Entry 55
**
DEAR PANGET...
O____________O
DEAR PANGET...
Wala akong masabi.
Kundi....
Napakapangit mo.
DEAR PANGET...
Alam ko na.
Alam ko na lahat.
Alam kong lampa ka kahit kelan.
Alam kong matalino ka naman.
Pero di ko alam na...
Uhhhhh... Maganda ka?
DEAR PANGET...
Haha. Sige tumawa ka. Hindi totoo yun no. At kahit alam kong nagpapanggap nerd ka lang , asa ka namang maganda ka? Panget ka pa rin sa paningin ko.
DEAR PANGET...
Sorna. Pinakialaman ko talaga tong diary mo at nalaman ko na lahat ng sekretong tinatago mo.
DEAR PANGET...
Ang chismoso ko.
Pero gwapo naman.
DEAR PANGET...
Sinasabi ko na nga ba! Lahat ng mga panget sa mundo hindi dapat pagkatiwalaan. Lahat sila sinungaling. At Reyna ka ata nila.
DEAR PANGET...
Hayy...
Pakshet talaga. Problema ko na lang kung paano isosoli tong bag mo mamaya. Bakit di mo nga pala hinahanap ang bag mo?
DEAR PANGET...
Panget ka na nga, burara ka pa sa gamit.
San ka na? Yan tuloy bulgaran at may
nakabasa na ng mahiwagang diary mo.
DEAR PANGET...
Swerte mo dahil isang gwapong nilalang mismo ang nakabasa. Lol.
DEAR PANGET...
Diary.
Diary.
Tapos pag may nakabasa magagalit naman. Eh susulat sulat natural may magbabasa. Ang saya kaya nun.
DEAR PANGET...
Naglakas loob na akong pumunta sa
classroom nyo para ibalik ang bag mo.
Syempre hindi ko sasabihin na binasa ko lahat ng laman ng notebook. Aba naman. Mahal ko pa ang kagwapuhan ko para matawag na chismoso. Nakaka-PANGET sa image ko yun.
***
DEAR PANGET...
Malapit na ako sa room nyo at saktong may nagtiliang mga babae. Napangisi tuloy ako ng di oras.
DEAR PANGET...
Sabi sayo ee. Gwapo ako at tinitilian. Di
katulad mo girl, manahimik ka dyan.
Problemahin mo yang kapangitan mo.
DEAR PANGET...
Babatiin ko na sana yung mga babaeng
kinikilig sa may tapat ko kaso nilagpasan
lang nila ako at nakita ko sa likod ang isa
pang lalaking estudyante.
DEAR PANGET...
Tingin ko di sya student dito. Transferee? Hindi rin. Sigurado akong taga-ibang school to.
DEAR PANGET...
Mahitsura naman. Wtf?! Sya ba yung
tinitilian?! Akala ko kasi ako na. Assuming? Ako? Sorry naman. Gwapo lang.
DEAR PANGET...
Tss. Pasikat ang isang to ah. Porket mala-
close up ang ngiti? Grrr. Suntukan na lang bro?!
DEAR PANGET...
Hindi ko na lang pinansin at didiretso na
sana sa room nyo nang lumabas ka naman. Nagkatitigan tayo.
DEAR PANGET...
Ang panget rin ng ugali mo! Ako kasi yung una mong nakaharap pero yung lalaking model ng bench ang nginitian at kinawayan mo!
DEAR PANGET...
Magkakilala kayo ng tukmol na yun?!
DEAR PANGET...
"Mygassshhh. Magkakilala sila ni nerd?!"
"OMG!!! Baka naman personal assistant sya ni Pogi?!"
"No. She's more like a personal alalay of
this super duper handsome guy!!"
Rinig ko ang mga bulungan nila dahil unti unti kang naglakad palapit kay Mr. Bench model.
DEAR PANGET...
At nilagpasan mo ang gwapong ako na nasa harapan mo lang!
DEAR PANGET...
Wala ka talagang galang panget!
***
***
DEAR PANGET...
Dahil isa kang dakilang lampa, bago ka pa makalapit kay Mr. Bench Model ay natisod ka kaya napadapa. Halos kapain mo ang sahig sa pagpulot ng eyeglasses mo. Wala ka pa namang suot na kung anu-anong anek anek kaya nagulat sila sa hitsura mo ngayon.
DEAR PANGET...
Panget...
Bakit angat ang hitsura mo kapag di ka
nakasuot ng salamin? Ugh.
DEAR PANGET...
Wala akong sinabing maganda ka. Sabi ko angat lang ang hitsura mo. Malay mo mas angat pala ang kapangitan mo. Common sense.
DEAR PANGET...
Napakalampa mo talaga. Yan tuloy halos
lumuwa ang mga mata nila dahil nakita na nila ang tunay na hitsura mo!
DEAR PANGET...
"Waaaaahhhhh!!!"
"Shit. Sya yung cover girl sa new edition ng magazine!"
"Gaga! Kamukha lang nya!"
"Wtf?! Anong ginagawa nya rito?"
Pare-pareho sila ng tanong kaya ngumiwi ako.
DEAR PANGET...
Sabi na sayo eh. Mabubunyag at
mabubunyag pa rin ang kapangitang
tinatago mo.
DEAR PANGET...
Kapwa tayo nagkatitigan habang nanlalaki ang mata. Mas lumakas pa ang sigawan sa buong hallway.
DEAR PANGET...
Patay. Naloko na. Dudumugin talaga nila ang pangit na tulad mo? Seryoso sila?!
DEAR PANGET...
Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Hinatak kita at kumaripas ng takbo bago ka pa nila dumugin. Naiwan yung lalaking model ng bench pero ikaw tong hinahabol nila.
DEAR PANGET...
Ganun ka ba kasikat sa model industry?
Wow. Hindi ko akalain na ang pangit na
katulad mo ay mapapasok dun.
DEAR PANGET...
Muntanga! Baliw na baliw pala sila sa isang panget na kagaya mo?
DEAR PANGET...
Para tuloy tayong mga characters sa movie na Train to Busan. At sila yung mga zombies na humahabol! Excuse me. Isa ka pala sa mga mukhang zombie.
DEAR PANGET...
Nang marating ang dulo ng hallway ay
hinila naman kita papasok ng comfort room para dun magtago. No choice panget. Concern lang ako kasi baka paslangin ka nila.
DEAR PANGET...
Hinatak agad kita sa isang bukas na cubiclesaka isiniksik natin ang isa't isa para langpagtaguan ang halos sampung estudyanteng fans mo ata.
***
DEAR PANGET...
"Uhhhh... Baka pwede mo nang bitawan ang kamay ko?" Humihingal mong sabi. Nanlaki naman angvmata ko saka napatingin sa kamay nating dalawa.
DEAR PANGET...
Pakshet! Magkahawak kamay nga pala
tayong tumakbo kanina. Bat ngayon ko lang naisip yun?
DEAR PANGET...
Ang tanga ko rin eh noh? Hinawakan ko pa talaga ang kamay mo. Grr.
DEAR PANGET...
Dali dali kong binitawan ang kamay mo at dumistansya sayo.
DEAR PANGET...
Hindi sa nandidiri ako. Ayaw ko lang
mahawahan ng kapangitan. Mahirap na.
DEAR PANGET...
Utang na loob panget. Wag kang tumingin sakin ng ganyan. Nakaka-offend ang kapangitan mo.
DEAR PANGET...
Habang naghihintay tayo ng tyempo para matakasan yung mga estudyante sa labas, kumalat naman ang awkward atmosphere sa pagitan nating dalawa.
DEAR PANGET...
I hate this feeling. I hate dull moments.
I hate dead and ugly you. Tss.
DEAR PANGET...
Naiilang ako. Biruin mo bang tayo pa ang
magkasama rito sa loob? Bwisit. Dapat pala yung Mr. Bench Model na lang ang
kinaladkad mo para kayo parehas ang
nakakaranas ng malas na araw ngayon. At para sya ang mamroblema sa pagiging panget mo.
DEAR PANGET...
Walang tingin tingin kong iniabot sayo ang shoulder bag mo saka nagsalita.
"Kahit na anong gawin mong pagpapanggap, malalaman at malalaman rin nila ang totoo."
DEAR PANGET...
In short, tanggapin mo na lang ang totoo na maganda ka para sa kanila. Pero para sakin hindi. At malamang panget ka talaga. Bleehhh!!
DEAR PANGET...
Alam ko na ang iniisip mo. Na alam ko na ang malupit mong sekreto.
Bwahahaha!
***
DEAR PANGET...
Pagkatapos nating marinig ang sigawan at takbuhan papalayo ng mga fans mo ay nakahinga ako ng maluwag.
DEAR PANGET...
Bakit ako mismo yung problemado dahil nalaman na nila? Oh well, panget
kasalanan mo rin naman. Panget ka kasi at laging nagtatago ng sekreto.
DEAR PANGET...
Bahala ka na. Ligtas ka na naman mula sa mga tukmol mong fans kaya uuwi na ako.
DEAR PANGET...
"Wait! Saan ka pupunta!?"
Sigaw mo sakin. Napahawak ako sa tengabko. Bwisit. Kelangan talagang sumigaw kahit magkatabi lang tayo?!
DEAR PANGET...
Iturn-off mo nga yang mala-megaphone
mong boses! Please lang!
DEAR PANGET...
Tss. Panget.
DEAR PANGET...
"Uuwi na!!! Bakit?!!!"Bulyaw ko rin pabalik sayo. Sige magsigawan tayo dito para balikan ka ng mga tukmol na yun. Tingnan ko lang kung di ka lalong pumangit.
DEAR PANGET...
Pero ngumiti ka lang saka hinatak ako
pabalik. Amputspaaaa! Ano na naman bang trip mo?!
DEAR PANGET...
"Huwag tayong dumaan sa main gate.
Nararamdaman kong nag-aabang sila dun." Walang lingon lingon mong sabi. Napangiwi ako.
DEAR PANGET...
Manghuhula ka na rin pala ngayon?
DEAR PANGET...
"Eh bat hila hila mo ako?!" Iritado kong
sambit. Tengene. Panget naman. Konting utak rin ha? Hindi ako yung hahabulin kundi ikaw at ang panget mong mukha. So bakit isasama mo ako sa pagtakas?
DEAR PANGET...
Sabagay...
Mukha ka namang takas sa mental.
DEAR PANGET...
"Kaya nga. Kelangan ko ng tulong mo."
Sagot mo naman. Nasapo ko na lang ang
noo ko.
DEAR PANGET...
Tulong na naman?! Grr. Hindi pa ba tulong na matatawag yung ginawa ko kanina? Grabe. Napakapanget mo talaga.
DEAR PANGET...
"Anong tulong?" Napalingon ka naman sa tanong ko.
"Pwede mo ba akong ihatid sa bahay? Di kasi makakarating ang driver namin
ngayon." Halos kumulo ang dugo ko sa sinabi mo.
DEAR PANGET...
Ikaw? Ihahatid?! Muntanga. Ayoko nga. Manigas ka panget.
DEAR PANGET...
"Sige na huhuhu." Hinigpitan mo ang kapit sa kamay ko at tiningnan ako sa mata.
DEAR PANGET...
Dug.
Dug.
Dug.
Dug.
What was that?
***
DEAR PANGET...
Please lang panget. Huwag mo akong
tingnan ng ganyan. Hindi nakakatuwa.
Hindi mo ako madadala sa mga drama mo! Pwe!
DEAR PANGET...
Huwag mo akong gamitan ng Panget spell mo!
DEAR PANGET...
Gezzz. Fine.
Ihahatid na kita.
***
DEAR PANGET...
Labag man sa kalooban at balun balunan ko, napilitan akong ihatid ka. Kainis kasi yang kapangitan mo. Kingina! Lagi na lang akong talo.
DEAR PANGET...
Pagkarating sa bahay nyo ay napakatahimik ata.
"Asan ang mama mo?"
Tanong ko at nilibot ng tingin ang kabuuan ng salas nyo. Nung unang beses kasi kitang inihatid, di na ako pumasok rito. At aaminin ko, mas maganda pa tong hitsura ng bahay nyo kesa sa hitsura mo.
DEAR PANGET...
"May photoshoot siya ngayon." Tipid mong sagot saka sinenyasan akong umupo muna dahil aakyat ka ng kwarto mo.
DEAR PANGET...
Seryoso? Model rin ang mama mo? Haha. Pero di ko talaga masasabing 'like mother, like daughter' kasi panget ka at maganda sya. Hindi ko lang alam kung bakit at paano ka nya naging anak.
DEAR PANGET...
Brrrrt.....
Grrrrt.
O____O
Panget? Narinig mo yun?
DEAR PANGET...
Kumukulo na ang tiyan ko! Pakshet! Alam mo bang kanina pa ako ginugutom? Pakainin mo ako o ikaw ang kakainin ko?!
DEAR PANGET...
Nagugutom talaga ako. Hindi naman siguro masamang pumunta sa kusina nyo noh?
DEAR PANGET...
Bubuksan ko na sana ang ref nyo nang
biglang may humawak sa kamay ko.
DEAR PANGET...
"Ako na..." Sabi mo habang di pa rin
binibitawan ang kamay ko. Saglit na naman tayong nagkatitigan.
DEAR PANGET...
Ngumiwi na lang ako at umiwas ng tingin. Oh edi ikaw na magbukas! Psh. Problema ba yun? Agad kong iwinaksi ang kamay mo na kanina lang ay nakapaibabaw sa kamay ko.
PS- Huwag mo na sana akong hawakan
please lang. Ayoko pang mahawahan ng
germs ng kapangitan.
DEAR PANGET...
Inilabas mo mula sa refrigerator ang
pitcher ng juice at kumuha ng dalawang baso. Tss. Bakit inumin to? Ang sabi ko nagugutom ako kaya malamang ang kelangan ko is pagkain!!! Tanga lang?
DEAR PANGET...
"Nasa taas na cabinet ang mga crackers.
Pakuha na lang." Sambit mo bago pa ako makareklamo. Umakyat ako sa isang stool para maabot ang pinakamataas nyong cabinet.
DEAR PANGET...
Pambihira naman panget! Sobrang taas
naman neto! Napasigaw na lang ako nang maramdaman ko ang paggewang ng inaapakan kong stool.
DEAR PANGET...
O_________O
Nakupo lagot!
Babagsak ata ako!
DEAR PANGET...
Paaaaaaangeeeeeet umilag kaaaaaaaaa!!!
DEAR PANGET...
Namalayan ko na lang ang paglaglag ng
mga kahon ng crackers na dapat ay
kukuhanin ko. Naimulat ko ng di oras angcmga mata ko at nanlaki ang mata.
DEAR PANGET...
No way...
No fucking way...
This can't be...
Kill me now.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top