Diary 033
Dear Kookie,
Alam mo ba na inaya ako ni Kuya Suga sa malapit na coffee shop sa school? Sumama ako syempre. Nagulat kasi ako dahil bigla niya akong inaya, napakabipolar nya talaga. Noon ko lang sya nakitang ganoon kasigla, panay ang ngiti niya sa akin kaya nasisilaw ako sa gilagid nya. Ang sarap nyang kasama, para bang may naalala akong isang bagay pero di ko mapoint out kung bakit pakiramdam ko hindi yung first time. Pakiramdam ko sanay na ako sa ganoong feeling, pakiramdam ko minsan ko na syang nakasama sa coffee shop. Ito na ba yung sinasabi nila deja vu? Tama ba spelling? Basta iyon.
Hindi ako naiilang sa kanya habang nagkukwentuhan kaming dalawa, hindi tumigil yung kwentuhan namin dahil parang ang dami nyang alam sa akin para bang kabisado na nya ako. Para bang kilalang kilala nya ako. Alam nya lahat ng hilig ko, hindi na sya nagtanong sa akin kung anong gusto kong orderin dahil siya na mismo umorder para sa akin at alam mo bang lahat ng enorder nya ay paborito ko, pati na rin yung konting asukal lang sa kape ko, alam nyang mahilig akong sa hindi gaanong matamis na kape, gusto ko sanang tanungin kung bakit nya alam? Bakit parang kilala nya ako? Bakit parang kabisado nya ako? Bakit parang matagal ko na syang nakakasama? Bakit parang nag-eenjoy ako sa kanya? Bakit parang gusto kong palaging kasama sya? Bakit pakiramdam ko siya yung taong pwedeng makatulong sa akin para makalimutan ka? Bakit ganto yung mentality ko? Bakit ako gagamit ng isang tao para lang sa pagmomove on ko? Bakit nalilito na ako? Bakit parang nakakalimutan kita kapag kasmaa ko sya? Bakit ko naiisip yung mga gantong bagay? Bakit ang dami kong tanong sa isip ko? At higit sa lahat bakit parang nagugustuhan ko na sya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top