Diary 005
Dear Kookie,
Hetooo akooooo! Basang-basa sa ulaannn walang masisilungaannn walang malalapitaaaannn~
Na-LSS ako sa kantang iyan, papaano naman kasi umuwi akong basang-basa sa ulan, dahil nga inaraw-araw ko na ang pagiging tanga (thanks to you) nakalimutan kong magdala ng payong, ang tagal kong naghintay sa tapat ng tindahan dahil nga hinihintay ko na tumila ang ulan pero hindi siya tumila kaya naman napilitan akong maglakad sa gitna ng ulan. Pakiramdam ko gumagawa ako ng music video habang naglalakad ako, papaano naman kasi broken hearted na broken hearted ako tapos bigla akong eeksena sa gitna ng ulan.
Naalala ko noon nung bago-bago palang tayong mag-on, umuulan noon at nakalimutan ko rin na magdala ng payong, hindi kita tinetext noon dahil alam kong may practice kayo ng banda kaya naman hinintay kong tumila yung ulan pero kahit hindi kita tinatawagan o tinetext natunton mo ako. Ang sabi mo pa noon ganoon talaga kapag mahal mo ang tao, malalaman at malalaman mo kung nasaan siya kasi may kumokonekta na sa inyong dalawa, anyare sa connection natin? Naputol? May naki-connect na kapitbahay ganern kaya bumagal? Tss, kung anong ikinatamis ng pangalan ko iyon namang ikinabitter ko. Sana ampalaya nalang ang pinagalan sa akin ng magulang ko at hindi Honey.
Pakiramdam ko magkakasipon ako, tss... Kung sana kagaya ng dati na kapag magkakasakit ako ay to the rescue na ka na sa bahay para dalhan ako ng gamot at alagaan ako, kaso hindi. Hindi ka na ganoon at hindi na tayo magiging ganoon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top