Diary 025
Dear Kookie,
Magkasama kaming magbreak time ni Kuya Suga, papaano naman kasi vacant namin tapos nakita ko siyang kumakain sa may bench, nahihiya man ako pero inapproach ko siya. Oo ako unang kumausap at hanggang huli ako din kumakausap. Di kasi siya kumikibo. Tumatango lang siya tuwing nagtatanong ako, ngumingiti lang siya kapag nagpapatawa ako. Kaya ang awkward talaga pero hindi naman ako nagsisisi na kinausap ko siya. Kahit noong tinanong ko kung anong ginagawa nya mag-isa doon sinagot ba naman ako na kaylangan daw ba may kasama siya. Napaka-savage talaga ni Kuya Suga no? Akala ko nga trip nyang ipahiya pa ko chos hahaha.
Naalala ko tuloy yung mga moments nating dalawa, yung inaabangan mo ko tuwing break time para magkasabay tayong dalawang kumain sa bench. Namiss ko yun Kookie. Kung sana lang, maibalik. JOKE! Alam ko naman na eh. Tanggap ko naman na di tayo magkakabalikan pa :(
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top