Diary 021

Dear Kookie,

Sorry talaga! Hindi ko napaglaban yung cookies huhuhu. Sabi kasi ni Kuya Suga hindi daw siya yung kumuha pero nararamdaman ng almighty feelings ko na siya talaga kumuha nun. Ang hirap kasi kahit anong pilit ko syang kalabanin hindi ko magawa dahil natatakot ako sa kanya. Nakakatakot kasi talaga siya. Sobraa! Pakiramdam ko papatayin nya ako kapag pumalag pa ako. Huhuhu.

Pero Kookie waahh huhuhu TT____TT Sayang yung cookies na ginawa ko para sa'yo. Di bale gagawa nalang ulit ako ng bago. Okay? Wag kang magalit dahil naiwala ko huhuhu. Hayp talaga 'yang si Kuya Suga. Sana sumakit yung tyan niya!

Uhmm, may ikukwento nga pala ako. Naaalala mo yung flowers? Yung nabanggit ko netong mga nakakaraan. Alam mo bang may napansin ako? Napansin ko na araw-araw nagpapadala siya at araw-araw nadadagdagan ng isa. Halimbawa, lima ngayon, bukas ay anim at sa susunod ay pito na. Pakiramdam ko balak niya yatang gawing garden yung kwarto ko. Halos mapuno na kasi yung vase na nilalagyan ko. Panigurado bibili na naman ako ng vase, hindi ko nga maintindihan yung sarili ko kung bakit tinatabi ko pa rin yung mga lilies kahit hindi ko kilala ang nagbibigay. Ang weird.

Oh well, gawa nalang ako ng bagong cookies. Hehehe! ^•^

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top