Diary 037
Dear Kookie,
May sasabihin ako, pero secret lang ha? Nakipagkita ako kay Taehyung kanina, binigay ko sa kanya lahat ng binigay mo sa akin. Nung una nagtataka sya kung bakit ko binibigay sa kanya pero kalaunan ay tinanggap din nya lahat. Kasi magagamit daw nya yun at gusto daw nya yung mga teddy bear doon pati mga action figures na binigay mo sa akin kaya naman ang sabi nya ay aalagaan daw nya yung mabuting lahat, kahit medyo labag sa loob ko ay ginawa ko yun, kahit ganto ako ay gusto ko rin naman ng makatakas sa paghihirap na to. Gusto ko rin magmove on no!
Masaya ako kasi lahat ng gamit na pinahalagahan ko ay may iba ng magpapahalaga, alam kong aalagaan nya iyon ng ayos, alam kong iingatan nya yun. Siguro tama lang yung nagchat sa akin na kay Taehyung ko yun ibigay, alam ko namang pinapahalagahan nya lahat ng binibigay sa kanya lalo na kung alam nyang mahalaga iyon para sa nagbigay sa kanya.
Ewan ko ba kookie pero parang lahat ng tao sa paligid ko gustong makamove on na ako sayo, pati kasi si Taehyung ay gusto rin na magmove on na ako sayo. Gusto nya na maging masaya ako ng wala ka. Bakit? Naguguluhan ako. Alam nilang mahal kita pero imbes na tulungan nila tayong magkabalikan ay gusto nilang maging masaya ako ng wala ka. Hindi ko alam kung magandang bagay ba yun o hindi pero hindi ko gusto yung kutob ko sa mga ganoong bagay, hindi ko ba alam kung ayaw ko lang ba talagang magmove on pakiramdam ko may mali talaga sa lahat ng bagay, para bang may isang part sa buhay ko na mysteryo pa rin hanggang ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top