Diary 002
Dear Kookie,
Nang magbreak tayo kahapon pinilit ko ang sarili kong huwag umiyak, and yes. Hindi nga ako umiyak, siguro napapagod na rin yung mata ko kakaiyak. Papaano naman kasi kahit noong tayo pa ay iniiyakan na kita dahil sa harap-harapan mong pakikipaglandian sa mga babae sa school, noong una ay inintindi ko nalang dahil alam ko namang sikat ang banda nyo sa school dahil ilang beses na kayong nanalo sa mga battle of the bands to the point na pati ang ibang school ay kilala na rin kayo. Naka-follow nga ako sa mga fanpage nyo sa facebook pati na rin sa twitter at instagram. Kitang-kita ko yung mga stolen shot ng pakikipaglandian mo sa mga babae. Hahahahaha! Shet, ang sakit.
Pero mahirap pa rin talaga ang pilitin mo ang sarili mong huwag umiyak, nilibang ko nalang ang sarili ko sa panunuod ng korean drama kaso may panay ang pop-up na ad, panay ang x ko pero litaw pa rin siya ng litaw, buti pa yung advertisement kinukulit ako 'no? Eh ikaw? Tss. Pansinin nga hindi mo magawa, parang walang nangyaring break up sa'yo kahapon dahil nakita ko sa facebook na nagpost ka na may kasama kang babae sa isang mall. Lul, gago ka talaga.
Alam mo ba kung bakit ako nagsusulat ng ganto? Syempre hindi, hahahaha para kong tanga! Kinakausap ko ang sarili ko. Well, sinanay mo naman ako sa pagiging tanga. Yung advertisement kasi na makulit ay online diary pala siya na pwede mong i-connect sa ibang tao. Oo, kinonekta ko 'to sa cellphone mo para masabi ko dito lahat ng gusto kong sabihin hanggang sa makamove on ako sa'yo. Sana mabasa mong lahat ng 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top