Diary 010

Dear Kookie,

Ano pa bang inaasahan ko? HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA Syempre hindi ka pupunta. Wala akong naabutan dun eh! Wala kahit anino mo. Alam mo kung anong oras na ko nakauwi? Alas onse na ng gabi, kung hindi lang ako pinaalis ng guard dahil magsasarado na sila siguro nandoon pa rin ako, umaasa pa rin kasi ako na pupuntahan mo ako. Kaso wala! Ginawa ko na namang tanga yung sarili ko.

Bakit ba tuwing inaaya kitang makipagkita sa akin laging umuulan pagtapos? May galit yata sa akin yung panahon. Akala ko uuwi na naman akong basang basa, mabuti nalang talaga at nakasalubong ko yung Kuya Suga mo. Hinatid niya ako sa amin pero hindi siya nagsasalita, pareho kaming hindi nagsasalita. Sa kauna-unahang beses hindi ako natakot kay Kuya Suga, ganoon talaga siguro kapag broken ka, walangya naman kasi. Nakakahiya kay Kuya Suga, umiyak ako sa harap niya pero hindi siya kumikibo, mas okay na rin siguro na hindi siya kumibo dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali mang magtanong siya kung bakit.

Ayoko na Kookie, sana pagtapos ng araw na 'to makalimutan na kita, di ko na kasi kaya. Nahihirapan na ako. Ayoko na please! Huwag ka ng magpakita sa akin, bakit ba kasi magkatabing section lang tayo? Ayoko ng pumasok kasi makikita lang kita, ayoko ng magfacebook kasi kahit anong pigil ko i-stalk pa rin kita, ayoko ng kumain kasi naaalala ko lang yung mga pasalubong mo sa akin, ayoko ng lumabas kasi baka makita kita, ayoko na sa bahay namin kasi naaalala kitang pumapasok sa bahay namin ng nakangiti, ayoko na. Ayoko ng maalala ka, ayoko na. Kung pwede lang na huwag na akong mabuhay para hindi na kita maaalala, parang ganoon na rin naman kasi ang ginawa mo sa akin. Pinatay mo ko pero hindi ikaw ang nakulong, pinatay mo ako na ako ang nagbayad ng lahat, ako yung nakulong sa alaala mong hayop kang malaking ilong ka!

Ayoko na please.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top