Diary 020

Dear Kookie,

Punyeta talaga 'yang kapatid mo eh no? Minumura pa ko sa chat! Akala naman niya mapapatawad ko siya! Tss. Tapos dinagdagan na naman niya yung kasalanan niya sa akin. Konti nalang tatanggalan ko na ng gilagid 'yang si Kuya Suga eh!! Kainis. Pinipilit kong magpakabait sa kanya dahil magiging brother-in-law ko siya pag dating ng araw. Charot! Baka sabihan mo pa kong assumera wa? Ikaw nagsabi sa akin niyan dati nung tayo pa. Napapakasalan mo ko pagdating ng tamang panahon, tapos magkakaroon kamo ako ng anim na brother-in-laws. Kaya ang sabi mo hindi na dapat ako malungkot dahil wala akong kapatid. Dahil instant brothers yun, full package pa. (Mga gwapo pa hehehehhe except kay Jin kasi maganda siya, tsaka kay Kuya Suga kasi ayaw ko sa kanya pero gwapo talaga siya! Kaso ayaw ko talaga sa kanya kahit gwapo siya! Basta ganun na yun! Di siya kasali! Hmp!)

Kaso pangarap nalang lahat ng yun. Ayan ha! Napapa-emo tuloy ako. Bigla-bigla nalang ako napapa-emote kapag naalala ko lahat ng mga pinangako mo sa akin na akala ko tutuparin mo, dati akala ko magkakatotoo lahat ng yun pero mukhang ang labo ng mangyari nun ngayon. Minsan naiisip ko na i-untog ko nalang kaya yung ulo ko sa pader ng maliwanagan na ako na malabo nang magkabalikan tayo.

Pero wala eh! Wala ng mas tatanga pa sa akin. Nga pala! Alam kong namimiss mo na yung mga cookies na ginagawa ko para sa'yo. (Kunware miss mo na kahit hindi) kaya ta-dah! Nagbake ako ng cookies para sa'yo. Sana magustuhan mo! Hehe, alam kong matagal na rin simula noong huling beses na pinagbake kita ng cookies kaya sana nagmagustuhan mo 'to tulad ng dati. Sana makita ko ulit yung nakaka-adik mong bunny smile. Hehehehe :">

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top