Honey 006

30 minutes...

Hindi ko alam kung bakit maaga akong pumunta, 30 minutes na ang nakalipas at 8:00 palang ng umaga ay nandito na ako. Gusto ko kasing mag isip muna kung tama ba yung desisyon ko na makipagkita sa taong hindi ko naman kilala.

Kaya akala ko kung pupunta ako dito ng mas maaga ay makakaurong pa ako dahil makakapag isip isip pa ako dito pero hindi ako makatayo, may nagtutulak sa akin na makipagkita sa kanya.

Nang tumunog yung chimes ay napatingin ako sa pinto, napatingin ako sa hindi ko kilalang lalaki na pumasok. Pang 8 na siyang pumasok simula nung dumating ako. Napabuntong hininga ako, kanina pa halos tumigil yung puso ko kada may pumapasok sa pinto.

Sumimsim ulit ako ng panibago sa kape na binili ko, malamig na nga ito pero hindi ko pa rin inuubos.

Nang marinig kong tumunog ulit yung chimes ay nag-angat ulit ako ng tingin, halos tumigil na naman yung pagtibok ng puso ko pati hininga ko ay pinigilan ko ng makita ko si Taehyung na pumasok lalo na ng magtama yung paningin namin.

Lumapit siya sa akin at umupo sa harapan ko at tiningnan akong diretso sa mata ko. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko at para bang hindi ko man lang maikilos yung kahit anong parte ng katawan ko, para bang naestatwa na ako.

"Honey..." Tawag niya sa akin kaya naman napalunok akong bigla.

"Yung sinabi ko sa'yo, seryoso ako doon. Balikan mo na si Kookie." Aniya.

"H-Ha?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Kaylangan ka niya ngayon eh."

Nagtitigan lang kaming dalawa, hindi pa rin ako makapaniwala.

Nabasag ang pagtitinginan naming dalawa ng biglang tumunog ulit yung phone niya at sinagot niya iyon. Kinakausap niya yung tumawag bago siya napatingin sa akin, tinakpan muna niya yung phone niya bago siya humarap ng ayos sa akin.

"Uy, una na ko honey?" Aniya bago siya tumayo sa upuan niya. Mas lalo akong naguluhan, ano yun? Ganoon nalang yun?

"Bye-bye!~" Binalik na naman niya atensyon niya sa kausap niya habang naglalakad siya paalis, narinig ko pa yung sinabi niya na namali daw siya na pinasukan na cafe kaya mas lalo akong naguluhan.

"Taehyung, saglit!" Tawag ko sa kanya bago ako tumayo, bigla tuloy natapon yung kape dahil tumama yung hita ko sa lamesa.

"Oh gahd." Napatingin sa akin lahat ng tao kaya naman nagmamadali kong tinayo ulit yung tasa at kinuha yung tissue bago pa matapon sa sahig yung kape, may lumapit sa aking waiter para tulungan ako.

Napatingin ulit ako kay Taehyung nasa labas na ng cafe at may kausap pa rin sa phone, napabuntong hininga nalang ako bago ko tinulungan yung waiter habang paulit ulit akong nagsosorry at sinasabi naman niyang ayos lang daw.

"Oorder nalang po ulit ako ng bago." Sabi ko sa kanya bago ako napakamot sa ulo ko.

"Uhm, isang caramel macchiato po ulit ma'am?" Tanong nito.

"Oo." Inilabas ko yung wallet ko para kumuha ng pera ko pero ng inabot ko iyon ay biglang may kamay pumigil sa akin.

"Pakidalawa na." Sabi ng isang pamilyar na boses, parang tumigil yung paghinga ko ng maramdaman ko kung gaano siya kalapit sa akin.

Inabot niya yung pera niya kaya naman napatingin ako sa kanya pero pinagsisihan ko agad na nag-angat ako ng tingin sa kanya dahil narealize ko na natulala lang ako sa kanya, hindi pa rin talaga nagbabago.

Ganoon pa rin yung nararamdaman ko sa kanya.

"K-Kookie..." Agad kong pinagsisihan na nagsalita pa ako dahil nanginginig yung boses ko.

"Kanina ka pa?" Tanong niya sa akin.

Pakiramdam ko ay muntik na akong bumagsak kaya napahawak ako sa bangko para hindi ako bumagsak pero mas naramdaman ko yung suporta ng kamay niya sa baywang ko kaysa sa bangko na hinahawakan ko.

"I-Ikaw?" Nanginginig na tanong ko, hanggang ngayon ay ayaw pa rin umayos ng pagtibok ng puso ko.

Ngumiti siya sa akin, pero hindi iyon ngiti na masaya kundi ngiti na hindi ko maipaliwanag.

Binatawan niya na ako at naupo siya na siya sa upuan sa harapan ko, kahit nanginginig yung kamay ko ay umupo ako sa kaninang pwesto ko.

Nakatingin lang ako ngayon sa lamesa as much as possible ay hindi ko pinagtatama yung paningin naming dalawa.

"Honey?" Tawag niya sa akin, kahit anong iwas ko na tumingin sa kanya ay nag angat pa rin ako ng tingin.

Ang dami kong gustong itanong sa kanya kagaya ng bakit gusto niya akong magmove on sa kanya? Bakit niya ginagawa yun? Bakit?

"I'm sorry." Sincere na sabi niya.

Hindi ako nakapagsalita, pakiramdam ko ay sasabog yung puso ko ngayon. Ang tagal kong hinintay na sabihin niya sa akin 'yan.

"So ano yung hindi ko alam na alam mo?" Tanong ko.

"Alam ko kung bakit ganyan si Kuya Suga sa'yo." Aniya.

Bahagyang napakunot ang noo ko sa kanya, ngumiti siya sa akin pero nawala yung pagtitigan namin ng inilapag na yung kape sa harapan namin.

"Bakit?" Tanong ko ng umalis na yung waiter, sumimsim muna siya kape bago niya ako tiningnan ulit.

Nang binaba niya yung kape niya bahagya siyang napatingala, nakita kong namumula yung gilid ng mata niya, at nung nakahinga na siya ng maayos ay humarap na ulit siya sa akin.

"Kasi hindi naman talaga ako yung boyfriend mo." Mahinang sabi niya.

"Ginagago mo ba ko?" Tanong ko sa kanya pero umiling siya sa akin, nakita ko kung papaano mas lalong namula yung mata niya.

"Hindi Honey, kahit kaylan hindi." Nakita kong napakagat siya sa labi niya habang mabilis yung paghinga niya.

"Anong hindi ikaw yung boyfriend ko? Pagmulat palang ng mata ko ikaw na yung nasa tabi ko at ikaw yung naalala ko kaya paano naging hindi ikaw yung boyfriend ko. Wag mo kong gaguhin Kookie kung ang gusto mo lang ay makamove on ako sa'yo then fine. Gagawin ko! Inuumpisahan ko na nga di ba?" Halos hingalin ako sa dami ng sinabi ko pero iling lang siya ng iling.

"Honey, ako yung natatandaan mo hindi dahil ako yung boyfriend mo." Giit niya. "Ako yung natatandaan mo kasi ako yung nakasagasa sa'yo."

Napalunok akong bigla, pakiramdam ko ay nagsibabaan lahat ng dugo ko sa katawan, nanghina yung tuhod ko at para bang nawala ako sa sarili habang nakatingin ako ng diretso sa mata niya.

"Kung totoo yan bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit nagpanggap ka pang boyfriend ko?!" Halos pasigaw ng tanong ko.

"Kasi gusto kita Honey, kahit kayo ni Kuya Suga. Gusto kita, at natatakot rin ako na magalit ka sa akin kapag nalaman mong ako yung nakasagasa sa'yo kasi kasalanan ko kung bakit ka nahihirapan."

"Kami ni Kuya Suga?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Kami? Pero bakit walang nagsabi?" Tanong ko.

"Kasi nung gabing yun nagbreak kayo." Aniya. "Nagbreak kayo kasi napapagod ka na sa kanya, at nung gabi na yun tinakas ko yung kotse nila Mommy, bata pa ko noon hindi ako marunong magdrive pero dahil pasaway ako at gusto kong matuto akala ko yun yung tama." Mahinang kwento niya.

"Hindi ko rin naman inexpect na may tao pa ng ganoong oras at bigla kang tatawid--"

"Shut up, ayokong marinig yung nangyari. Ayokong maalala yung nangyari." Giit ko.

"Pero Honey." Malungkot na sabi niya.

"Kookie, okay. Ganto ha, kung ano yung meron sa amin ni Kuya Suga noon, na nakalimutan ko na. Wala ka ng kasalanan doon, kasi nung sinabi mo sa akin na boyfriend kita, natatandaan mo ba na hindi ako naniwala sa'yo nung una? Hindi ba?" Kalmadong tanong ko sa kanya at tumango naman siya sa akin.

"Natatandaan mo pa ba yung sinabi mo sa akin noon?" Tanong ko at tumango naman siya sa akin.

"Liligawan kita para maniwala ka." Aniya. Tumango ako sa kanya kasi iyon mismo yung sinabi niya noon.

"Niligawan mo ulit ako, alam ng Kuya Suga mo na nililigawan mo ko pero hindi siya nagsalita, hindi niya pinaalala sa akin yung dati. Hinayaan ka niya Kookie--"

"Kasi break na kayo."

"Exactly!" Giit ko. "Break na kami at wala siyang intensyon na balikan ako noon, kasi kung may intensyon siya hindi na niya hahayaan na ligawan mo ako."

"Kasalanan ko pa rin Honey, alam kong mayroon kayong past ng Kuya ko pero niligawan kita."

"Fine, kahit naman pagtalunan natin kung anong meron sa atin dati. Dati na yun, hindi na rin naman maibabalik noon yung dati at hindi rin naman mababago noon yung katotohanang break na tayong dalawa."

Nagkatinginan kami ulit, hindi ko alam kung bakit nagpapalitan kaming dalawa ng malamig at pagod na tingin sa isa't isa.

"Bakit hindi nalang kayo magbalikan ni Kuya Suga?" Tanong niya.

"Bakit hindi nalang tayo magbalikan na dalawa?" Tanong ko pabalik sa kanya, hindi siya kumibo kaya napangiti ako ng sarkastiko sa kanya.

"See? Hindi mo masagot kung bakit no? Yan din yung dahilan ko kung bakit hindi ko masagot yung tanong mo na makipagbalikan kay Kuya Suga, kasi hindi ko rin alam kung anong isasagot ko." Napabuntong hininga ako para ikalma ko yung sarili ko.

"Alam mo Kookie kung bakit hindi ko na iniinom yung gamot ko nung naging tayo?" Hindi siya sumagot sa tanong ko dahil nanatili siyang nakatingin lang sa akin. "Kasi ayoko ng maaalala yung kung anong meron ako dati kasi kuntento na ako, kontento na ako na mahal ako ng pamilya ko, na may kaibigan akong makulit at may boyfriend akong hindi ako iniiwan. Kaya ayoko ng maalala kung anong meron ako kasi natatakot ako na baka masira noon yung pinapaniwalaan ko."

Naramdaman kong may tumakas na luha sa mata ko kaya mabilis kong pinunasan iyon para hindi ako magmukhan nagpapaawa sa harapan niya, gusto kong maging matapang sa harap niya pero kahit anong gawin kong tapang tapangan mahina pa rin ako pagdating sa kanya.

"Ngayon nasira na, sinira mo na yung paniniwala ko na masaya tayo noon bago ako maaksidente, kasi ngayon iniisip ko nalang na kaya mo ako niligawan at nagtiis ka ng ganoon katagal sa akin ay dahil nakokonsensya ka lang, nakokonsensya ka dahil alam mong kapag nagising ako ay wala na akong Yoongi na babalikan dahil break na kami, nakonsensya ka lang kasi ikaw yung dahilan kung bakit nawalan ako ng memorya at ikaw yung dahilan kung bakit ako naaksidente." Mariin na sabi ko.

Napatingala ako para pigilan yung pag-bagsak ng luha ko pero hindi ko kaya. Kaya naman mabilis kong pinupunasan yung mga luha ko.

"Pero Kookie, matanong nga kita. Sagutin mo ako ng maayos, wag ka ng magsinungaling sa akin ngayon." Nakita kong nakakagat pa rin siya sa labi niya hanggang ngayon at naghantay lang siya ng sasabihin ko.

"Kahit minsan, kahit konti, o kahit saglit lang, minahal mo ba ko?" Pinunasan ko yung natitirang luha sa mata ko pero patuloy lang iyon sa pagbagsak.

Hindi pa rin siya sumasagot sa akin kaya mas lalo akong naiiyak. I knew it.

Lalo na nung unti-unting bumagsak na rin yung luha niya na kanina pa niya pinipigilan habang nakatitig siya sa akin ay parang lalong kinurot yung puso ko.

"Sobra Honey, Sobra." Mahinang sabi niya.

Pinipigilan ko lalo na umiyak, hindi ko alam kung bakit kaylangan kong pang pigilan. May isa pa akong gustong gustong malaman, kaya naman inipon ko lahat ng lakas ng loob ko bago ko siya tiningnan ulit ng diretso sa mata niya.

"Last na 'to, Kookie. Bago kita tuluyang bitawan." Napatingin ako sa cellphone niya na nakalapag sa lamesa ngayon, kinuha ko yung cellphone ko bago ko nagsimulang magtype sa application na matagal ko ng ginagamit.

Kahit nanginginig yung kamay ko ay pinindot ko yung send, parang mas lalo lang bumilis yung tibok ng puso ko ng pareho kaming napatingin sa cellphone niya ng bigla iyong umilaw.

Nakita ko yung gulat sa mata niya ng makita niyang nakatingin ako ng diretso sa cellphone niya.

Panibagong luha na naman yung bumagsak sa mata ko bago tumayo sa kinauupuan ko.

"Iyun lang yung gusto kong malaman, salamat sa lahat." Mariin na sabi ko bago ko siya tinalikuran at naglakad na palabas ng coffee shop.

Kasabay ng pagtalikod ko sa kanya ay ang pagtalikod ko rin sa lugar na 'to. Sa lahat ng memories ko ditong natatandaan ko pa pati na rin sa hindi ko na natatandaan pa.

Buo na yung desisyon ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top