Honey 011

"Bakit namumula yung mata mo?" Tanon ko kay Suga ng makasakay na kami sa sasakyan.

Nakaalis na si Taehyung nung tinawagan ako ni Suga, sinabi ko lang sa kanya kanina na nakita ko si Taehyung, hindi na siya nagtanong kaya hindi na rin ako nagkwento.

"Napuwing ako kanina, ang tagal kong inaalis sa banyo. Ayaw maalis eh." Aniya habang kinukusot niya ulit yung mata niya, napabuntong hininga nalang ako at sinandal ko yung ulo ko sa upuan.

Hindi ko na tinanong kung bakit dalawang mata niya yung napuwing kasi baka magtalo lang kaming dalawa, pagod na ako. Gusto ko nalang umuwi sa apartment at mahiga doon.

Nang pinaandar niya yung sasakyan ay pinikit ko nalang yung mata ko, hindi ko namalayan na nakatulog ako, ginising nalang ako ni Suga nung nasa tapat na kami ng apartment. Mabilis kong tinanggal yung seat belt ko bago ko hinarap si Suga na nakatingin lang sa kalsada.

"Thank you sa araw na 'to. I love you." Lumapit ako sa kanya para halikan siya sa pisngi. 

Ngumiti siya sa akin ng magtama ang paningin namin bago siya tumango, ngumiti nalang rin ako sa kanya bago ako lumabas ng kotse. 

"Pumasok ka na." Aniya, balak ko sana siyang panuorin hanggang sa makaalis siya bago ako pumasok pero mukhang narealize agad niya yung nasa isip ko.

"Okay, bye!" Kumaway ako sa kanya bago ako pumasok sa loob ng apartment at bintana ko nalang siya tiningnan. 

Nang makita kong nakaalis na siya ay nahiga na ako sa kama, nakatulala lang ako habang nakatingin ako ng diretso sa kisame. Pakiramdam ko ay marami akong iniisip pero ang totoo ay blanko lang ang utak ko ngayon.

Napatayo ako sa kama habang pilit akong nag-iisip ng gagawin ko, hanggang maalala ko yung bahay namin. Alam ko ay binenta na yun ni Mama pero gusto ko yung makita ulit kaya naman mabilis akong kumuha ng jacket sa bag ko bago ako lumabas ng apartment.

Naglakad nalang ako dahil malapit lang naman iyon ay hapon palang naman, gusto ko rin kasing makapaglibot libot muna para makita yung mga nagbago sa lugar na 'to at yung mga hindi nagbago.

Nang matanaw ko yung bahay ay napangiti ako, namiss ko yung bahay namin. Tumingin ako sa bintana pero napansin kong walang tao, napakamot ako sa ulo ko ng mapatingin ako sa paligid ko. Wala namang tao at wala naman sigurong masama kung lapitan ko yung bahay, hindi naman ako papasok. Hanggang labas lang ako.

Binuksan ko yung gate dahil hindi naman iyon nakasusi. Napangiti ako habang pinagmamasdan ko yung bahay namin dati. Pero napakunot ang noo ko ng mapansin kong parang walang naglilinis ng bahay, wala bang nakatira dito? Pero ang alam ko ay pinagbenta na to.

Naglakad ako papalapit pero bigla akong natigilan ng makita ko kung gaano kadaming bulaklak ang meron sa harapan ng pinto, lahat ng bulaklak doon ay lanta na at ang iba ay sobrang bulok na. Para bang napakatagal na ng mga iyon doon. 

Wala bang nakatira dito? Bakit hinahayaan nila yung mga nalalantang bulaklak sa harap ng pintuan nila? Hindi ba sila dadaan sa pinto na 'to? Pero teka, wala naman kaming back door ah?

Tiningnan kong mabuti ang mga bulaklak na nakalagay, sobrang dami. Ngayon lang ako nakakita ng ganto kadaming bulok na bulaklak. 

Pero unti-unting napakunot ang noo ko ng makita ko kung anong klaseng bulaklak iyon. 

Napanganga akong bigla at napahawak sa bibig ko ng maalala kong bago ako umalis papuntang Japan ay may nagpapadala pa rin na bulaklak sa akin. Katulad ng bulaklak na 'to. Lilies.

Para akong tanga dahil kanina pa ako nakanganga dito, ibig sabihin ay patuloy pa rin niya akong pinapadalhan ng bulaklak kahit wala na ako?

Pero tiningnan kong mabuti yung mga bulaklak, wala ng bago sa kahit isang 'to kaya paniguradong tumigil na rin yung kung sino man ang nagbibigay nito sa akin. Siguro narealize niya na wala na ako dito...

Pero teka, bakit hindi inaalis ng bagong may-ari ng bahay na 'to yung mga lilies na bulok na sa tapat ng pintuan? Wala naman yatang nakatira dito.

Sumilip ako sa bintana para tingnan yung loob pero wala akong nakikitang tao, nakita ko rin na puro may puting telang nakatabing sa mga sofa at iba pang gamit sa bahay. Ibig sabihin ay wala pang bumibili nito? O umalis lang dito yung may ari ng bahay?

Natigilan akong bigla ng may marinig akong tunog ng makinang pinatay, napatingin ako sa likod ko at nakita kong may pickup truck na huminto sa tapat ng bahay, napatayo agad ako ng ayos bago ko napatingin sa paligid ko, alam kong wala naman akong ginawang masama ay natatakot pa rin ako na baka iba yung isipin ng makakita sa akin dito.

Pero ako yata yung natigilan ng makita ko kung sino yung bumaba ng pickup, dumiretso agad siya sa likod para kunin ang ibang mga gamit. At nung napansin niyang bukas yung gate ay napatingin agad siya sa bahay pero sa akin agad tumama yung paningin niya.

"Honey?" Tanong niya.

"Jin..." Mahinang tawag ko sa kanya.

Nakita kong hindi siya makapaniwalang nakita niya ako dito, napailing nalang siya bago niya inilapag yung kinuha niyang gamit sa dapat ng pinto.

"Ikaw yung bumili ng bahay?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi, lilinisin ko lang 'to para doon sa bumili ng bahay." Aniya.

Hindi na ako nagtanong dahil nakita ko siyang nakatingin sa mga bulok na bulaklak sa tapat ng pinto. "At sa tingin ko uumpisahan ko na yung palilinis dito sa mga bulok na bulaklak na 'to." Aniya.

Napailing naman agad akong bigla para pigilan siya, napatingin siya sa akin ng wala sa sarili ko siyang nahawakan sa braso niya. "Wag, ako ng bahala dyan. Akin nalang 'yan." Sabi ko sa kanya.

"Ano namang gagawin mo sa mga 'yan Honey?" Sarkastikong tanong niya.

"Hindi ko rin alam, pero pakiramdam ko kaylangan ko silang itabi." Giit ko. 

"Honey..." Mahinang tawag niya sa pangalan ko.

"Saglit lang, maghahanap lang ako ng sako tapos ako ng bahalang maglinis niyan." Saad ko bago ako nagtatakbo pero napatigil ako ng bigla niya akong tinawag, napatingin ako sa kanya at nginuso niya yung pickup truck.

"May sako diyan." Aniya kaya naman tumango ako sa kanya bago ko hinanap yung sako at nakita ko naman agad iyon.

"Honey!" Tawag niya sa akin kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Pagtapos mo dyan pumasok ka dito sa bahay, tulungan mo akong maglinis." Aniya, napanguso ako sa sinabi niya pero napangiti rin ako kalaunan.

"Dito ka na rin maghapunan, pagluluto kita ng paborito mong pagkain." Nakangiting sabi niya.

"Sabi mo yan ha!" Tumango siya sa akin kaya naman mas lalong lumawak yung ngiti ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top