Honey 013
Hindi ako makakilos pagkatapos kong basahin iyon, hikbi lang ako ng hikbi. Hindi ko matanggap, bakit? Bakit dumating sya sa puntong gusto na nyang mamatay?
"Honey?! Anong nangyare—" natigilan si Jin ng makita nyang umiiyak ako.
Mabilis syang naglakad papunta sa akin para yakapin ako ng mahigpit.
"Honey..." mahinang tawag nya sa akin.
Hindi ako nakapagsalita, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon pero naiiyak talaga ako. Hindi ko maipaliwanag.
"Honey, wag ka ng umiyak. Walang magagawa yung iyak mo." Aniya.
Alam ko, alam kong walan magagawa kahit buong araw akong umiyak dito. Pero hindi ko matanggap, kaya ba nung nakita ako ni Kookie ay hindi man lang nya ako kinausap? Kaya ba kahit tingnan nya ako ay parang walang halong emosyon iyon?
Kaya ba pinapalayo ako ni Taehyung? Kaya ba... nasabi nya sa akin yun...
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong yakap-yakap lang ni Jin hanggang sa makahinahon na ako. Nang makarinig kami ng pagbukas ng pinto ay napaayps kaming dalawa, tumayo na ako sa kinauupuan ko, tinanong ako ni Jin kung ayos na ako at tumango lang ako sa kanya.
Lumabas kaming dalawa ng kwarto para tingnan kung sino yung pumasok, hanggang sa naramdaman kong parang kumirot yung puso ko ng makita ko sya.
Tinitingnan nya yung buong paligid, hindi nya ako napapansin, dahil hindi naman na nya ako kilala.
"Kookie, ayun yung kwarto mo." Turo ni Jin sa kanya, tumango si Kookie sa kanya at tiningnan ulit nya yung buong paligid.
Nang bumukas ulit ang pinto ay napakunot ang noo ko, dahil nakita ko si Suga na may pinapasok na luggage.
Nang mag-angat sya ng tingin sa akin unang tumama iyon ay nabakasan ko ang gulat sa mukha nya, pati ako.
Napatingin sya kay Jin na ngayon ay gulat na rin, habang si Kookie ay nagbabalik-balik ang tingin sa aking lahat.
"Kuya Suga, kilala mo sya?" Tanong ni Kookie kay Suga.
Mas lalong kumirot yung puso ko, kilala nya pa rin si Suga. Alam ni Suga pero bakit hindi nya sinabi sa akin. Hindi ako kumibo, parang may anghel na dumaan sa aming lahat dahil sobrang tahimik.
Nakita ko yung nag-aalalang tingin ni Suga sa akin, dahil siguro napansin na nyang namanaga yung mata ko.
"Honey..." tawag nya sa akin.
Hindi ako sumagot, naramdaman kong lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko bago ako hinila palabas ng bahay, narinig ko ang mabigat na buntong hininga ni Jin bago kami tuluyang nakalabas ng bahay ni Suga.
Pinasok niya ako sa loob ng sasakyan niya at parehong walang kumikibo sa amin ng makapasok na kami doon, hindi ko alam kung ilang minuto na kaming nakatahimik lang sa loob ng kotse habang nagtatantsahan kung sino ang unang magsasalita sa amin.
Hanggang sa naisip kong basagin na ang katahimikan at nag-isip ako ng pwedeng itanong sa kanya.
"So, anniversary na natin bukas. Aalis ba tayo or..."
Humarap sa akin si Suga, naghahantay akong sudlungan niya yung sinabi ko pero hindi siya nagsalita, nanatili lang siyang nakatahimik pero ngayon ay nakatingin na siya ng diretso sa akin.
"Baby, what's wrong?" Tanong ko ng mapansin ko yung namumula niyang mata, hahawakan ko sana siya sa pisngi niya pero umurong siya kaya naman hindi ko na siya hinawakan.
Nakita kong may kinukuha siya sa bag niya, unang kita ko palang sa maliit na kulay pulang box ay alam ko na kung ano iyon.
Nang binuksan niya iyon at inilabas ang mamahaling singsing ay napanganga ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko o kung anon iisipin ko, dapat ba akong mag assume o wag nalang akong magreact.
kinuha niya kamay ko, akmang isusuot niya iyon sa daliri ko pero bahagya kong naurong ang kamay ko.
Hindi pa ko ready.
"Yoongi." Tawag ko sa kanya, hindi ko alam kung banta ba iyong tono ko o ano.
"Engagement ring ba 'to?" Tanong ko sa kanya.
"Sana, pero anniversary gift nalang siya ngayon." Aniya bago niya tuluyang isinuot iyon sa daliri ko. Napatingin ako sa kamay ko, hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko habang tinitingnan ko iyon sa kamay ko.
"Honey, I love you." Seryosong sabi niya.
Napatingin ako ng diretso sa mata niya, nang makita ko yung ekspresyon ng mukha niya ay hindi ko magawang magsalita, there's something wrong. Alam ko, pero hindi ko maipoint out.
"I- I-I..." Hindi ako makakuha ng tama salita, hindi ko alam kung bakit.
"Don't say it, please." Aniya.
Napatikim ang bibig ko.
"Happy Anniversary baby." Lumapit siya sa akin para halikan ako.
Hindi ako nakapagsalita pabalik dahil naninibago ako sa kanya, gusto kon tanungin siya kung anong mali pero hindi ako makahanap ng tamang tyempo.
Hinawakan niya ang panga ko, bago siya pumikit at dahan-dahang inilapit ulit yung labi niya sa labi ko, hindi ako kumibo. Hinayaan ko lang siya sa gusto niya.
At first I thought it's just an innocent kiss hanggang sa lumalim iyon. Napahawak ako sa braso niya dahil nakagilid na kami halos sa kotse dahil sa lalim ng paghalik niya.
"S-Su-ga..." Sabi ko sa pagitan ng halik habang bahagya kong tinutulak siya papalayo.
Bumaba ang halik niya sa leeg ko patungo sa collarbone ko kaya naman mas lalo ko siyang sinusubukan papalayo kasi wala kami sa tamang lugar at sa tamang oras para gawin yun.
"Hey." Mahinang tawag ko sa kanya ng maramdaman kong nagiging dahan-dahan na ulit yung paghalik niya sa akin.
"I'm sorry." Bulong niya sa akin habang nakagitgit ang mukha niya sa leeg ko, ramdam ko ang mainit na hininga niya sa balat ko. Pareho kaming naghahabol ng hininga, kaya naman iyon lang ang tanging naririnig naming dalawa dahil hindi kami nag-uusap.
"I'm sorry..." Pag-uulit niya, this time ay bahagyang nabasag ang boses niya.
"Suga, ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya habang pilit ko siyang iniaalis sa pagkakadukdok niya sa leeg ko pero masyado siyang malakas at halatang pinipigilan niyang ialis ang mukha niya doon.
"Honey, mahal na mahal kita. Alam kong alam mo yun, di ba?" Tumango ako sa kanya.
"May problema ba Yoongi?" tanong ko sa kanya, hindi siya nagsalita. Hinalikan lang niya ulit ako sa leeg ko at umusog siya papalapit sa akin para yakapin ako ng mas mahigpit.
"Honey mahal kita pero maghiwalay na tayo."
Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko doon, ayaw magsink in sa utak ko yung sinabi niya. Pakiramdam ko ay mali ang narinig ko.
"W-What?"
"No!" Aniya. "No, no, don't say anything honey please." Mabilis niya akong hinila papalapit sa kanya na para bang ayaw niya akong bitawan.
"Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ko.
"Wait, huwag ka munang magsalita. Wag mo munang iclear na hiwalay na tayo please Honey." Aniya.
"Hindi tayo hiwalay Yoongi, ano bang sinasabi mo?!" Inis na tanong ko.
Sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin ngayon, nakabaon lang ang mukha niya sa leeg ko. Paulit ulit niya akong hinahalikan kaya pakiramdam ko mas lalo akong natatakot, ayokong makipaghiwalay. Ano bang sinasabi niya. Hindi kami maghihiwalay.
"Yoongi harapin mo nga ako." Utos ko sa kanya pero hindi siya sumusunod, nanatili lang siyang nakayakap sa akin.
"Yoongi hindi tayo maghihiwalay, what the fvck." Iritadong sabi ko.
Hindi siya kumikibo hanggang sa bumitaw siya ng yakap sa akin at mabilis niyang idinukdok yung mukha niya sa manubela ng sasakyan.
"Yoongi ano bang sinasabi mo?!" Ngayon naiinis na talaga ako.
"Honey, maghiwalay na tayo please." Aniya.
"No!" Mariin na sabi ko.
"Honey, wag ka ng makulit."
"Hindi ako makulit Suga, hindi ako makikipaghiwalay sa'yo. Never. Ano bang naisip mo para pumasok sa isip mo yan ha!?"
Hindi siya kumikibo hanggang sa inalis na niya yung pagkakadukdok niya sa manubela at sinandal na niya yung ulo niya sa sandalan, nakatingala lang siya pero kitang kita ko yung pamumula ng gilid ng mata niya.
"Nalaman ko, last week." Saad niya.
"Ang alin?" Naguguluhan kong tanong.
"Yung nangyari kay Kookie, ang tagal nilang tinago sa akin Honey kasi ang gusto nila sundan kita sa Japan at maging tayo. Kasi iyon din yung gusto ni Kookie, ayaw niya tayong masaktan Honey and that's bullshit. Wala akong pagkakataon para alagaan si Kookie, alam mo yung pakiramdam na yun? Pakiramdam ko napakawalang kwenta kong Kuya." Giit ko.
"Don't say that." Mahinang sabi ko, hinawakan ko yung kamay niya para icomfort siya pero inalis niya yung kamay ko sa kamay niya.
Pulang pula na yung mata niya ngayon at halatang pinipigalan niya yung pagbagsan ng luha sa mga mata niya.
"I'm sorry Honey, pero sinasadya kong ibalik ka dito para makita mo si Kookie, kasi alam ko kung gaano mo siya kamahal at deserve mong malaman yung kalagayan niya."
"Hindi na niya ako natatandaan Yoongi."
"I know." Saad niya.
Binalot kami ng katahimikan, hindi ko alam kung bakit naging ganito bigla yung atmosphere sa aming dalawa.
"Suga mahal kita." Out of nowhere na sabi ko.
"I know." Mahinang sabi niya.
"Bakit tayo magbibreak?" Nag-aalalang tanong ko.
"Kasi mas mahal mo siya."
Hindi ako nakapagsalita, pakiramdam ko ay hindi ako makahanap ng tamang salita para dumipensa sa sinabi niya.
"Simula't sapul, hindi naman talaga dapat naging tayo ngayon. Dapat nakontento na ako na naging akin ka dati, na minahal mo ko dati." Saad niya.
"Alam kong magkaiba yung noon sa ngayon, pero desisyon ko pa rin na naging tayo ulit ngayon." Mariin kong sabi.
"Hindi mo kasi naiintindihan Honey, yung way ng pagtingin mo sa akin noon ay iba sa way ng pagtingin mo sa akin ngayon. Kasi yung pagtingin mo sa akin dati ay hindi mo na sa akin ginagawa kundi kay Kookie."
"What?!" Hindi makapaniwalang sabi ko.
"Bago ka magka-amnesia Honey, alam ko. Mahal mo ko noon at mahal din kita, pero pagtapos mong magkaroon ng amnesia hindi na ako yung minahal mo, at tanggap ko yun Honey. Iba yung tingin mo kay Jungkook, yung tuwing tinitingnan mo siya parang siya lang yung mundo mo eh, ganoon ka rin sa akin dati pero hindi na ako yun."
"Bakit? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin yan kung matagal mo ng napapansin yan?" Tanong ko.
"Kasi in born na ang pagiging makasarili na mga tao, tao lang rin ako Honey. Mahal kita kaya gusto ko akin ka lang pero kasi pakiramdam ko hindi ka naman talaga akin. Pakiramdam ko tuwing hinahalikan mo ko kapatid ko ang nasa isip mo." Mahinang sabi niya bago siya napasabunot sa buhok niya.
"But no, hindi pa ako makikipaghiwalay sa'yo." Giit niya.
Tumingin siya ng diretso sa mata ko, ngayon ko lang siya nakita na umiyak, pulang pula ang mata niya at yung kakaibang ekspresyon ng mukha niya na hindi ko maatim na tingnan dahil pakiramdam ko warak na warak na yung puso niya ngayon.
"Honey, let's date tomorrow okay? Anniversary natin bukas baby. Gawin natin yung plano natin please?" Lumapit siya sa akin para hawakan yung pisngi ko, naramdaman kong bumagsak yung luha sa mata ko ng hinalikan niya ako sa noo ko.
Naninikip yung dibdib ko, I don't deserve him.
"Huwag kang umiyak." Aniya habang pilit niyang pinupunasan yung mata ko para mawala yung sunod-sunod na pagpatak ng luha ko. Nakita kong mas lalong namumula yung mata niya habang pilit niyang pinapalis yung luha ko na ayaw tumigil sa pagbagsak.
"Please, Honey wag kang umiyak." Basag na basag na yung boses niya, to think na mas basag yung puso niya iyon ang mas lalong nakakapagpaiyak sa akin.
Parang ayokong makipagdate sa kanya bukas lalo na at iniisip ko na pagkatapos naming magdate ay maghihiwalay na kaming dalawa.
"I don't get it!" Sigaw ko bago ko sinipa yung kotse niya sa sobrang inis ko. "Bakit kaylangan nating maghiwalay?! Mahal kita, mahal mo rin naman ako. So what's the point?!"
"Honey, anong gusto mong gawin ngayon?" Tanong niya sa akin.
"Gusto kitang makasama Yoongi!" Saad ko.
"No, I mean yung gusto mo. Hindi yung gusto mo para sa akin o para sa atin. Yung gusto mo lang gawin ngayon, hindi sa susunod na araw o bukas, yung ngayon. Wag mong isipin yung ibang tao, isipin mo lang yung sarili mo at yung gusto mo."
Pinikit ko yung mata ko para makaikalma ko yung sarili ko pero iniisip ko rin yung sinasabi niya, naramdaman kong unti-unti akong napahikbi ng malakas dahil pagpikit ko mismo ay naisip ko si Jungkook. Gusto ko siyang alagaan, gusto ko siyang makasama and that's bullshit kasi may boyfriend ko.
"Wag mo kong isipin Honey, anong gusto mo." Tanong niya.
"No, please. Wag mo kong tanungin, gusto kong magkasama tayo bukas hanggang sa susunod na bukas o isang pang bukas." Sabi ko pero umiiling siya.
"Hindi iyon yung gusto mo." Aniya.
Nagkatinginan kaming dalawa, parehong walang nagsasalita sa amin. Parehong namumula yung mata namin ngayon at pareho kaming hindi makapag isip ng ayos ngayon.
"Kaya ako nakikipaghiwalay sa'yo para gawin mo naman yung gusto mo, yung gusto mo na hindi mo nagawa nung nasa Japan ka. Hindi mo naman gustong pumunta ng Japan hindi ba? Yung Honey ko ang may gusto noon, hindi yung Honey ni Kookie. Hindi mo gustong tumira sa Japan, pumunta ka lang doon dahil kaylangan mong lumayo sa kanya di ba? Ang gusto mo talaga ay mag-stay dito." Paliwanag niya.
Iyak ako ng iyak kasi napufrustrate ako dahil mas kilala pa niya ako kaysa sarili ko.
"Pero gawin mo 'yan pagtapos ng Anniversary natin kasi akin ka pa rin bukas. Akin lang, gusto kong ubusin yung oras bukas na tayong dalawa lang please?" Tanong niya.
How can I say no?
Umiyak nalang ako ng umiyak kasi naiinis na ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang dami kong gustong malaman pero walang pumapasok sa isip ko. Lalo na nung sinabi niya na Honey niya. It means ako nung hindi pa ako naaksidente. Papaano niya nagawang paghiwalayin ako ngayon at yung dating ako?
Mahal ko siya noon, mahal ko si Jungkook ngayon? I don't get it.
Kung mahal ko siya noon, bakit...
"Hey..." Tawag ko sa kanya, napatingin siya sa akin kaya naman tiningnan ko siya pabalik.
"May tanong ako sa isip ko na hanggang ngayon hindi pa rin nasasagot." Sabi ko sa kanya.
Hindi siya nagsasalita, para bang naghihintay siya ng idadagdag ko pa kaya naman kinuha ko lahat ng natitirang lakas ng loob ko para tanungin siya.
"Bakit tayo nagbreak?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top