Honey 012

Tapos na kaming maglinis ni Jin, ang hindi nalang namin nagagawa ay ilagay ang mga gamit na dinala niya dito sa mga lalagyan nito.

Pero dahil mas nauna yung gutom namin ay kumain na muna kaming dalawa, namiss kong kumain sa kusina na 'to. Panay ang kwentuhan namin ni Jin ng mga kung ano-anong bagay, yung iba ay wala naman ng sense pero dahil si Jin ang kausap ko ay pakiramdam ko may sense pa rin iyon.

Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga muna kaming saglit, 7:30 na ng gabi. Ang sabi sa akin ni Jin ay ihahatid nalang daw niya ako pauwi ng bahay pagkatapos naming ayusin yung mga gamit. Para mapabilis kami ay hinati na namin yung gawain, siya na sa kusina at ako na sa kwarto. Inabot niya sa akin yung mga ilalagay ko sa kwarto ko-- no, hindi ko na nga pala kwarto yun. 

Binuksan ko yung box, pinaglalabas ko lahat ng gamit doon pero natigilan akong bigla ng makita ko yung isang picture frame. Napalunok ako ng makita kong picture namin iyon ni Jungkook pero hindi ko alam kung kaylan kami nagpicture ng ganoon. Mukhang bata pa kami dito.

Napakagat ako sa labi ko habang tinitingnan ko pa yung ibang laman ng box, karamihan doon ay mga bagay na binigay ko sa kanya nung kami pa, kasama yung mga bagay na binigay niya rin sa akin. Binuksan ko ang isa pang box at nakita ko yung dati niyang cellphone doon, mabilis kong hinanap yung charger para maicharge ko yung phone. 

Binuklat ko ulit yung iba pang mga gamit, sigurado akong kay Kookie lahat ng 'to. Pakelamera na kung pakelamera pero nacurious talaga ako sa isang album na hindi pamilyar sa akin kaya naman binuksan ko iyon.

Unang page pa lang ay napakagat na agad ako sa labi ko ng makita ko yung mukha ko doon habang nakangiti ako, hindi ko alam kung saan iyon kaya naman sigurado akong picture ko yun bago ako mawalan ng memorya. Inilipat ko ng inilipat yung page at puro mukha ko lang ang nakikita ko hanggang sa dumating sa punto na hindi nalang ako yung nasa picture.

Kasama na si Suga. Hindi ko matandaan ang mga pangyayari na yun, pero mukhang bata pa kami doon kaya sigurado akong matagal na ang mga 'to. 

Mukhang malayo ang kuha ng mga picture at mukhang patago, para bang kuha iyon ng isang paparazzi. Inilipat ko ng inilipat ang mga page, hanggang sa yung mga masasaya kong picture ay napalitan ng mga malulungkot, halos lahat ng picture ko dito ay umiiyak na ako. Hindi ko matandaan kung bakit ako umiiyak. 

Pero mukhang sobrang lungkot ko noon. 

Nang inilipat ko iyon sa sunod na page ay napangiti ako. Puro picture na naming dalawa ni Kookie iyun at natatandaan ko na lahat ng mga picture na 'to. Hanggang sa may gawing gitna ay wala ng picture, kaya naman tiningnan ko yung likod at nakita ko yung isang pamilyar na bulaklak na nakalaminate. 

Kinuha ko ang lily flower at tiningnan ko iyong mabuti, may ribbon pang nakalagay katulad ng binibigay sa akin...

Ang tagal kong nakatulala, pakiramdam ko ay gusto kong umiyak pero wala akong makuhang tamang dahilan para umiyak ako.

Biglang nawala ang pagmumuni-muni ko ng tumunog bigla yung phone ni Kookie na chinarge ko, mabilis akong lumapit doon para buksan ito at nakita ko agad ang lockscreen nya na picture naming dalawa. Bakit hindi man lang niya naisip palitan, akala ko ba nakalimutan na niya ako? 

Walang password yung phone kaya naman  binuksan ko agad pero napakunot ang noo ko nung binasa ko yung nakasulat sa homescreen.

"Open the diary app?"

Kahit alam kong masama yung gagawin ko ay binuksan ko pa rin yung diary app, hindi rin niya nilagyan ng password? Napakunot ang noo ko ng makita kong puro drafts lang ang nakalagay doon, it means siya lang ang makakakita nito at hindi iyon mapapasa sa ibang cellphone.

Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba ang mga drafts pero mas pinangunahan ako ng curiosity ko kaya naman binuksan ko pa rin iyon kahit alam kong mali.

Dear Kookie?

Hindi naman ako ang nagsulat nito, napakunot ang noo ko ng marealize kong siya ang nagsulat ng mga ito. 

Sinusulatan niya yung sarili niya? 

Mas lalo akong naguluhan kaya naman tiningnan ko ng tiningnan, pinag-iisipan ko kung babasahin ko o hindi.

Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko na basahin ang mga sinulat niya o mali, pero hindi ako nagsisi na binasa ko.

Parang yung naging relasyon namin, kahit kaylan hindi ko pinagsisihan na naging kami.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top