Entry 54
DEAR ALIEN...
Pinamukha mo talaga sakin na panget ako noh? Aray ko bh3!!!
DEAR ALIEN...
Today nadapa ako sa hallway. Buti na lang walang nakakita. Haha.
DEAR ALIEN...
Oooooopppsss. Nakita mo pala ang
pagkadapa ko. Tss.
DEAR ALIEN...
Pakshet! Nakakahiya nga dahil wala akong suot na eyeglasses kanina. Yan tuloy hirapan akong pulutin lahat ng libro ko.
DEAR ALIEN...
Nagulat na lang ako nang tulungan mo ako sa pagpulot ng mga gamit na nalaglag.
DEAR ALIEN...
Huhu. Salamat Mr. Alien. Napaka-authistic mo talaga------ I mean.. Napakabait.
***
DEAR ALIEN...
Muntikan na tayong magkabungguan sa
cafeteria kanina. Kaloka. Ang dami pa
namang tao.
DEAR ALIEN...
Wagas makatitig ha? C'mon. Alam kong
panget ako pero hindi na kelangang
ipangalandakan pa. Grrr.
DEAR ALIEN...
Bat ang sama mo makatingin sakin lagi?
Wala.. Pansin ko lang. Sarap tuloy tusukin ng fishball stick yang mga mabibilog mong eyeballs.
DEAR ALIEN...
Waaaaaaahhhhhh!
Bilib rin ako sa tadhana. Nagkita pa tayo sa grocery store. Sabay pa tayong magbayad sa counter at saka lumabas.
DEAR ALIEN...
Pero maiba ako. Wag mong madamay
damay ang alaga kong aso rito ha? Ako at ang alaga kong si Doggie. Pareho kaming cute! Ugh. K fine. Alam ko namang lalo ka lang tututol so shut up na lang ako.
DEAR ALIEN...
Bakit ang bait mo pa rin sa kabila ng
pagiging masungit mo? Hindi ko kasi ini- expect na ipagdadala mo ako ng mga plastic bags at ihahatid pa ako sa bahay namin.
DEAR ALIEN...
Nainterview tuloy ako ni Mama nang di
oras. TT______TT
DEAR ALIEN...
"Sino yun? Boyfriend mo?"
Agad akong umiling sa naging tanong nya.
DEAR ALIEN...
"Hindi po! Friend ko lang." Sagot ko sabay kindat pero lalo lang nya akong inasar.
"Baka naman crush mo? Or crush ka? Ikaw anak ha?"
Ngumiwi na lang ako.
DEAR ALIEN...
Boyfriend kita? Haha. Parang sinabi na rin ni Mama na nangingitlog na ang pusa ngayon.
DEAR ALIEN...
Ako? Magkaka-crush sa katulad mo? Asa. Paki mo ba kung panget ako? Tss. Alien ka naman.
DEAR ALIEN...
Hindi ako assuming!
At sino bang magaling na nagpakalat na
may something sa atin?! Wtf?! I'll kill him to death!
DEAR ALIEN...
Akala ko yun lang ang sasabihin mo.
Akala ko masasanay rin ako tuwing
sasabihan mo ako ng panget. Pero hindi e. Inabangan mo pa talaga ako sa corridor para iparinig sa lahat na sobrang panget ko?
DEAR ALIEN...
Hindi ka talaga tao. Wala kang puso. ALIEN KA!!
***
DEAR ALIEN...
Ang sakit bro. Sobraaaa. Huhu. Naiyak na lang ako sa loob ng restroom kanina. Diba ganun naman ang role ng mga panget? Tuwing maaapi ,pupunta lagi sa comfort room para ngumawa.
DEAR ALIEN...
Ouch grabe talaga. Please wag ka munang magpakita sakin.
DEAR ALIEN...
Baliw na ba akong matatawag kung
inaantay ko ang sorry mo ngayong araw?
DEAR ALIEN...
Buong araw nga pala akong absent kanina. Busy lang. Haha. Para namang hahanapin mo ako noh? Tss. Assuming much.
________
***
DEAR ALIEN...
Medyo late ako ngayong araw. Napuyat kasi ako dahil sa overtime sa trabaho. Yeah. You read it right? Trabaho. Ang panget na katulad ko ay dapat may part time job din naman. Ayokong maging pabigat kay Mama. Mygad. College na ako noh.
DEAR ALIEN...
Hindi ako katulad mo na may taglay na
katamaran at ang tanging alam lang ay
manglait ng kapwa.
DEAR ALIEN...
Siguro nga kaya panget ako kasi laging
puyat? Hayyss. Pake mo ba?
DEAR ALIEN...
Bakit di ka na lang kaya bumalik sa planeta mo? Gusto mo ako pa ang sumipa sayo papuntang Pluto?
DEAR ALIEN...
Kamukha mo si Kokey. Nakakaasar.
DEAR ALIEN...
Umaga nun at late na naman ako.
Nasorpresa ako nang makita kitang nasa tapat ng room namin.
DEAR ALIEN...
Pero mas nagulat ako dahil sa sinabi mo. "Sorry a thousand times."
DEAR ALIEN...
Papokerface nga ako. Paano kung sabihin ko na hindi sapat ang libong sorry mo sa sakit na pinadama mo? Triple yung sakit e. Period.
DEAR ALIEN...
Alien makinig ka.
Hitsura ko na ang pinag-uusapan dito.
DEAR ALIEN...
Bleeehhh! Mukha kang tukmol!
DEAR ALIEN...
Nakakaasar.
Nagkasabay pa tayo rito sa bus. At sobrang gentleman mo grabe! Ikaw na! Ako ata yung nakatayo buong byahe at ikaw yung prenteng nakaupo na halos tumulo na angnlaway sa himbing ng tulog.
DEAR ALIEN...
Tss. Leche.
Bakit ganyan ka? Hindi ka man lang ba
marunong makiramdam? Tengene. Makagat sana ng lamok yang gilagid mo.
DEAR ALIEN...
Sobrang sama na naman ng tingin mo sakin habang nagbabayad tayo sa conductor. Ano na naman bang problema mo sa itsura ko? Panget ba? Tinititigan mo kasi ako kaya lalo
kang mamomroblema.
DEAR ALIEN...
Sige. Titigan mo lang ako nang ma-stress ka lalo.
DEAR ALIEN...
Papasok na sana ako ng school gate pero hinatak mo ako pabalik at diretsahang sinabi...
"PANGET MAY TAGOS KA."
DEAR ALIEN...
O________O
>\\\\\\\\\\\\\<
You mean...
Pulang tuldok?
Red mark?
Red spot?
Dalaw?
Seryoso?
DEAR ALIEN...
Sabi ko nga. Meron ako ngayong araw.
Bwisit. Paano na to? Nakakahiya at ikaw pa ang nakakita. Ugh.
DEAR ALIEN...
Hindi ako makapaniwalang sinamahan mo ako sa coffee shop para lang makabili ng napkin. Pero teka nga? Pfffffttt! Coffee shop? May napkin ba dun? Napakabobo neto. Hahaha!
DEAR ALIEN...
Pasalamat na lang ako dahil nag-exist pa rito sa Earth ang alien na katulad mo. Na mabait sa mga tao at handang tumulong kahit masakit sa pride na bumili ng napkin.
DEAR ALIEN...
Oy tao ako! Panget nga lang at di halata.
DEAR ALIEN...
Swerte nga talaga ng magiging girlfriend mo. Lagi syang may taga-bili ng napkin pag nagkataon.
DEAR ALIEN...
Hindi ako makapaniwala!
Niyaya kita sa arcade at sumama ka naman! Salamat at kinuha mo si Simsimi para sa akin. Nyaahaha! I like you na.
DEAR ALIEN...
Ooooopssss. Sinabi ko ba yun? Kalimutan mo na bruh.
DEAR ALIEN...
Salamat sa buong maghapon na kasama ka. Kahit asar na asar ako sayo, sobrang nag-enjoy ako. Nagsimula ang lahat sa napkin. Tss. Dapat ba akong matuwa dahil nagkaroon ako ng red mark ngayong araw? Nagmabuting loob ka kasi dahil dun. Okey sige na. Ang daldal ko na ata. Salamat sa stuff toy na si Panget.
DEAR ALIEN...
Oo. Yun na lang ang pangalan nya. Alien sana ang name nun. Pero since ikaw ang nag-isip ng pangalan nya at kamukha mo naman, PANGET na lang.
Ang nilalang na kinaaasaran mo....
PANGET.
***
DEAR ALIEN...
HAYYY...
Grabe talaga ang hassle kanina sa studio. Haha.nNakakasilaw ang click ng camera.
DEAR ALIEN...
Dapat na pala akong masanay. Hindi kasinhabang buhay kelangan kong magpanggap na isang panget at lampa na nilalang suot ang isang napakalaking salamin. I know. I look like a freakin' owl. Kumbaga sa iba, isa akong nerd at damssel in distress!
DEAR ALIEN...
Alam kong darating ang araw na
malalaman mo to.
DEAR ALIEN...
What if nga kaya malaman mong isa akong trying hard model sa isang advertising company? Ano kayang magiging reaction mo?
DEAR ALIEN...
Ehem! Hindi naman sa pagyayabang pero gumagawa ako ng album ngayon secretly. Sa recording station cover ang mga songs ni Taylor Swift. Haha. Yabang ko no? Panget kasi kaya ganun.
DEAR ALIEN...
I know. Hindi pa rin magbabago ang view mo sakin. Panget pa rin ako sa pars sayo. At alien ka pa rin para sakin.
DEAR ALIEN...
Sabagay kelan ba naman ako gumanda sa paningin mo?
DEAR ALIEN...
Muntanga! Ano ba namang pinagsasasabi ko?!
DEAR ALIEN...
Oh shit. What if nga kaya mabasa mo rin to?
DEAR ALIEN...
No way.
Mamatay na sana ang sinumang chismoso at chismosang makikibasa ng diary ko.
DEAR ALIEN...
Haha. Just kidding. Ginawa mo naman
akong kontrabida nun? Sa pagkakaalam ko ang mga panget ang bida. So Im the star here. Extra ka lang talaga Mr. Alien!
DEAR ALIEN...
Alien...
Sorry dahil kelangan kitang takbuhan
kanina sa mall. Napakasinungaling ko
talaga hindi lang panget. Huhu.
DEAR ALIEN...
Sinabi ko bang hinahanap na ako ni Mama sa school? Honestly, hindi si Mama ang naghahanap sakin kundi ang manager ko sa model industry. I almost forgot, may shooting nga pala ang isang panget na tulad ko. Cover girl na ang panget na to alien!!!
DEAR ALIEN...
Waaaaaaahhh!!!
Sa sobrang pagmamadali ko nakalimutan ko ang bag ko! Hindi tuloy ako nakapag-ayos muna bago dumiretso sa studio. Alien.
Mangako ka sakin.
***
DEAR ALIEN...
Huwag mo sanang buksan ang bag ko. May nakatago dyan. Please. Sana naman may konting parte ka pa rin ng balun balunan mooooo. AT MAAWA KA SA PANGET NA KATULAD KOOOO.
DEAR ALIEN...
Wag mo sanang buksan. Ayokong malaman mo. Hindi mo dapat malaman.
DEAR ALIEN...
PLEASE LANG MR. ALIEN! HUWAG KANG CHISMOSO!!
_______
**
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top