Entry 58

DEAR PANGET...

Pakiramdam ko mabubulok na ako rito sa kwarto. Hindi pa kasi ako makakalabas dahil sa ang taas pa ng lagnat ko.

DEAR PANGET...

Sayang naman ang kagwapuhan ko. Ilang araw ng di nasisilayan. Tss.

DEAR PANGET...

Siguro nagsasaya ka noh? Ilang araw na
kasi akong absent at malamang nagdiwang ka na dahil walang mang-aasar sayo na panget ka!

DEAR PANGET...

Humanda ka pag gumaling ako at agad
nakapasok! Sisiguraduhin kong magiging malala pa yang kapangitan mo.

DEAR PANGET...

Atsaka yung term na 'panget'?
Ikaw yun e.

DEAR PANGET...

Panget!

Panget!

Panget!

DEAR PANGET...

Nasa pag-iisip ako nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
Tok! Tok! Tok! Tok!

DEAR PANGET...

Alam kong hindi si Mama ang kumakatok dahil sobrang bibilis neto at malakas pa. Parang balak atang gibain ang pinto ng kwarto. Eh si Mama, tatlong katok lang titigil na. Sino naman kaya ang hinayupak na kumakatok na ito? Bwisit. Baka isa na naman sa tropa kong nakahithit ng plorwaks.

DEAR PANGET...

Tok! Tok! Tok! Tok!
Paulit ulit pa ang katok at halos mairita na ang tenga ko. Kumuha ako ng isang unan saka nagtakip sa tenga.

DEAR PANGET...

Sige.
Kumatok ka lang. Mapapagod ka rin kung sino ka man. Nilalagnat yung tao tapos iistorbuhin mo?!

DEAR PANGET...

"Alien wala ka bang balak pagbuksan ako?"

"Bwisit ka. Buksan mo to o ako ang gigiba nito?!!!"

Nanlaki bigla ang mata ko at napabalikwas ng bangon kahit sobrang sakit ng katawan.

DEAR PANGET...

Panget?

DEAR PANGET...

Ikaw ba yan?
Binisita mo ako?

DEAR PANGET...

Ipinilig ko ang ulo ko at paika ikang
bumangon. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay bumungad agad sa akin ang panget mong mukha.

DEAR PANGET...

Ayyy mali...
Nagkamali ata ako ng description!

DEAR PANGET...

Naka-make up ka kasi ngayon at nakaayos lahat. Wala ka ring suot na eyeglasses. Contact lens lang na tama sa kulay ng mata mo.

DEAR PANGET...

Panget...

Bakit ang ganda mo ngayon?

DEAR PANGET...

Ipinilig ko ulit ang mata ko for the second time. Bwisit. Pati mata ko nagsisinungaling na rin ngayon.
Ngumiti ka kasi.

DEAR PANGET...

Nagdedeliryo na ata ako. Please huwag kang ngumiti nang ganyan!

DEAR PANGET...

"Sooo...uhhh. As you can see. Dinalaw lang kita. Kumusta ka na?" Nag-aalala mong tanong kaya napaiwas ako ng tingin.

DEAR PANGET...

Mukha ba akong okey? Muntanga.

DEAR PANGET...

"Okey. Sabi ko nga, hindi ka okay. Buti
buhay ka pa sa lagay na yan." Pang-aasar mo kaya sinamaan kita ng tingin.

DEAR PANGET...

Humanda ka. Pag ako gumaling , walang araw na di kita uulitan ng panget. Grrr.

DEAR PANGET...

"Joke lang! To naman!" Pambawi mo naman sabay peacesign at kindat. Napangiwi ako sa mga naiisip ko.

DEAR PANGET...

Ang cute mo...

DEAR PANGET...

No...
You can't be.
Epekto lang to ng lagnat.
Panget ka pa rin.

***

DEAR PANGET...

"Anong ginagawa mo dito?" Halos umusok ang ilong ko sa pagtatanong sayo. Pero sinamaan mo rin ako ng tingin.

DEAR PANGET...
"Dinadalaw ka nga. Tanga lang? Okay. Baka ayaw mo akong makita kaya aalis na ako. Bye----" Pero bago ka pa makaalis ay nahawakan ko
na ang kamay mo kaya napalingon ka sakin sa gulat.

DEAR PANGET...

"Haha? Excuse me? Ano sa tingin mo ang gingawa mo?" Sarkastiko mong tanong dahil mas hinigpitan ko pa ang hawak sa kamay mo.

DEAR PANGET...

Wala. Gusto ko lang hawakan.

DEAR PANGET...

Bwisit. Bakit ko nga ba to ginagawa.
Nagmumukha akong ewan dito habang
hawak ang kamay nya.

DEAR PANGET...

"W-wala. Ang panget mo pa rin." Pag-iiba ko ng usapan at agad binitiwan ang kamay mo. Saka ngumiti ng pang-asar. Umirap ka naman.

DEAR PANGET...

"May sasabihin ka pa? Kung wala na, aalis na ako." Naiirita mong sabi. Napatawa ako dahil sa sinabi mo. Aalis ka na? Haha sige ba! Para naman mawala na ang kapangitan mo sa paningin ko.

DEAR PANGET...

Pero bago ka pa makatalikod sakin ay sakto namang paparating si Mama na may bitbit na tray ng pagkain. Nakita nya tayo sa may labas ng kwarto. Nag-iwasan naman tayo ng tingin.

DEAR PANGET...

Kung ano na namang iisipin ni Mama dahil dinalaw ako ng isang babae. Mostly kasi mga tropa ko lang ang dumadalaw sakin.

DEAR PANGET...

Bakit mo nga pala ako dinalaw?
Anong meron?

DEAR PANGET...

Buti pinapasok ka ni Mama rito sa loob.
Kahit bawal dito ang mga panget na tulad mo.

DEAR PANGET...

Magaganda at gwapo kasi kami. Bleeehhh!

DEAR PANGET...

"May problema ba kayong dalawa?" Curious nyang tanong sating dalawa. Mabilis naman tayong umiling.

DEAR PANGET...

Shit. Naaalala ko na naman tuloy yung kiss! Sabi ko na e! Yang panget mong
pagmumukha ang nagpapaalala sakin ng lahat ng kahihiyan ko sa mundo!

DEAR PANGET...

Sumulyap si Mama sa wristwatch nya at
iniabot sayo ang tray ng pagkain ko.
"Iha, malelate na ako sa pupuntahan ko. Pwede bang ikaw muna ang magpakain sa kanya?" Tanong ni Mama sayo. Alinlangan kang napatango at inabot ang tray.

DEAR PANGET...

Teka?! Wtf?!
Kaya kong kumain mag-isa! Hindi na ako bata at kelangang bantayan!

DEAR PANGET...

"Sige anak, pahinga ka muna. I need to go. Iha please take care of him muna. Bye!" Magrereklamo pa sana ako kaso umalis na sya.

DEAR PANGET...

Tayong dalawa na lang ulit ang nandito.
Bwiseeeeeeeetttt Ayokong maiwan dito kasama mo!!!

DEAR PANGET...

Nagkatinginan ulit tayo.
"So... Uhhh. Eat right away." Dali dali mo akong hinila papasok ng kwarto kaya napangiwi ako.

DEAR PANGET...

Susundin mo talaga si Mama noh?
Bakit ba napakamasunurin mo?!

DEAR PANGET...
"Ayoko." Umiling iling ako nang itapat mo sa bibig ko ang kutsara na may sopas.

DEAR PANGET...

Grrr!!! Ang ayoko sa lahat, sinusubuan ako! Umalis ka na nga sa harapan ko! Ampanget mo talaga!

DEAR PANGET...

"Isang subo lang! Bilis!" Nanlilisik ang mata mo kaya halos mapangiwi ako.

DEAR PANGET...

"Ganyan ka ba mag-alaga ng maysakit?"
Sarkastiko kong tanong kaya sinamaan mo ako ng tingin saka ibinaba ang bowl ng sopas.

"Hindi. Pero sa kaso mo, oo. Atsaka mukha ka namang walang sakit ahh. Senyales lang yan na nagpapaka-alien ka na." Labas sa ilong na sagot mo.

DEAR PANGET...

"Pwede ba? Hindi ka nakakatuwa." Asar na sabi ko at nagtalukbong ng kumot pero agad mo naman itong hinigit.

DEAR PANGET...

Bwisit! Tantanan mo na ako! Ayoko nang makita yang kapangitan mo! Nakakabaliw!

DEAR PANGET...

"Huwag ka nang pabebe please lang!
Kumain ka na kasi concern lang ako sayo!" Natigil ako sa paghigit ng kumot sayo dahil sa sinabi mo.

DEAR PANGET...

Ano? Pakiulit nga?

DEAR PANGET...

Napabuntong hininga ako saka napaiwas ng tingin.

"Fine. I'll eat."

DEAR PANGET...

"Dahan dahan lang mainit pa to." Isinubo mo sakin yung sabaw. Agad akong umiwas ng tingin dahil sa ginawa mo.

DEAR PANGET...

Bakit ba ang lambing mo? Atsaka bakit ang panget mo?! Tss. Sobrang lapit mo pa sakin at naiilang tuloy akong tumingin. Konting distansya please?

DEAR PANGET...

"Say ahhhhh..." Napangiwi ako dahil sa sinabi mo.

"Hayyy naman panget! Hindi na ako bata!" Reklamo ko. Tumawa ka lang naman.

"Ang cute mo!"

Sigaw mo at pinisil pa ang kabilang pisngi ko. Nagulat ako sa ginawa mo pero ikaw tawa pa rin ng tawa.

DEAR PANGET...

Papokerface nga ako.
Pero salamat na rin sa compliment.
Napakapanget mo pa rin.

DEAR PANGET...

Patapos na akong kumain nang pigilan mo ako sa pag-inom ng tubig at pinahiran muna ang bandang gilid ng labi ko.

"May dumi lang." Sambit mo saka ngumiti.

DEAR PANGET...

Hayyy...
Nakakahiya sayo. Sabi ko nga. Parang bata ako kung kumain.

DEAR PANGET...

Iinom na sana ako kaso pinigilan mo ulit ako. Adraqqdtggdsdfk!!! Ano na naman ba?!

DEAR PANGET...

"Bat ba ang kalat mong kumain?" Naiiling mong tanong at pinahiran naman ng tissue ang gilid ng labi ko.
Mas inilapit mo pa ang mukha mo sa
mukha ko. Kaya halos manduling duling na tayo sa pagtitig sa isa't isa.

DEAR PANGET...

Dug.
Dug.
Dug.

DEAR PANGET...

Narinig mo yun?

DEAR PANGET...

Abnormal na naman ang heatbeat ko. Baka kelangan ko nang magpacheck up kasi baka hindi lang lagnat to. May sakit na rin ata ako sa puso.

DEAR PANGET...

Dahil sayo....

DEAR PANGET...

"Sorry..." Agad kang lumayo sa akin.
Lumayo din naman ako sayo. Tengene..
Nakakakilabot talaga yang kapangitan mo!

DEAR PANGET...

"Ahahahahaha! Ang ganda ko talaga!"
Pambawi mo sa awkward moment dahilan para maibuga ko ang iniinom kong tubig.

DEAR PANGET...

Sobrang taas ng confident mo sarili ha?!

DEAR PANGET...

"Anong problema? May mali ba sa sinabi ko?" Nagtataka mong tanong.

DEAR PANGET...

Oo meron talaga! Haha! Ang panget mo kaya! Natawa na lang ako sa mga naiisip ko.

DEAR PANGET...

"By the way. Wala pa naman ang mama
mo. So dapat matulog ka na lang muna!" Ibinalot mo sakin ang makapal kong kumot.

DEAR PANGET...

Kanina halos punitin mo na to sa paghigit palayo sakin tapos ngayon, kung ibalot wagas? Muntanga. Dun ka na nga sa labas. Nakakalala ka ng lagnat.

DEAR PANGET...

Tama. Dapat nga muna akong pumikit para di ko masilayan ang panget mong mukha.

DEAR PANGET...

Naramdaman mo rin ba yung mabilis na pagtibok neto kanina? *turo sa puso*

DEAR PANGET...

O narinig mo yung abnormal na pagtibok ng puso ko kanina nung malapit ka sa akin?

DEAR PANGET...

Sabi ko nga. Tutulog na ako. Aishh.
Nakakaparanoid.

DEAR PANGET...

Huwag ka munang aalis sa tabi ko panget. Tutulog lang ako sandali.

DEAR PANGET...

Zzzzzzzzzzz......


DEAR PANGET...

Pagmulat pa lang ng mata ko ay
nakabalandra na agad sa akin ang panget mong pagmumukha.

DEAR PANGET...

Teka? Tumabi ka sakin?

DEAR PANGET...

Sabagay, malaki naman tong kama ko.
Pero wait!!!!!! Katabi kita? Tumulog ka rin? Muntanga! Napakaantukin mo rin pala.

DEAR PANGET...

Tiningnan ko ang orasan na nasa bedside table ko. Alas tres na ng hapon. Wala ka bang balak umuwi? Baka hinahanap ka na ng mama mo. Kaya ko naman ng mag-isankahit wala si Mama. Hindi ako Mama' s boy tulad ng iba.

DEAR PANGET...

Pero sa lagay mong to, palagay ko hindi ka pa makakauwi. Ang himbing kaya ng tulog mo at may pahilik hilik ka pang
nalalaman.

DEAR PANGET...

Ugh. It sucks.
Babaeng humihilik na talo pa ang lalaki.

DEAR PANGET...

Turn off: Babaeng panget na humihilik. Tss.

DEAR PANGET...

Kulang na lang tumulo ang laway mo.

DEAR PANGET...

Imbes na gisingin ka ay pinagmasdan ko muna ang itsura mo at napangiwi.

DEAR PANGET...

Ngayon ko lang napansin, ang tangos rin pala ng ilong mo. Wala ring pimple at.... Hayyy panget... Ano bang ginawa mong surgery sa mukha mo?

DEAR PANGET...

Ang cute mo pala.
Pag tulog.

DEAR PANGET...

No wonder, model ka nga talaga. Pero dont get me wrong, mas nananaig pa rin ang kapangitan mo.

DEAR PANGET...

Nakatitig pa rin ako sayo nang kusa mo
nang imulat ang mga mata mo. Agad kang bumalikwas ng bangon dahilan para ako yung mahulog sa kama.

DEAR PANGET...

"Ouchhhhh!!!"
"Ayyyy sorryyyy!"

DEAR PANGET...

Sinamaan kita ng tingin dahil sa ginawa
mo. Bwisit panget! May balak ka bang
patayin ako dahil sa sobran gulat?! Grabe ka kung makatulak. Ikaw na nga tong nakisiksik sa kama ee! Grttt.

DEAR PANGET...

Nasa ganun tayong sitwasyon nang
dumating naman si Mama sa may pintuan. Para tayong tanga na umaktong parang walang nangyari kahit pa ata gusto na kitang sipain dahil sa sobrang asar.

DEAR PANGET...

Dahil sayo nahulog ako sa kama! Ang sakit ng katawan ko!!!

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top