Diary 012
Dear Kookie,
Isang linggo na akong hindi nagsusulat sa'yo gamit ang lintek na app na 'to. Gusto ko na ngang magcelebrate kasi isang linggo kitang hindi naalala. Masaya na ako, sana ganoon nalang palagi. Kaso lakas din ng tama ni tadhana no? Nagkita na naman tayo. Ang bago nga lang sa'yo ay naka beanie ka na. Kaylan pa nagbago ang style mo? Naiimpluwensyahan ka ba ng mga girlfriendssssssssss mo?
PS. Pakisabi sa Kuya Suga mo na natatakot pa rin ako sa kanya. Aba't papaano ko hindi matatakot?! Gabing gabi na bigla ko siyang makikitang nakatayo malapit sa malaking puno, madalim doon at puting puti naman siya kaya akala ko nakakita ko ng multo! Walangya! Nagtatakbo ko ng mabilis, halos magkandapa-dapa na ako. Nasa bahay na ako noong narealize kong si Kuya Suga lang yun.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top