Dear Honey
Dear Honey,
Hindi ko alam kung nakalimutan na ba kita ngayon o hindi pa, pero kapag nakalimutan ko na yung sarili ko, pakiusap hayaan mo na ko. Tama na yung inaalala mo ako kahit hindi ko na maalala yung sarili ko. At pakiusap Honey kapag wala na ako, magmahal ka ulit.
Hindi kita pipilitin, pero huwag mong ikulong yung sarili mo sa nakaraan. Alam kong mahirap pero alam ko rin na kakayanin mo 'yan. Hindi ako magpapakaselfish Honey, kasi you deserve it. Alam kong mahirap magmahal ulit lalo na kung kakamatay ko lang, pero hayaan mo na. Sa tamang panahon, kapag okay na lahat, kapag wala ng problema, kapag tanggap mo ng wala ako, kapag handa ka na, panigurado. Dadating siya sa buhay mo, hindi ko alam kung sino siya, kung kilala ko ba siya o hindi pero kapag dumating siya sa buhay mo huwag mo ng pakawalan.
Hindi kita pipilitin na kalimutan ako pero sana buksan mo yung puso mo para sa ibang tao, bumuo kayo ng pamilya at maging masaya kayo, gawin mo lahat ng hindi ko nagawa kasama ka, kasi hindi ko talaga kayang ibigay sa'yo yun kahit gustuhin ko, kasi hindi talaga pwede.
Ganoon naman talaga di ba? Kung sino yung taong gusto mo siya yung hindi mo makakatuluyan.
Siguraduhin mo na lang na hindi siya gago, na hindi ka niya sasaktan, hindi ka niya iiwan at hindi ka niya pahihirapan, siguraduhin mong hindi siya tulad ko at hindi niya gagawin yung ginawa ko sa'yong pang-iiwan. Pero sana mahal na mahal ka niya kagaya ng pagmamahal ko sa'yo, o sana kahit higitan niya yung pagmamahal na kaya kong ibigay sa'yo.
Ayos lang umiyak, pero huwag mo namang araw-arawin. Pagpatuloy mo yung buhay mo, tuparin mo lahat ng pangarap mo, kahit hindi na ako yung kasama mo.
Basta tandaan mo lang lagi na may isang Jeon Jungkook na minahal ka at patuloy kang mamahalin kahit nasaan man ako ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top