Diary 024
Dear Kookie,
Nagkita kami ni Kuya Suga kanina, hindi ko alam kung bakit hindi siya nagsasalita noong inabot ko sa kanya yung cake, ang dami ko sanang tanong sa kanya pero hindi naman sya nagsasalita kaya di nalang ako nagtanong. Awkward. Sobra, di man lang siya ngumingiti. Siguro nilalagnat sya? Nakita ko kasing namumula na yung tenga nya. Ang puti pa naman nya kaya kitang kita ko. Hays.
Mabait naman yata si Kuya Suga. Hinusgahan ko lang agad. Hinatid pa kasi niya ako pauwi, hinantay nya ako sa gate. Pinapapasok ko siya sa bahay pero tumatanggi siya. Mabuti nalang talaga at nakita siya ni Mama kaya noong inaya sya sa loob ay napilitan syang pumasok.
Hindi ko alam kung papaano siya kakausapin kasi nahihiya rin ako sa kanya. Natataranta ako kanina, di ko alam kung anong gagawin ko. Kaya naman naupo nalang ako sa tabi niya noong nasa sala kaming dalawa. Di pa rin siga kumikibo, hiyang hiya ako sa mga sinabi ni Mama sa kanya, kesyo kahit wala na tayo ay kaibigan pa rin ang turing ni Kuya sa akin, kesyo sana si Kuya Suga nalang daw nakatuluyan ko! Nakakahiya! Nakakainis si Mama. Siguro ay nasaktan lang din si Mama sa ginawa mo pero promise Kookie, nagustuhan ka ni Mama dati. Lahat ng pinalita niyang kabaitan sayo ay totoo. Totoong gusto ka niya para sa akin dati. Pero dati nalang yun. :(
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top