◎ 2


Nagsisimula na kaming kumain ng dinner ng dumating si papa galing trabaho. Naupo siya at pinag silbihan na siya ni mama. Nilagyan niya ng kanin at ulam yung plato ni papa at sinalinan ng wine yung baso niya.

Napairap ako dahil dun. Hindi ko magets kung bakit kailangang pagsilbihan pa ni mama si papa, eh may mga kamay naman siya.

"Iriza." Napatingin ako kay ate ng tawagin siya ni papa.

"Po?"

"Saan mo balak mag apply ng trabaho? May idea ka na ba?"

"Wala pa po papa. Pero gusto ko sana malapit lang sa school ni Aria, para makakasabay siya sakin pag pasok at pag uwi."

"Bakit dun pa? Eh malayo layo pa yun. Baka mahirapan ka sa biyahe."

"May kotse naman ako papa eh, inaalala ko din si Aria. Mas mahihirapan siyang mag commute."

Gusto kong mag thank you kay ate. Pero mas pinili kong manahimik dahil kay papa. Ganito naman na talaga yung turing niya sakin simula nung bata pa lang kami ni ate, siya kasi yung paborito. Pero wala naman sakin yun. Nasanay na ko.

"Ikaw Aria? Wala ka bang balak mag transfer ng university? Yung mas malapit lapit para hindi mahirapan ang ate mo."

"Wala po papa. Isang taon na lang naman eh. Sayang kung mag tatransfer pa ko."

"Ikaw ang bahala."

Tahimik na kaming lahat habang kumakain. Nang matapos na kong kumain, gusto ko ng tumayo. Pero sinanay nila kami na si papa dapat ang unang aalis bago kami sumunod. Hindi ako sang ayon sa ganon kasi hindi naman meeting ang pag kain namin ng dinner para idismiss kami ng boss.

"Excuse me." Tumayo ako pero hindi pa ko nakakaalis tinawag na ko ni papa.

"Tapos na ba kong kumain, Aria?"

Umiling lang ako at tinignan siya ng diretso sa mga mata niya.

"O saan ka pupunta? Hindi pa pala ko tapos kumain."

"Sa kwarto po."

"Pwede mo namang ipagpamamaya yan. Matuto kang gumalang sa hapag."

"Mas nakakabastos naman po kung iaannounce ko pa na natatae ako."

Tinignan ako ng masama ni papa at nadako ang tingin ko kay mama na nagpipigil ng tawa pero pinandilatan pa rin niya ko ng mata.

"Excuse me po ulit."

Nang makaalis ako sa dining area, halos takbuhin ko na yung hagdan pataas. Pabagsak akong humiga sa kama. Minsan naiisip ko na sana pwedeng mamili ng tatay... yung talagang mag papakaama at tatratuhin niyang pantay ang mga anak niya.

Pinatay ko ang ilaw ng kwarto ko at nagpunta ko sa terrace. Saktong pag kaupo ko, bumukas yung ilaw ng kwarto ng kabilang bahay.

Kinilig ako ng makita ko ang James Reid ng buhay ko. Pag sinuswerte nga naman... magkatapat pa kami ng kwarto. Mga 7 feet lang siguro yung distance ng terrace naming dalawa.

Napasinghap ako ng maghubad siya ng tshirt. Tumambad sakin yung mga abs niya at kinilabutan ako sa hindi malamang dahilan. Tumakbo ako papasok sa loob at binuksan ko yung lampshade ko. Hinanap ko yung telescope ko sa mga drawer. Naligpit ko na yun kanina eh. Kaya sigurado akong nasa mga drawer lang.

Nang makita ko yun, pinatay ko ulit yung lampshade at bumalik ako sa terrace.

Shett Aria! Ang ganda ng view.

Mas nakita ko yung abs niya and this time, naka boxer shorts na lang siya. Pakiramdam ko pinagpapawisan ako ng malapot.

Ibinaling ko sa langit yung tingin ko habang naka telescope. Kinabahan ako dahil napatingin siya sa gawi ko.

Shett! Shett! Shett! Sana hindi niya ko nakita! Sana hindi!

"Hi!"

Nagulat ako ng biglang may nagsalita at alam kong si James Reid yun kaya napatingin ako sa kanya. Kitang kita ko ng malapitan yung mga ngiti niya... at ang ganda ganda ng mga ngipin niya. Kinawayan niya ko kaya ibinaba ko yung telescope ko.

"Hello!" Kahit nag hehesitate ako, kinawayan ko rin siya.

"Anong ginagawa mo?"

"Umm star gazing. Ganda kasi ng abs--tar. Ganda ng star."

"Hmm. Halata ko nga gandang ganda ka."

"Oo. Kaso hindi ko masyadong kita gamit tong telescope."

"Meron akong mahabang telescope... mas makikita mo dun yung stars. Gusto mong hiramin?"

"Wag na. Nakakahiya naman. Next time na siguro."

"By the way, ako nga pala si Jeevan... Jeevan Ashton Nieves."

"Hi! Ang haba ng name mo... wala kang nickname?"

"Hmm... pwede mo naman akong tawaging, Jeevan, Van, Eev, Ash, Ashton. Bahala ka kung anong gusto mong itawag sakin." Nakangiti lang siya habang nag sasalita.

Tumayo ako para sumandal sa railings ng terrace.

"Jeev na lang itatawag ko sa'yo."

Natawa siya at nag thumbs up sakin

"How about you? Anong pangalan mo?"

"Aria Jayla Ruiz."

"What will I call you then?"

"Your choice."

"Hmm... lemme think. How about Aria?" Natawa ko ng sobra. Shett. Ang benta sakin. Ewan ko kung may nakakatawa ba, pero natawa talaga ko.

"Sige, Aria na lang nga."

"My sister saw you awhile ago, sabi niya sakin gusto ka daw niyang maging kaibigan."

"I'm cool with that. Atleast may kaibigan na ko agad. Kakalipat nga lang kasi namin eh."

"Ilang taon ka na pala?"

"I'm 19. Eh ikaw?"

"22. Next week, mag tu-23 na ko."

"Talaga? Advance happy birthday na lang."

"You should come. Mag papa-pool party ako."

"That's cool. Can I bring my sister?"

"Yeah. There's no problem with that."

"Alright. Papasok na ko. Nice meeting you Jeev." Kinawayan ko siya at gusto ko pa sanang mag flying kiss sa kanya, kaso, hindi pa pala ko ang Nadine Lustre ng buhay niya. Maybe soon.

"I enjoyed talking to you through here. Friends na tayo ha?"

"Definitely!"

"I'll be buying walky talky next time so that we don't have to louder our voice just to talk with each other."

Nag thumbs up ako sa kanya at pumasok na ko sa loob. Sinarado ko na rin yung sliding door ng terrace pati yung curtain at binuksan ko yung aircon.

Naligo ako at nagbihis pantulog. Nagmamadali akong maupo sa kama ng may kumatok sa pinto at naalala kong nakalock pala yun kaya binuksan ko.

"Wag mong kalimutan tong gatas."

"Salamat manang..." gabi gabi, bago matulog, nagtitimpla ng gatas si manang sally at dinadalhan niya kami. Si ate, tinatapon na lang daw niya yung gatas kada dadalhan siya. Pero ako, iniinom ko kasi nakasanayan ko na.

"O siya, pagkatapos niyan matulog ka na ha?"

"Okay po. Goodnight manang."

Nilock ko ulit ang pinto at pabalik na sana ko sa kama ng may marinig akong tumunog at nahulog sa may terrace kaya dun ako dumiretso. Pag kabukas ko, merong crumpled paper sa may sahig. Nakapatay na ang ilaw sa kwarto ni Jeev kaya pinulot ko yun. Bumalik ako sa loob at sinarado ulit yung sliding door. Pinatong ko yung baso ng gatas sa may table at tinignan ko yung crumpled paper. Meron bato dun sa loob at may nakasulat sa papel.

'Tomorrow, lunch at my house. Welcome to the neighborhood -Jeev.'

Kinilig ako sa simple act ni Jeev. Kumuha ako ng new notebook sa drawer ng cabinet ko. Color brown yung papel nun at parang pang scrapbook.

Ngayon lang ako gagawa ng diary dahil kinilig ako...

'Dear--'

"Ano nga ba... dapat hindi obvious. Baka may ibang makabasa. Jeevan Ashton Nievez... Nash? Parang pangalan lang ng aso ng dati naming kapitbahay eh. Ton? Dear Ton? Ang panget!! Jeevan Ashton Nievez... aha! Initials! Perfect!!"

'Dear Jan,

The first time I laid my eyes on you... I realized that I found the icing on my cupcake. You are sooo James Reid... so gwapo! Damn!"

(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top