Diary 034

Dear Kookie,

Kasama ko ulit si Kuya Suga kanina sa coffee shop na pinuntahan namin kahapon. Kiniss nya ako sa noo, nashock ako sa ginawa nya kasi bakit naman nya gagawin yun di ba? Shocks. Pero ang cute nya. Ewan ko ba kookie, pero parang iba pa rin kasi yung nararamdaman ko sayo. Oo natutuwa ako sa actions nya, oo parang gusto ko siya. Pero kookie, parang may mali? Parang may naaalala ako sa kanya at gusto kong malaman yun kaya sumasama ako sa kanya. Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang makausap. Gusto ko siyang makilala pa at gusto ko rin siyang makasama pero bakit parang ikaw pa rin yung gusto ko.

Pero papaano kung mapamahal na ko kay Kuya Suga? Papaano kung magkagusto ako sa kanya? Magagalit ka ba? Alam ko maiinis ka kasi kapatid mo yun eh. Mapapatawad mo ba ako? Kami? Ang dami na namang tanong sa isip ko. Wala na naman akong masagot pero alam mo? Gusto ko na syang palaging kasama, ewan ko ba pero kahit ang awkward namin sa isa't isa pero parang komportable na ako sa kanya.

By the way may nagpapadala pa rin sa akin ng bulaklak, araw-araw pa rin at walang palya. Nakucurious tuloy ako lalo kung sino yung nagbibigay. Sana makilala ko na rin sya, gusto kong magpasalamat kasi kahit minsan na down na down ako tapos bibigyan ako ng flower, napapangiti ako infairness. Kaya gusto ko sanang magthank you sa kanya. Pero mukhang wala syang balak magpakilala. Sadlife.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top