Honey 016

"Anong ginagawa mo dito?" Bungad na tanong sa akin ni Kookie ng pinagbuksan niya ako ng pinto.

Akala ko si Jin ang magbubukas sa akin, napatingin ako sa likod ni Kookie at nakita ko si Jin nakapink na apron habang may hawak-hawak na tray, mabilis kong naagaw ang atensyon niya kaya naman inilapag niya agad yung tray sa lamesa at lumapit sa gawi ko.

Nakita ko ang iritadong mukha ni Kookie ng mapatingin siya sa likod niya at nakita niyang malapit na si Jin sa amin, umalis na siya bigla ng makalapit na ng tuluyan sa akin si Jin.

"Pumasok ka muna." Sabi ni Jin sa akin.

"Bad mood na naman si Kookie." Bulong ko sa kanya.

"Nakalimutan kasi niya yung pangalan ni Namjoon kahapon, kaya nung naalala niya ay sobrang down niya at yung pagiging down niya na convert sa pagiging iritado." Paliwanag ni Jin sa akin.

Isang linggo na rin simula nung huli kong punta dito sa bahay, buong linggo lang kasi akong nagkulong sa apartment, pinagtatago ko lahat ng gadgets ko para walang makapagpatrigger sa akin na tawagan o itext si Yoongi, ayokong maghabol. Ayoko na.

"Sa tingin mo, tatagal si Kookie sa akin?" Tanong ko sa kanya.

"Ang tanong dito Honey, tatagal ka ba kay Kookie?" Tanong niya pabalik.

"Jin, kaylan ko ba hindi natiis yung ugali ni Kookie?"

Napakibit balikat nalang siya dahil alam na niyang talo na siya, kaylangan na kasing bumalik ni Jin sa trabaho niya, kasi kung hindi siya magtatrabaho ay wala naman siyang ipapakain sa sarili niya at sa mga gagastusin niya araw-araw.

Ako naman ay wala naman akong ginagawa, umalis ako sa trabaho ko nitong nakaraang tatlong buwan dahil ang gusto ko nga ay maghanap ng ibang trabaho o magtayo nalang ng sarili kong business, pero dahil madami pa nga akong ipon ay gugustuhin ko munang magbakasyon kasi nung nasa Japan ako puro pag-aaral at pagtatrabaho lang ang ginagawa ko.

Nakita ko si Kookie na panay ang tingin sa amin ni Jin na para bang alam niyang siya ang pinaguusapan namin, or it's just me? Malayo kasi siya kaya i'm sure hindi niya naririnig usapan namin, kahit naglalaro siya ng kung ano man sa cellphone niya ay panay ang tingin niya sa amin ng masama.

"I'm sorry Honey, wala lang talaga akong choice, kung pwede lang na huwag akong magtrabaho para alagaan si Kookie, kaso hindi talaga pwede. Ikaw lang nasa isip ko, hindi ko kasi kayang hayaan si Kookie sa iba at isa pa, ikaw lang kilala ko na pwedeng mag-alaga sa kanya ng walang bayad." Diretsahang sabi niya.

Napairap ako sa kawalan, oo pumayag akong alagaan si Kookie kahit walang bayad, dahil pakiramdam ko marami akong pagkukulang sa kanya. At isa pa, gusto kong makasama siya.

"Kumain ka muna." Sabi sa akin ni Jin. "Kukunin ko lang yung gamit ko sa taas." Tumango ako sa kanya ng tumayo na siya at nalakad papunta sa taas.

Umayos ako ng upo bago ko kumuha ng cookies na binake ni Jin pero bago ko pa maisubo iyon ay biglang lumubog ang sofa na kinauupuan ko at biglang may kumuha ng cookies na nasa kamay ko.

Gulat akong napatingin kay Kookie na kinuha lahat ng cookies na nakalagay sa jar at yinakap iyon para hindi ako makakuha. Nakita kong inis ang mukha niya habang kumakain siya ng cookies kaya naman kahit nainis ako sa ginawa niya ay napapangiti pa rin ako.

Sinamaan niya ako ng tingin ng makita niyang nakangiti ako. Para syang bata.

"Bakit nandito ka na naman?" Malamig na tanong niya sa akin habang punong puno ng cookies yung bibig niya dahil alin nalang niya ay ubusin iyon para hindi ako makakuha.

Pinipigilan kong ngumiti dahil sa inaasal niya. Napailing nalang ako bago ko sinandal ang sarili ko sa sofa, habang hinahantay si Jin na bumaba.

Napansin kong tumama agad ang tingin ni Kookie sa mga dalang gamit ni Jin, napatayo siya at napatigil sa pagkain niya.

"Bakit mo dala-dala yan?" Naguguluhang tanogn nito.

"Aalis ako Kookie." Aniya.

"Ha? Saan ka pupunta? Iiwan mo ko dito?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Kookie.

"Japan? 3 weeks? May business meeting ako doon."

"Kakabalik lang ni Kuya Suga dun, tapos ikaw pupunta ka na rin dun? Isama nyo na ko." Giit ni Kookie.

"Magtatrabaho ako doon Kookie, hindi ko alam kung three weeks lang talaga ako doon kasi kapag umayos yung takbo ng business baka doon na ako mag-stay. Walang mag-aalaga sa'yo doon." Paliwanag ni Jin.

"Mag-aalaga? Kaya kong alagaan yung sarili ko!"

"Kookie, I'm sorry." Sabi ni Jin habang hinihila niya yung mga luggage niya.

Nakita ko yung disappointment sa mukha ni Kookie na para bang hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari.

"Si Honey muna yung mag-aalaga sa'yo ngayon, or hanggang sa isang taon, o sa isa pang isang taon, hindi ko alam Kookie." Malungkot na sabi ni Jin.

"The fvck?! Hindi ko kaylangan ng caregiver!" Sigaw nito.

Ahh, caregiver.

"Hindi mo siya caregiver Kookie, nandito siya para alagaan ka. Hindi mo man lang ba kaya i-appreciate yun?!" Nakita kong nairita si Jin sa sinabi ni Kookie, pero naiintindihan ko naman si Kookie, hindi niya ako matandaan kaya syempre iyon ang maiisip niya.

"Hindi ko nga kaylangan ng mag-aalaga sa akin! Hindi ko kaylangan ng taga-hugas ng puwit dahil kaya kong hugasan yung puwit ko mag-isa." Singhal ni Kookie.

"Kookie!" Malamig na sigaw ni Jin.

"Sige, umalis ka. Iwan mo ko dito!" Panghahamon ni Kookie kay Jin, nakita kong nahihirapan si Jin magdesisyon kaya naman nang magkatama ang paningin naming dalawa ay biglang naging soft na naman yung mukha niya. 

"Honey, ikaw ng bahala dito ha. Sorry talaga sa abala, alam ko namang hindi mo obligasyon 'to." Hinawakan ako ni Jin sa kamay kaya tumango nalang ako sa kanya.

"At aalis ka talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kookie.

"Kooke, I'm really sorry." Sabi ni Jin bago siya lumabas ng bahay dala-dala yung mga gamit niya. 

Napatingin ako kay Kookie na hindi gumagalaw sa pwesto niya kaya naman sinundan ko si Jin palabas ng bahay, tinulungan ko siyang magpasok ng mga gamit niya kotse. Nakita ko yung lungkot sa mukha ni Jin kaya naman sinuntok ko yung braso niya at nginitian ko siya.

"Hindi ko na alam Honey, hindi ko kayang iwan si Kookie pero hindi ko rin siya kayang makitang nagkakaganyan." Malungkot na sabi niya.

"Ako ng bahala Jin, lilipas din 'yang inis ni Kookie. Basta video call nalang." Sabi ko sa kanya.

"Sure." Ngumiti siya sa akin bago niya ako tiningnan. "Mamimiss kita." Aniya.

"Huy! Three years ako sa Japan di mo naman sinabi sa akin 'yan, ikaw three weeks lang." Natatawang sabi ko ng niyakap niya ako ng mahigpit, panay ang tingin ko sa paligid dahil baka may makakitang ibang tao at kung ano pang isipin, nasa kalsada pa naman kami.

Hindi ko alam kung gaano katagal at kahigpit yung yakap ni Jin sa akin na naging dahilan ng kaba ko, hindi ko alam kung bakit. 

Nang humiwalay siya ng yakap sa akin at nakita kong mabilis siyang yumuko, ginamit niya yung shirt niya para punasan yung luha niya kaya naman napangiti ako bago ko siya hinampas sa braso niya. "Baliw, huwag ka ngang umiyak." Natatawang sabi ko pero tiningnan niya lang ulit ako.

"Ayokong maging madrama Honey pero seryoso, ang swerte ko kasi naging kaibigan ulit kita, dito sa pangalawang buhay mo. I mean nung nasa gasaanan ka, nawalan ka ng memorya pero naging magkaibigan ulit tayo. Hindi ko alam kung papaano nangyari yun pero salamat." Aniya.

"Bakit para kang nagpapaalam na hindi ka na babalik." Awkward akong natawa sa pabirong sinabi ko, pero hindi siya tumawa tiningnan lang niya ako ng diretso sa mata ko kaya nawala yung ngiti ko sa mukha.

"Babalik ako Honey, kapag kaya ko na." Aniya.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, "Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko.

Hindi niya sinagot yung tanong ko sa halip ay sinarado niya ang pinto ng kotse sa likod bago siya pumasok sa loob ng kotse sa may harap. Nagulat ako sa ginawa niya kaya naman sinubukan kong buksan yung pinto.

"Jin! Babalik ka agad di ba?" Tanong ko, pero bakit mukhang halos magmakaawa ako sa tono ko. 

"Jin! Tumawag ka sa akin mamaya!" Sigaw ko habang kinakalampag ko yung salamin ng kotse pero hindi niya yun binubuksan.

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Kookie na lumalabas ng bahay, halos hawiin niya ako bago niya pagkakalampagin yung salamin na kinakalampag ko.

"Bumalik ka ha! Pagtapos ng business meeting mo bumalik ka dito! Please! Kahit hindi na kita matandaan sa mga araw na yun! Please!" Halos magmakaawang sabi ni Kookie kay Jin.

Pero dahil hindi tinted yung sasakyan ni Jin ay kitang-kita ko kung papaano bumabagsak yung luha sa mata niya at pinupunasan niya yung gamit ang shirt niya kaya naman napahawak ako sa bibig ko para pigilan yung pag-iyak ko.

"Susubukan kong alalahanin kita pagbalik mo! Please! Bumalik ka agad dito!" Paulit-ulit na sinasabi ni Kookie habang malakas niyang kinakalampag yung sasakyan ni Jin na kitang kita kong umiiyak sa loob ng sasakyan.

Pero tumunog na yung makina ng sasakyan, mas lalong hindi na maiintindihan ni Jin yung sinisigaw ni Kookie, kahit nung pinaandar na ni Jin yung sasakyan ay sinubukan pang humabol ng kaunti ni Kookie pero alam niyang hindi niya iyon mahahabol kaya naman napasabunot nalang siya sa buhok niya sa sobrang iritasyon at lungkot.

Babalik siya, sabi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top