Draft 003
Dear Kookie,
Nakalimutan mo na ba yung mukha ni Honey? Maikli yung buhok niya nung umalis siya, ngayon hindi ko na alam kung mahaba na ba yung buhok niya o nagpagupit ulit siya. Pero kung gusto mo talaga siyang maalala, hanapin mo yung isang album, kulay asul siya. Walang tatak, plain na asul lang. Yung babaeng nandyan, siya si Honey. Pero kapag nakita mo siya ulit, wag mo na siyang guluhin, hayaan mo na siya kay Kuya Suga mo kasi iyon naman dapat. Iyon naman dapat yung matagal mo ng ginawa.
Pero kapag bumalik siya, yakapin mo siya, kapag kinausap ka niya, pangitiin mo siya, kapag nakipagbalikan siya, makipagkaibigan ka, kapag sinabi niyang mahal ka pa niya, sabihin mo hindi mo na siya mahal pero minahal mo siya nung natatandaan mo pa siya, at kapag umiyak siya punasan mo yung luha niya, gawin mo yung mga bagay na hindi mo ginawa nung natatandaan mo pa siya. Pero wag kang magsisisi, kasi tama lang yung ginawa mo dati. Kasi kung hindi ka nakipagbreak sa kanya, kung hindi mo siya iniwan. Makikita ka niyang nahihirapan, makikita niya kung papaano mo siya unti-unting nakakalimutan. At ayokong mangyari yun dahil alam kong masasaktan lang siya, kasi mahal na mahal ka niya kagaya ng pagmamahal mo sa kanya.
Tandaan mo, lagi mong sinasabi dati na tutulungan mo siyang kalimutan ka niya bago mo pa siya tuluyang makalimutan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top