THE END
after three years
Nang maiparada ko ang sasakyan ko sa parking lot ng Coffee Shop ni Jin ay mabilis kong tinanggal ang seatbelt ng Mochi ko bago ko siya binuhat.
"Surprise natin si Ninong mo, okay?" Sabi ko sa kanya at tumango naman siya sa akin.
Mabilis kong binuhat si Baby Mochi, pagbukas ko palang ng pinto ay tumama na agad sa balat ko yung lamig ng aircon dito. Nakita kong napahawak si Cupcake sa bibig niya ng makita ako, mabilis siyang pumasok sa may kusina para sigawan si Jin.
Nakita kong nanlalaki ang mata ni Jin ng makita ako na para bang nasobrahan naman sila sa gulat.
"H-Honey..." Hindi makapaniwalang tawag niya sa akin.
"Surprise?" Nag-aalangang sabi ko dahil nakita kong gulat sila pareho.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Jin bago niya pinunasan yung kamay niya at lumapit sa akin bago niya kunin sakin yung anak ko.
"Binisita kayo? Nung nakaraan pa kasing buwan ako huling nakabisita, namimiss na kayo ni Mochi." Sabi ko sa kanila.
Lumapit sa akin si Cupcake para makipagbeso tsaka ko lang napansin na kanina pa sila nagtitinginan ni Jin, pero kapag tumitingin ako sa kanila ay umiiwas ng tingin si Cupcake at nilalaro naman ni Jin si Mochi.
"Seryoso, hindi ba ako pwede ngayon? Babalik nalang ako bukas, ayos lang naman." Sabi ko sa kanila.
"Hindi Honey, ayos lang dito ka muna. Nahihiya lang kami sa'yo kasi may isa pa kaming bisita." Sabi ni Cupcake sa akin.
Nakita kong biglang nanlaki ang mata ni Cupcake ng mapatingin siya sa likod ko. "At nandito na siya." Bulong niya.
"Oyy! Kamusta na?" Sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa likuran.
"Ayos lang, kamusta byahe?" Tanong ni Jin sa kanya at ngumiti lang siya ng mapatingin siya sa anak ko.
"Si Candy ba yan?" Gulat na tanong niya habang nakatingin sa bata. "Ang laki na niya." Sabi nito bago niya kinuha yung anak ko mula kay Jin.
"Gago, sangol pa lang si Candy." Tugon ni Jin.
"Talaga? Kaninong anak 'to?" Napatitig siya sa anak ko hanggang bahagyang bumaba yung labi niya.
"Mochi?" Tumango ang anak ko ng tawagin siya ni Suga sa pangalan niya.
Bahagyang napangiti si Suga habang nakatingin siya sa anak ko kaya naman bahagya akong nagtago sa likod ni Cupcake, hindi ko alam kung bakit nahihiya akong magpakita.
"Asan mommy mo?" Tanong nito.
Napapikit ako ng mariin habang mas lalo kong tinago yung sarili ko sa likod ni Cupcake, hanggang sa narealize kong huli na ang lahat dahil tinuro na ako ng anak.
Napahinga nalang ako ng malalim bago ako nahihiyang tiningnan si Suga pero ng wala pang isang segundo akong nakatingin sa kanya ay nag-iwas na agad ako ng tingin.
"Jin! Jin!" Mahinang tawag ni Cupcake kay Jin kaya naman napatingin kaming pareho sa kanya at awkward siyang lumapit kay Jin bago niya pasimpleng hinihila yung laylayan ng shirt nito.
"M-May gagawin pa kami sa loob ni Jin, kung gusto nyo mag-usap muna kayo diyan." Suggestion ni Cupcake.
Naguguluhang napatingin sa kanya si Jin, "Anong gagawin natin sa loob?"
"Yung cake, yung cake na ginagawa natin." Mariin na sabi ni Cupcake habang kinukurot na niya si Jin sa tagiliran nito.
Pinanlalakihan na ng mata ni Cupcake hanggang sa nagkaintindihan silang dalawa sa kung ano mang iniisip nila.
"O-Oo nga pala, tatapusin lang namin yung cookies-- este cake pala, yung cake na ginagawa namin. Upo muna kayo. Dadalhan nalang namin kayo ng kape." Sabi ni Jin.
"Iwan muna namin kayo ha." Hinila ako ni Cupcake sa upuan at inupo ako doon bago tinulak ni Jin si Suga sa upuan sa harapan ko.
Pinanlalakihan ko ng mata si Cupcake dahil alam ko kung anong ginagawa nilang dalawa sa akin. Pero kinindatan niya lang ako.
"Usap kayo ha." Sabi ni Cupcake sa aming dalawa bago siya hinila ni Jin papasok sa kusina.
Nang makapasok silang dalawa sa kusina ay awkward akong napatingin kay Suga na hindi rin mapakali sa upuan niya kaya naman nilalaro nalang niya yung anak ko.
Bahagya akong napapangiti habang pinagmamasdan kong nag-iihit ng tawa yung anak ko dahil sa pangingiliti sa kanya ni Suga gamit ang ilong nito.
Nang nilapag ni Cupcake yung kape at cake namin at napansin na hindi kami nag-uusap ay pinandilatan niya agad ako ng mata kaya naman pinandilatan ko rin siya pero panay ang nguso niya sa akin kay Suga, kahit kaylan talaga ang isang 'to. Simula't sapul pinagkakanulo na ko kay Suga, pati ba naman ngayon na may anak na ako. Tsk!
"Kamusta ka na nga pala?" Tanong sa akin ni Suga kaya naman napatigil ako sa pagsimsim ko ng kape.
"Ahh, ayos lang." Tipid na sabi ko.
"Mabuti naman." Ngumiti siya sa akin kaya naman ngumiti nalang rin ako sa kanya, kahit awkward.
Natawa kaming pareho kasi ang awkward ng ngiti namin sa isa't isa, simula kasi nung nailibing si Kookie ay hindi na ulit bumalik si Suga, ang sabi ni Jin ay nag-stay daw ulit ito sa Japan, halata naman sa mga post niya sa instagram.
Pero hindi kasi kami nagkakausap kasi wala rin naman kaming pag-uusapan, ang tanging interaction lang naming dalawa ni Suga ay kapag hinaheart niya yung mga picture ni Mochi pero isang taon na nakalipas noon, kasi literal na hindi na siya nagoonline nung mga nakakaraan.
"Actually may itatanong sana ako sa'yo, alam kong ang weird nito." Awkward na natatawang tanong ni Suga, hinihintay ko nalang niya sudlungan yung sinabi niya.
"Bakit Mochi yung pinangalan mo sa kanya?"
Bahagya akong natawa sa tanong niya, akala ko naman something serious, hindi pala.
"Ano kasi..." Napakamot ako sa ulo ko. "Di ba si Jimin yung nakakita sa amin ni Kookie. Kaya sabi ko sa kanya siya na yung magpangalan sa anak ko, hindi ko lang alam kung bakit iyon ang pinangalan niya."
"Wow, ang laki ng tiwala mo sa mga kapatid ko." Natatawang sabi niya.
"Cute naman yung naisip ni Jimin ah." Sabi ko.
"Hmm, cute nga." Aniya.
Nagkatinginan ulit kaming dalawa pero ng makarinig kami ng tawanan sa di kalayuan ay napatingin kami doon, nakita namin si Jin at Cupcake na binivideohan kami kaya naman mas lalo akong naawkwardan. Bwisit talaga yung dalawang yun, ang tatanda na mga isip bata pa rin.
"Hoy!" Sigaw ko sa kanila kaya naman natatawa nilang tinago yung phone nila at pumasok ulit ng kusina, napairap ako sa kawalan bago ko makita si Suga na nakatingin pa rin sa pwesto ng dalawa kanina.
"Grabe talaga yung mag-asawang kapre na yun." Inis na bulong ko.
"Easy lang, ang cute nga ng dalawang yun. Akalain mo na sila yung magkakatuluyan." Sabi ni Suga.
"Nung umuwi si Cupcake dito galing Singapore, nalaman niya yung nangyari sa akin kaya nag-stay siya dito para alagaan ako, silang dalawa ni Jin yung nag-aalaga sa akin salitan sila. Papaanong hindi sila magkakatuluyan?" Tanong ko.
"Di ba may boyfriend si Cupcake noon ng limang taon na?" Natatawang sabi ni Suga.
"Totoo, hindi ko na rin nga alam kung papaano naging sila, ang sabi ni Jin sa akin wala naman daw silang relasyon hanggang sa nalaman ko nalang na ikakasal na pala sila. Imagine, limang taon niyang boyfriend yung americano na yun tapos nilandi lang siya ni Jin nakipaghiwalay na siya, eto namang Jin na 'to wala man lang kahit anong konsiderasyon." Paglalabas ko ng sama ng loob sa kaniya.
"Alam mo kasi Honey, bago ka magkaamnesia alam na nating dalawa na kaya nakikipagkaibigan sa'yo si Jin noon ay dahil type niya si Cupcake, pero ang pinagtataka ko. Bakit naman naisipan nilang magpakasal agad?" Tanong niya sa akin.
"Eto na nga kasi, alam ko kwento diyan eh." Sabi ko sa kanya bago ko uminom ng kape at pinunasan agad yung labi ko.
"After kong manganak yun eh, yung gabi mismo na yun nung nakita nila yung bata. Nakipagbreak na si Cupcake sa boyfriend niya noon kasi nga ayaw na niyang bumalik sa America, pero wala silang relasyon ni Jin that time." Saad ko.
"Oh anong nangyari dun?" Tanong niya habang sinusubuan niya yung anak ko ng cake.
"Nung nakita nila yung anak ko, tuwang-tuwa sila pareho kaya tinanong ni Jin si Cupcake kung gusto na rin ba niya ng baby, tapos sumagot si Cupcake ng oo." Pagkwento ko.
"And then?" Nag-aabang na tanong niya.
"Yun na yun."
"Yun na yun? Sila na noon? Naisipan na nilang magpakasal nung araw mismo na yun?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Suga, pero bored akong tumango sa kanya kaya naman mas lalo siyang hindi makapaniwala.
"At alam mo pa ba, nung gabi na yun iniwan nila akong mag-isa sa ospital kasama yung tatlong maiingay mong kapatid, as in si Jimin, si Taehyung at Kuya Hobi. Hindi tuloy ako makatulog kasi napakaingay nilang tatlo, si Kuya Namjoon wala noon kasi may inaasikaso siya pero ayos na rin di ba? Baka makasira pa ng gamit doon si Kuya Namjoon." Natatawang kwento ko.
"Talaga? Saan sila nagpunta noon?" Natatawang tanong nito.
"Saan pa ba? Edi gumawa na ng baby." Sarkastikong sabi ko.
Natawa lalo si Suga habang napapailing siya, panay ang pakain niya kay Mochi ng cake. "May bimpo ka ba?" Tanong sa akin nito.
"Ahh, oo wait lang." Sabi ko habang hinahanap ko yung bimpo ni Mochi at inabot ko sa kanya iyon, ginamit niya iyon para mapunasan yung gilid ng labi ng anak ko at pati na rin ang kamay nito na nalagyan ng whipped cream bago niya inabot ulit sa akin iyon.
Nakita kong tiningnan niya yung kamay ko kaya naman naman nung nakuha ko yung bimpo ay mabilis kong tinago yung kamay ko sa loob ng bag ko.
"Kasal ka na?" Tanong niya sa akin.
Napayuko ako bago ako bahagyang natawa at napangit, nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nakita kong naghahantay pa rin siya ng sagot ko.
"Hindi mo na natatandaan yung singsing na binigay mo sa akin bilang regalo no?"
Pinakita ko sa kanya yung singsing ko, alam kong nahihiya ako kanina kasi baka kung anong isipin niya, pero ano naman kung makita niya di ba.
Nakita kong napangiti siya bago niya inupo ng maayos yung anak ko sa hita niya. "Natatandaan ko kung anong hitsura nung singsing, hindi ko lang talaga nakita ng maayos." Aniya.
"Masakit kaya sa pakiramdam na makalimutan." Pabirong hugot ko.
"Alam ko." Sabi niya. "Nakalimutan rin ako ng taong mahal ko noon, kaya alam ko yung pakiramdam."
Napanguso ako dahil sa sinabi niya. "Nagka-amnesia ako noon." Giit ko.
"Ikaw ba yung sinasabi ko? Assuming ka pa rin hanggang ngayon." Natatawang sabi niya sa akin kaya naman hinampas ko siya ng bimpo pero umiwas siya sa akin kaya muntik ng matamaan yung anak ko.
Niyakap niya ng mahigpit yung anak ko na para bang pinoprotektahan niya sa akin. "Baka saktan mo pa yung pamangkin ko, sisipain kita." Banta niya sa akin.
"Wow ha, anak ko 'yan! Akin na nga." Kinukuha ko sa kanya yung anak ko pero inilalayo niya sa akin, kaya naman tumayo na ako para kunin sa kanya pero ayaw niyang ibigay.
Nakita kong tawa rin ng tawa yung anak ko kasi lumalayo rin siya sa akin at panay ang yakap niya kay Suga kapag nagkukunware akong kukunin ko siya. Pareho kaming natatawa ni Suga sa reaksyon ng anak ko kaya naman pinagpatuloy lang namin yung ginagawa namin.
Hanggang sa natigilan kami ng tumunog yung cellphone ni Suga, nakita kong tiningnan niya yung nakasulat sa phone bago niya inabot sa akin yung anak ko.
"Saglit lang." Sabi niya sa akin bago niya sinagot yung tawag at mabilis niyang inilagay sa tenga niya iyon, kaya naman nakita ko yung kamay nya.
May nakasuot ng singsing sa kanya.
Nakita kong naglakad siya papalayo sa akin habang kausap niya yung nasa phone kaya naman hindi ko naririnig yung pinag-uusapan nila. Tumingin ako sa anak ko at nakita kong nakasibi siya habang tinitingnan niya si Suga papalayo, akala siguro nito aalis na.
"Hala, bakit nakasibi yung bebe ko?" Tanong ko sa kanya.
"Tito." Tinuro niya sa akin si Suga na may kausap sa phone.
"Hindi pwede, may kausap yung tito mo." Giit ko sa kanya kaya naman mas lalo siyang sumibi sa akin.
"Laro kami." Sabi nito sa akin.
"Nandyan naman si Ninong at Ninang mo, sa kanila ka nalang makipaglaro, busy si Tito mo." Sabi ko sa kanya pero iling siya ng iling sa akin.
"Hindi talaga pwede Mochi, wag makulit ha." Pangaral ko sa kanya.
"Aga-aga kinakagalitan mo yung bata." Napatingin ako kay Suga na nasa harapan ko na ngayon habang tinatago niya yung cellphone niya sa bulsa niya.
Nakita kong sumasama sa kanya yung anak ko kaya naman natatawa si Suga pero hinalikan niya lang ito sa noo bago niya nginitian. "Balik nalang ako bukas okay? May pupuntahan pa si Tito." Sabi niya sa anak ko.
"Sige na, baka hinahanap ka na ng asawa mo." Sabi ko sa kanya.
Nakita kong napatingin siya sa akin na para bang naguguluhan siya hangang sa napanganga siya at napangiti. "Hindi ko asawa yun, tauhan ko yun." Aniya.
"Ahh, pero kasal ka na di ba?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa singsing na suot niya kaya naman napatingin din siya doon.
"Tingnan mo nga kung kasal na ko." Pinakita niya sa akin yung singsing na suot niya at bigla akong namula ng makita ko yung suot na singsing niya.
Kamukha ng binigay niyang singsing sa akin.
"Sige nga Honey, papaano ako magpapakasal sa iba kung hanggang ngayon ikaw pa rin yung mahal ko?"
Napaiwas ako ng tingin sa kanya, ilang segundo siyang naghintay ng isasagot ko pero ng marealize niyang wala akong intensyong sumagot ay narinig kong napabuntong hininga nalang siya.
Bigla akong napayuko lalo na ng makita ko sa gilid ng mata ko na nanunuod si Cupcake at Jin sa aming dalawa sa malayo. "Jin! Cupcake! Mauna na ko ha? Balik nalang ako bukas." Sigaw ni Suga sa kanila.
"Mauna na ko." Sabi sa akin ni Suga kaya naman tumango nalang ako sa kanya, kaya naman naglakad na siya palabas ng pinto.
Pero bago pa niya mabuksan ang kotse niya ay napatingin siya sa akin at mabilis siyang bumalik sa loob ng Coffee Shop, diretso siyang naglakad papunta sa akin.
"Hindi kasi ako masyadong nakakapag-online, pwede ko bang makuha yung number mo?" Tanong niya sa akin pero hindi agad ako nakapagsalita.
"Alam mo na kapag libre kayo ng anak mo, puntahan ko kaya para naman makabawi ako sa pamangkin ko." Dagdag pa niya, nakita kong naawkwardan siya kaya naman napapakamot siya sa batok niya.
Inabot niya sa akin yung cellphone niya kaya naman kinuha ko na yun at tinipa ko yung number ko bago ko inabot ulit sa kanya.
"Salamat." Mahinang sabi niya bago niya ako tiningnan ng diretso sa mata ko pero ng tawagin siya ng anak ko ay napunta agad dito ang atensyon niya.
"Bye-bye Mochi." Lumapit siya sa anak ko kaya naman halos maamoy ko na siya dahil buhat-buhat ko ito.
"Bye-bye Tito." Bigla siyang yinakap ng anak ko kaya naman halos dumikit na rin yung mukha sa akin ni Suga.
Naramdaman kong pati siya ay nawkwardan sa pwesto naming dalawa ngayon dahil isang lingon lang niya ay mahahalikan na niya ako. Kaya naman halos magpigil ako ng hininga pero ayaw pa ring bumitaw ng anak ko kaya naman narinig kong awkward ng natawa si Suga bago niya hinawakan yung kamay ni Mochi para maialis sa leeg niya.
"Sige na, bye na Mochi." Hinalikan nito yung anak ko tungki ng ilong nito kaya naman lumawak na naman yung ngiti ng anak ko.
"See you tomorrow?" Tanong sa akin ni Suga kaya naman bahagya akong napatango kahit hindi ko alam kung bakit tomorrow.
Nakita kong nagpipigil siya ng ngiti bago niya tinuro yung labas na para bang nagpapaalam na siya pero hindi niya masabi kasi nakangiti siya.
Tumango nalang ako sa kanya kaya naman dahan-dahan siyang tumalikod para lumabas ng coffee shop, nang nasa tapat na naman siya ng kotse ay humarap ulit siya sa akin para kumaway sa amin.
Nakita kong kumaway yung anak ko sa kanya kaya naman napangiti ako bago ako bahagyang kumaway rin sa kanya.
Mas lalong nakita yung gilagid niya sa lawak ng ngiti niya bago siya pumasok ng tuluyan sa kotse niya.
Napakagat ako sa labi ko para pigilan ko yung pagngiti ko at mabilis kong kinuha yung cellphone ko bago ako naupo sa isang tabi habang kandong-kandong yung anak ko para makapagtipa ako ng ayos sa cellphone ko.
~*~
Diary #1253
Dear Kookie,
Eto ba yung sinasabi mong tamang panahon? Kapag okay na lahat, kapag wala ng problema, kapag tanggap ko na at handa na ako dadating siya? Kasi mukhang eto na yung sinasabi mo.
~~
THE END
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top