Diary 031

Dear Kookie,

Parang may mali kay Kuya Suga ngayon, hindi nya kasi ako kinausap ngayon. I mean hindi naman talaga nya ako kinakausap, ako lang ang kumakausap sa kanya. Pero ang malu doon ay hindi na talaga sya nagrereponse. Para bang iniiwasan nya ako? Hindi ko alam kookie kung bakit. Nai-stress na ako, may nagawa ba akong mali? May nasabi ba akong mali? Galit ba sya sa akin? Di na ba nya ako bati? Naalala kaya nya na pinagbintangan ko syang kumuha ng cookies kaya nagalit sya sa akin bigla? Ang gulo kookie, hindi ko alam pero na depress ako nung bigla akong iniwasan ni Kuya Suga.

Kookie, pwede mo bang tanungin kung bakit siya nagagalit sa akin? Kung nagagalit ba talaga siya sa akin o hindi nya lang ako napansin dahil maliit ako? Pero maliit din naman sya ah! Dapat nakita nya ako! :3

Ayoko ng ganto, alam kong di mo naman ako tutulungan kookie na makipagbati sa kuya mo, namimiss na nga kita tapos nadagdag pa tong isipin ko na bigla nalang akong di pinansin ni Kuya Suga.

Hala! Papaano kung nabasa nya yung mga sinulat ko sa likod ng banyo nung naiinis ako sa kanya? Nagsulat kasi ako sa dingding ng lumang banyo sa school noong minsang nainis ako sa kanya, puro pangtatrashtalk nakasulat doon. Siguro nabasa nya yun tapos nalaman nya na agad na ako yun! Hala! Pero pano naman nya makikita yun eh babae lang pwede pumasok don? Hala! Pano kung nagpanggap pala syang babae para mabasa nya sinulat ko dun! Hala! Bat naman nya malalaman na may sulat ako dun? Hala! Ang dami namang pumasok sa isip ko at bakit ba puro hala yung sinasabi ko.

Nababaliw na yata ako sa hindj pagpansin sa akin ni Kuya Suga, kapag hindi pa talaga nya ulit ako pinansin ay baka ikabaliw ko na yun. Hays! Pano na yan? Nag-aalala ako sa friendship namin ni Kuya Suga. :(

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top