Diary 040

Dear Kookie,

Kookie alam mo kanina pa ko hindi mapakali, pumunta dito sa amin si Kuya Suga mo ngayon-ngayon lang kakaalis lang nya. Ganto kasi nangyari, edi hindi ako makababa kasi hindi ko alam gagawin ko, kaya naman naglakad-lakad lang ako pabalikbalik sa kwarto ko habang pinag iisipan ko kung ano bang dapat kong gawin. Tapos etong Kuya Suga mo na napakaikli ng pasensya biglang sumigaw sa tapat ng bintana ng kwarto ko na babain ko daw siya, pero sumilip lang ako sa bintana tapos nakita ko na ang sama ng tingin niya sa akin kaya naman biglang isang cute na babae na takot sa kuya mo bumaba na ako at pinuntahan ko siya. At isa pa natatakot akong magising si mommy at daddy dahil panay ang sigaw ni Kuya Suga. No choice talaga ako kung hindi bumaba at puntahan siya.

Tapos bigla nalang niya akong hinila paaalis sa tapat ng bahay namin, syempre shookt si ako. Bakit niya ako hihilahin sa labas ng bahay namin ng ganoong oras ng gabi, edi nagsimula na naman akong maloka, naiisip ko papaano kung hindi pala talaga siya si Kuya Suga? Pano kung mumu pala siya di ba? Tapos nagpanggap lang siyang si Kuya Suga para ibenta niya ako sa demonyo omg, at naisip ko rin na baka alien siya? tapos kamukha niya si Kuya Suga kasi naniniwala akong may dalawang mundo at lahat ng tao dun kamukha din natin, pero naisip ko na wala ng sense iniisip ko kaya napunta ako dun sa medyo realistic, papaano kung marape ako? Kasi anong oras na oh, 12:18 am na noon. Naisip ko tuloy na baka may balak siyang masama sa akin huhu sana mapatawad ako ni Kuya Suga na pinagisipan ko siya ng ganun huhuhu.

Pero ecret lang natin ha, inisip ko rin baka ibenta niya ako sa sindikato tapos kukunin lamang loob ko, huhu natatakot talaga ako kasi imagine hindi ko nga binenta yung kidney ko nung nagconcert dito yung idol ko kasi natatakot ako tapos sila ganun ganun lang kukunin nila yung lahat ng lamang loob ko para ibenta huhuhu. Pero hindi iyon eh. Dinala niya ako sa tapat coffee shop na pinupuntahan namin, sarado na yun noon tapos street light na lang yung bukas, natatakot ako kasi wala na talagang masyadong tao na at dumadaan.

Hanggang sa wala man lang siyang kahit anong salita Kookie o kahit babala man lang, kasi mismo sa oras na yun, sa tapat mismo ng coffee shop na yun. Hinalikan niya ako.

Pero promise Kookie, siya lang yung ibang humalik sa akin bukod sa'yo. Sorry, sorry. Hindi ko naman alam, hindi ko naman kasi inexpect.

Sa sobrang gulat ko tinulak ko siya Kookie, tapos tumakbo ako. Akala ko katapusan na ng buhay ko ng may muntik ng makasagasa sa akin na kotse. Mabuti nalang nakahinto agad yung kotse kaya hindi ako tinamaan.

Sa sa oras mismo na yun Kookie parang may naalala ako, naalala ko bigla yung mukha mo. Hindi ko alam kung bakit.

Hinatadin ako ni Kuya Suga pauwi sa amin, ang awkward kasi hindi kami nagkikibuan hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay namin. Tinanong niya ako kung okay lang ba ako at kung ano-ano pa. Hindi ako masyadong nagsasalita Kookie kasi ang sama na talaga ng pakiramdam ko.

Sumasakit yung ulo ko. Nung uminom ulit ako ng gamot maayos naman na ulit, pero hindi pa rin ako makatulog.

Kasi mas lalong dumadami yung tanong sa isip ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top