Honey 003

"Namjoon." Malamig na tawag ni Suga.

"Bakit Kuya?" Tanong nito.

"May hindi kasi ako natapos na project, mahirap kasi pwede mo bang gawin?" Tamong nito.

"H-Huh? Madami kasi akong gagawin Kuya. S-Sorry." Nakayukong sabi ni Namjoon, napabuntong hininga si Yoongi dahil alam naman niyang iyon ang sasabihin ni Namjoon.

Kaya naman huminga muna si Yoongi para ilabas niya ang pangsuhol niya.

"10gb, HD. 1080. Latest update, hardcore. Mia Khalifa, Maria Ozawa--"

"Bro! Nakalimutan ko, bukas pa pala ako magiging busy, ano ba 'yang project na yan? Madali lang 'yan. Akin na yung libro."

Napangiti si Yoongi bago niya inabot yung project kay Namjoon. Mas malaki kasi ang tiwala ni Yoongi kay Namjoon natatapos niya iyon ka agad na tama pa ang mga sagot.

"Oo nga pala hyung, ubos na tissue natin sa banyo." Paalala ni Namjoon kay Yoongi.

"Panyo nalang ipamunas mo. Choosy ka pa eh." Anito.

"Bro naman!"

"Oo na, gusto mo baby wipes pa eh. Tapusin mo lang yan at maliligayahan ka sa mapapanuod mo." Sabi ni Yoongi bago siya naglakad pabalik sa sofa.

"Yan ang gusto ko sa'yo eh!" Sigaw ni Namjoon kaya naman napailing nalang uliy si Yoongi.

•••••

"Wahhh!! Ano ng gagawin ko?!" Sigaw ni Honey habang sinasabunutan niya ang sarili niya sa sobrang inis.

"Patay na ako sa prof namin jusko!"

Nagtatalon siya habang sinisipa-sipa pa niya ang isang paa niya, ang dami na niyang naisip na ipapalusot kagaya na ng nagkasakit siya kaya di niya nagawa, o hindi naman kaya ay absent siya kaya di niya alam yung project o hindi naman kaya ay sabihin niya ang totoo na nabasa iyon dahil sinundan niya ang ex-boyfriend niya at ang bago nito.

"Wag nalang kaya akong pumasok?" Tanong ni Honey sa sarili niya.

Oo! Tama! Hindi nalang ako papasok!

Nakangiting tumalikod si Honey para sana maglakad papaalis sa school pero nabunggo siya sa isang lalaki. Ang bango nga eh, inaamoy-amoy pa talaga niya bago siya tuluyang humilay sa dibdib ng lalaki at yumuko para humingi ng tawad.

"Sorry po--"

Biglang napatigil si Honey ng makita niya ang lalaking nakabungguan niya, akala mo ay napakatangkad nito kung makatingin sa kanya eh samantalang 5cm lang naman ang tangkad nito sa kanya, kaya naman nagtaka siya kung bakit sa dibdib siya tumama nito.

"Honey..."

"Oh! Hi Kuya Suga! B-Bye!" Kinakabahang sabi ni Honey bago siya nagptatakbo papaalis pero bigla siyang hinawakan ni Suga sa braso para hindi ito tuluyang makalayo.

Patay kang bata ka!

"Pakibigay naman 'to sa teacher nyo sa algebra--"

"Ay! Nako! Kuya Suga may emergency kasi! Di ako pwede! Kaylangan ko ng umuwi!"

Tatakbo na naman sana si Honey pero hinawakan na naman siya ni Suga sa braso kaya hindi siya nakaalis. Nakamaraming mura na si Honey sa isip niya at sa totoo lang ay pinapatay na niya si Kuya Suga sa isip niya.

"Dadalhin mo 'to o isusumbong kitang nagkacutting ka?" Malamig na tanong nito habang nakatingin ng masama sa kanya.

"S-S-Sabi k-ko nga eh..." Kinakabahang sabi ni Honey bago niya kinuha ang folder kay Yoongi at pagkatapos ay nagtatakbo na siya papunta sa room nila habang panay ang mura niya sa kanyang isip.

Pagpasok niya sa room, kamalasmalasan ay nandoon na pala yung prof nila kaya halos lahat ng atensyon ay napunta sa kanya.

"Ms. Yoon, you're late again." Mariin na sabi ng guro.

"I-I'm sorry po." Napayuko nalang si Honey habang nakakagat sa labi niya dahil nagreready siya sa bulyaw ng teacher niya pero hindi naman ito sumigaw sa halip ay kinuha nito ang folder sa kamay ni Honey.

"Is this your project?" Tanong nito kay Honey.

Iiling na sana sya at sasabihin na pinabigay iyon ng Kuya Suga nya pero napatigil siya ng makita niya ang pangalan na nakasulat sa harapan. It's her name. Damn it!

"Very good, pwede ka ng maupo." Sabi nito habang nakatingin pa rin sa project niya.

Nag-aalangan si Honey kung uupo na ba siya o hindi pero naisip niya na umupo nalang dahil sa takot na makagalitan siya.

Ayaw magsink in sa utak niya na Yoon Honey ang nakasulat sa harapan ng folder it.  Anong ibig sabihin noon?

Napangiti siya ng bigla niyang maisip si Kuya Suga. Ano yun? Ginawa niya ako ng project? Nakakapagtaka, bakit ang bait niya?

Hindi maiwasan ni Honey ang pagngiti niya pero pilit niya iyong pinipigilan dahil baka pagnakita siya bg mga kaklase niya ay mapagkamalan syang baliw.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top