Entry 52

DEAR PANGET...

Ngumiwi ako at kumawala sa yakap mo.
Huwag kang dumikit sakin. Baka
nakakahawa yang kapangitan mo,
madamay pa ako.

DEAR PANGET...

Isa na lang uupakan na kita. Buti di ako
pumapatol sa babae. Pasalamat ka na lang dahil babae ka. At isa kang panget.

DEAR PANGET...

Biruin mo? Hinatak hatak mo naman ako
sa Starbucks dahil nagugutom ka?!

DEAR PANGET...

Nakz. Libre mo. Ngayon lang ako nakakita ng panget na rich kid. Meron pala nun?

DEAR PANGET...

Habang umiinom ako ng kape ay
ibinalandra mo sa harap ko ang stuff toy na si Simsimi. Atsaka nagtanong...
"Anong magandang name para sa kanya?"

DEAR PANGET...

Tinitigan muna kita bago sumagot.
"Panget." Kusang lumabas sa bibig ko.

DEAR PANGET...

Nanlaki naman ang mata mo. Why? Wala
naman akong sinabing masama diba? Ikaw at ang stuff toy mo... Magkamukha kayo. Parehas kayong panget.

DEAR PANGET...

Pagkatapos mo akong panlakihan ng mata ay ngumiti ka.
"Okay. Sabi mo eh. Panget na lang ang
name nya." Sambit mo saka niyakap ang
stuff toy.

DEAR PANGET...

Panget talaga ang ipinangalan mo?! Ang
laki mong timang!

DEAR PANGET...

Sa kalagitnaan ng pananahimik ko ,bigla
namang nagring ang phone mo. Dali dali kang tumayo saka nag-iwan ng bayad para sa inorder mong kape.

DEAR PANGET...

Teka saan na naman ang punta mo?

DEAR PANGET...

"I have to go. Hinahanap na raw ako ni
Mama sa school. Patay." Bulong mo saka nagtatakbo palayo. Ako naman sinundan ka ng tingin.

DEAR PANGET...

Oo nga pala. Nakalimutan ko ang oras kaya di na tayo nakabalik sa school. Sino bang dapat sisihin bukod sa red tide mo? Ahhhh Ikaw siguro. Panget mo kasi eh.

DEAR PANGET...

Pero bago ka pa makalabas ng tuluyan sa
Starbucks ay lumingon ka sa akin at
kumaway.
"Salamat sa time! Nag-enjoy ako!"
Sigaw mo pa saka patakbong lumabas.

DEAR PANGET...

HOY TEKA PANGET!! YUNG SHOULDER BAG MO!

DEAR PANGET...

Ngayon ko lang napagtanto. Malilimutin ka na rin pala.. Hayyy. Grabe. Nasayo na
talaga lahat ng katangian. Lalong lalo na
ang kapangitan.

***

DEAR PANGET...

Isosoli ko na lang sayo bukas yung bag mo. Ayokong habulin ka. Hindi ako naghahabol sa panget.

DEAR PANGET...

"Salamat sa time! Nag-enjoy ako!"
Halos maibuga ko ang kapeng iniinom ko
nang maalala ang sinabi mo.
Nag-enjoy? Ako kasi hindi.

DEAR PANGET...

Hayy anubayan panget.
Ang abno ko na siguro. Hindi ko alam kung bakit kusang kumurba ang ngiti ko nang sabihin mo yun.

DEAR PANGET...

Pasapak nga ako ngayon din.

DEAR PANGET...

Napaparanoid na rin ako. Lagi kitang
nakikita tuwing pipikit ako. Tss. Mas
mabuting wag na lang akong pumikit.

DEAR PANGET...

Ayokong matulog.
Or more like hindi ako makatulog.
Dinadalaw ako ng panget mong mukha.

DEAR PANGET...

Goodnight Panget...
Okay masakit man sa pride , may sasabihin ako sayo.

DEAR PANGET...

Huwag kang mabibigla.

DEAR PANGET...

Pero dapat ka talagang mabigla. Panget mo talaga.

DEAR PANGET...

Eto na...

DEAR PANGET...

Eto na talaga...

DEAR PANGET...

I REALLY ENJOY YOUR COMPANY KANINA SA MALL. EWAN KO RIN. SUMAYA RIN KASI AKO NG MAKITA KITANG NAKANGITI DAHIL SA PANGET MONG STUFF TOY. PERO DON'T GET ME WRONG ..PANGET KA PA RIN TALAGA. BLAH BLAH. ANO BANG MGA PINAGSASASABI KO NGAYON?
TSS.

DEAR PANGET...

Goodmornight Miss Panget. Sweet dreamss
-_____-
Laki na ng eyebags ko.
Matutulog na ako. Ayokong maging panget na katulad mo. Mahal ko pa naman ang kagwapuhan ko.

***

DEAR PANGET...

Maaga akong gumising ngayong araw. Hindi ko nga alam kung bakit. Isosoli ko sana yung bag mo ngayon kaso narealize ko Sabado pala? Tss. Sa Lunes ko na lang
ibabalik. Hindi ako mag-e-efforrt na
pumunta sa inyo no. Kung yan ang inaakala mo.

DEAR PANGET...

Ano bang laman ng bag mo? Curiousity
kills me. Ayy mali. Your uglyness silently
kills me.

DEAR PANGET...

Hindi naman siguro masamang pakialaman at tingnan kung anong laman ng bag mo diba?

DEAR PANGET...

Aamin na ako. Pakialamero ako.
Panget ka naman.

DEAR PANGET...

Baka gusto mo akong pigilan? Malapit ko
nang buksan ee.

DEAR PANGET...

Okey sabi ko nga. Bubuksan ko na talaga to.

DEAR PANGET...

O_____________O

DEAR PANGET...

Panget?!

DEAR PANGET...

Hindi ako makapaniwala sa laman ng bag
mo. I mean panget... Totoo ba tong mga nakikita ko?

DEAR PANGET...

Make up kit, barbie pink lipstick, Victoria's secret perfume, pares ng contact lens , earrings at eye liner. TOTOO BA TONG MGA NAKIKITA KO?!

DEAR PANGET...

Nagpapaganda ka ba?

DEAR PANGET...

O sadyang gumagamit ka na ng mga to dati pa pero wala lang talagang epekto?

DEAR PANGET...

Bakit meron ka nito?

DEAR PANGET...

Ang dami kong tanong pero wala pa ring
kasagutan kung bakit ang panget mo.

DEAR PANGET...

Kinalkal ko lang ang bag mo hanggang sa makakita ako ng maliit na notebook.

DEAR PANGET...

Diary? Haha. Teka nga? May diary ka rin?
Bagay.. Diary ng Panget.

DEAR PANGET...

Huhu. Pasensya na talaga. Alam kong
beyond sa boundary tong pakialaman ang personal mong mga gamit pero hell------.

DEAR PANGET...

Napaka-misteryoso mo talaga panget. At
napakapangit rin.

DEAR PANGET...

Unti unti kong binuksan ang notebook nang malaglag mula dun ang isang picture ng babae.

DEAR PANGET...

Panget... Ikaw ba tong nasa picture?

DEAR PANGET...

Kamukha mo ee. Ang laki lang ng
pinagkaiba. Sya, walang suot na eyeglasses. Ikaw meron at sobrang laki pa. Mukha ka tuloy kwago.
And worst, sya maganda.
Ikaw, panget!

DEAR PANGET...

Binuklat ko pa ang mga pages hanggang sanmatigil ako sa pinaka-first entry mo.

***

___________

DustlessWriter Wp

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top