Honey 019

"Oyy, ano 'yang binebake mo?" Tanong niya sa akin habang tinitingnan niya yung binebake ko.

"Cookies, ano pa ba?" Sarkastikong tanong ko sa kanya pero nakatitig lang siya sa harina.

"C-Cookies?" Naguguluhang tanong niya, pakiramdam ko ay nanikip ng kaunti yung dibdib ko dahil hindi niya matandaan yung cookies kahit alam paborito niyang pagkain iyon.

Napalunok ako bago ko pinagpatuloy yung ginagawa ko, tahimik tuloy kaming dalawa habang pinagpapatuloy ko yung paggawa. "Tikman mo nalang mamaya pagtapos ko, okay?" Nakangiting sabi ko sa kanya at tumango nalang siya sa akin.

Nakita kong nakatulala pa rin siya sa harina kahit nasa oven na yung binebake ko kaya naman lumapit ako sa kanya para kurutin yung pisngi niya, masyado na naman siyang nastressed sa cookies.

"Anong gusto mong gawin ngayon araw para naman ngumiti ka." Tanong ko sa kanya.

"Gusto kong uminom." Aniya.

"Bawal sa'yo." Mariin na sabi ko kaya naman napanguso siya, "Pero kung gusto mo, isang beses lang naman di ba? Tsaka hindi ka naman iinom ng marami."

Lumawak yung ngiti niya bago siya tumango sa akin. "Gusto ko rin maligo ng beach ngayon, tapos... tapos..." Nakita kong napakunot ang noo niya ng hindi niya na alam kung ano pang gusto niya kaya naman tinulak ko na siya papuntang kwarto niya.

"Magready ka na kasi pagkabake ko ng cookies ngayon, magbibihis na rin ako, mamayang gabi nalang natin kainin 'tong cookies o bukas, pwede pa naman 'to bukas." Sabi ko sa kanya ng maitulak ko na siya sa kwarto.

"May gusto ka pa bang gawin?" Tanong ko ulit sa kanya.

Tumango naman siya bago siya lumapit sa akin.

"Eto." Aniya bago siya bahagyang yumuko para halikan ako sa labi.

Natigilan ako dahil sa ginawa niya pero ng makabawi ako ay mabilis ko siyang hinampas. "Playboy." Sabi ko bago ko siya sinipa sa binti.

Natatawa naman siya habang naglalakad siya papuntang drawer niya. "Hindi ako playboy." Aniya.

"Hindi mo nga ako kilala tapos hinahalikan mo ko! Playboy ka." Mariin na sabi ko sa kanya.

"Kilala kita, ikaw si Honey." Natatawang sabi niya habang naghahalungkat siya ng damit, napairap ako sa kawalan bago ko bumalik sa kusina at bantayan yung cookies.

Dalawang linggo palang kaming magkasama pero alam kong magaan na agad yung loob niya sa akin, siguro dahil mawawala lang yung memorya mo pero hindi naman mawawala yung nararamdaman mo.

Nang makapagbake na ako ay pumunta na agad ako sa kwarto ko para maligo at magbihis, hiwalay kami ng kwarto ni Kookie since ang weird noon kapag magkasama kami sa higaan na dalawa pero hindi naman niya ako kilala, bukod sa alam niya na si Honey ako, hindi ko nga alam kung natatandaan pa ba niya na ex ako ng Kuya niya.

Napatingin ako sa cellphone niya at photo album na kinuha ko, pati yung mga gamit na binigay ko sa kanya dati na hindi ko alam kung papaano napunta ulit sa kanya. Ayokong makita niya iyon at madepressed na naman siya kakaisip kung sino ba ako.

Napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa cellphone niya at mabilis ko iyong pinasok sa drawer ng makita ko siyang nakasilip sa kwarto ko. Nakangiti siya kaya naman kitang kita ko yung dalawang malaking ngipin niya. Hanggang sa narealize kong nakatuwalya pa rin pala ako, napahawak ako sa sarili ko ng makita kong pumasok na talaga siya ng tuluyan sa kwarto ko.

"Uy, grabe ka wala akong gagawing masama sa'yo." Dipensa agad niya, kahit tinitingnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Pero tumira ka kasama ko, babae ka, lalaki ako, magkasama tayong dalawa sa iisang bahay, tayong dalawa lang. Dapat hinanda mo na yung sarili mo doon." Aniya.

Kaya naman kinuha ko yung hanger ng damit ko at hinampas ko sa braso niya iyon, aray siya ng aray pero natatawa rin naman siya. "Layas, umalis ka dito sa kwarto ko!" Sigaw ko sa kanya pero hindi siya umaalis.

"Kung iba pala nag-alaga sa'yo at hindi ako gusto mo rin pala gawan ng masama." Inirapan ko siya sa akin.

"Uhmm, hindi rin." Aniya. "Bago ka may ibang nag-aalaga sa aking nurse, totoong nurse. Siya lang rin yung kasama ko sa bahay pero hindi ko naman siya pinag isipan ng ganoon." Pagkwento niya.

"Oh tapos?" Sarkastikong tanong ko. "Ako pinag-iisipan mo ng hindi maganda?"

"May HD kasi ako sa'yo." Kinindatan niya ako bago siya napangisi, natatawa siya habang naglakad papaalis ng kwarto ko kaya naman binalibag ko na talaga sa kanya yung hanger, pero mas nilakasan lang niya yung tawa niya.

Eto na ba yung sinasabi nilang mag-iiba yung ugali? Napairap ako sa kawalan bago ko naghanap ng magandang isuot, nagsuot ako ng isang simpleng beach dress na kulay puti, hanggang talampakan ang haba noon at nakapaloob doon yung two piece ko.

Nang maiayos ko na yung gamit ko ko ay pinuntahan ko na si Kookie sa kwarto niya, napakunot ang noo ko ng makita kong nakatimberland shoes siya at maong pants plus denim jacket.

"What the..."

Nakita kong napaangat siya ng tingin sa akin, lagi nalang niyang nakakalimutan kung anong dapat isuot niya kaya naman mabilis akong naupo para tanggalin yung sapatos niya, tinitingnan niya lang ako habang tinatanggal ko iyon.

Kumuha ako ng tsinelas at sinuot ko iyon sa kanya bago ko tinanggal yung denim jacket niya para matira yung white shirt na suot niya, tiningnan ko yung maong pants niya.

"May nakapaloob ka bang shorts dyan?" Tanong ko sa kanya, nakita kong nag isip siya ng matagal kaya naman napahawak nalang ako sa sintido ko.

"Sige na nga! Ayos na yan!" Sabi ko sa kanya bago ko siya hinila palabas ng kwarto niya. Hindi naman namin kaylangan pang magmaganda kasi nasa harap lang rin naman ng bahay namin yung beach, konting lakad lang ay makakarating na kami.

Hawak-hawak niya yung mga beer at pagkain sa kaliwanag kamay niya habang hawak naman niya sa kanang kamay niya yung kamay ko. Nang makahanap kami ng magandang pwesto ay doon lang namin nilatag yung maliit na tela na uupuan namin. Makulimlim ngayon kaya naman hindi kami masusunog.

Nang binuksan niya yung basket at inilabas yung mga pagkain at napansin kon may bulaklak doon.

"Para san yan?" Tanong ko sa kanya.

"Ahh eto ba? Eto yung mga iniipon mong lilies, kaya naman kinuha ko nung isang araw kasi wala akong magawa, nakapanuod lang ako kung papaano gawing f-f-flo..."

"Flower crown."

"Oo, flower crown, napanuod kong gawin sa tv." Aniya.

Napangiti ako, hindi talaga mawawala sa isang 'to yung pagiging talented no? Nakita ko kasing maganda yung pagkakagawa niya sa flower crown.

"Sukat mo nga kung bagay sa'yo." Inabot niya sa akin iyon kaya naman sinukat ko, busy siya paglalabas ng mga pagkain at busy naman ako sa pagtingin sa sarili ko gamit ang cellphone ko. Parang nagmatch pa yung kulay ng lilies sa damit dress kong puti.

Nang matapos niyang ilabas ang mga pagkain at beer ay nag-angat siya ng tingin sa akin, nakita kong nakangisi siya ng makita niyang nakalagay sa ulo ko yung flower crown.

"Mukha kang paso." Natatawang sabi niya kaya naman hinampas ko siya.

"Eto na tatanggalin ko na, di pala bagay sa akin." Inis na sabi ko pero pinigilan niya ako.

"Hindi porket mukha kang paso, ibig sabihin hindi na bagay sa'yo. Oh eto, may natira pa sa mga lilies." Aniya bago niya inabot sa akin yung mga natirang lilies.

Nang tinanggap ko iyon ay nakita kong bahagya siyang natigilan, nakatulala lang siya sa lilies na hawak ko na para bang ang lalim ng iniisip niya.

"Honey..." Mahinang tawag niya.

Nang tinaasan ko siya ng kilay ay umiling lang siya sa akin kaya naman napailing nalang rin ako, sanay na ako sa kakaganyan nya, yung tipong may sasabihin siya pero makakalimutan din niya.

Binuksan ko nalang yung beer at inabot ko sa kanya yung isa. Nagcheers kami pagkatapos naming buksan iyon. Nagsearch ako kanina sa google, ang sabi pwede naman daw talaga ang mga alcohol beverages wag lang dadamihan kaya naman ng makaubos na siya ng dalawang bote ay hindi ko na siya binibigyan.

Nakahiga na kami ngayon, medyo umiikot na ang paningin ko kaya naman pinipikit ko nalang yung mata ko, hindi ko alam kung bakit kahit tatlong linggo palang niya akong kilala ay hinahayaan niya akong mahiga sa tabi niya habang nakayakap ako sa kanya.

Gusto ko pa sanang hilingin na sana maaalala niya ako pero ayos na ako, ayos na ako na nandito siya sa tabi ko.

Napahigpit ang yakap ko sa kanya ng maramdaman kong nangingilid na yung luha ko, hindi dahil malungkot ako kundi dahil masaya ako kasi ngayon ko lang siya ulit nayakap sa loob ng ilang taon.

"Kookie..." Tawag ko sa kanya.

"Hmm?"

"Bakit ang tahimik mo?" Tanong ko.

"Iniisip ko lang kung bakit may naalala akong umiiyak na lalaki habang may hawak-hawak na lilies."

"Ha? Kilala mo ba yung lalaki?" Tanong ko sa kanya bago ko bahagyang umangat para makita ko yung mukha niya.

"Oo, kilalang kilala ko." Aniya.

"Sino?" Curious na tanong ko.

"A-Ako."

Natigilan akong bigla, mas lalo kaming nagkatitigan, alam kong magkaiba na yung tinatakbo ng utak naming dalawa ngayon habang magkatitigan kami.

"H-Honey..." Nanginginig na tawag niya.

Nakita ko kung papaano unti-unting namula yung mata niya at yung kaunting luha sa gilid nito habang nakatitig ng diretso sa mata ko.

"Bakit tayo nagbreak?"

At sa puntong iyon hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya o ano. Hindi ko na alam kung anong dapat maramdaman ko.

Dahil natandaan na niya ako. Kahit papaano.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top