Entry 61

DEAR PANGET...

Akin to!

DEAR PANGET...

Tiningnan mo ako ng masama.
"Napulot ko lang yan. Malay ko bang sayo pala yan. Hindi ko na kasalanan na careless ka gamit."
Nagcross arm ka. Ako naman napabuga ng hangin.

DEAR PANGET...

"Chismosa. Sabihin mo, binasa mo to no?!" Dinuro duro kita. Pati ang panget mong pagmumukha. Grrrr. Please panget. Sabihin mong di mo nabasa to kundi lulubog ako sa kahihiyan pag nagkataon.

DEAR PANGET...

"Hindi. Asa ka naman na mag-eeffort akong basahin yan. Ang panget kaya ng sulat mo. Mukhang kinahig ng manok."
Sarkastiko mong sagot. Sinamaan kita ng tingin. Nanlait pa talaga ha?

DEAR PANGET...

Para sa kaalaman mo, mas maganda pa ang sulat ko sa pagmumukha mo.

DEAR PANGET...

"May diary ka rin? How so girly."
Pang aasar mo pa pero di na kita pinansin. Bwisit. Sana lang totoo yung sinabi mong hindi mo to binasa kundi lagot ka sakin.

DEAR PANGET...

Pag-uwi ko ng bahay ay inihagis ko ang
notebook ko sa kama saka humilata.
"Anak! Dinner time na!!" Bumalikwas ako ng bangon pero yung utak ko lumilipad pa rin sa malayo.

DEAR PANGET...

Malamang iniisip na naman kita.

DEAR PANGET...

Agad kong binuksan ang notebook ko
pagkatapos at napabuga ng hangin.
Phew! Akala ko may bakas ng pagbabasa mo. So far, wala pa naman.

DEAR PANGET...

Pero sa kahuli hulihang page halos mahulog ako sa kama dahil sa nakita ko!

DEAR PANGET...

Pusheeet! Akala ko ba di mo binasa at pinakialaman?!

DEAR PANGET...

Fine. Kung di mo nga binasa, sinulatan mo naman.

DEAR PANGET...

Ano tong mga doodles na nakadrawing
dito?!

DEAR PANGET...

Potek! Pinakialaman mo talaga e. Huhu.
Panget humanda ka. Gagawin kong
miserable ang buhay mo.

DEAR PANGET...

Halos malaglag ang panga ko sa mga
nakasulat at nakadrawing sa likod ng
notebook ko.

DEAR PANGET...

Grabe wala akong masabi.

DEAR PANGET...

*facepalm*

***




DEAR ALIEN...

Pasalamat na lang ako dahil hindi mo ako inaasar mga ilang araw na.

DEAR ALIEN...

Sana naman naappreciate mo na ang exotic beauty ko.

DEAR ALIEN...

Tae! Alien ka talaga! Bat ba ang sama mo makatingin sakin kanina? Buti na lang di nakakamatay yang tingin mo. Kundi kanina pa ako pinaglalamayan rito.

DEAR ALIEN...

Ang sama mo rin makatitig kay kuyang
model ng bench. Haha. Insecure ka lang. Pogi kasi sya. Ikaw, pinagkaitan. Blehh!

DEAR ALIEN...

By the way nasa akin nga pala tong
notebook mo. Isosoli ko rin naman to. Wala lang akong time para ibalik sayo. You know, may photoshooting. Ganern.

DEAR ALIEN...

Huwag kang mag-alala. Hindi ko to
bubuksan o babasahin man lang. Hindi ako chismosa tulad ng inaakala mo! Wala akong idea kung anong laman neto.

DEAR ALIEN...

Pero ang ganda ng cover ha. Halata namang idol mo si Taylor Swift base sa cover eh no? Nakakatempt tuloy buksan.

DEAR ALIEN...

Siguro alien, aamin na ako. Napakachismosa ko talaga. Bubuksan ko na ha? Sorrrryyy.

DEAR ALIEN...

O___________O

DEAR ALIEN...

Alien? Totoo ba to?

DEAR ALIEN...

Bat puro ako ang laman ng neto?

DEAR ALIEN...

Diary mo! May diary ka shett.

DEAR ALIEN...

Sa unang page pa lang ay bumulaga na sa akin ang pangalan ko. Di ko maiwasang magtaka. Ano namang kinalaman ko rito sa pesteng notebook mo ha?

DEAR ALIEN...

Sikat pala ako ng di ko nalalaman.

DEAR ALIEN...

Bwisit. Puro naman to panlalait e. Sabi ko nga, ang bitter mo sa hitsura ko.

DEAR ALIEN...

For your info, hindi Panget ang pangalan ko. May sarili at unique na pangalan ang tulad kong maganda.

DEAR ALIEN...

Kokontra ka? Sige. Pektusan kita gusto mo?

DEAR ALIEN...

Ang sabihin mo, alien ka lang. Biruin mo sinisiraan mo pala ako sa diary mo?!

DEAR ALIEN...

I hate you po.

DEAR ALIEN...

Kung panget ako, ano ka pa? Alien na
sinubsob sa inidorong hindi nalinis ng
limang dekada?


***

DEAR ALIEN...

Pusheeeet. I cant take this anymore! Uhuhu. I hate you na talaga. Ang sakit bes, Yung nilalait ka ng alien na mas weirdo pa sayo.

DEAR ALIEN...

Sa sobrang inis ko, pinagdodrawingan ko ang likod ng notebook mo ng mga kung ano ano. Mukha mo na may sungay at iisa ang mata. Oh diba? Alien talaga?

DEAR ALIEN...

Ang galing ko talagang magdrawing.
Mainggit ka.

DEAR ALIEN...

Isasara ko na sana ang notebook dahil
ayokong masira ang araw ko pero nakuha nng atensyon ko yung huling phrases sa last page.

DEAR ALIEN...

"Inlove na ata ako sa yo."
"Gusto kasi kita Panget."
"Nagseselos ako."

DEAR ALIEN...

Halos lumuwa ang mata ko sa gulat at di ako makapagsalita dahil sa nabasa ko.

DEAR ALIEN...

Sinong gusto mo? Sinong pinagseselosan mo?

DEAR ALIEN...

Tanga panget. Painosente ka pa e. Obvious naman.

DEAR ALIEN...

Ako? Gusto mo? Etong panget na to?

DEAR ALIEN...

Wait. Please lang. Wag ako. Iba na lang.

DEAR ALIEN...

Shet. I hate you! PAPATAYIN MO ATA AKO SA KILIG!

DEAR ALIEN...

Hindi naman halatang kinikilig ako diba? Wala kasing emoticons.

DEAR ALIEN...

Pero alien, ano bang nagustuhan mo saken? Ikaw na ang may sabi na panget ako at di maganda.

DEAR ALIEN...

Legal ba ang magkagusto? Haha.

DEAR ALIEN...

Kasi Alien...

DEAR ALIEN...

Gusto rin kita....

DEAR ALIEN...


Matagal na.


***

DEAR PANGET...

Panaginip ba to? Pakisampal nga ako!

DEAR PANGET...

Shet! Ayokong maniwala na may gusto ka rin sakin. Sino bang maniniwala?

DEAR PANGET...

Yung puso ko parang sasabog na ata. Yung labi ko halos mapunit na sa pagngiti.

DEAR PANGET...

Isinara ko ang notebook at parang tangang nagtatalon habang sumisigaw.
"Hoooo!!" Okay lang na binasa mo! Ang
saya ko panget.

DEAR PANGET...

"Anak tumahimik ka nga dyan!!" Sigaw ni Mama sa akin kaya napatigil ako.

DEAR PANGET...

Haha. Bwisit. Minsan na nga lang maging masaya ee. Kontra pa. Tss.

DEAR PANGET...

Agad kong idinial ang number ng mga tropa ko saka nagconference kami.

DEAR PANGET...

"Mga bro! Handa na akong umakyat sa
langit! Confirmed! Confirmed!"

"Alin ang confirmed? Na may sakit ka?
TORPEritis ba tol?"

"Shet. I feel sorry for you bro. Goodluck na lang sa pagpunta mo sa langit ng kasawian! *sniff*"

DEAR PANGET...

Kung andito lang sila sa harap ko, baka
nasapak ko na sila isa isa. Grrr.

DEAR PANGET...

"Mga sira! Confirmed! M.U! M.U!"
Nilakasan ko na para marinig nila.

"Wohoooo!!"

"Congratss bro!!!"

"Mga tol, tulungan nyo ako sa plano."

"No problem. Maaasahan mo kami dyan"

Palagay ko ay nagthumbs up pa sila.

DEAR PANGET...

"Naks naman. Salamat kung ganun."
Napakalapad na ng ngiti ko at kulang na
lang ay mapagkamalan na akong timang ng sinumang makakakita.

DEAR PANGET...

Pero okay lang. Pake ba nila? Masama bang ngumiti pag panget mong mukha ang naiisip ko?

DEAR PANGET...

Ang corny.

DEAR PANGET...

Eto na to.

Minsan lang akong mag-effort at sa panget pang tulad mo.

DEAR PANGET...

Yung surprise ko para sayo bukas. Sana
magustuhan mo.

DEAR PANGET...

Labyuuu.




-Alien.



***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top