Diary 011

Dear Kookie,

Anong trip ng Kuya Suga mo? Bakit bigla nalang siyang pumunta sa amin ng ganong oras ng gabi, maski sila mama at papa naguluhan sa pagpunta ni Kuya Suga sa bahay. Mas lalo naman siguro ako? Ang weird niya Kookie, pumunta siya sa amin pero nakatahimik lang sya sa sala tapos di siya nagsasalita, nagtatanong sila papa pero tumatango o umiiling lang sya. Natakot na naman ako sa kanya noong biglang tumingin siya sa akin parang papatayin nya ako, juskoo! Bago siya umalis may inabot siya sa akin, cellphone number yata yun. Sa sobrang curious ko nagtext ako doon para itesting kung cellphone number nga ba at nyeta! May nagreply, number niya yun. Sabi pa wag daw akong gagawa ng kahit anong katangahan, noong una nainis ako kaso naaalala kong matagal na akong tanga, ang tagal ko ng nagpapakatanga sayo at nasa pang-araw araw na buhay ko na yata ang pagiging tanga. (As usual, thanks to you) professional na tuloy ako sa larangan na yun! Tss.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top