Honey 014
"Uuwi na kayo?" Tanong ni Jin sa amin ni Yoongi ng magpaalam kami sa kanya, napatingin siya sa aming dalawa na para bang alam niyang may problema, sabagay parehong pulang pula yung mata namin ngayon.
Tumango nalang kaming dalawa ni Yoongi. Napatingin kaming tatlo sa hagdan ng marinig namin ang yapak ng paa, nakita namin si Kookie na nakatingin sa aming tatlo bago siya lumapit sa amin.
"Uuwi ka na Kuya Suga?" Tanong ni Kookie ng mapunta na siya sa harapan namin.
Tumango si Yoongi sa kanya. "Uuwi na kami ni Honey, ihahatid ko pa siya sa bahay." Aniya.
Napatingin sa akin si Kookie bago niya binalik ang tingin niya kay Yoongi at hindi ako pinansin na para bang hangin lang ako. "Akala ko ba maglalaro pa tayo ng video games? NBA di ba sabi mo?" Tanong pa ulit nito.
"Sa isang araw nalang Kookie, hindi talaga pwede ngayon." Sabi ni Yoongi.
Biglang napatingin sa akin si Kookie ng masama, para bang tinutusta na niya ko sa isip niya kaya naman napayuko nalang ako.
"Tss, edi mas unahin mo yung babaeng yan." Inis na sabi ni Kookie bago siya padabog na bumalik sa taas.
"Jungkook!" Sigaw ni Jin dahil sa inasal nito.
Nakita kong nairita si Jin dahil sa ginawa ni Kookie pero napabuntong hininga nalang.
"Parang bumalik sa pagiging 12 years old 'yang si Jungkook." Sabi ni Jin sa amin.
Pareho kaming hindi kumibo ni Yoongi kaya naman napatingin siya ng pabalik-balik sa aming dalawa bago siya napabuntong hininga nalang rin.
"Sige na, umuwi na kayo. Ako nang bahala kay Kookie, makakalimutan rin niya yan." Sabi ni Jin sa amin, imbes na macomfort kami sa sinabi niya ay mas lalo lang akong nalungkot lalo na sa word na 'makakalimutan rin niya yan'.
Tahimik lang kaming dalawa ni Yoongi hanggang sa makarating kaming dalawa sa tapat ng apartment ko. Itinigil lang niya yung sasakyan sa tapat noon at pareho pa rin kaming hindi lumalabas.
"So babalik ka dito bukas?" Paglilinaw ko, kahit namamalat na yung boses ko.
"Yup." Tipid na sabi niya bago siya tumingin sa akin pero hindi ko siya tinitingnan. Narinig ko yung buntong hininga niya pero hindi ko pa rin siya pinapansin.
"Honey..." Pilit niya akong hinaharap sa kanya pero hindi ko siya pinapansin, ayokong tingnan siya.
Hanggang sa napilitan na akong humarap sa kanya dahil hinawakan na talaga niya yung magkabilang pisngi ko. "Babalik ako dito bukas, okay?" Hinalikan niya ako sa noo ko kaya naman napanguso ako.
"Goodnight, i love you."
"Night, love you too." Mahinang sabi ko habang hindi ko siya tinitingnan sa mata kaya naman napabuntong hininga na naman siya.
Umalis ako sa kotse pero bago ko pa masarado yung pinto ko ay hinawakan niya ako sa kamay kaya naman yumuko ako para matanaw ko pa rin yung mukha niya.
"Matulog ka ha, wag kang magpupuyat." Paalala niya sa akin.
"Tawag ka sa akin pagkauwi mo ha." Sabi ko sa kanya kaya naman tumango siya sa akin.
Sinarado ko na yung pinto ng kotse niya, pumasok na agad ako sa loob ng apartment at tiningnan ko siya hanggang sa makaalis siya. Mabilis akong tumalon papunta sa kama ko, nakatulala lang ako sa kisame habang naghahantay ako ng tawag niya, inabot ng kalahating oras bago ko marinig na tumatawag siya sa akin kaya naman mabilis ko iyong sinagot.
"Nakauwi na ko." Sabi niya sa video call, nahiga rin siya sa kama niya.
Nagtitigan lang kaming dalawa sa cellphone, pati pala si Video call ay magiging tahimik rin kaming dalawa, hindi ko na kinakaya yung bigat ng pakiramdam ko kaya naman binaon ko nalang yung mukha ko sa unan.
"Honey..." Tawag niya sa akin.
Pero hindi ako makasagot sa kanya kasi humihikbi na ako, patuloy lang ako sa pag iyak, hindi ko alam kung kaylan matatapos yung luha ko, ayokong makipaghiwalay sa kanya pero pakiramdam ko ay totoo ang sinasabi niya.
"Break na ba talaga tayo?" Tanong ko habang dirediretso lang ang paghikbi ko.
"No, baby. Hindi pa." Aniya.
"Hindi pa, ibig sabihin magbibreak din tayo." Hindi ko alam kung naiintindihan pa niya ako dahil nakabaon lang ang mukha ko sa unan at paniguradong mahirap intindihin yung sinasabi ko.
Hindi siya sumagot kaya naman mas lalo akong naiyak. Sa isang taon namin ni Yoongi ay kahit kaylan hindi kami naghiwalay, oo nag-aaway kami pero hindi namin pinapatagal yung away namin ng isang araw. Kasi hindi niya ako hinahayaan na matulog ng mabigat yung dibdib ko.
Ayaw na ayaw niyang malalaman na umiiyak ako hanggang sa makatulog ako pero mukhang ganoon ang mangyayari hanggang sa mga susunod na araw.
"Honey." Tawag niya pa ulit sa akin na para bang naaawa siya sa akin.
Bakit siya maaawa sa akin? Wala namang nakakaawa sa lagay ko. Bakit hindi nalang niya ako icomfort katulad ng ginagawa niya, bakit hindi niya gawin ulit yun katulad ng dati, yung sasabihin niya sa akin na huwag na akong umiyak kasi hindi naman kami maghihiwalay, na huwag na akong umiyak kasi maayos rin namin lahat.
Pero hindi niya sinasabi yun dahil alam naming pareho na maghihiwalay na kami bukas at hindi namin alam kung kaylan maaayos yung lahat.
"Matulog ka na, huwag kang magpuyat please." Mahinang sabi niya.
"Pwede bang huwag na tayong maghiwalay?" Tanong ko bago ko humarap na ulit sa screen kahit namumula pa rin yung mata ko.
"Kalimutan mo muna yan, hindi pa tayo hiwalay Honey." Giit niya.
Sa sobrang inis ko dahil sa pagsabi niya ng hindi pa ay pinatay ko na yung tawag. Iyak ako ng iyak habang nakadukdok lang ang mukha ko sa unan ko, naiinis ako sa sarili ko kasi ayoko siyang pakawalan pero hindi ko rin naman masabi na hindi totoo lahat ng sinabi niya kasi kalahati sa akin ay parang tinatanggap ko na totoo yung mga sinabi niya.
Tunog ng tunog yung cellphone ko dahil tawag siya ng tawag kaya naman mabilis kong pinatay yung cellphone ko.
Pinikit ko yung mata ko para pilitin yung sarili ko na matulog pero hindi ko magawa dahil ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon.
Pero dahil siguro sa sobrang pagod ko kakaiyak ay nakatulog na rin agad ako.
Nang magising ako dahil sa sikat ng araw ay mabilis akong napalingon sa likod ko dahil naramdaman kong may nakayakap sa akin mula sa likuran.
Mabilis akong humarap sa likuran ko ng makita ko si Yoongi na natutulog sa tabi ko, mabilis na lumawak yung ngisi ko ng marealize kong pinuntahan niya siguro ako dito kagabi. Nasa kanya kasi yung isang susi ng apartment na inupahan ko.
Mabilis ko siyang yinakap ng makaikot ako papaharap sa kanya, tulog na tulog pa rin siya kaya naman napanguso ako habang pinapanuod ko yung mahimbing niyang pagtulog.
Nang maramdaman kong hinigpitan niya yung yakap niya sa akin ay panangisi ako lalo, "Goodmorning." Bati ko.
Kahit nakapikit siya ay nakita kong napangiti siya, babangon na sana ako pero mas lalo pa niyang hinigpitan yung yakap niya kaya halos hindi na ako makagalaw.
"Bangon na tayo, anong oras na oh." Sabi ko sa kanya pero umiling siya sa akin kahit nakapikit pa rin siya.
"Min Yoongi, puro ka tulog." Giit ko.
"Limang minuto pa, dito ka muna sa tabi ko." Sabi niya sa mahina at malalim na boses.
"K." Tipid na sabi ko bago ko bumalik sa pwesto ko. Mas lalo siyang napangiti kahit nakapikit siya, akala ko pagkagising ko ay galit pa rin ako sa kanya pero hindi.
Kasi alam kong pagkatapos ng araw na 'to maghihiwalay na kami, kaya ang nasa isip ko ay sulitin ang araw na 'to. Kahit alam ko na pagtapos nito iiyak lang ulit ako.
"Time's up! Bangon na." Sabi ko sa kanya bago ako umupo sa kama, pero hindi pa rin siya tumatayo at nanatili siyang nakahiga.
Nang dumilat siya ay tiningnan niya lang ako kaya naman binalikan ko lang siya ng tingin. "Bangon na! Aalis pa tayo di ba?" Tanong ko.
"Aalis ba tayo? Hindi tayo aalis, dito lang tayo." Aniya.
"Akala ko ba..." Napanguso nalang ako, akala ko aalis kaming dalawa ngayon.
Tumayo na ako palabas ng kwarto hanggang maramdaman kong sinundan niya ako, napangiti akong bigla ng makita ko yung malaking teddy bear na nakaupo sa sofa, walang bulaklak o kahit ano mangcommon na binibigay ng mga lalaki. Kasi puro pagkain ang nakalagay doon, pagkain as in ulam, yung iba mga de lata pa.
Natawa naman ako ng malakas bago ko napatingin sa kanya, nakangiti lang rin siya, siguro ay natatawa siya sa mga napili niyang ibigay. Kasi may isang kaban pa ng bigas doon, siguro naisip na niyang makakalimutan kong bumili ng bigas kapag di na niya ipapaalala sa akin. Kasi nga di ba magbibreak na kami-- nevermind.
"Pangkabuhayan showcase ba to?" Natatawang tanong ko sa kanya bago ako lumapit sa kanya, hinawakan lang niya ulit yung baywang ko bago siya natawa rin.
"Pinagluto kita nang pagkain kanina, ang himbing ng tulog mo." Natatawang sabi niya kaya naman inirapan ko siya.
Pumunta kaming kusina para kumain kaming dalawa, parang normal na araw lang. Para wala lang, nagsicelebrate lang kami ng anniversary namin. Sa simpleng paraan, walang kaming iniintindi.
Nang matapos kaming kumain ay nahiga lang ulit kami sa kama habang nanunuod kami ng movie, nakayakap lang ako sa kanya habang nakaakbay naman siya sa akin habang nagkukwentuhan kami, katulad ng madalas naming ginagawa kapag hindi kami busy.
"Maligo ka na, baho mo na." Sabi niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya.
"K, maliligo na ko." Inirapan ko siya bago ako tumayo sa kama at kinuha ko yung damit ko sa kabinet.
"Bilisan mong maliligo, maliligo din ako." Sigaw niya sa akin.
"Bakit? May dala kang damit mo? O trip mo yung damit ko?" Tanong ko sa kanya.
"May dala akong damit." Aniya bago siya tumayo para kunin yung damit niya sa bag niyang dala.
"Okay, okay." Natatawang sabi ko bago ako pumasok ng banyo, nakita kong sumunod siya sa akin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.
"Problema mo?" Tanong ko sa kanya pero hindi siya kumibo sa halip ay hinubad niya yung damit niya sa harapan ko kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Payat-payat mo, kumain ka nga ng marami. Kapag talaga nalaman ko na hindi ka kumakain ng marami kapag nagbreak na tayo isusupalpal ko sa'yo yung isang sako ng bigas na binigay mo sa akin." Banta ko sa kanya.
"Kakain ako ng marami, wag kang mag-alala. At ikaw naman, kapag wala na tayo matulog ka ng maaga, tingnan mo nga 'yang mata mo tsaka yung mga tagyawat mo. Kakapuyat mo yan eh." Sabi niya sa akin bago niya pinitik yung noo ko.
"Oo na, umalis ka na dito. Akala ko ba mauunang maligo?" Tanong ko sa kanya.
"Sabay tayo." Sabi niya.
"Manyak." Mabilis na sabi ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako, hindi naman talaga palatawa si Suga, hindi siya sweet magsalita, hindi rin siya touchy at hindi rin niya ako madalas hinahalikan kaya kahit papaano ay medyo naninibago ako sa kanya ngayon.
"Umalis ka na dito." Sabi ko habang tinutulak ko siya palabas ng banyo pero tumatawa lang siya habang tinatanggal niya yung sinturon ng pantalon niya, mas lalo lang siyang natatawa kasi hindi ko siya magawang itulak.
"Bahala ka nga, mauna ka ng maligo." Pagsuko ko pero hinaharangan niya yung pinto ng banyo kaya hindi ako makalabas. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinutulak niya ako papuntang bath tub na walang tubig.
"Ano ba!" Sigaw ko ng mapaupo ako doon.
"Suga! Ang karos mo ngayon ha!" Sigaw ko sa kanya pero hindi niya ako pinapansin dahil binuksan pa niya yung tubig kaya napasigaw ako lalo, tawa siya ng tawa habang hindi ako makaalis dahil nakadagan siya sa akin.
Gusto ko siyang murahin lalo na ng binuksan niya yung shower at tinapat sa mukha ko kaya hindi ko madilit yung mata ko, yung tunog ng tubig at tawa niya lang ang naririnig ko. Basang-basa na tuloy yung spaghetti straps kong puti at maikling jersey shorts na suot ko.
Nang pinatay niya yung shower ay nakadilat na ako, namumula tuloy yung mata ko pero tawa lang siya ng tawa, ngayon ko lang siya nakita nag-ihit ng tawa ng ganto kahit inabot kami ng isang taon kaya imbes na magalit ako ay nahawa ako sa tawa niya.
Tumatapon na yung tubig ng bath tub kaya pinatay na niya bago niya kinuha yung mga bath bombs at inilagay iyon, bago niya ako tinulak para makapunta rin siya sa bath tub. Napaaray ako dahil tumama ako pero tinawanan lang niya ulit ako.
Dahil masyadong maliit yung bath tub dito ay kinandong niya ako sa kanya para magkasya kaming dalawa, tuwang-tuwa siya habang pinapanuod niya kung papaano bumula ang mga iyon kaya naman napairap ako.
"Tuwang-tuwa ka naman, parang gusto mong kainin." Natatawang sabi ko bago ko kumuha ng isa at ibinigay sa kanya. "Masarap yan." Sabi ko.
Dahil may pagkautuin siya kaya naman dinilaan niya iyon, natawa ako ng makita ko yung reaction niya dahil sa gara ng lasa noon. Matagal kaming nakababad lang sa tubig habang nagkukwentuhan kami tungkol sa mga dati naming pinuntahan nung nasa Japan kaming dalawa.
"Kanta ka nga." Out of nowhere na sabi ko.
"Seryoso ka ba dyan?" Tanong niya.
"Oo naman, di pa kita naririnig kumanta." Nakangusong sabi ko.
"Hindi naman kasi ako kumakanta." Natatawang sabi niya.
"Impossibleng hindi ka kumakanta, lahat ng tao kumakanta no." Sabi ko.
"Hindi ako marunong, okay? Hindi naman kagandahan yung boses ko kumpara kay Jungkook." Aniya.
Napanguso ako dahil pinasok na naman niya si Jungkook sa usapan, hindi ako kumibo dahil ayokong magsalita ng kahit ano, natatakot ako na baka isang maling salita ko lang ay mamali ako ng sabihin at masaktan pa siya.
"Sige, ano gusto mong kantahin ko?" Tanong niya sa akin ng mapansin niyang hindi ako nagsasalita.
"Kahit ano, basta english." Excited na sabi ko.
"Hindi ako magaling mag-english." Giit niya.
"Lie." Sabi ko bago ko diniin yung ulo ko sa dibdib niya. "Kumanta ka na bilis, ilang minuto na tayo dito sa bath tub oh." Sabi ko.
"Ano nga gusto mong kantahin ko?" Tanong niya.
"Ikaw na bahala."
Hindi pa siya nagsisimulang kumanta ay natatawa na siya kaya naman pati ako ay nagpipigil ng ngiti ko, pero ng hinawakan ko yung kamay niya sa ilalim ng tubig ay pinigilan niyang tumuwa.
"So one last time, I need to be the one who takes you home~" Pagkanta niya kaya naman natawa akong bigla, never ko pa kasi siyang narinig kumanta. Akala ko ay kasing galing siya ni Jin at Jungkook kasi magkakapatid sila at yung dalawa palang naman na yun yung narinig kong kumanta.
"One more time, I promise after that, I'll let you go~" Pinipigilan kong tumawa kasi ayoko siyang tumigil sa pagkanta.
"Baby I don't care if you got him in your heart, All I really care is you wake up in my arms." Hindi ko na alam kung kumakanta pa ba siya o nagrarap na siya eh.
"One last time, I need to be the one who takes you hoooomeee!!~" Pasigaw na yung huling word nya kaya naman hindi ko na napigilang tumawa. Pati siya ay natatawa na rin sa sarili niya pero nang maramdaman kong pinagintertwin niya yung daliri namin ay napunta doon yung atensyon ko.
"I know I shouldn't fought it, At least I'm being honest." Aniya, hindi na yun halos pakanta dahil mahina na ang pagkakabigkas niya at halos nakadikit na yung bibig niya sa tenga ko.
"Just stay with me a minute, I swear I'll make it worth it." Halos maramdaman ko na yung hininga niya sa likod ng tenga ko kaya naman natahimik na talaga ako.
"Cause I don't want to be without you." Naramdaman kong pinatong niya yung baba niya sa balikat ko kaya naman bahagya akong napatagilid.
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nanatili sa ganoong pwesto pero alam naming pareho na nawala yung magandang mood naming dalawa.
Hindi ba kasi pwedeng huwag nalang kaming maghiwalay, natutunan naman na magmahal di ba? Malay ba naming dalawa kapag lagi kaming magkasama ay mas mahalin ko na siya di ba? Dadating rin naman siguro sa punto na sa kanya na iikot yung mundo ko di ba? Bakit hindi nalang namin hintayin yun ng kami pa rin?
Bakit ba ang selfish ko?
Bakit ba kasi hindi nalang si Suga yung mas mahalin ko? Bakit ba kasi hanggang ngayon naiisip ko pa rin si Kookie, naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako kasi bakit ako ganito. Ngayon tanggap ko na, totoo na ang tanga ko nga. Kasi hindi ko magawang mahalin yung taong nandyan sa tabi ko at mas pinipili ko palagi yung taong gusto ko.
Tumayo na ako sa pagkakahiga ko at pumasok na ako sa loob ng shower, hinarang ko yung kurtina para kahit glass iyon ay hindi niya ako makita. Binilisan ko lang yung ligo ko at paglabas ko ng shower ay nakita kong doon nalang siya naligo, nakita kong nagsasabon na siya habang nakatingin rin siya sa akin, inayos ko lang yung tuwalya sa ulo ko bago ako lumabas ng banyo, mabilis akong dumapa sa kama at tinanggal ang tuwalya sa ulo ko.
Hindi ko alam kung iiyak ba ako o ano, depressed ako kahit hindi ko alam kung ano yung specific na dahil kung bakit ako depressed, sa sobrang dami kong iniisip wala na akong maisip na tama. Bigla nalang nagbago yung atmosphere sa aming dalawa.
Narinig kong bumukas yung pinto kaya naman mas lalo kong binaon yung mukha ko sa unan, napakagat ako sa labi ko ng maramdaman kong bahagyang lumubog ang kama, ibig sabihin ay umupo siya doon.
"Hey." Naramdaman kong hinawakan niya yung binti ko.
Hindi ako kumibo pero naramdaman kong hinila niya ako para maharap ako sa kanya. Nagkatinginan kaming dalawa. "Please, let's just enjoy this day." Pakiusap niya sa akin kaya tumango nalang ako sa kanya.
I tried my best para magmukha akong masaya, masaya naman talaga ako pero parang may bumabagabag sa akin. Hindi ko maipaliwanag pero kahit nung nagluluto ako para sa hapunan at nakayakap lang siya sa akin akin mula sa likuran ko ay masaya na ako, pero hindi ko magawang tuluyang maging masaya, hindi ko alam kung bakit.
Hanggang sa matapos kaming kumain habang nagkukwentuhan ang kami ay hindi ko alam, panay ang tingin ko sa orasan dahil natatakot akong maghating gabi, natatakot ako na matapos yung araw na 'to. Hindi ako mapakali.
Bumalik lang ulit kami sa kama pagtapos naming kumain, kumuha siya ng beer sa fridge at inilapag niya yun sa harap namin. Nakayakap lang ulit ako sa kanya habang umiinom ako at siya din naman. Nabobored ako sa movie kahit alam kong maganda iyon, inaantabayanan ko kasi yung oras kaya ako nagkakaganito.
Hanggang sa natigilan na ako, siguro ay dahil sa tama na rin ng beer kaya hindi ko na napigilan na umiyak ako kahit nakakatawa yung palabas na pinapanuod namin.
Napatingin siya sa akin at mabilis na gumuhit yung nagaalala niyang mukha.
Mas lalong humigpit yung yakap niya sa akin, nararamdaman kong hinahalikan niya yung noo ko pero tuloy lang ako sa pagiyak ko, alam ko namang hindi solusyon yung pag iyak pero lagi ko nalang iyon ginagawa.
"Ayokong maghiwalay tayo Suga, hindi ko maintindihan kung bakit tayo magbibreak, hindi mo rin ako sinagot yung tanong ko kagabi kung bakit tayo nagbreak dati." Sabi ko habang humihikbi ako.
"Matulog ka na Honey, sabi ko naman kasi sa'yo huwag ka ng uminom." Sabi niya bago niya inalis yung beer sa kamay ko at hiniga niya ako sa kama.
Nilagyan niya ako ng kumot pero hinawakan ko yung kamay niya, nakita kong bumaba yung tingin niya sa labi ko, napalunok ako ng makita kong nakadiretso lang siya ng tingin doon.
Napakagat ako sa labi ko sa sobrang kaba ko dahil sa sobrang lapit niya sa akin, epekto na rin siguro ng alak kung bakit siya pulang pula ngayon.
"No, hindi ko na ulit gagawin yung pagkakamaling ginawa ko nun." Sabi niya sa akin bago siya lumayo.
Naguluhan ako kasi nakita kong napasabunot na siya sa buhok niya sa sobrang inis niya.
"Anong pagkakamali? Suga, alam kong ayoko ng malaman yung nakaraan pero ngayon nakucurious na talaga ako kung bakit tayo nagbreak noon, anong dahilan?" Tanong ko sa kanya.
"Mas maganda kung hindi mo nalang malaman Honey, kasi magagalit ka sa akin. Mas lalong hindi na talaga kita makikita kasi lalayuan mo na ako, kaya hindi ko sasabihin." Aniya.
"No, tanggap ko, kahit ano man yun Yoongi tanggap kita, please sabihin mo na sa akin." Halos magmakaawa na ako sa kanya pero hindi niya ako pinapansin hanggang sa napansin kong umiiyak siya habang nakaupo siya sa kama at nakatakip yung kamay niya sa mukha niya at nakapatong ang siko niya sa hita niya.
Siguro epekto na rin ng alak, I swear sana hindi nalang kami uminom kung alam ko lang na magkakaganito.
"Yoongi..." Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinapansin kaya naman niyakap ko nalang siya kasi pakiramdam ko ay ang bigat-bigat ng pakiramdam niya ngayon.
"I swear magagalit ka sa akin Honey, hindi ko alam kung anong tamang term na mas malalim pa sa galit pero alam kong hindi mo na ko mapapatawad kapag nalaman mo kung bakit tayo naghiwalay noon." Paliwanag niya.
"Honey mahal kita, alam ko sa sarili ko na ikaw lang yung babaeng minahal ko, alam ko na ikaw lang yung gusto kong makasama pero kasi honey, di pa tayo ready noon." Aniya.
"Maghihiwalay na tayo ulit di ba? Bakit hindi mo ngayon sabihin sa akin lahat ng gusto mong sabihin noon. Tatanggapin ko Yoongi, promise." Mahinang sabi ko.
"Hindi ko alam kung papaano mo ko tatanggapin Honey, pero tama ka. Maghihiwalay na rin naman tayo at malaki yung chance na hindi na ulit tayo magkita. So gagamitin ko na yung chance na 'to para magsorry." Humarap siya sa akin at hinawakan yung magkabilang braso ko.
"Honey, ayos lang kung magalit sa akin. Tatanggapin ko kasi wala akong kwentang tao--"
"Shut up, anong kadramahan 'yan, nakainom ka lang." Giit ko sa kanya.
"Okay, wala akong kwentang tatay." Aniya.
"The fvck?" Naguguluhang tanong ko.
Nakita kong paiwas siya ng tingin sa akin at mas lalong namuo yung luha sa mata niya, napahawak siya sa bibig niya habang pinipigilan niya yung pagbagsak ng luha sa mata niya, pakiramdam ko paulit ulit na sinasaksak yung puso ko habang tinitingnan ko siya.
"I'm sorry kasi kasalanan ko kung bakit namatay yung bata, kasi ako yung may dahilan kung bakit ka tumakbo palayo nung gabi na yun, I'm sorry kasalanan ko kung bakit ka nasagasaanan, I'm sorry kasi tinago naming lahat sa'yo 'to, I'm sorry kasi natatakot kaming lahat, mas gusto naming lahat na magsimula ka ng bago, kasi alam namin na madidepressed ka lang kapag nalaman mo na nawalan ka ng anak lalo na kung nawalan ka rin ng alaala. I'm sorry, Honey kasalanan ko lahat."
Kahit halos hindi na niya mabigkas ng ayos ay naintindihan ko lahat ng sinabi niya pero walang nagsisink in sa utak ko.
Nakatulala lang ako sa kanya habang bahagyang nakaawang ang bibig ko .
"Wala akong mukhang ihaharap sa'yo nun nung nagising ka kaya hindi ako ako pumupunta sa ospital, hindi kita binibisita kasi natatakot ako Honey."
"Alam ba nila Mama 'to?" Hindi makapaniwalang tanong ko, tumango lang siya sa akin.
"Sinabi ko sa kanila na natatakot ako, pati sila natatakot sila na baka sa sobrang depressed mo ay kung ano pang magawa mo, sabi ko rin sa kanila na huwag nilang sabihin sa'yo yung tungkol sa atin, kahit noong una ay ayaw nilang pumayag pero kalaunan ay pumayag rin sila."
Hindi ako makapagsalita, para bang hindi ko matanggap pero kaylangan kong tanggapin, parang hindi ko maimagine. Hindi nila sinabi sa akin na namatayan ako ng anak? After all this time?
"Honey, kasalanan ko okay? Pero masyado akong takot noon, nung nakita lang kita na nasasaktan ka na kay Kookie tsaka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para tulungan ka na iwasang malungkot pero nahihiya ako sa'yo Honey kaya hindi kita magawang lapitan." Paliwanag niya.
"Alam ni Kookie na may anak dapat tayo? At namatay yung anak natin? At ano pa?"
Tanong ko dahil hindi ko magawang tanggapin, hindi ko magawang paniwalaan. Hindi siya sumasagot dahil nakahawak na siya sa bibig niya para pigilan lalo yung pag iyak niya.
"So ano talagang dahilan kung bakit tayo nagbreak noong gabing yun?" Tanong ko kahit hindi ko na halos magawang magsalita.
"I-I I'm Sorry..." Napayuko siya.
"20 palang ako noon, 16 ka palang, hindi pa ko ready. Masyado tayong padalos-dalos noon ang iniisip lang natin mahal natin yung isa't isa pero hindi natin yung iniisip yung pwedeng mangyari pagtapos ng ginagawa natin--"
"Ang tinatanong ko bakit tayo nagbreak?!" Halos pasigaw ng tanong ko.
Tiningnan niya ako ng diretso sa mata ko bago siya napakagat sa labi niya, pulang pula na yung mata niya at basang basa na ng pawis at luha yung mukha niya.
"Kasi sinabi ko sa'yo na ipalaglag mo yung bata."
Napabuga ako ng hangin dahil sa narinig ko, pakiramdam ko ay nag-akyatan lahat ng dugo ko sa mukha ko. Hindi ko alam kung paaano huminga ng ayos hanggang sa napahawak ako ng mahigpit sa bedsheet.
"Honey maniwala ka, pinagsisihan ko na sinabi ko yun, maniwala ka nung nawala yung bata hindi ko alam kung ano yung gagawin ko, pakiramdam ko nawala lahat sa akin nung naaksidente ka, nawala kayong dalawa sa akin." Hinawakan niya yung braso ko pero iwinakli ko yung kamay niya.
"Tinago niyo sa akin, ni Mama, ni Papa? Pati si Jin?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Hindi nila alam na sinabi ko sa'yo yun, ang gago ko di ba?" Tanong niya sa akin kaya tumango ako sa kanya.
"Gago ka nga." Mahinang sabi ko bago ko tumingin sa orasan, 15 minutes nalang malapit ng mag-alas dose.
Nakita kong marami pa siyang gustong sabihin pero wala na akong gustong pakinggan, nanatili lang kaming dalawa na nakatahimik ng matagal, para bang hinihintay nalang naming pareho na mag-alas dose.
Nang makita kong limang minuto nalang bago mag-alas dose ay napatingin ako sa kanya ng tumayo na siya at kinuha niya jacket yung jacket niya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa kanya, kung nagagalit ba ako o ano pero yung ideyang aalis siya sa bahay ko ng hindi man lang niya nasasabi lahat ng gusto niyang sabihin ay mas lalo akong nalulungkot.
"Yoongi." Tawag ko sa kanya kaya naman napatingin siya sa akin, alam kong pagod na pagod na yung ekspresyon ng mukha niya.
"May gusto ka pa bang sabihin sa akin na hindi ko alam?" Tanong ko.
Tiningnan niya ako ng diretso sa mata ko bago siya tumango.
"Nababasa ko yung Diary mo."
Bahagyang nalaglag yung panga ko dahil sa sinabi niya.
"Iisang apple ID lang yung ginagamit namin ni Kookie, napupunta rin sa notes ko lahat ng pinapasa mo sa kanya." Pag-amin niya.
Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko, pakiramdam ko ay masyadong marami akong nalaman ngayon na hindi kayang ihandle ng puso ko.
"M-May iba ka pa bang gustong sabihin?" Tanong ko kahit wala ng masyadong nagsisink in sa utak ko.
Napatingin siya sa orasan kaya naman napatingin rin ako doon, at nakita kong isang minuto nalang bago mag-alas dose.
Tumango siya sa akin.
"I love you."
Lumapit siya sa akin para halikan ako sa labi ko, hindi ko alam pero iyon ang pinakamalalim na halik na ginawa niya sa akin sa isang taon naming relasyon.
Parehong malalim ang paghinga namin ng maghiwalay kaming dalawa, ngumiti siya sa akin kahit pagod na ngiti nalang yung naibigay niya.
Tumingin ulit siya sa orasan at nakita niyang lagpas na yun ng alas dose, nag-iwas na siya ng tingin sa akin at kinuha niya yung bag niya sa gilid bago siya lumabas ng kwarto at iniwan niya ako mag-isa doon...
Na hindi alam kung anong gagawin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top