

"Oi Clyde, paturo mag surf" dagdag nya.

"Damn! Gusto ko makitang naka swimsuit si Mielle!" Sabi ni Kyle.

Natahimik kami nila Thor, Ken, Alex at Gabby.

"May dala bang swimsuit yun?" Tanong nung isa.

"Mukhang wala" sagot nung isa.

"Sht feel ko ang sexy nya talaga at sobrang hot kapag naka two piece" sabi ni Kyle.

*blag!*

Napatingin ako kay Gabby na nabitawan nya yung sandok na hawak nya. Mukhang badtrip sya sa naririnig nya.

Hindi rin naman kasi tamang pag usapan ng ganyan yung isang babae kahit pa yung devil na yun.

"Ah may naisip akong idea para makita natin yung sexyness at hotness nya" sabi nung isang rookie.

Pagnarinig ni Captain yung pinaguusapan nila, malilintikan talaga sila. In worst case naman, pagnarinig sila ng devil more or less baka isama sila nun sa impyerno.

"Dapat malapit sya sa pool, tapos maghahabulan tayo tapos mababangga ko sya tapos mahuhulog sya sa pool then boom, babakat na yung shirt nya" dagdag nya

"Oo nga" pagsang-ayon nung mga loko.

"Siguro sobrang hot nya" sabi nung isa.

"Grabe dream girl" yung isa naman.

"Sexy na nga tapos magaling pa sa kama" sabi ni Kyle.

Napahigpit yung hawak ko sa kutsilyo, the fck they're saying?! Kahit sinong babae pa yan, they should be respected. Baka maisaksak ko na sa leeg nila yung hawak kong kutsilyo kung si Arielle yung tinutukoy nila.

Nagtawanan lang sila.

"Damn dude! Ano paunahan tayo? Ipupusta ko yung sasakyan ko. Kapag nauna kang maikama si Mielle, sayo na yung trailblazer ko. Pag natalo ka naman, akin na yung montero mo" sabi nung rookie kay Kyle.

Nakita kong naiinis na si Gabby at gustong gusto ng sapakin yung mga rookie, pinipigilan lang sya ni Ken at Thor.

"Deal" tatawa-tawang sagot ni Kyle.

Aba't talagang mga gago sila!

"Gawin na muna natin yung sa pool" sabi ni Kyle.

Palabas na sana sila ng kitchen pero ibinato ko yung kutsilyo at bumaon yun sa wooden wall ng kusina, muntik na sanang tumama sa ulo ni Kyle hindi lang sya umabot, tsk sayang!

"DUDE WHAT THE FCK!?" sigaw nya sa akin.

"Tangna muntik ka na mamatay Kyle!" Sabi nung isa.

"ANO BA CLYDE? MAY PROBLEMA BA?" galit na tanong nya.

Mga wala silang respeto sa babae. Lalaki ako at alam kong normal lang na pagnasahan yung mga babae but not to the point na dapat pagpustahan pa. Pambabastos na yun.

"Tsk! Dude, ayusin mo buhay mo" sabi ni Kyle sa akin.

Mas lalo lang akong nainis at parang gusto ko ng tuluyang isaksak sa baga nya yung kutsilyo.

Natahimik kami sandali.

"Si Mielle ba?" tanong ni Kyle.

Napatingin sila sa akin na para bang hinihintay nila yung sagot ko.

"Back off"

~end of chapter~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top