Honey 005

"Honey! Bilisan mo naman kanina pa naghahantay si Suga dito sa baba."

Alam mo yung feeling na mas inip na inip pa si mama kaysa kay Kuya Suga, kanina pa naghihimutok ang butchi ni mama samantalang si Kuya Suga ay kalmado lang. Nag-aayos pa kasi ako ng mukha, syempre nakakailang naman kung just woke up like this lang ang mukha ko, ano nalang sasabihin ng mga nakakakita sa amin di ba?

"Eto na!" Sigaw ko bago ako nagmamadaling bumaba sa kwarto ko ng matapos na kong makapaglipstick.

"Hindi mo naman kaylangan pang magpaganda, ayos naman kay Suga kahit anong hitsura mo, di ba?" Nakangising sabi ni Mama bago nya siniko si Kuya Suga kaya naman awkward syang napatango at para bang nabigla lang kaya sya um-oo.

"Nako ma! Wag mo ngang lokohin si Kuya Suga." Sabi ko sa kanya.

"Hijo, i-uwi mo agad 'yang si Honey, bawal yan gabihin. Prinsesa namin 'yan." Bilin pa ni Papa kaya naman napairap akong bigla.

"Pa naman! Nakikisali ka pa eh." Sabi ko kaya naman natawa silang dalawa ni Mama.

"Hay nako, kung di ka lang talaga nabagok 'yang ulo mo." Parinig ni Mama kaya naman mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

"Oh sya! Umalis na kayong dalawa at baka gabihin pa kayo." Pagtataboy sa amin ni Mama kaya naman lumabas na kami ni Kuya Suga.

"Pasensya ka na kay mama at papa ah?" Sabi ko habang nasa byahe kami.

"Ayos lang, sanay naman na ako." Aniya.

"Sanay?" Nagtatakhang tanong ko, pano sya masasanay eh iyon lang naman ang unang beses na naging ganun sila mama sa kanya, unless nalang kung dati pa nya kakilala sila mama at sinasabihan syang ganun.

"Nevermind." Aniya.

Nang makarating na kami sa mall ay nagpasama na ako sa kanya sa parlor.

Tinanong ako kung hanggang saan ipapagupit ko at sinabi ko naman iyon agad.

"Sure ka miss? Sayang naman 'tong buhok mo." Sabi nung baklang
Manggugupit.

"Sure po hehe." Sagot ko.

"Hindi ka naman siguro nagmumove on? May boyfriend ka namang naghihintay sayo dyan oh." Biro nya sa akin.

"Hindi ko pa sya boyfriend." Sabi ko.

"Kapatid mo?" Nagtatakhang tanong sa akin ng bakla.

"Hindi rin po, kapatid po siya ng kaibigan ko." Paliwanag ko.

"Sigurado kang wala kayong something? Parang napakaimposible naman na sasamahan ka ng kapatid ng kaibigan mo sa isang mall." Anito.

"Hehehehehehe." Awkward na tawa ko kasi wala naman akong maisagot.

Nang matapos na akong magpagupit ay nagtungo na agad ako sa counter para magbayad.

"Bayad na po yung sayo, binayaran na po ng boyfriend mo." Sabi nito.

"Hindi ko po sya boyfriend." Sabi ko bago ko napatingin kay Kuya Suga na nakatulog habang naghihintay sakin.

"Pero sabi po niya." Anito.

"Sabi nya? Sure kayo?" Tanong ko ulit at tumango lang siya sa akin.

Hindi na ako nagbayad at lumapit nalang ako kay Suga na natutulog pa rin hanggang ngayon, umupo muna ako sa tabi nya dahil tulog pa talaga siya pero napatigil ako ng bigla syang magising at napatingin siya agad sa akin.

"K-Kanina ka pa?" Tanong nya sa akin.

"Hindi naman." Sagot ko sa kanya. "Sinabi mo ba sa counter na boyfriend kita?" Tanong ko.

"H-Hindi ah!" Giit nya.

"Okay." Tipid na sagot ko.

"A-Anong okay?" Tanong ulit nya.

"Okay, edi hindi mo sinabi kaya okay." Paliwanag ko.

Nagkatinginan na naman kaming dalawa bago sya nag-iwas na naman ng tingin sa akin.

"Samahan mo na kong mamili." Sabi ko sa kanya.

Sinamahan nya nga akong mamili ng gamit ko at sinamahan nya rin akong kumain sa paborito kong fast food chain. Hindi siya masyadong kumikibo pero masaya pa rin ako na kasama ko siya.

Hawak-hawak nya lahat ng pinamili ko, napansin kong maraming tao pala ngayon sa mall dahil may artista daw na dadating dito mamaya. Maya't maya ay nabubunggo kami sa mga tao kaya naman nagulat ako ng biglang hinawakan ni Kuya Suga ang kamay ko.

Magkahawak yung kamay namin habang naglalakad kami patungo sa fourth floor, inaya ko kasi sya na maglaro ng arcade games at pumayag naman agad sya sa gusto ko.

Habang nasa escalator kami ay para akong natigilan ng makita ko ang isang taong nakasakay sa pababang escalator, habang kami naman ni Kuya Suga ay pataas, naka-akbay siya sa isang babae kaya naman muntik na akong mapatigil.

Dumiretso agad sa kanya ang tingin ko at ganun din naman sya sa akin. Para akong natigilan ng magtama ang tingin namin sa isa't isa. Parang bumalik sa akin lahat ng ginawa niya nyang kalokohan sa akin, kahit napatulala ako ay naramdaman kong napatingin din si Kuya Suga sa kanya. Hanggang sa sya na mismo ang unang nagbitaw sa pagtititigan naming dalawa.

Parang sa relasyon namin, sya din yung unang bumitaw.

Nang makarating na kami sa fourth floor ay parang wala pa rin ako sa sarili, lalong lalo na sa ideyang may bagong babae na naman syang kaakbay. Naiinis ako, naiirita ako. Akala ko makamove on na ako sa kanya pero hindi pa pala.

"Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Kuya Suga.

Tumango ako sa kanya at pinilit kong ngumiti kahit hindi na ako naman talaga ako ayos. Gusto kong kunin si Kookie doon sa babae pero anong karapatan ko? Matagal ng naputol yung karapatan ko sa kanya.

"Tara, saan mo ba gusto pumunta?" Tanong sa akin ni Kuya Suga bago nya hinawakan ang kamay ko at akmang maglalakad na sya pero nanatili ako sa pwesto ko.

"Gusto ko ng umuwi Kuya."

Nakita kong sumeryoso ang mukha nya dahil sa sinabi ko.

"Last na, akala ko ba gusto mong mag-arcade games?" Tanong nya sa akin.

"Ayoko na." Walang ganang sabi ko.

Pero nagulat ako ng hinila pa rin nya ako patungo sa mga arcade games, laking gulat ko ng imbes na magtuloy tuloy kami papasok sa mga arcade ay pinasok niya ako sa loob ng isang photobooth kaya naman napatigil akong bigla.

"Let's make it fast--"

"What?!"

"Honey, mahal kita."

Natahimik kaming dalawa, parehong walang kumikibo sa amin pagkatapos nyang sabihin iyon.

"Pero mahal ko pa rin si Kookie."

And that's it, iyon ang huli kong sinabi bago ako umalis ng photobooth at nagtatakbo pababa ng third floor para habulin si Kookie.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top