Diary 006
Dear Kookie,
Alam mo? May nagpadala sa akin ng gamot at chicken joy sa jollibee tapos with fries at spaghetti pa! Sabi ni mama nakita daw niya yun sa labas ng bahay kanina pagkagising niya. May nagdoorbell daw tapos nakita niya yun pero walang tao. Stalker ang datingan no? Alam mo ba kung sino unang pumasok sa isip ko na magpapadala noon?
Syempre ikaw! Wala naman akong ibang sinabihan na may sakit ako bukod sa'yo. I mean dito sa diary app ko lang sinabi. Alam kong ikaw nagpadala noon dahil sa cellphone mo 'to naka-connect.
Umamin ka nga Kookie, mahal mo pa rin ba ako? Nag-aalala ka pa rin ba sa akin katulad ng dati? Kung oo, please itext mo ko sa number ko. Tatanggapin kita ulit kahit may iba ka na, kahit hindi mo na ako seryosohin, kahit kausapin mo lang ako tuwing bored ka, kahit hindi mo na ako ganoon kagusto. Basta kahit konting pag-aalala lang diyan sa puso mo okay lang. tatanggapin ko, okay lang sa akin kahit magpakatanga ako sa'yo ng paulit-ulit. Please Kookie, parang awa mo na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top