Honey 022

Pagkatapos kong paliguan si Kookie ay iniwan ko sya ng nakatuwalya at inutusan ko sya na nagbihis dahil maliligo muna ako.

Pero paglabas ko ng banyo ay nakita ko syang naglalakad sa sala na underwear lang ang suot. Kaya naman napabuntong hininga nalang ako bago ko siya hinila pabalik sa kwarto.

Nakanguso sya sa akin habang naiirita sya, alam kong nairita sya sa ginawa kong panghihila sa kanya.

Kumuha ako ng shirt na puti at jersey shorts bago ko siya binalikan at napangiti nalang ako ng pagod ng makita ko siyang nakatitig sa lilies na kakalagay ko lang.

"Gusto mo ba yan?" Tanong ko sa kanya, nakita kong naguluhan sya sa tanong ko pero ngumiti lang sya sa akin bago sya tumango.

Kinuha ko iyon at inabot ko sa kanya pero umiling siya sa akin at tinuro nalang nya ulit yung vase kaya naman binalik ko iyon doon.

Napangiti sya, kaya naman napangiti rin ako.

Nakita kong nakatitig lang sya sa akin, pero hindi pagtataka yung ekspresyon ng mukha nya kundi pagkamangha kaya naman nanibago ako.

"Anong nasa isip mo na naman ha? International Playboy." Sinundot ko yung pisngi nya pero mas lalo lang syang napangiti.

Ginaya nya yung ginawa ko, sinundot nya rin ako sa pisngi ko kaya naman napangiti ako lalo.

Pero nagulat ako ng hawakan nya yung mukha ko na para bang namamangha sya kaya naman natatawa ako.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nya ngayon at kung bakit nakangiti sya ng ganyan.

Nakatitig sya ngayon sa labi ko kaya naman alam ko na kung anong nasa isip nya, natatawa ako lalo ng hinahawakan nya yung labi ko pero inalis ko yung pagkakahawak nya doon.

Tinitigan ko sya sa mata nya at nakita kong nagtataka sya, hanggang sa napangiti sya at lumapit siya sa akin para halikan ako sa labi.

Napangiti ako sa pagitan ng halik naming dalawa.

"Lahat makakalimutan mo pero eto hindi?" Natatawang sabi ko pero ngumiti lang sya sa akin.

"Oh sya, tara dito bibihisan na kita." Sabi ko sa kanya pero mukhang hindi nya naintindihan kaya naman hinila ko siya papaupo bago ko sinuot sa kanya yung shirt na puti at yung jersey short nya.

Nakita kong namula yung pisngi nya ng mahawakan ko yung binti nya kaya naman hinawakan ko ulit yun at nakita kong nahihiya sya sa akin.

Natawa ako sa reaksyon nya pero humupa rin yung tawa ko ng makita kong naguguluhan sya kung bakit ako tumatawa.

"Sige na Kookie, matulog ka na. Gabi na." Mahinang sabi ko sa kanya.

Hindi siya kumibo at huminga lang sya ng malalim, halos pumikit na yung mata nya kaya naman naramdaman ko yung pininikip ng dibdib ko.

"Pagod ka na ba?" Mahinang tanong ko sa kanya.

Tumango sya sa akin, sa hindi malamang dahilan naramdaman kong nangingilid na naman yung luha ko.

"G-Gusto mo na bang m-magpahinga?" Nanginginig na tanong ko.

Tumango ulit siya sa akin.

Pinikit ko yung mata ko para ikalma yung sarili ko, alam kong nagbabadya na naman yung luha ko at ayokong magtaka sya kung bakit ako umiiyak kaya naman pinipigilan ko.

Bahagya akong yumuko para magkapantay yung mukha namin.

"Sige na Kookie, magpahinga ka na. Hindi na kita gigisingin ng maaga bukas."

Nakita kong halos pumikit na yung mata nya kaya naman inalalayan ko siya para mahiga sa kama nya.

Nakatingin lang siya sa akin habang nilalagyan ko siya ng kumot. Nang pinatay ko yung ilaw at tanging lampshade nalang yung nakabukas ay nakita ko yung tingin sa akin ni Kookie na dumudurog sa puso ko.

Hinawi ko yung buhok nya na nakaharang sa noo nya. "Mahal na mahal kita Kookie..." Paaalala ko sa kanya.

Nakadilat pa rin sya at nakatingin sa akin kaya naman lumapit ako sa kanya para halikan sya sa noo. "Pikit ka na." Bulong ko sa kanya.

Habang pinapanuod ko syang dahan-dahang pumipikit ay nararamdaman ko unti-unting pagbagsak ng luha ko.

Mariin kong pinalis yung luha ko bago ko pinigilang humikbi para hindi ako makagawa ng kahit anong ingay at hindi sya magising.

Nang makita kong nagiging kalmado na sya at alam kong tulog na sya ay lumapit ako sa kanya para halikan sa noo.

"Goodnight, Kookie."

Paglabas ko sa kwarto nya at tahimik kong naisarado yung pinto ay napaupo agad ako sa sahig dahil sa panghihina ko.

Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ko ang paghagulgol ko. Hindi ko alam kung bakit naninikip ng ganto yung dibdib ko kaya naman paulit-ulit ko itong hinahampas pero wala na akong lakas.

Nang makita kong nanlalabo na yung mata ko at umiikot yung paningin ko ay mabilis akong naglakad pero halos pagapang na rin ang ginawa ko para makapunta ako sa banyo ng kwarto.

Mabilis akong gumapang papunta toilet bago ako nagsuka ng marami, siguro sa kakainom ng gamot. Pero hindi pwedeng hindi ako uminom ng gamot kasi ikakabaliw ko yun.

Pagkatapos kong sumuka ay mabilis kong binuksan yung salamin para kunin yung contraceptives at antidepressant ng iniinom ko. Uminom ako ng tig-isa.

Pero ng pagtingin ko sa salamin at nakita kong yung itim sa ilalim ng mata ko, at yung mukha ko ngayon. Parang hindi naman nawala yung depression ko kaya naman mabilis akong kumuha ng tig-isa pa ulit at ininom ko yun.

Pero hindi ako makontento kasi alam kong iba yung nararamdaman kong lungkot ngayon kaya naman kumuha ako ng isa pa ulit antidepressant at ininom iyon.

Napasabunot ako sa buhok ko ng marealize kong dapat na kong tumigil. Bakit tatlo yung ininom ko?!

Mabilis akong yumuko pabalik sa bowl para pilit kong isuka yung gamot pero wala, hindi ko na maisuka yun.

Kahit nahihilo ako ay lumabas pa rin ako ng bahay, napatingala ako sa langit at kitang kita kong puro bitwin ngayon.

Ramdam na ramdam ko sa balat ko yung malamig na hangin pero hindi ko iniinda iyon dahil mas nararamdaman ko yung sakit ngayon sa dibdib ko.

"Bakit? Ang daming bakit! Pero bakit walang sagot?!" Sigaw ko.

"Bakit si Kookie pa, mabait naman sya! Kahit kaylan hindi sya gumawa ng masama sa ibang tao!"

"Bakit kaylangan mangyari sa akin to? Bakit kaylangan mangyari sa kanya to?!"

Pilit kong sinisigaw lahat ng tanong ko, akala ko nung naghiwalay kami iyon nalang lahat ng bakit na hindi masasagot, pero nadagdagan na naman.

"Bakit ba kasi?!" Sigaw ko kahit paos na paos na ako.

Napahagulgol ako, wala na akong pakialam kung magmukha akong tanga kapag may nakakita sa akin, wala na akong pakialam.

Oo sinabi ko na kapag na tanggapin nalang yung nangyari at huwag ng isipin lahat ng bakit sa isip mo, at i-enjoy mo nalang kung anong meron ngayon.

Pero hindi, kinain ko lang lahat ng sinabi ko kasi ako mismo ay hindi ko magawa ngayon.

Napatingala ako sa langit, ramdam na ramdam ko kung papaano mas lumalakas yung ihip ng hangin, sa kalagitnaan ng malakas ng isip ng hangin ay may puting paro-paro na lumipad sa itaas ko.

Unti-unting bumagsak ang panibagong luha sa mata ko bago ako nagmadaling pumasok sa kwarto ni Kookie.

Sa sobrang hilo ko ay halos hindi na ako makalakad ng ayos, mahimbing pa rin ang tulog ni Kookie kahit kumakalampag yung paa ko habang pumupunta ako dito.

Napahawak ako sa pisngi nya, hindi ko na naipigilan na humagulgol mismo sa harap nya. Pero tulog pa rin sya.

"K-Kookie..."

Halos umikot yung paningin ko, nang maramdaman kong masusuka ako ay nilunok ko ulit iyon na naging dahilan nang pagbagsak ko sa tabi ni Kookie.

Hanggang sa unti-unting nagdilim ang paningin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top