Entry 62

DEAR ALIEN...

Suot ang malaking eyeglasses ay humarap ako sa salamin. Ugh. Bat ba ang panget ko? Siguro nga tama ka. Huhu. Yung mukha ko ata ang nilublob sa inidorong hindi nalinisan ng limang dekada.

DEAR ALIEN...

Para akong tangang ngumiti saka inalis ang eyeglasses ko.

DEAR ALIEN...

Isang nagmamaganda at  nagmamalditang light blue na dress ang inilabas ko sa closet ko na never ko pang isinuot sa loob ng campus. Pero ngayon, isusuot ko na. Huhu. Light make up at barbie pink lipstick. Shet.
Ang ganda ko lang.

DEAR ALIEN...

Tss. Haha. Wala kang pake alien. Minsan lang akong magpaganda. Manalig ka na tuloy tuloy na ito.

DEAR ALIEN...

Bakit nga ba ako papasok bilang si Ms.
Maganda ngayon at hindi bilang si Ms.
Panget?

DEAR ALIEN...

Hindi ko rin alam. Gusto ko lang. Trip
kumbaga.

DEAR ALIEN...

Patakbo takbo ako sa hallway dahil late na ata ako. Umiwas talaga ako sa corridor na tinatambayan nyo para di mo ako makita. Para di mo makita ang itsura ko.

DEAR ALIEN...

Shet. Ang tunay na maganda, laging late.

DEAR ALIEN...

Pero pagpasok ko pa lang sa room ay
napatawa ako ng malakas. Ang aga ko ata kasi ako pa lang ang tao. Madilim pa at nakasara pa ang mga bintana. Ang weird.

DEAR ALIEN...

Bubuhayin ko na sana ang ilaw nang
kusang sumara ang pinto. Bigla daw ba
naman akong kabahan. Mygad. Multo?

DEAR ALIEN...

Dapat pala nag ala-panget style na lang ako ngayong araw para naman matakot yung multo sa itsura ko.

DEAR ALIEN...

Okay. Just kidding.

DEAR ALIEN...

Malapit na akong sumigaw nang may
marinig naman akong tunog. Hindi kung anong tunog. It's a romantic song entitled You're Beautiful.

DEAR ALIEN...

Shit. Kung sinuman ang nagpapatugtog nun ngayon, may balak ata syang pakiligin ako ng todo.

DEAR ALIEN...

Pero nang-aasar lang yung chorus ee no? You're beautiful daw. Eh kung para sakin yan, nakakainsulto. Panget ko kaya. Psh.

DEAR ALIEN...

Kusang nagsindi ang ilaw at nagulat ako nang makita ang isang alien sa harap ko.

DEAR ALIEN...

Sino pa bang alien sa buhay ko kundi ikaw lang naman? Note the sweet and corn here.

DEAR ALIEN...

Oh shit. Wag ngayon! Hindi pa ako ready na mamatay sa kilig. Masyado pa akong maganda para tanggapin sa langit.

DEAR ALIEN...

Mas bumilis pa ang tibok ng puso ko nang bigla kang ngumiti.

DEAR ALIEN...

Nevermind the background song.
Alien naman eee!! I dont want to die! Please dont show me your killer smile!

DEAR ALIEN...

I'm sorry. Wala ka nga pala non. Wala kang killer smile. Ang tanging meron ka lang ay nakakamatay na tingin at nag iisang anthena. Kasi nga alien ka.

DEAR ALIEN...

That moment na biglang nawala agad ang pagkaaasar ko sayo dahil bigla ka namang kumindat sabay ngiti.

DEAR ALIEN...

Tengene. Huwag ka namang ganyan oyy! Bat ba ang alien na tulad mo ay medyo kamukha ng bias kong si Luhan? Mygaaad.

DEAR ALIEN...

Please Panget. Huwag mong ipahalata na kinikilig ka.

DEAR ALIEN...

Project your self. Wag kang kiligin. Konting keme pa. Hindi ka maganda. Tandaan mo yan.

DEAR ALIEN...

Aishh! Bwisit. Ang sakit sa bangs magpigil lalo na kung ayaw magpaawat ng ngiti kooo.

DEAR ALIEN...

Wala nga pala akong bangs. Tss.

***

DEAR ALIEN...

Napalingon ako nang maramdaman ko
naman sa bandang gilid ko ang isang grupo ng mga sumasayaw. Pero yun pa rin ang tugtog. You're beautiful at may remix na so medyo hiphop na.

DEAR ALIEN...

Anong kasweetan to alien? Maawa ka
naman sa puso ko. Halos sasabog na
anytime.

DEAR ALIEN...

Mayamaya ay may line ng mga babae na
umentrada sa harap ko. Bawat isa may
hawak na pink rose at iniaabot sa akin.
Tinanggap ko naman kahit wala akong
ideya para saan to.

DEAR ALIEN...

Anong nangyayari?

DEAR ALIEN...

Alien please tell me what's going on!?

DEAR ALIEN...

Hindi pa ako nakakarecover sa sweet pink roses na natanggap ko ay muntikan na akong mapanganga dahil sa paglapit mo.

DEAR ALIEN...

"Huy." nanlaki ang mata ko sa paghawak mo sa balikat ko.

DEAR ALIEN...

Sabi na e. Mukha ka talagang alien sa
malapitan.

DEAR ALIEN...

"Anong kaabnormalan to Alien?" Pang asar kong sagot.

"Parusa ko sayo dahil binasa mo ang
notebook ko." Nakangisi mong sagot kaya nagpeace sign ako. Nalaman mo na pala.

DEAR ALIEN...

So meaning alam mo na rin yung mga
sinulat ko sa likod ng notebook mo!
Mygaaad. Kill me now.

DEAR ALIEN...

"Kasalanan ko bang pakalat kalat yun ha? Tsaka di mo ako masisisi sa pagiging dakila kong chismosa."
Asar na sabi ko pero tumawa ka lang.

"Fine. Hindi ko rin naman kasalanan na
nahulog ka sa akin!" Sabi ko pa saka tumawa rin.

"Haha oo nga ee.----- teka? Anong sabi
mo?!" Bulyaw mo sa akin . Ngumisi lang ako.

DEAR ALIEN...

"Hayyy di bale na nga. Ohh." At iniabot mo sa akin ang notebook mo. Alinlangan ko itong kinuha. Ano na namang gagawin ko dito?

DEAR ALIEN...

"Aanhin ko to?" Tanong ko sayo
"Babasahin. Ano pa ba?" Sarkastiko mong sagot kaya sinamaan kita ng tingin.

DEAR ALIEN...

An alien will always be an alien.

DEAR ALIEN...

Binuklat ko ang notebook at agad natameme sa mga nabasa ko. Tiningnan kita ng di makapaniwala at nakakunot ang noo.

DEAR ALIEN...

"Anong meaning neto?" Tanong ko at napangiwi. Ang panget ng handwritten mo grabe. Pero okay lang. Ang mahalaga is yung content.

DEAR ALIEN...

Napakamot ka sa ulo. Alam kong
nakukulitan ka na sa akin.

DEAR ALIEN...

Okay fine sasabihin ko na ang nakasulat.
"I LIKE YOU?" Nakakunot kong basa sa
notebook. Shet. Napag utusan lang. Sensya na.

DEAR ALIEN...

"I LIKE YOU DIN PO MISS PANGET."
Nakangisi mong sagot. Naibaba ko ng di oras ang hawak kong notebook atsaka napangiti. Saktong tumugtog ang kantang pinaka-nakakakilig sa lahat.

DEAR ALIEN...

Ang GOD GAVE ME YOU.

DEAR PANGET...

Bakit ba ang panget mo? Pero head over heels pa rin ako sayo. Okay lang na dumaan ka lagi sa corridor na
tinatambayan namin. Kasi panget, araw
araw gusto na kitang makita.

DEAR PANGET...

Nakakaasar alam mo yun? Yun pala ang
dahilan kung bakit nagiging abnormal ang heartbeat ko pag andyan ka na.

***

DEAR PANGET...

Wala na nga akong pake kung anong itsura mo. Mahalaga naman talaga is yung nararamdaman ko.

DEAR PANGET...

Shet. Ang corny. Pwede na akong masapak ngayon din.

DEAR PANGET...

Sabi nila HUMANAP KA NG PANGET AT
IBIGIN MONG TUNAY. Ibasura na natin ang motto na yan.

DEAR PANGET...

Kasi hindi na kita kelangang hanapin.
Andyan ka na sa harap ko ee. Ang kailangan lang ay mahalin kita ng
tunay.

DEAR PANGET...

"Utang na loob. Alam kong kinikilig ka pero please lang. Wag mo naman akong
hampasin ng todo." Sabi ko habang
nakangiwi. At sinasayaw ka.

DEAR PANGET...

Pero hinampas mo lang ulit ako at
sinamaan ng tingin. Haha. Hanubayan bat ang cute mo?

DEAR PANGET...

"Pinagsisisihan ko talagang nahulog ako sa alien na tulad mo!" Pagmamaktol mo.

"Oy kahit alien to, gwapo naman. Tss."
Pagmamalaki ko naman. Aba, dapat lang na ipagtanggol ko ang kagwapuhan ko laban sa kapangitan mo.

DEAR PANGET...

"Adik."

"Gusto mo naman."

"Alien."

"Na gwapo"

"Abnormal!"

"Pero seryoso."

DEAR PANGET...

"Ano panget tayo na ba?"

"Luhh. Kapal ha, hindi ako easy to get tsong. Manligaw ka muna!" bulyaw mo sakin.

DEAR PANGET...

"Oo nahh!! Rinig ko naman eh! bat kelangan pang sumigaw?!" Sigaw ko rin pabalik.

DEAR PANGET...

Sige magsigawan tayo dito. Pustahan panget ka pa rin.

DEAR PANGET...

"Alien!"

"Panget!"

"Grrr.."

"Rawwwr."

DEAR PANGET...

"Oy, ganyan ba kayo maglambingan sa isa't isa?" Natigil tayo sa pagbabangayan nang marealize natin na tapos na ang tugtog at pinagtitinginan na tayo ng mga estudyante.

DEAR PANGET...

Nag iwasan Tayo ng tingin.
"Ayieeeeee..." Pang-aasar nila pero
pakapalan na to ng mukha. Gusto kasi kita e. Nagulat ka ng akbayan kita at sumigaw ng...

DEAR PANGET...

"EVERYONE! ETO NGA PALA SI MISS
PANGET NG BUHAY KO! ANG NAG IISA AT TANGING NAGPAPATIBOK NG PUSO KO! GUSTO KO LANG MALAMAN NYO NA MAHAL KO TO! OOHOOO I HEART YOU PANGET!!!"

"ALIEN ANONG GINAGAWA MO?!"



***







THE END.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top