Diary 003
Dear Kookie,
Ngayon ko lang narealize na walang-wala pala ako kumpara sa kaibigan ko, isa nga lang pala akong kamote kung itatabi ako sa isang tulad mo. Bagay kayo ng kaibigan ko, totoo yun. Kahit nabibitter ako sa inyo honest naman ako sa sinabi kong bagay kayo. Maganda kasi yung kaibigan ko, sexy, matangkad, samantalang ako para akong gasul. Mataba na nga, maliit pa. Sana una palang sinunod ko na yung sinasabi ni Cupcake na iwan ka, edi sana nasaktan man ako pero hindi ganito, masyado mo pa kasing pinatagal ang pagpapaasa sa akin. Sana noon palang nakipagbreak ka na kung nagsasawa ka na, hindi yung ganito na isinabay mo pa ko sa kaibigan ko. Pwede naman na sabihin mo sa akin na ayaw mo na, bakit di ka agad nakipagbreak? Dahil ba naaawa ka sa akin?
Sabi mo noon layuan ko si Cupcake dahil bad influence siya sa akin pero hindi, mali ka. Ikaw ang bad influence sa akin, tinatama lang ni Cupcake ang lahat ng mali ko. Dahil tama siya, na ang tanga ko, na ang boba ko, na ang gaga ko! Nakakatulog ka ba ng ayos kahit alam mong may isang tao na hindi makatulog nang dahil sa'yo? Sana marealize mo sa huli kung gaano ako kaimportante, sana pagsisihan mo rin na nawala ako sa'yo. Sana maramdaman mo rin kung gaano kasakit na iwan ka ng taong mahal na mahal mo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top