Honey 007
Mahigit tatlong taon na ako dito sa Japan, natupad ko na lahat ng pangarap ko sa loob ng tatlong taon at masasabi ko na wala naman na akong hihilingin pa. Hindi ko naman kasi pinangarap na maging milyonaryo o kung ano-ano pa, basta matupad ko lang lahat ng pangarap ko at may pamilya ako sa tabi ko. Kontento na ako doon.
"Honey, pakidala naman yung harina dito." Utos ni Mama kaya naman, naglakad ako patungo sa may lalagyanan ng mga harina para kunin iyon at iabot kay Mommy.
Paglipat kasi namin dito sa Japan ay nagtayo sila Mommy ng coffee shop, simpleng coffee shop lang naman pero dahil tabing school ay puntahin talaga ng mga tao.
"Honey, may costumer na yata." Sabi ni Mama kaya naman mabilis kong inayos yung buhok ko gamit yung kamay ko at naglakad ako patungo sa pinto pero habang natatanaw ko kung sino yung lalaking nasa harap ng pinto ay nakangisi na agad ako.
"Hey." Aniya pagbukas ko palang ng pinto.
"Hey." Pang-gagaya ko sa kanya.
Pagkabukas ko palang ng pinto ay nagtungo agad yung kamay niya sa baywang ko. Hinalikan niya ako sa noo ko bago ako iniwan sa tapat ng pinto at naglakad siya papunta kay Mama para magmano.
"Yah, Suga!" Sigaw ko.
Pero hindi niya ako pinansin. Hays, minsan naiisip ko kung bakit nga ba naging kami.
At oo nga pala, sa 3 years namin dito sa Japan, halos tatlong taon kong kasama si Kuya Suga, I mean si Yoongi. Kasi out of nowhere pumunta siya dito sa Japan at isang araw kumakatok nalang siya sa tapat ng bahay namin.
Dito siya rin siya tumira, malapit lang sa bahay namin ang inuupahan niyang apartment. Inakusahan ko siya na sinundan niya ako at hindi naman niya itinanggi iyon. Hindi naman naging kami agad dahil ayoko talaga, pero lagi niyang pinapaalala sa akin na pumayag daw ako dati na ligawan niya ako kaya wala rin akong nagawa.
At oo, dumating sa punto na nagustuhan ko talaga siya kasi sa araw-araw kong buhay lagi siyang nandyan at hindi niya ako iniiwan. At pursigido talaga siya na maging kami kaya naisip ko rin na bakit hindi ko bigyan ng chance di ba? Kasi inabot din ng isang taon yung panliligaw lang niya.
"Ang aga mo naman ngayon Yoongi?" Tanong ni Mama sa kanya.
Napakamot lang siya sa ulo niya bago sila nagngitian ni Mama na para bang may alam sila na hindi ko alam.
"Ang daya nyo naman, di man lang ba niyo ako isasali sa ngitian nyo?" Tanong ko bago ko lumapit sa kanila. Mabilis niyang hinawakan yung baywang ko at bahagya niya akong idinikit sa kanya.
"May sasabihin ako sa'yo." Napataas yung kilay ko. "Since, one year na tayo next week." Panimula niya. Hindi ako sumagot dahil hinihintay ko lang yung sasabihin pa niya.
"May surprise ako sa'yo." Aniya.
"Surprise? Hindi na surprise yun kung sasabihin mo, baliw." Giit ko.
"Advance surprise?" Natatawang sabi niya.
"Oh sige nga, ano yun. Dapat masurprise talaga ako." Nang iinis na sabi ko.
"We're coming back home, tommorow."
Para akong natigilan sa sinabi niya, bahagyang nalaglag yung panga ko bago ko napatingin kay Mama na nakangiti sa akin ngayon habang tinitingnan niya kami ni Yoongi.
"Seryoso?" Tanong ko ng magtama ulit yung paningin namin ni Yoongi.
"Yup, so ang gagawin mo lang ngayong araw na 'to ay mag-impake kasi uuwi na tayo. Tayong dalawa lang, kasi dito muna titira si Tita para ipagpatuloy 'tong shop. Uupa ka muna ng apartment kasi 3 months lang tayo doon tapos babalik na ulit tayo dito sa Japan." Paliwanag niya.
Agad na lumawak yung ngiti ko, namimiss ko na si Jin, si Cupcake at pati yung iba ko pang mga kaibigan.
Sa totoo lang kasi ay napakadalang na naming makapag usap ni Jin kasi pareho na kaming busy sa buhay, nagtatrabaho na kasi siya ngayon, si cupcake naman ay masyadong kinacareer yung business niyang mga sweets, hindi ko rin nakakausap yung iba pang kapatid ni Suga, ang sabi niya sa akin ay pati siya hindi na niya rin masyadong nakakausap.
And Kookie...
I don't know, wala akong balita kasi nakablock siya sa lahat ng social media accounts ko, ginawa ko lang naman yun simula nung nagmumove on ako sa kanya, hindi ko kasi maiwasan na hindi ko siya i-stalk kaya naman mas minabuti kong iblock nalang siya.
Balak ko sanang sabihin kay Jin na uuwi na kami pero mas gusto ko siyang isurprise kaya naman kinasabwat ko si Suga na huwag sabihin kay Jin at pumayag naman sya sa gusto ko.
"At isa pa, tutuparin natin yung isa mo pang pangarap." Aniya, napakunot ang noo ko, may ibang pangarap pa ba ako?
"Naalala mo dati, ang sabi mo gusto mong kumanta sa harap ng maraming tao kasi pangarap mo iyun nung bata ka?" Tanong niya.
"Baliw, bata pa ako noon! Nahihiya na akong kumanta." Giit ko.
"Honey, para naman yun sa mga batang may sakit sa ospital. Nagdonate kasi ako sa isang ospital at magkakaroon ng program, so naisip ko bakit hindi kita pakantahin doon di ba?" Nakangiting sabi niya.
"Baliw ka talaga no?" Nakangiting sabi ko.
"Don't say that Honey, kung ayaw mong banatan kita ng cheesy lines ko." Aniya.
"Okay, okay. Thank you." Natatawang sabi ko.
"Thank you lang?" Tanong niya sa akin kaya naman napanguso ako bago ko hinawakan yung pisngi niya para mahalikan ko siya ng ayos sa labi niya.
"I love you."
"I love you too."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top