Diary 044

Dear Kookie from 2017,

Ngayong araw nagdrive tayong dalawa gamit yung kotse ni Suga, takot na takot ako dahil pakiramdam ko mababangga na mababangga mo yung sasakyan, sigaw ako ng sigaw dahil lagi mong nabibitawan yung manubela pero wala ka yatang takot mamatay dahil natatawa ka lang lalo na kapag nakikita mo yung ekspresyon ng mukha ko.

Sa sobrang pagod ko at takot ko sa araw na 'to ay hindi na natin nagawa yung iba mo pang gusto, idagdag mo pa na suka ako ng suka sa sobrang hilo ko sa pagdadrive mo pero natatawa ka lang habang pinapanuod mo kong suka ng suka, kaya naman sa sobrang badtrip ko sa'yo hindi ako nakipaglaro sa'yo sa computer games at tinulugan nalang kita. Minsan talaga makakalimutan mo yung ibang bagay pero hindi mo man lang nakalimutan yung pagiging maloko mo. Sarap mong tadyakan Kookie hanggang ngayon. Kookieng ina ka.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top