Honey 002

"Oh pinapabigay ni Honey."

Inabot ni Taehyung ang cookies na pinapabigay ni Honey kay Jungkook pero tiningnan niya lang ito.

"Hindi ko mataganggap 'yan. Kung gusto mo sa'yo nalang." Walang emosyong sabi ni Kookie.

"Talaga?! Hehehehe thank you ah! Gustong gusto ko pa naman yung mga cookies ni Honey. Mas masarap pa kaysa sa mga bakery." Masayang sabi ni Taehyung bago niya nilantalan ang cookies sa tabi ni Jungkook.

"Pero alam mo? Naaawa na ako kay Honey, umaasa pa rin kasi siya na magkakabalikan kayo." Ani Taehyung pero hindi siya pinansin ni Jungkook dahil abala ito sa kung ano mang binabasa niya sa cellphone.

"Kung ayaw mo na kay Honey, pabayaan mo na yung tao." Dagdag pa ni Taehyung pero di pa rin siya pinapansin nito.

"Pero kung mahal mo pa rin siya at nagpaparaya ka lang kay Kuya Suga--"

Napatigil si Taehyung sa pagsasalita niya ng biglang ibinalibag ni Jungkook ang unan niya kaya naman namaitsa iyon at tumama sa vase na naging dahilan para mabasag iyon.

"Jungkook ano ba?!" Sigaw ni Taehyung ng maalala niya ang halaga ng vase na binasag ni Jungkook.

"Hindi ako nagpaparaya, okay? Pang tanga lang yung salitang yun." Galit na sabi nito.

Napakunot ang noo ni Taehyung dahil sa inaasta ni Jungkook ngayon, kahit kaylan ay hindi siya pinagtaasan ng boses nito kaya naman naninibago siya sa kanya.

"Kung anong ganoon anong ginagawa mo ngayon? Jungkook, wag na tayong maglokohan dito. Alam kong mahal mo si Honey, nakita ko lahat ng effort mo para mapasagot lang siya, nakita ko lahat yun. Pati yung pagkulong mo sa kwarto noong nakipagbreak ka sa kanya. Ano ba talagang problema at iniwan mo siya para ipagpalit sa iba? At sa kaibigan pa mismo niya."

Nanibago na rin si Jungkook dahil sa sinabi ni Taehyung, kilala kasi niya 'to na hindi naman nagseseryoso sa mga tinatanong niya kaya naman natahimik siya. At isa rin sa ng dahilan ng pagtahimik niya ay dahil tama ang mga sinabi ni Taehyung.

Mahal niya si Honey. Sobra.

"Kung sasaktan mo lang ng paulit-ulit si Honey, pakawalan mo na siya. Hayaan mo na siya doon sa taong kaya siyang ingatan at pahalagahan. Minsan lang ako magdrama ng ganito pero kasi bro, naaawa na ako kay Honey. Ang sarap pa naman ng mga cookies niya, baka dahil sa sobrang bitter nya sayo umalat na rin 'to. Kawawa naman kami na nabibigyan ng grasya tuwing nagbibake siya. Di ba?"

"Bahala siya sa buhay niya." Malamig na sabi ni Jungkook, pero sa loob-loob niya ay nag-aalala siya para kay Honey.

"Si Kuya Suga..." Napatigip sa pagsasalita si Taehyung ng marealize niyang hindi niya dapat sabihin iyon kay Jungkook.

"Ano yun?" Tanong ni Kookie.

"Ano... Kasi... W-Wala!" Napakamot sa ulo si Taehyung ng maubusan siya ng ipapalusot.

"Sabihin mo na kasi." Ani Jungkook.

"Sa tingin ko kasi umpisa palang gusto na ni Kuya Suga si Honey, ano... Di mo ba napapansin dati? Tuwing dinadala ni Kuya Jin si Honey dito para makapagbake sila ay laging sinusundan ng tingin ni Kuya Suga si Honey, pero simula noong naging kayo ay hindi na muling tumingin si Kuya Suga sa kanya." Paliwanag ni Taehyung.

Napangiti ng mapait si Jungkook dahil lahat ng sinabi ni Taehyung ay matagal na niya alam. But then, alam niya sa sarili niyang nagkunware siyang hindi niya iyon nahahalata dahil nung panahon na yun ay gusto na rin niya si Honey.

Kung hindi lang siya nagbulaglugan edi sana ay baka masaya na si Honey at ang Kuya Suga niya sa isa't isa pero mas pinili pa rin niya yung nararamdaman niya dahil gusto lang naman niyang maging masaya kasama ni Honey.

Oo! Hindi siya nagpaparaya, may itinatama lang talaga siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top