Honey 018

Paglabas ko ng kwarto at gulo-gulo pa yung buhok ko ay nakita ko si Kookie na nasa kusina ay kumakain ng cookies na binake ko kagabi. Napangiti ako ng makita kong mabilisan niyang kinakain iyon na para bang bata.

"Ohoo, dahan-dahan." Biro ko sa kanya.

Nakita kong gulat siyang napatingin sa akin at mabilis niyang pinunasan ang labi niya, nakangitia akong pumunta sa ref para tingnan kung anong pwede kong iluto ngayon. Okay, lulutuin ko nalang lahat ng paboritong pagkain ni Kookie araw-araw, pero anong uunahin ko?

"Uy ano, sino ba kausap mo kagabi?" Tanong niya.

"Hindi uy ano ang pangalan ko, nakalimutan mo na agad pangalan ko pero yung mga narinig mo kagabi mukhang hindi mo nakalimutan. It's Honey, by the way." Kalmadong sabi ko habang namimili pa rin akon ng lulutuin, hindi ako makapagdecide.

"Wala akong pakealam." Supladong sabi niya bago niya binalik yung jar sa dati nitong pwesto. "Pero si Kuya Suga ba yung kausap mo?" Tanong niya.

"Uh huh." Tipid na sabi ko bago ko nilabas yung mansanas sa gilid at kinain ko agad iyon.

Napatingin ako kay Kookie na mukhang malalim pa rin ang iniisip kaya naman mamaya na akon magluluto, magmamansanas nalang muna ako.

"Kung iniisip mong desperada akong tao, wag kang mag-alala. Alam ng lahat." Saad ko.

"Hindi naman kita masisise, kasi kahit ako gusto ko si Kuya Suga." Aniya.

Muntik na akong masamid dahil sa sinabi niya, panay ang ubo ko at hampas ko sa dibdb ko para mawala ang pagkabara ng mansanas sa dibdib ko.

Napatingin ako sa kanya ng weird ng mailunok ko yung mansanas na bumara sa dibdib ko, nakita kong nakatingin siya sa akin at bahagyang nangingiti habang pinapanuod akong nagsusuffer dito.

"Actually gusto ko siya bilang Kuya, tsaka isa pa siya pinakagalante sa kanila, binigyan niya ako ng kotse." Natatawang sabi nito kaya naman napataas bigla ang kilay ko.

Don't tell me binigay niya lang kay Kookie yung kotse na pinag-ipunan niya ng ilang taon noong nasa Japan kami? Bakit naman niya kay Kookie ibibigay? Makakalimutan na rin naman ni Kookie ang magdrive.

"Ang sabi niya ibenta ko daw yung kotse kung gusto ko, hindi rin naman daw niya madadala sa ibang bansa yung kotse." Sabi nito.

Hindi ako sumagot, nagtimpla nalang ako ng kape para sa akin pero napatingin ako sa kaniya para sana tanungin siya. "Gusto mo rin bang magkape?" Tumango siya sa akin kaya naman kumuha pa ako ng isang tasa.

"Anong gusto mo?" Tanong ko pa ulit pero hindi siya sumagot kaya napatingin ulit ako sa kanya.

Nakita ko yung pagpapanic sa mata niya kahit nakahinto lang siya at para bang malalim yung iniisip, napabuntong hininga ako habang pinapanuod ko siyang natatakot kasi hindi niya maalala kung ano yung paborito niyang kape.

"Caramel Macchiato." Mahinang sabi ko kaya naman napatingin siya sa akin bigla.

Pinagtimpla ko na rin siya ng kape niya bago ko inilapag iyon sa harapan niya, nakita kong hanggang ngayon ay nakatitig pa rin siya sa akin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit pakiramdam ko mas kilala mo pa ako kaysa sa sarili ko." Malungkot na sabi niya habang tinitingnan niya yung kape na nasa harapan niya ngayon.

Ang sabi sa akin ni Jin, nung nakipaghiwalay sa akin si Kookie ay nalaman na niya yung Alzheimer's disease nito, kahit stage 2 pa lang. Matagal naman talaga ang inaabot ng buhay kapag naggagamot ka, pero ngayon. Stage 5 na si Kookie, ang kinakatakot ni Jin ay kapag umabot na ito ng stage 6 kung saan makakalimutan na rin niya halos lahat ng malapit sa kanya pati yung sarili niya.

Pati yung ugali niya ay mag-iiba na rin.

Kaya daw ako siguro nakalimutan ni Kookie ay dahil hindi niya ako nakikita, pero kapag madalas naman daw niyang nakikita yung mga tao ay medyo naaalala pa rin naman daw niya ito. Iyon ang sabi sa akin ni Jin.

"Bakit pakiramdam ko kilala kita?" Tanong niya sa akin kaya naman ngumiti ako sa kanya.

"Wag mo kong masyadong isipin, hindi naman ako ganun kaimportante." Mahinang sabi ko sa kanya.

"Hindi? Bakit pakiramdam ko importante ka sa akin?" Diretsong tanong niya.

Pero umiling ako sa kanya, para rin naman sa kanya yun. Para hindi na siya mahirapan na aalahanin ako. Mas mahihirapan lang siya kung aalalahinin niya ako, nandito lang ako para alagaan siya, hindi para guluhin siya.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagtititigan lang kaya naman bumagsak yung tingin ko sa kape niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya iniinom.

"Lalamig na yung kape mo." Mahinang sabi ko.

Napatingin siya doon bago siya bahagyang sumimsim.

"Sa tingin ko maistock na nga ako kasama ka." Out of nowhere na sabi niya.

Napabuntong hininga ako, "Hindi naman ako KJ, ano bang gusto mong gawin?" Tanong ko sa kanya.

Nakita kong nag-iisip siya pero malungkot siya.

"Madami, gusto kong pumunta sa tahimik na lugar, gusto kong kumain ng maraming cookies, gusto kong magdrive ng sasakyan, gusto kong maligo sa beach, gusto kong maglasing, gusto kong magkaroon ng trabaho, gusto kong magpakasal, gusto kong magkaroon ng sarili kong pamilya, gusto kong mamuhay ng normal, g-gusto ko pang..." Natigilan siya bago siya mapalunok. "Mabuhay." Mahinang sabi niya.

Pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag sa huling sinabi niya, gusto pa niyang mabuhay, gusto pa niya...

Pero unti-unting nanikip yung dibdib ko kasi alam kong nasa stage 5 na siya at walang gamot sa Alzheimer's disease.

"Hindi ka nga KJ pero hindi ko na rin naman magagawa lahat ng gusto ko." Aniya.

"Sino nagsabing hindi mo magagawa?" Tanong ko sa kanya.

"Huwag mong sabihin na sa sobrang positive mong tao ay sa tingin mo magagawa ko pa yan? Dun tayo sa reality, hindi ko na magagawa lahat ng gusto ko." Aniya.

"Pero pwede mo pang gawin yun iba." Kahit ako ngayon ay pinipilit kong gawing positive yung sarili ko. "Bukas na bukas mismo lilipat tayo ng bahay, hindi tahimik dito kasi dito kasi alam ng mga kapatid mo na dito ka nakatira, may alam ka bang pwedeng lipatan?" Tanong ko sa kanya.

Bored niya akong tinitingnan ngayon kaya naman ngumiti ako sa kanya para naman mawala yung awkward atmosphere sa aming dalawa. "Wala."

"Ay sus, saan nga?" Tanong ko.

"Kakalipat ko lang dito, alangan namang iwan ko agad 'to." Pagdadahilan niya.

"Ah basta hahanap agad ako ng malilipatan natin." Desidido kong sabi.

"Wala akong pera." Mariin niyang sabi.

"Meron ako." Tipid na sabi ko habang naghahanap ako ng rest house na available na malapit sa beach. 

"Hindi mo ako kaylangan pagkagastusan ng pera." Giit niya.

"Okay fine, benta natin 'tong bahay tapos hanap tayo ng rest house." Suggestion ko, kahit medyo nagdadalawang isip ako dahil bahay ko 'to eh, dito ako lumaki. Pero mas importante sa akin ngayon yung gusto ni Kookie.

Nakita kong nag-iisip na siya kung papayag siya o hindi.

Pero nang magkatama ang paningin namin ay alam ko na agad yung sagot.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top